Friday, June 22, 2012

Fiction and Fact: Beast - Chapter 9

CHAPTER NINE

THE CHOICE


         Hanggang ngayon ay nananatili kami sa madilim na paligid ni MinKi. Pinapakinggan ko parin ang bawat kwentong binibityawan niya. Isang rebelasyon ng nakaraang pangyayari.


              "Hindi lang iyon ang kaya ni LeeJoon. Kaya din niyang harangan ang vision ng kahit sino maliban sa mga sorcerer at sorceress. Ganun ang nararanasan ngayon ni YoSeob. imula ng mawala sa kaniya ang bead ay hindi  na niya makita ang mga mang-yayari dahil hinaharangan ito ni LeeJoon."pag-papatuloy niya.


        "Limang daan at sampu na ang nakalipas nang mag-umpisa ang kaguluhan ng mga bampira sa mundo ng mga tao. Wala silang tigil noon sa pag patay sa mga kawawang nilalang. Kaya nga wala din kaming tigil sa pag sundo ng mga kaluluwa noon."nakuha pang mag-biro ni MinKi. "Malulupit sila, wala silang awa. Sisiidin nila ang dugo at laman ng mga tao hanggang sa wala na silang makuha tapos ay iiwanan lang nilang basta sa tabi pag natapos sila. Iyon ang mga panahon na wala pang kakayahang pigilan ng mga Death God ang kagustuhan ng mga bampira. Mga Diyos nga kami, pero hindi sa lupa kundi sa mundo ng mga patay. Hindi kami gaya ng mga bampira na kayang mag-hari sa lupa at sa mundo ng mga patay."tumalikod sa akin si MinKi. "Si G.O, siya ang pinuno ng lahat ng mga bampira. Kahit ano pa ang klasipikasyon ng mga ito. Mapa-blood o fresh dead eater man gaya ni SeongHo at Mir. Isa siyang malupit na pinuno. Kaya niyang sakupin ang buong mundo sa isanhg kisap mata lang."humarap siya sa akin. "Kasunod niya ang kapatid na si Thunder. Silang dalawa lamang ang may kakayanan na gawing bampira ang sino mang taong gustuhin nila sa pamamagitan ng kakaibang seremonya. Wala akong ideya sa bagay na iyon. Ang alam ko lang ay maswerte ang kung sino mang makakaligtas sa seremonyang iyon."huminto siya saglit.


          "Balak nila noon na gumawa ng isang malaking nasyon ng mga bampira. Pero napigilan sila ng isa sa mga Death God."saad ni MinKi na ikinakunot ng nuo ko.


             "Ang sabi mo kanina wala kayong kakayanan na pigilan sila?"pag-uulit ko sa sinabi niya kanina.


             "Likas kay Ambrose ang pagiging maawain kahit pa sabihin mong isa siyang Death God. Hindi niya matiis ang mga nang-yayari. Wala sa katarungan ang mga taong namamatay."gumuhit ang lungkot sa mukha ni MinKi. "Nag-punta siya sa  Dinas Affaraon para kausapin si GaHi. Si GaHi ang pinaka-makapangyarihan sa mundo nila. Isa siyang imortal na mangkukulam. Hindi siya isang fairy Godmother pero kaya niyang gawin kahit ano man ang hilingin mo. Siya ang pinakamagaling sa lahat ng sorceress at sorcerer kaya maraming takot sa kaniya maging ang mga bampira. Si GaHi ang nag-re-reyna sa mundo ng mga patay at kahit mga buhay pa. Kaya niyang imanipyula ang mga ito."saad ni MinKi.


          "Ano naman ang koneksyon ni GaHi sa mga nang-yari noon?"wala akong ibang mabigkas kundi tanong.


         "Humingi ng tulong si Ambrose sa kaniya kung papaano niya mapipigilan ang binabalak na masama ni G.O at Thunder. Higit pa sa hiniling  ni Ambrose ang ibinigay ni GaHi. Pinagbigyan siya ni Gahi kapalit ang buhay hindi lamang ni Ambrose kundi maging buhay naming lahat. Pumayag si Ambrose dahil tiwala siya sa nakikita niya sa hinaharap. Binigyan siya ng kakayahan ni GaHi na makontrol ang mga bampira sa pamamagitan ng bead. At nag-papatuloy ito hanggang ngayon. Pero ng makita ni Ambrose ang sarili na mamamatay ay agad niyang ipinasa ang bead kay YoSeob. Ito lang kasi ang bukod tanging may kakayahang gaya sa kaniya. Namatay nga si Ambrose, pero matagumpay niyang naipasa kay YoSeob ang bead. Kaya hanggnga sa mga oras na nasa kaniya ang bead ay hindi makakilos ang mga bampira. Ngunit simula ng ipasa ito sa iyon ay humina ito dahil mahina rin ang kakayanan mo. Hindi gaya ni YoSeob na purong puro ang kakayanang protektahan ang bead."huminto siya saglit kaya nag-karoon ako ng pag-kakataong makasingit. "Iyon ang mga panahong nagagawa na muling makahanap ng taong biktima ang mga bampira na inakala ng iba ay mag-nanakaw sa Smerthport."naalala ko nga ang pangyayaring iyon.


           "Kung alam niya naman palang mahina pa ako bakit ibinigay niya sa akin ang bead? Hindi ko kayang protektahan ang bead at mas gugustuhin ko pang ilibing na lang kaysa umabot pa sa puntong pati sarili kong kapatid ay kalabanin ko."iyon naman talaga ang gusto ko. Mas gusto ko pang maging abo na lang kaysa kalabanin ang kapatid ko. At isa pa hindi naman ako isang Death God, biktima nga ako ng katusuhan nila e. Malaki ang pasasalamat ko dahil binigyan nila ako ng pangalawang buhay kahit na isa lang itong ilusyon. Hindi nila ako pinabayaan sa kabila ng lahat. Itinuring nila akong isang pamilya. . .isang pamilya?


          Isang pamilya, ganun ang turing sa akin ni DongWook at YoSeob. Kahit kailan hindi nila pinaramdam sa iba ako. Minsan hindi talaga maintindihan ang nararamdaman ni DongWook pero alam kong importante ako sa kaniya. Si YoSeob, siya ang laging nag-papasaya sa akin sa tuwing nalulungkot ako. Lagi siyang nariyan sa tabi ko kung kailangan ko siya. Sila ang naging pamily na ko sa loob ng eleven years. Sila ang sumalo sa akin sa mga araw na mawala ang alaala naming dalawa ni JunHyung. Sila ang tumayong mga kapatid at magulang ko.


         "At prinotektaha ka nila noong mga panahong nalaman ng mga bampira na nasa iyo ang bead, sinusubukan kang salakayin ng mga bampira dahil alam nilang mahina ka pa. Sinasamantala nila ang pag-kakataon"sagot ni MinKi na tila ba nababasa niya ang laman ng isip ko. "Noong mga araw na parati silang wala. Naroon sila nakikipag-sagupaan sa mga bampira kasama ang mga lobo."saka lang pumasok sa isip ko sina YoonA, DooJoon at HyunSeung. Hindi pala sila ordinaryong tao kundi isa silang lobo. Si YoonA na ginawa ang lahat noon para iligtas ako. At ang mga kapatid niya na pasikretong piroprotektahan ako.


           "Si YoonA na namatay dahil sa pag-ligtas sa iyo."nagulat ako sa sinabi ni MinKi. Si YoonA namatay dahil sa akin? Bakit? "At hindi lang buhay ni YoonA ang mawawala kundi pati kanila DongWoon at YoSeob, HyunBin, ako. Lahat tayo mawawalang parang bula."wika ni MinKi sa frustrated na boses.


           "Ano bang ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong.


           "Nasa bead na iyan ang buhay naming mga Death God. At ang buhay mo ay nasa aming mga Death God! Kung magagawa mong protektahan ang bead mabubuhay kami, pag nabuhay kami mabubuhay ka rin."paligoy ligoy niyang saad.


       "Naguguluhan ako! Ang sabi mo kapag nalamanb ko ang lahat mamamatay ako kasama kayo dahil mawawalan ng bisa ang bead."lalong gumugulo ang sitwasyo. Hindi ko na maintindihan ang lahat. Ano ba ang totoo sa mga siinasabi niya? Hindi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan ko.


              "Isa lang ang gusto kong malaman sayo ngayon! Nasa sagot mo ang magiging resulta."huminga ng malalim si MinKi bago nag-salita ulit. "Kaya mo bang protektahan ang bead?"napaisip ako sa tanong na iyon.


             Sandali  lang, bakit kailangang sagutin ko iyan? Gusto kong sabbihing ayaw ko dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. At isa pa siya na rin ang nag-sabing mamamatay din ako kapag nalaman ko ang lahat. Bakit ngayon kailangan niyang itanong sa akin ang iyan?



               "Pero, sandali gusto ko-"hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na siyang sumingit.


                "Natutuwa akong marinig na gusto mo at kaya mo. Ngayon pwede ka nang gumising sa bangu-ngot na 'to. Sana tuparin mo ang pangako mo. Naniniwala ako sa iyo. Sila na ang bahala sa iyo."gusto kong sumingit na hindi naman iyon ang ibig kong sabihin pero hindi niya ako binigyan ng pag-kakataon. Sa halip ay ipinatong niya ang kamay niya sa nuo ko saka itinulak ako. Ang lakas ng tulak dahilan para bumagsak ako patalikod.


             Isang malalim na hininga ang binunot ko. Napaupo pa ako mula sa pag-kakahiga tapos ay napaubo ako ng mabulunan ako ng hangin. Hinahabol ko ang bawat pag-hinga ko. Napalingon ako ng biglang lumapit sa akin si YoSeob na may pag-aalala sa mukha. Maging si DongWoon na naalala kong kanina pa nakaupo sa tabi ko. Hinihingal parin ako habang nakatingin sa kanila. Unti unting sumilay ang  ngiti sa mga labi ni YoSeob, sa unang pag-kakataon ay nakita ko rin ang mga ngiti ni DongWoon.


             "Pano ka nakaligtas sa lason?"walang ganang tanong ng isang lalaki. "At sa sumpa ng katotohanan?"dugtong pa niya.


             Tumingin sa akin si YoSeob na may pag-tatanong ang mukha. "Hindi ko alam. Si MinKi. Nakita ko siya, marami siyang sinabi sa akin na hindi ko maintindihan. Tapos noong hawakan niya ako sa nuo at itinulak bigla na lang akong nagising."paliwanag ko sa kanila. Natawang pagak ang lalaking nag-tanong sa akin.


              "Tsi! Hindi ko alam na hero din pala si MinKi gaya ni Ambrose? Malamang abo na yun ngayon."sarkastiko niyang saad.


             "Anong ibig niyang sabihin?'tanong ko kay YoSeob at DongWoon.


             "Ibinigay ni MinKi ang buhay niya para makaligtas ka sa kamatayan. Hindi ka na isang ilusyon ngayon."sagot ni YoSeob.


             "Dahil may Death God na nag-buwis ng buhay niya para sa isang taong patay na ang kaluluwa nito ay lilipat sa taong pinag-buwisan nito. Ibig lang sabihin noon ay hindi ko na kailangang gamitin ang ilusyon sayo. Lahat magiging totoo na sa iyo. Kung dati ay hindi mo nakikita ang katotohanang nasa abandunadong lugar lang tayo nakatira ngayon ay makikita mo na kung ano talaga ang itsura ng D'Arensbourg vill. Wala na akong maitatago pa sayo dahil hindi na gagana ang illusion sayo. At isa pa, isa ka na ring Death God ngayon."paliwanag ni DongWoon.


              "Ang bead prinotektahan ito ni MinKi na makuntamina ng lason. Hindi lang ikaw ang iniligtas niya kundi pati kaming mga Death God."saad ni YoSeob na may kaunting lungkot. "Kaso isa nanaman sa kasamahan namin ang namatay."aniya.


                 Namatay? Dahil nanamn sa akin? Una si YoonA ngayon si MinKi naman na minsan ko lang nakita sa buhay ko. Bakit kailangan pa nilang mag-sakripisyo ng buhay para lang iligtas ako? Bakit kailangang may mamatay pa para lang mabuhay ako? Pakiramdam ko napakasama kong tao.


              "Malamang naipaliwanag na sa iyo ni MinKi kung ano ang obligasyon mo sa bead at sa amin?"halatang ayaw sa akin ng lalaking ito.


              "HyunBin, bakit ba hindi ka na lang mag-pasalamat dahil nailigtas ka pa ni MinKi?"saad ni DongWoon. Inismid lang siya ng tinawag niyang HyunBin.


              Napalingon ako sa sugat na nasa kamay at hita ko. Naalala kong kinagat pala ako ng mga bampira. Nang-laki ang mata ko ngg kusa itong gumagaling. Narinig kong natawa si YoSeob. Nag-tataka ko siyang tiningnan.


              "Healer si MinKi. Kaya niyang mag-pagaling ng kahit anong klaseng sakit o sugat. Kahit may lason pa iyan o wala. Isa lang iyan sa mga bagay na kaya niyang gawin. Isa poa doon ay kaya ka niyang kausapin sa panaginipmo. Gaya ng ginawa niya sa iyo ngayon."ngayon ay masaya na ang aura niya.


              Nang maalala ko ang mga bagay na sinabi sa akin ni MinKi sa panaginip ko na hindi ko naintindihan ay ay agad kong tinanong si YoSeob. "Anno ba talaga ang tungkol sa bead? Si YoonA? Totoo bang patay na  siya?"sunod sunod kong tanong. Ngunit bago sumaggot si YoSeob ay itinayo niya ako sa pag-kakaupo.


               "Wala na si YoonA. Namatay siya ng iligtas ka niya sa kamay ng mga bampira. Sina DooJoon at HyunSeung ay sugatan. Pero wag kang mag-alala, ayos na sila ngayon."huminto siya sahglit bago muling nag-salita.


             "Nakatadhana sa iyo ang bead. Una pa lang alam na iyon ni Ambrose. Hindi niya pinaalam sa lahat maliban sa amin ni MinKi. Ibinigay niya ang bead sa akon dahil gaya ko nakikita niya ang mang-yayari sa hinaharap. Nakita niyang makikita kita at darating ang araw na maibibigay ko rin sa iyo ang bead. At ngayon nga ay nang-yari na ito."aniya ni YoSeob.


              "Pero paano kung hindi ko na-protektahan ang bead? Pano kayo?"alala kong tanong. Natatakot ako. Paano kung hindi ko nga ma-protektahan ang bead? siguradong hindi lang ako ang mamamatay kuni pati sila. Nasayang ang sakripisyo ni MinKi para sa akin. Mawawalan ng saysay ang pag-kamatay ni YoonA. "Si JunHyung? Bakit itinago niyo sa akin ang tungkol sa kaniya?"singit ko ng bigla kong maalala si JunHyung.


                    "Isa sa patakaran ng Death God na may kakayahang buhayin ang isang patay gamit angg ilusyo ay ang mag-bura ngg ala-ala. Dahil kapag nalaman ng patay ang katotoha ay mababaliwala ang lahat. Pareho silang magiging abo ng Death God na bumunhay sa kaniya. Iyon ang tinatawag na sumpa ng katotohanan. Wala itong epekto sa bead na nasa loob mo. Pwede kong bawiin sa iyo ang bead kung mamamatay ka at isalin sa iba. At kapag namatay ang ang Death God na bumuhay sa iyo sa ibang dahilan. Mapupunta sayo ang kaluluwa niya."paliwanag ni YoSeob.


                 Napalingon ako kay DongWoon na ngayon ay katabi si HyunBin. Mas risky pala ang ginawa niya. Alam niya na kapag oras na malaman ko ang katotohanan ay pwede siya mawala pero itinuloy niya parin. Lahat sila handang ibuwis ang buhay para lang sa akin.


                   "At si JunHyung. Hawak siya ng mga bampira ngayon. Inaamin ko. Hindi na natin siya mababawi sa kanila dahil ginawa na siyang bampira ni G.O."nalungkot ako sa inanunsyo ni YoSeob. Balakk ko pa namang bawiin si JunHyung sa mga bampira pero mukhang malabo nang mangyari pa ang bagay na iyon. Ngayon pa na isa na siya sa makakaaway ko sa darating na panahon.





2 comments:

  1. bwiset tlgang mga bampira yan! ginwa png klaban c junghyun! peo naniniwla aq n mbait p rin c junhyun! grbe n ang mga pngyyri tlga!!!

    ReplyDelete
  2. at nklimutan q ireact...

    omaygad!!!!!!!!!!!!!!!! finale n ksunod! >________________<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^