CHAPTER SEVEN
ILLUSION
Nagising ako kinabukasan na wala parin sina DongWoon at YoSeob sa bahay. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Ni hindi man lang sila nag-pasabi kung nasaan na ba sila. Wala ding alam ang mga tao dito sa bahay. Nag-uumpisa na akong mag-duda sa kanila at nag-uumpisa na rin akong maunis dahil wala akong kaalam alam sa mga nang-yayari. Pakiramdam ko ginagawa akong tanga. Si JunHyung, si MinKi. Ang mga taong ito na bigla na lang dumating sa buhay ko. Ano bang koneksyon nila sa akin? Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip. Kung kailan naman kailangan ko sina DongWoon at YoSeob saka naman sila wala. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
Gusto kong puntahan si YoonA dahil wala na akong ibang maisip na pwede kong pag-sbihan ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong ibang maisip na pwede lapitan at hingian ng payo maliban kay YoSeob kundi si YoonA. Lumabas ako ng bahay na nakasimangot. Wala ako sa mood, gulong gulo ang isip ko ngayon. Para akong mababaliw sa mga nang-yayari. Nilakad ko ang kahabaan ng D'Arensbourg Ville habang pumapatak sa katawan ko ang unti-unting lumalakas na ulan. Sa totoo lang wala na akong paki-alam kung mabasa man ako ngayon. Ang gusto ko na lang ay ang masagot lahat ng katanungang namumuo sa isip ko.
Lumakad ako ng lumakad hanggan sa mapahinto ako sa kalagitnaan ng gubat. Ewan ko, hindi ko na lamam kung nasaan ako. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Bakit parang umiikot ang paligid? At bakit parang kinakain ako ng kawalan. Ganito rin ang nararamdaman ko ng habulin ko si JunHyung. Tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan. Wala akong ibang marinig kundi ang patak nito.
Natigilan ako ng makta ko si YoonA ilang metro sa harap ko. Nakatayo ito patalikod sa akin. Basang basa na itong nakatayo doon na para bang wala ito sa sarili.
"YoonA!"tawag ko sa kaniya pero parang hindi niya ako narinig. "YoonA!"tawag ko ulit kaso lumakad siya palayo. Sinundan ko siya pero habang ginagawa ko iyon ay bumibilis ng bumibilis ang lakad niya hanggang sa tumakbo siya papuntang gubat kung saan ay boundary na ng D'Aresnbourg Ville. Hirap akong makapasok sa gubat na yun dahil masyadong malalaki ang ugat ng mga puno. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na yun. Madilim na halos hindi na napapasukan ng ulan dahil sa mga nakatakip na halaman ng nag-tataasang mga puno. Natatapilok ang sa mga nakaharang na mga sanga. Gusto ko nang yakapin ang sarili ko dahil sa sobrang lamig ng paligid. Walang masyadong hangin pero damang dama ko ang lamig. Para bang nasa zero degree ang temperatura.
Muli kong bakita si YoonA sa di kalayuan. Nakaharap na siya sa akin pero dahil madilim ay hindi ko makita ang mukha niya. "YoonA!"tawag ko. Hindi siya kumikibo. Nang lalapitan ko siya ay muli siyang tumakbo. Sinundan ko ulit siya pero talagang mabilis siya hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Hingal na hingal na ako. Dinig na dinig ko na ang pag-habol sa sarili kong hininga. Ano bang nang-yayari kay YoonA? Bakit hindi siya humuhinto o sumasagot man lang kapag tinatawag ko siya? Bakit niya ako tinatakbuhan? Anong nang-yayari sa kaniya?
Nilingon ko ang likuran ng may marinig akong kaluskos. Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod. Hindi ko masabi kung sino siya dahil medyo madilim sa pwesto na tinatayuan niya. Pero ng humarap siya sa akin at lumapit ng kaunti ay naaninag ko na ang mukha niya. "JunHyung?"kwestyonable kong tanong. Ngumisi siya na parang isang asong ulol saka lumakad paatras. Nang lalapitan ko siya ay bigla rin siyang tumakbo. Gaya ng ginawa ko kay YoonA, hinabol ko rin siya. Pakiramdam ko para akong nakikipag-laro ng habulan sa kanila. Ano bang problema nila? At bakit ganun na lang si JunHyung? Parang may kasamaan sa ipinakita niyang ngiti sa akin.
Hindi ko rin siya naabutan gaya kay YoonA. Hapung hapo na talaga ako. Hindi ko na kayang tumakbo pa. Napasapo ako sa mag-kabilang tuhod ng pakiramdam ko ay babagsak ako. Malalalim na hininga ang sunod sunod na pinakawalan ko. Para bang nag-ha-hyperventilate na ako sa mga oras na ito. Ano ba ang nang-yayari? Nasaan na nag-punta si JunHyung at YoonA?
Napalingon ako sa likod ng may marinig ulit ako na kaluskos. Hinahanap ko kung sino iyon o ano iyon hanggang sa lumipat ang kaluskos sa harapan ko. Hindi ko makita dahil napapalibutan ako ng nag-sisiksikan at nag-tataasang mga puno. Doon ko lang din napansin na bukod tanging ang tinatayuan ko lang ang walang nakatakip na mga dahon sa itaas. Kitang kita ko ang langit. Wala na palang ulan at nakapag-tatakang bigla na lang sumilay ang bilog na buwan.
"Maganda ba?"rinig kong saad ng isang lalaking boses sa likuran ko. Pag-lingon ko ay bumulaga sa akin ang isang nakaitim na lalaki. Napaka-puti na na halos kumikinang na siya sa dilim. Naka-itim siya at may kapa na parang basahan na naka-balot sa katawan niya. Maiksi at one sided bangs ang style ng buhok niya na may high ligths na dark brown. Nang tumingala siya ay saka ko lang naaninag ang mukha dahil sa liwanag ng buwan. Maliit at singkit ang mata niya at pulang pula ang mata niya, manipis ang mga labi niya at mga ngiti na parang isang maamong tupa. Tinitingnan ko lang siya. Wala akong imik. Hanggang sa lingunin niya ulit ako. "Ikaw marahil si Hades."saad niya sa sinaunang tono ng pananalita.
"Sino ka?"tanong ko. Ngumiti ulit siya. Pero sa halip na siya ang sumagot ay may isa pang dumating at ito na ang nag-salita.
"Siya si LeeJoon."wika ng isang lalaki na may awra ng isang mapanganib na tao. Matalas itong tumingin at may mga ngiti ito ng isang tusong lalaki. Nang-lilisik ang pulang mata nito habang nakatingin sa akin. Gaya ng sinasabi niyang si LeeJoon ay nakaitim din sya pero wala itong suot na rug cloak. Parang pinunit ang manggas ng sleeveless nitong damit na suot. Tight leather jeans at nakapaa ang ito. Kumikinang din sa liwanag ang kutis niya.
"SeungHo!"tawag ni LeeJoon dito na para bang sinisita niya ito.
"Easy lang SeungHo."hindi ko man lang naramdaman ang pag-lapit ng isa pang lalaki sa likuran ko. Walang pinag-kaiba ang style nito sa dalawa. Pula rin ang kulay ng mata nito. Ang pinag-kaiba lang ay may masayahin itong mukha. "Ako si Mir."umakbay siya sa akin. Sa akbay na yun ay bigla kong naalala si MinKi. Ganun kalamig ang kamay niya tulad sa nag-pakilalang Mir ng hawakan niya ako noon. Napaasip ako, hindi kaya mga Death God ang kaharap ko ngayon o baka naman mga bampira? Sa takot ko ay agad akong umatras palayo kay Mir. Natawa naman na parang nakakaloko si SeungHo at wala pa sigurong isang segundo ay nasa tabi ko na ito. Hindi ko alam kung paano siya nakarating ng ganun kabilis sa tabi ko ng hindi ko man lang nakikita. Hinawakan niya ang ulo ko at biglaang inilapit sa ilong niya. Inamoy niya ako na punong puno ng emosyon sa mukha.
"Ahhh~Sariwang bangkay."saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Nag-uumpisa na akong manginig sa takot. Sino ba ang mga ito?
Tinulak ni Mir si SeungHo, sa halip na matumba ito ay dumulas lang ito sa hangin na para bang lumilipad lang ito. Lumapit sa akin si Mir. Kinuha niya ang kamay ko, inamoy ito at hinalikan. Gaya ni SeungHo, punong puno din ng emosyon ito. "Patay ka na pero dinadaluyan ka parin ng sariwang dugo."pinakitaan niya ako ng isang friendly na ngiti. Hindi ko na maitindihan kung anong sinasabi nila. Sa takot ko ay tinulak ko si Mir palayo sa akin. Natumba ito sa lapag.
Sinubukan kong tumakbo pero hindi ako makagalaw, pinipilit ko pero napaupo na lang ako. Nangi-nginig na ang buo kong katawan lalo ng bigla na lang lumapit sa harapan ko si LeeJoon na hindi ko napapansin. Para silang may sa demonyo. "Natatakot ka ba?"halata ang pag-aalala sa mukha ni LeeJoon. Hindi ako sumagot. Nginitian din ako ni LeeJoon saka tumayo at tumingala para tingnan ang kalangitan. "Alam mo bang hindi naman talaga totoo ang nakikita mong buwan ngayon?"saad niya sa tono na parang nag-ku-kwento.
"A-anong ibig mong sabihin?"mahina at nauutal na ang boses ko.
Tumingin ulit sa akin si LeeJoon. Tinitigan niya ako at laking gulat ko ng maging kamukha niya si JunHyung ng ilang segundo tapos ay si YoonA naman. Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang bumalik sa dating anyo. Lalo akong nanginig sa takot. Gsto ko nang tumakbo palayo pero para na akong napako sa kinauupuan ko. Sino ba ang mga demonyong ito? Biglang parang naging isang malaking screen ang paligid at nakita ko ang sarili ko na hinahabol si JunHyung. Naalala ko ang araw na iyon! Iyon ang sinundan ko si JunHyung hanggang sa likuran ng school. Sa isang gubat. Nakita ko rin ang nakamasid na si LeeJoon sa di kalayuan. Tapos ang parang kidlat na tumatakbong sina SeungHo at Mir papunta sa akin.
Pero. . .pero naan doon din si YoonA. Tumatakbo ng mabilis na parang nakikipag karera sa dalawa. Kitang kita ko ang mga mata ni SeungHo at Mir na pulang pula at nang-lilisik. Palapit sila ng palapit sa akin pero napahinto sila ng bigla silang talunin ng nag-palit na anyong si YoonA. Isang werewolf. Kitang kita ko ang matatalas na pangil ng dalawa. Tama ang hinala ko. Isa silang bampira. Buong tapang silang nilabanan ni YoonA para hindi makalapit sa akin. Ilang beses tumalsik si YoonA, ilang beses siyang nasaktan bago niya nataboy ang mga ito. Nang matapos ay muli siyang bumalik sa pagiging isang tao.
Habang pinapanood ko iyon ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko lubos na maisip na isang werewolf si YoonA at mga bampira ang kasama ko ngayon. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang lahat. Isang bangu-ngot! Magigising din ako!
"Illusion."si LeeJoon ulit ang nag-salita. "Isang ilusyon lang ang lahat."lumapit siya sa akin. Nakita kong unti unti nang nag-lalabasan ang pangil ni SeungHo at Mir. "At ikaw."hinawakan niya ako sa mukha. "Isa ka lang ilusyon."sabay tinuro niya ang malaking screen.
Sa harapan ko ay may isang nakatayong nakakadiring tao. Kalahati ng mukha nito ay nakikita na ang buto at ang kalahati naman ay naaagnas na. Nabubutas na ang tiyan nito dahil sa pag-ngat-ngat ng mga uod na halos kasing taba na ng daliri sa paa. Nalalagas ang mga laman at isa isang nag-papagsakan sa lapag. Nasusuka ako habang nakikita ko kung paano it-itin ng mga uod ang katawan ng lalaking ito. Nakita kong hindi naito humihinga. Isa na siyang bangkay. Halos hindi na ako makatingin ng diretso. Para na akong mahihimatay.
"Ikaw-"pinutol muna ni LeeJoon ang sasabihin bago muling hinarap ako. "Yan."dugtong niya.
Anong ibig niyang sabihin na ako ang nakikita ko ngayon? Kalokohan! Hindi ako iyan! Buhay pa ako! Hindi ako iyan! At hindi ako magiging ganyan!
"Hindi."tanggi ko sa sinabi ni LeeJoon.
"Isa ka nang malamig na bangkay na nabubuhay lang dahil sa isang ilusyon."giit ni LeeJoon sa akin.
"Hindi."pilit ko sa kanya. "Hindi ako yan!"sigaw ko. Tatakbo sana ako nang makaramdam ako ng talim sa kamay ko. Pag-tingin ko ay kinakagat na pala ni Mir ang pulso ko. "Ahh!"sigaw ko. Pilit kong inilayo ang kamay ko sa kanya. Nagawa ko naman pero napa-higa ako sa lapag. Tumalon palapit sa akin si SeungHo at biglang kinagat ang hita ko. Napunit ang laman ko. Damang dama ko ang sakit na umabot sa puntong hindi ako makahinga. Gumuguhit sa pag-katao ko ang sakit habang sina Mir at SeungHo ay nasisiyahan si ginagawa nila.
Masakit na masyado ang hita ko at sobra ang kirot ng kamay ko. Nararamdaman ko unti-unting humihina ang tibok ng puso ko. Magiging totoong bangkay na nga pa ako? Hahayaan na lang ba ako nila YoSeob at DongWoon na lasug lasugin ng mga halimaw na bampirang ito? Nasaan na ba silang dalawa?
ang ganda pero mas kakatakot na nakakaexcite!
ReplyDeletentabunan n s dmi ng new post ito peo xempre, nde q pllmpasin mag-comment at bshin itey!
ReplyDeletegrbe! cno n 22long s knya! kktakot ung bampira! naiimgine q tuloy ung scenes!