Thursday, June 21, 2012

Kissing Bandit : Chapter 14

CHAPTER 14
(ATASHA ORELLANA POV)


Grabe mga tao dito! May mga lahing bampira yata sila! Hatinggabi at lalo silang nagwawala. Sabi naman ni Zack, the party is just really beginning!


“Nag-eenjoy ka ba?”



“Oo naman! Kasama kasi kita.”



“Ano yun Tasha?” Eh ang binge mo! “Ang lakas ng tugtog, hindi na kita masyadong marinig.”


Ah hindi mo pala marinig ha! “Sabi ko aylabyu!”


“Ano yun? I LOVE YOU???”


Waaaaaaaaaaah! Bakit yun narinig niya? “HINDI!!! Sabi ko alak!!! Alak pa!!! Yung iniinom ko kanina. Orderan mo nga ako ulit nun.”


“Ano ba yung iniinom mo?”


Ay ano nga ba yun? Paano naman kasi si Ate Ganda yung umorder nun eh. “Hindi ko alam ang tawag dito eh.” At hawak ko yung baso na iniinuman ko kanina.


Bigla namang kinuha ni Zack yung baso ko tapos tinikman niya yung tira kong inumin kanina! At owmaygallyness!!! Dun siya uminom sa part kung saan lumalapat yung labi ko sa baso!!!


This is the second time na nag-indirect kiss na kami!!! Pakikurot nga ako at napakalandi ko na talaga!!! Ang feelingera ko! Sobra!


“Ah… Arnold Palmer mocktail pala. Ang sarap ha.” Syempre, may kasamang labi ko yun Zack! Ahihihihi! “Teka, oorderan na kita.”


“Salamat!”


Mainggit ngayon ang mga nakakakita saamin. Pansin ko kasi na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga ibang guest. Paano ba naman itong si Zack, parang boyfriend ko kung makadikit saakin! At kung masyado na kayong nakakapalan sa mukha ko, magbasa kayo ng ibang kwento!


Pagbalik ni Zack dala si ginoong Arnold Palmer, bigla namang may magandang pinatugtog yung DJ. Naghiyawan nga ang lahat tapos yung dancefloor, lalong napuno ng mga tao.




“I like that song…”


“Ako din.” Hindi ko nga alam yang kantang yan. Hindi Tagalog o English. Kanta yata ng alien, pero infairness maganda nga.


Uminom na ako at nakatingin lang ako kay Zack na humi-headbang na lang sa tugtog habang nanonood sa mga nagsasayawan. Kanina pa ‘to nagpaparamdam na ayain ako sa pagsayaw pero humihindi lang ako. “Gusto mo yatang sumayaw! Punta ka na doon. Party niyo ‘to eh, makipagsaya sa iba niyo pang bisita.”


“Samahan mo kasi ako.”


“Ano ako hilo? Ayaw ko pang mapahiya ng wala sa oras noh! Eh alam mo namang para akong tuod kung sumayaw, diba!”


Natawa naman si Zack sa sinabi ko. Changgala naman kasi, bakit hindi ako nabiyayaan ng galing sa pagsayaw! “Makisayaw ka na doon Zack! Okay lang ako dito.”


Hindi na rin naman yata natiis ni Zack dahil may ibang mga kaklase din siya na tintawag siya doon sa gitna. “Okay lang talaga? Ayaw mo talagang sumayaw?”


“Ayaw ko nga! Pumunta ka na doon.” So ayun, lumapit na siya sa mga kaibigan niya at nagsayawan na lang sila.


“Jan ka lang ha!”


Pinanood ko na lang siya at wag kayong maghinala saakin ha. Walang halong pagnanasa yung panonood ko sa pagsayaw ni Zack. Hindi naman malaswa yung sayaw niya. Ang cute-cute lang talaga niya!


Kakainlab lalo! At dahil jan, naubos ko agad yung inumin ko! Ahahahaha!!!


Malapit naman din ako dun sa drink bar kaya umorder ako ulit nung Arnold Palmer. Naadik na yata ako sa inumin na ‘to, ang sarap eh! Kasing sarap ni Zack. Joke lang!!! Hindi pa ako lasing ha, inaaliw ko lang ang sarili ko.










Siguro naka-apat na baso na yata ako kaya naramdaman ko na ang tawag ng kalikasan. And since enjoy na enjoy pa si Zack sa pakikipagsayawan kasama ang mga kaibigan niya, hindi na ako nagpaalam na magpupunta muna ako ng CR.


Buti naman at hindi rin ako naligaw sa paghahanap ng CR. Wiwing-wiwi na kasi ako kaya kusa nang gumana ang sense of direction ko.


Sosyalin din ang CR, para akong nasa hotel. Pero bago ko pa ma-describe ang buong CR, magko-concentrate na muna ako sa pagwiwi.


Nang mailabas ko na ang dapat ilabas, oras na para magpanibagong round ng Arnold Palmer! Hwahahahaha! Pero syempre, mag-hugas muna tayo ng kamay at tignan kung mukha pa rin ba akong tao.


Matino pa rin naman ang itchura ko kahit lumipas na ang ilang oras. Utang ko talaga ito kay Ate Diva dahil sa pagpapaganda niya saakin. Aalis na sana ako kesa mainlove pa ako sa kagandahan ko ngayon, kaso napansin ko na hindi lang pala ako nag-iisa dito sa loob.


Mu… Multo?



Joke! Ang gandang multo naman niya!


Yung babae kanina na nakita ko, nandito rin siya ngayon at nagre-retouch din siya ng make-up niya. Hindi ko nga napigilan ang sarili ko na titigan siya. At dahil jan, napatingin na rin siya saakin.



“Um… do you need anything?” OMG! English speaking! Nosebleed na me!


“Ah… wala…” Para naman akong timang!!! Imbes na umalis na, napako pa yata ang paa ko sa kinatatayuan ko!


Para lang akong nakakita ng artista! Ang ganda naman kasing babae nito! Ang amo ng mukha at ang hinhin ng boses! Parang dyosa! Pero syempre OA na ako nun! Pero ito ang totoo, gusto ko nakawin yung mukha niya! Pwede kaya?


After niyang mag-makeup, lumapit siya saakin at nakatitig naman sa mukha ko. Ano ‘to gantihan? “You’re from TMU, right?”


“Ye-Yes… how did you know?”


“We’re schoolmates.”


“Ow really? Wow…” Nakakatameme siyang kausapin! Naii-starstruck ako sa kanya eh!


“By the way, I love your dress. Mind if I take a picture of it? I’ll include something like that on my next shop list.”


“Sure.” Syempre nag-pose ako saka niya ako pinicturan! Kakahiya lang!


“And I also like your gloss.”


“Ah… thank you.” Si Laris ang naglagay nitong lipgloss ko eh. Hindi pa rin humuhulas!


She smiled tapos nauna na siyang umalis.


Grabe!!! Ang ganda na nga niya, ang bait-bait pa!!! Biruin mo, kinausap ako ng ganung klaseng nilalang! It’s so~ amazing! Pero why do I still get this feeling na kilala ko itong babaeng ito. Ow well, siguro kaya familiar dahil nga schoolmate ko pala siya.










Nakabalik na ako at lahat-lahat, pero nagsasayaw pa rin si Zack! Ang nakakainis lang, napapalibutan na siya ng mga babaeng bayawak! Kung pwede lang magkalat ng patibong sa paligid ni Zack, ginawa ko na kanina pa! Ang sarap nilang pagkukurutin sa gilagid! Ang lalandi!!!



Pero ang pinaka ikinagulat ko ay ang pagkakahawi ng mga babaeng yun nang may dumating na isa pang babae. Yung babaeng mala-dyosa sa ganda!!! Paglapit niya sa kanila, nagsialisan na ang mga yun at siya na lang ang mag-isang nakikipagsayaw kay Zack!


What is the meaning of that!!! Sinong babae yun!!! At kung makasayaw, makalaglag panga ng mga lalaki dun sa dancefloor!


“Yow~ Hot Pink!”


“Nak ng butete!!!” Bigla na lang humarang sa eksena si Ate Ganda! Hindi ko na makita yung ginagawa ni Zack at nung babae eh! “Excuse me ha! May pinapanood ako!!!”


“Ano ka ba? Wallflower? Wag kang maupo dito! Sayaw ka dun!”


“Bakit mo ba ako kinakausap dito? Baka may makakita saatin.”


“Wala naman… busy ang lahat sa pag-eenjoy nitong party.” Tapos naupo siya sa tabi ko  pero hindi naman talaga para tabihan ako. Umorder lang ulit siya ng drink sa bartender. “I’ll have rum n’ cream please.”


“Eh yung mga babae mo?”


“Pinasasayaw ko muna.”


“Ah ayun naman pala! Kaya pala si Zack ang tinarget ng mga babae mo kanina dahil pinatakas mo pala.” Anyway speaking of Zack, ayun kitang-kita ko na ulit na kasayaw pa rin niya yung babae. “Oy, kilala mo ba yung babaeng kasayaw ni Zack ngayon?”


Nilingon naman ni Laris yung direksyon nila Zack, “Ow. Si Carly Frias. Remember the girl na nakita mo noon na kasama niya, siya yun ha.”


Ajujujujujuju!!! “Kaya pala familiar siya!!! Siya pala yun!”


Ajujujujujuju ulit!!! Patay na lovelife ko!!! Ganung kagandang babae ang nakaaligid kay Zack! Pero naalala ko naman ang sabi niya, friends lang daw sila.


Pero ulit!!! Yung babae, hindi naman aarte yun ng ganun kung wala siyang gusto kay Zack! Kitang-kita ko kasi, grabe kung maka-flirt habang magkasayaw sila!


“Why Hot Pink? Selos ka?”


“Hindi ah! Ako magseselos? Bakit ako magseselos? Hindi ako nagseselos! At wala akong karapatang magselos.”


“Pero nagseselos ka nga. Ahahahahaha!” May tama na yata itong lalaking ‘to! “Kung makikipaglaban ka sa babaeng yan sa puso ni Zack, ngayon pa lang sinasabi kong talo ka na.”


“At bakit?”


“Una, magchildhood friends man kayo ni Zack, may something naman sa dalawang yan. They are best known as couple sa TMU.”


“Magkaibigan lang sila, yun ang sabi ni Zack!”


“Pero hindi malayong mag-develop na talaga si Zack sa kanya. Alam kong alam mo yan. At pangalawa, it’s also known sa lahat na si Carly ay matagal nang may gusto kay Zack.” Sabi ko na nga ba! Obvious na obvious naman yun! “And lastly at pinakahigit sa lahat, kasi mas maganda, sexy at sikat si Carly kesa sayo.” Awts! Awts talaga!


Aish!!! Pinababa nitong kumag na ‘to ang self confidence ko! Ang galing niyang magpamukha na wala akong pag-asa kay Zack!


“Wanna bet?”


“Bet your face!”


“Dahil alam mo na ang tungkol kay Carly ngayon, sooner or later lalapit ka na saakin para hingin ang tulong ko.”


“WOW!!! Ang lakas!!! Bakit? Dahil sa pagiging Kissing Bandit mo na naman? Kahit ano pang sabihin mo, wala akong pake! At hinding-hindi ako hihingi ng tulong sayo!”


Tinawanan niya lang ako at saka na siya tumayo pagkakuha niya sa drinks niya. “Fine! But it’s a bet and I’m never wrong with this kind of things, Hot Pink.”


Ibalibag ko kaya ang katawan ng lalaking ‘to! Kakaimbyerna!


At lalo pa akong naiimbyerna dahil hindi pa rin naglalayo si Zack at si Carly! Gaano nga kaya sila ka-close? Mas matimbang kaya si Carly kesa saakin?











It was passed 3 in the morning nang matapos na ang kasiyahan at isa-isa nang nagsisiuwian ang mga bisita. “Sorry talaga!”


“Okay lang. Naenjoy mo pagsasayaw eh.”


“Sorry pa rin… hindi ko na kasi napansin na ganun na pala ako katagal kanina. Mag-isa ka lang tuloy.” Kanina pa siya nagso-sorry. “Sorry Atasha!”


“Okay nga lang. Ano ka ba!”


“Ganito na lang, ihahatid kita pauwi ngayon.”


“Hala wag na! Bawal!”


“Hindi naman ako papayag na mag-isa ka lang uuwi noh! Anong oras na kaya, madilim pa! Eh diba sabi mo, maraming adik sa banda sa inyo.”


“Syempre, laking takot lang ng mga adik saakin noh!”


“Wag ka na ngang magpalusot. Basta ihahatid kita.”


Umakbay na saakin si Zack hindi pa man din ako pumapayag na ihatid niya ako. Tapos naglakad na kami palabas papunta na sa parking lot pero…


“Zack!!! Wait up!!!” That voice!!! I know that voice! Paglingon namin pareho, si CARLY!!! “Ow… you two know each other…?”


“Magkakilala na rin ba kayo?”


“Actually no. We just met dun sa washroom. Anyway, hi I’m Carly.” She offered her hand for a handshake so nakipagkamay na ako sa kanya.


“I’m Atasha.”


“It’s nice to know you Atasha… magkaanu-ano pala kayo ni Zack?”


“We’re childhood friends.”


“Ow… I’m glad to meet one of Zack’s old friends. Anyway, saan kayo pupunta? Are you guys going home?”


“Ihahatid ko si Atasha pauwi.” Biglang nagbago yung reaction niya. Sad face? “Why Carly?”


“I was actually thinking if I can ask you na ihatid rin ako. Nag-aalala na kasi si daddy dahil anong oras na din.”


“Why? Where’s your car?”


“I still don’t have it, remember?”


“Ah! Oo nga pala!!!” Tapos napatingin saakin si Zack. “Eh di, isasabay ka na lang rin namin… kaso… magkaibang way pala kayo. Okay lang bang unahin na lang nating ihatid si Carly, Atasha?”


“Ha? Mauna na lang ako sainyo, Zack. Inaantok na rin kasi ako.” Kahit labag ‘to sa loob ko ha! “Siya na lang ihatid mo. Magko-commute na lang ako.”


“It’s not safe na mag-isa ka lang lalo na ang ganitong oras.”


“Oo nga! At hindi ako papayag na walang maghahatid sayo.”


“Okay nga lang ako. At isa pa, baka anong oras ka na rin makauwi kung dalawa pa kaming ihahatid mo eh.”


“Kahit na!”


“Eh di si Atasha ang unahin nating ihatid.”


“Wag na!!! Bawal nga kasi magagalit yung may-ari ng dorm namin.”


“Hindi na magagalit yun dahil anong oras na din.”


“Naku, mas lalong magagalit yun. Aalis na ako talaga! Ba-bye!!!”


“Atasha naman, wag kang makulit! Ihahatid kita!” Lalo kaming tumatagal dito! Eh kasi naman, umeksena pa ‘tong si Carly eh!


Nauna pa siyang sumakay sa loob ng sasakyan at nakatingin na lang saamin.



Buti na lang at may isa pang umeksena.  “Saakin mo na lang pasabayin ang kaibigan mo, Zack.” Biglang sabat ni Laris at nakatingin na siya saakin. Pareho naman tayo ng way diba?”


At kahit pa hindi ko rin gusto ang pag-epal niya sa oras na ito, mabuti na rin siguro ‘to. Lumingon-lingon ako sa paligid, wala na rin namang tao ang makakakita na magkasama kami. “Ay oo nga Zack! Dito na lang ako sa kaibigan mo sasabay.”


“Sigurado ka?”


“Oo. Sige na, sumakay ka na rin sa sasakyan.” At para hindi na sila mamilit pa, hinila ko na si Ate Ganda at nagsimula na kaming maglakad palayo.


Hindi ko na nga nilingon sina Zack at ilang sandali pa, narinig ko na nag-start na yung sasakyan at umaandar ito.


*clap clap clap*


Ano namang sound effects yun? “Bakit nagpaparaya ka ngayon Hot Pink?”


“Hindi ako napaparaya! Mas kailangan lang ni Carly na maihatid siya agad kasi mas delikado ang beauty niya.”


“Mali ang ginawa mo, alam mo ba yun? Matagal na nga silang magkasama kanina dahil sa sayawan, magkasama pa sila ulit ngayon. Tsk! Martir ka rin noh?” Alam ko! Ako na! Ako na ang tanga! “Sa huli, nakikita kong pagsisihan mo ‘tong ginawa mong pag-iwan sa kanila na silang dalawa lang.”


“Manahimik ka na nga lang! Ano ka na ba ngayon? Manghuhula?”


“Nope. Pero alam ko lang talaga ang mangyayari. Just believe me.”


Hindi ko na siya pinansin kahit ano pang salita pa ang sabihin niya. Kahit pa nung sumakay na kami ng bus, hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.


Ayoko talagang magpaapekto. Masakit lang sa puso yun!


Mag-iisip na lang ako ng iba. Katulad ng inaantok na talaga ako. At malamig itong nasakyan naming bus. At ang ganda lang talaga ng mukha ni Ate Ganda kaya nga nakakapagtaka na lalaki siya at…



*click click*


“Ano yan?”


“Ipopost ko sa Anti_KB mamaya. Wala akong magawa.”


At mag-iisip ulit ng ibang bagay para hindi masagi sa isip ko sina Zack at si Carly. Pero yan na, naalala ko ulit sila… aish!


“Hot Pink!” At bigla niyang hinubad ang suot niyang coat. “Malamig diba? Suotin mo muna.”


Wow! Act of kindness  na naman!


“Wag mong isasauli saakin hangga’t hindi mo pa nalalabhan ha.”


“Bwiset!” Pero sinuot ko na rin. Malamig eh.


“KB after Guiller’s party”
Sinong lasing? XD XD


 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 14





10 comments:

  1. Ang ganda ng photos hahaa! love it!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang bilis mag-comment! kakapost ko pa lang! ahahaha!

      Delete
  2. Ang cuuute. Sana po mabilis po ung pag update ulet :) Please ^^ Love it po pla :3

    ReplyDelete
  3. so si zack pla ang gusto ng carly n un! nku ptay tau jan atasha! kkaasar si zack, kinalimutan nia si atasha dun ha! hmp!

    buti n lng anjan si laris! at c laris nmn tlga ang gusto q pra sknya dhil xah c kb!!

    ReplyDelete
  4. wwoowwowoowwowow...

    hehehehehehehehehehehehehehehehhe...
    ramdam ko parang hindi mabait si carly...

    naku atasha...bakit nga ba?hahahaha

    oi si laris...kinilig ako ng kunti...

    ReplyDelete
  5. woah! bakit ang ganda ganda ni carly. but i think, bitchy type nga ang babaeng yan. tsk! sayang kung pangit ang ugali niya.

    ReplyDelete
  6. i sooo love it.. haha.. update na po ate..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  7. grabe! zack ang gwapo mo! so sayo pala may gusto yung carly! nangangamoy love triangle!
    ayus lang yan, basta walang papakelam kay laris! kay kissing bandit ka na atasha! sswertehin ka pa!

    ReplyDelete
  8. maygallywow! nkilig aq kei zack d2! nguguluhan aq s knila ni laris! preho q cla gusto pra kei atasha!

    ReplyDelete
  9. Haha. feel na feel ko iyong sayawan dahil sa kanta ng Tiara. Nappasayaw din ako habang nagbabasa. TImang lungz!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^