Friday, June 29, 2012

Kissing Bandit : Chapter 16

CHAPTER 16
(ATASHA ORELLANA POV)


Kung minsan talaga, adik si Ate Ganda. Pero nakakagulat lang na sa tuwing nangangailangan ako, may naitutulong siya. At pangalawang beses na niya akong tinutulungan patungkol sa lovelife ko.


“There’s a big chance that Zack is feeling the same way for you.” Pareho nga kaya kami ng nararamdaman ni Zack para sa isa’t isa? Gaano kaya kasigurado si Laris sa sinabi niyang yun?


“Sinong masaya? Eh di ako!”








“Hey Atasha! Ang aga mo ngayon ha!” Monday na ulit! Kakatamad pumasok pero kailangan eh.


“Ah… oo. Nagre-review lang dahil baka may quiz tayo sa first subject. Eh ikaw Raiza? Bakit maaga ka rin?”


“Alam mo na! Free wi-fi!” At ke-aga-aga, nag-laptop na agad ang babaita! And in three, two, one… “At nakita mo na rin ba yung mga before and after photos tungkol dun sa party ni Zack last Saturday?” Sabi ko na yung tungkol dun ang mao-open niya! Updated kasi ito sa mga nangyayari sa lahat ng mga sikat dito sa TMU.


“Oo. At nandun din kaya ako sa party na yun.”


“Wag ka na ngang mang-inggit!” Tapos binato niya ako ng libro. Nung nasabi ko kasi sa kanya noon yung tungkol sa party, nagwala sila at nagpilit na sumama. Eh syempre hindi naman ako naka-OO kasi invited lang naman din ako diba? “Oo nga pala, nakita mo rin ba yung pinost ni Carly tungkol kay Zack?”


“OO.” At ang tigas ng pagkakasagot ko nun ha. “Tinawagan nga ako ni Zack tungkol dun. Wala namang meaning yun.”


“Grabe talaga yung si Carly noh! Gusto niya lang kasing mapag-usapan sila ni Zack. Feeling couple talaga kahit hindi naman sila.” So against din pala si Raiza kay Carly! Hwahaha! So may makakakampi pala ako kung sakali. “Pero wala naman na ring babagay kay Zack kundi si Carly lang din.”


“NGEK!!! Hindi kaya sila bagay!!!”


“At sinong bagay kay Zack? Ikaw?”


“Ah… ahem… hindi naman sa ganun…”


“Kahit magkababata kayo ni Zack at matagal na ring magkakilala, may mahabang pinagsamahan rin naman sila ni Carly! Since first year highschool pa lang kaya dito sa TMU, close na yung dalawa.” Eh so hindi ko pala siya makakampi? “At tsaka aminin na natin… na maganda si Carly.”


“AT AKO HINDI?”


“Ikaw nagsabi niyan, hindi ako!” Walang hiyang Raiza talaga ‘to! Turing ba talaga saakin nito kaibigan? Parang hindi kasi! “Anyway, hindi naman si Carly at Zack ang gusto kong topic…” Eh alam na kung sino ang tinutukoy niya. “Ang gwapo talaga ni Kissing Bandit!!! Uwaaaaah! Ang yummy ng lips niya!!!”


“Ang perv mo Raiza. Pagnasaan daw ba ang labi ng lalaking yan!”


“Ganyan ka kasi ayaw mong maniwala sa nagagawa ng halik ni Laris! Alam mo ako, itataya ko talaga ang kahit na ano para lang si Kissing Bandit ang maging first kiss ko.”


“Scientifically proven ba yan? Anong meron sa laway ni KB at ang tingin niyo, suswertehin kayo! Tayo rin mismo ang gumagawa ng swerte natin, hindi lang dahil sa halik ng kung sino.”


*buugg!*


“Aray!” Nabato na naman ako ng libro! “Kanina ka pa nagpapalipad ng libro ha!”


“Alam mo, naiinis na talaga ako sayo! At dahil jan, ikukwento ko sayo kung bakit ganun na lang ang paghanga namin sa kanya.”


“Tungkol kay Laris? Wag na magbabasa na lang ako.”


“MAKINIG KA!!!” At aray!!! Talagang sumabunot pa siya saakin para lang mapakinggang ko ang isang kwentong matagal ko naman nang naririnig sa kanila. “Ikukwento ko sayo ang pagsisimula ni Laris at kung bakit tinagurian siyang Kissing Legend.”


“Alam ko na yan eh.”


“Hindi mo pa alam ang lahat! Mula umpisa ‘to.”


Ang adik lang talaga nitong si Raiza! Pero kung hindi ko siya pakikinggan sa kwento niya, baka malagas lahat ng buhok ko! At dahil mahaba pa ang oras bago magsimula ang klase, mukhang mahabang kwentuhan ito!



“The Legend of the Kissing Bandit”
Ang gara lang ng title!

TMU_Admin was the one who discovered that Laris’ kiss is a lucky charm. That once you get involve with him and share your first kiss with him, suswertehin ka sa lovelife.


Pinatunayan yun ng lahat ng mga babaeng ang first kiss ay galing kay Laris. Mga higit isang daang babae na yun! Sila kasi yung mga babaeng nag-confess ng feelings nila for him but ni-turndown niya lang. At para hindi masakit ang rejection, ibinibigay niya ang first kiss na gusto nung mga babae. Mga mapilit eh!

Matapos ang rejection sa kanila ni Laris, nung una akala coincidence lang na biglang nalalagay sa steady lovelife yung mga babaeng yun. Pero sa dami ng pagkakataon na ganun nga ang nangyayari, naisip nila na swerte nga ang hatid ng first kiss na yun dahil LAHAT talaga ng mga babaeng nahalikan niya ay talagang nahahanap ang dream guys nila sa bandang huli!

Pero kung ang isang halik lang ay maituturing na pampaswerte, ano pa kaya kung maka-relasyon mo talaga si Laris! Kapag isa ka sa mga tinatawag nilang PROSPECT ay mas mabuti!!!

If Laris thinks a girl deserves it, he would date her but only with a short period of time! There’s also a DEAL between them na magiging serious relationship yun, but when the time limit is over, they have to end the relationship whether the girl likes it or not.

So the magic will begin when they start to go on dates and he will teach her the Do’s and Don'ts of dating. Marami pa siyang itinuturo at tanging mga prospects lang ang makakaalam nun.

And in every end of the relationship, it’s really amazing na nahahanap nga ng mga babaeng yun ang kanilang real love. Isa na sa mga nakapagpatotoo dito ay si Ruijin Miina (#5) at naging boyfriend niya si Vincent Lee (#4), si Louis Sevilla (#3), si Ate Diva at as in maraming pang iba! Merong special album si TMU_Admin para sa complete list ng mga babaeng nagpatunay na sinuswerte sila kay Laris.

So there’s no wonder that Laris Howfer is definitely the well-known kissing legend at tinagurian pang KISSING BANDIT for stealing a lot of girl’s first kiss in exchange for luck in love.





“Zzzzzzzz…”


“Weh ang korni mo Atasha!”


Oo na po! Naamaze din ako sa kwento na yun ni Raiza. Kahit ang haba nun, pinakinggan ko! “So what now Raiza? Sabi mo nga gusto mong makuha ang first kiss mo kay Laris. Dahil ba gusto mong makahanap ng real love?”


“Ang gusto ko talaga si Laris mismo ang magkagusto saakin.” Wow!!! Grabe talaga siya! Ganun niya kamahal si Laris? “Pero alam kong matutulad lang din ako sa ibang babae na nag-confess at ni-reject niya. Kaya dun na lang ako aasa sa first kiss charm dahil sabi nila, real love ang mahahanap mo pagkatapos nun.”


Kung makikita niyo lang ang mukha ni Raiza ngayon. Mukha siyang nananaginip ng gising. O pwede ring babaeng naka-singhot ng drugs at ngayon ay naha-high. “Hindi sa pilit ko pa ring binabasag yang trip mo ha pero yang love na hinahanap mo, darating yan sa tamang panahon kahit pa hindi si Laris ang first kiss mo.”


But at the back of my mind, napapaisip na rin ako minsan kung gaano nga ba katotoo yung tungkol kay Laris. Tulad na nga lang ng ginawa niyang pagtulong saakin, nakakabilib yun.
Ah ewan!!! Hindi ko pa rin alam kung anong paniniwalaan!










After ng isang mahabang araw, uwian na rin! Mas naalala ko pa yung kwento ni Raiza kanina kesa sa mga pinag-aralan namin ngayong araw eh. Hay, kakalurqui!!!


Tapos… biglang dumilim.


“Uwaah…” May taong nagtakip sa mata ko. “Sino ‘to?”


“Hulaan mo.”


Amputek naman! Boses pa lang at amoy nitong kamay, kilala ko na kung sino. “Eleazer Pascual, ikaw ba yan?”


“Ha?” At nawala na yung takip sa mata ko at hinarap na ako ng taong yun. “Sino yun!?!”


“Joke lang! Alam kong ikaw yun! Boses mo pa lang kabisado ko na eh.”


 “Sino yung lalaking binanggit mo? Eleazer Pascual?”


“Ah siya ba… wala lang, nabasa ko kasi ang kwento ng buhay niya. Idi-nocument yun ni Ruijin o AegyoDayDreamer sa blog niya. Nababaliw ako sa kwento niya at ng girlfriend niyang si Samira eh.” Pero yung itchura ni Zack, parang ayaw pa ring maniwala. Nagseselos ba siya?


“Weh?”


“Totoo yun! I-check mo pa blog niya.”


“Sige… sabi mo eh.” Tapos umakbay siya agad saakin at wala siyang pakelam kahit pa may nakakakita saaming ibang tao. “Uuwi ka na ba ha?”


“Oo. Sana. Bakit?”


“Aayain kitang tumambay muna.”


Bigla ko na lang tuloy naalala yung mga nangyari kahapon. Yung pinost na picture ni Carly sa TMU, yung pagtawag ni Zack para ipaliwanag saakin ang tungkol dun, at yung sinabi ni Ate Ganda sa bandang huli.


Anyway, syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasama si Zack ngayon. Eh diba nga malandi ako, sumama ako sa kanya para tumambay.


At hindi kumpleto ang salitang “tambay” ni Zack kung hindi niya ako dadalhin sa kainan. Grabe nga kasi ang appetite ng lalaking ‘to. At kung ituring niya ako, akala mo magkasing lakas kaming kumain! Hindi naman ako ganun katakaw!


“Anong gusto mo Atasha? Ito? O ito? O ito? O itong lahat na lang kaya?”


“Grabe ka naman!!! Gusto mo ba talaga akong patabain?” Natawa lang siya at ang sarap lang kurutin ng pisngi niya. Ang gwapo naman talaga kasi!!!


Pinagtinginan pa kami ng ibang customers kasi agaw-eksena sa pagpili ng pagkain na bibilhin si Zack. Biruin mo mala-prinsipe ang kagwapuhan tapos kulang na lang sumalpak siya sa sahig para lang mamili ng oorderin niya.



“Oy Zack! Tumayo ka nga jan!”


“Gusto ko nun! At tsaka nun! Pero parang mas masarap yun oh! Anong tingin mo?” Ang inosente lang ng mukha niya at walang pakelam kahit pa ang dami nang nakatingin saamin. Naku kung ganyan ka ka-inosente, mare-rape kita! “Oy nakikinig ka ba? Bakit ka nakatitig saakin? Ikaw ha!!! Pinagnanasaan mo ako noh?”



“Ha…? Hindi ah! Feeling ka Bao!!!”


Bigla siyang napangiti, na parang nakasimangot. Pero nakangiti ang mata niya eh, “Akala ko ba hindi mo na ako tatawaging Bao?”


“Umorder ka na nga lang jan.”


At matapos ng ilang taon ng paghihintay ko sa pagkaing libre na naman ni Zack, sa wakas eh nakuha na niya ang order niya. Donuts at munchkins na lang ang binili niya dahil favorite niya daw.



Hindi namin naiwasan na pag-usapan ang tungkol sa picture niya na ni-post ni Carly. Kahit na nasabi ko sa kanya na naiintindihan ko, ipinaliwanag pa rin niya ang side niya. Tulad nga ng nasabi ni Laris tungkol dito, hindi naman mag-aaksaya ng panaho para magpaliwanag si Zack kung hindi siya concern sa iisipin ko.



“Ikaw nga Zack, magsabi ka ng totoo. Ano ba talaga kayo ni Carly?”


“We’re friends. Nasabi ko na ba sayo na since mag-highschool ako sa TMU, siya ang girl bestfriend ko.”


“Pero alam mo ang sabi ng iba, may gusto sayo si Carly. Alam mo na rin siguro yun diba?”


Napayuko lang si Zack nun at napa-higop na lang sa drinks niya. Halatang ayaw sumagot sa tanong.


At mahirap man ito para saakin pero gusto ko pa ring malaman. “Eh ikaw ba? Hanggang friends lang ba ang feelings mo for her?”


“Ha? Ano ba yan Atasha! Change topic na nga lang tayo.”


“Eh bakit umiiwas ka sa tanong?”


“Eh kasi… magulo!!! Basta magulo.”


“Bestfriend mo rin naman ako diba? Bakit ayaw mong sabihin saakin?”


“Ang kulit mo!” Sabay kurot sa ilong ko. “Magulo nga kasi!”


“Bakit nga magulo? Anong nagpagulo?”


“Kasi I like someone else.” Napatigil siya sandali at tumitig saakin. “Well, Carly is really important to me. But… but there’s this other girl na parang katumbas niya… and… and…”


“So you like two girls!?”


Matagal siyang nakasagot pero lumabas din sa bibig niya. “Yeah… parang ganun.”


“So naguguluhan ka kung sino sa dalawa ang mas gusto mo?” And he nodded once. “Sino ba yung other girl na tinutukoy mo?”


“Ha? Ano… um… basta…”


Si OTHER GIRL kaya ay si ako? Hindi eh! Ang hirap mag-assume! Ang hirap hulaan! Gusto kong maniwalang ako nga yun! Pero kung ako nga yun, hindi pa rin ako masaya. Bakit? Eh kasi Carly is still on the picture! Hindi niya masabi na ako lang ang gusto niya kung sakaling ako nga si OTHER GIRL.


“Alam mo ganito lang kasimple yan.” Eto gasgas na ‘to pero effective naman! “Kunwari nakasakay kayong tatlo sa isang bangka. Eh nagka-tsunami at tinaob yung sinasakyan niyo. Sinong yung una mong ililigtas? Si Carly o si OTHER GIRL?”


“Hmm…” Maygawd!!! Wag sana si Carly!!! Hindi ko pa man kasi sure kung sino yung isa pang babae na tinutukoy niya, pero isipin ko na lang na ako yun. “Si Other Girl.”


(o) – “Ta… talaga?”


“Oo. Marunong naman kasing lumangoy si Carly eh.”


Ù©(×̯×)Û¶ – “Ah… okay.” Alangyang lalaki ‘to! Napaka-safe sumagot! “Pero ewan ko sayo! Direchuhin mo na lang kasi ako. Sino ba mas mahalaga? Si Carly o ako?”


“Ha?”


“I mean yung OTHER GIRL!!!” Putek!!! Yan tuloy, nadulas ako nun! Buti na lang at may lahing lutang kung minsan itong si Zack at ang bagal makapick-up!


“Hindi ko talaga sure Atasha… pareho nga silang mahalaga para saakin.”


Ayjuskoday!!! Sumasakit ang puso ko at nawiwindang na ang walang kamalay-malay kong bangs dahil kay Zack! Pati yung mga baon kong pauso eh wala ring napuntahan!










As usual, tulala ang lola mo habang naglalakad na pauwi.


Pagpasok ko sa dorm, pinili kong maghagdanan kesa mag-elevator dahil ang lutang ko lang! Tingin niyo ginusto kong maghagdanan? Eh lutang nga! Lutang!


At palapit na ako sa floor ko pero biglang may lumabas na ET sa harap ko. “Ay anak ka ng tyanak!!!”


“Mukha kang tyanak!!!” Buset na Ate Ganda ‘to! Susulpot na lang kasi bigla eh! Pareho tuloy kaming nagulat sa isa’t isa. At dahil jan kaya nahampas ko siya ng wala sa oras.


“Sinong mukhang tyanak ha?”


“Aba’y malamang, eh di ikaw!”


Ang sama lang titigan namin sa isa’t isa pero ako na ang unang nagparaya ngayon bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagtulong niya saakin kahapon. Aba’y syempre, kailangan kong magpakita sa kanya ng kabaitan dahil minsan mabait din naman siya saakin. Pero MINSAN lang talaga ‘to.


“Um… saan ka pala pupunta?”


“Bakit sasama ka?”


“Hindi. Kauuwi ko nga lang eh.”


“Magdi-dinner ako kaya jan ka na.” At nauna na siyang umalis pero…


“Um… pwedeng magtanong?”


“Depende. Sino munang pinaka-gwapong lalaki sa mundo?”


“Si Zack.”


“Jan ka na, aalis na ako.” Ang kapal naman kasi ng mukha!


Tapos tinalikuran niya ako at dumirecho na sa elevator pero hindi ako papayag na ganun na lang yun. Kaya kahit labag ‘to sa loob ko, “Oh sige na, gwapo ka na! Ang dami mo ngang fans eh.” Bleh~ Masusuka na yata ako sa sinabi ko!



“Ano na naman bang itatanong mo?”


“Yung sinabi mo saakin tungkol kay Zack. Gaano ka sigurado na talagang pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa?”


“99% sure.”


“Saan napunta yung 1%?”


“Yun ang percent na hindi ko sure.”


Ngek! Eh malamang diba! Lokohan talaga kapag siya ang kausap eh! Pero chill ka lang Atasha! May kailangan ka sa kanya kaya magpakabait ka! “Okay. Given na gusto niya ako. Pero sabi niya saakin, ganun din daw ang nararamdaman niya para kay Carly. Anong ibig sabihin nun?”


“Siya na mismo nagsabi, hindi mo pa na-gets? Ibig sabihin lang nun, magkasing timbang lang kayong dalawa sa puso ni Zack. At hindi pa niya alam kung sino ang mas mahalaga at mas gusto niya.” Napaisip ako sa sinabi niya. So ang ibig sabihin lang rin nun, 50-50 pa rin ang chance ko dahil pwedeng si Carly ang piliin niya sa bandang huli. “Oh paano. Alis na ako.”


“Te… teka! Last question na. Paano ako mananalo kay Carly?”


“That only depends on Zack.” Eh ang gulo nga rin ng utak ng lalaking yun! Hindi makapili saamin! Salawahan! “But there’s a way for you to know. You just have to be in a point where Zack has to choose between you and her.”


“Sinubukan ko na nga pero hindi niya ako masagot ng matino eh.”


“I’m talking about real situation Hot Pink. And no matter what the situation is, kung sino man ang una niyang piliin sa inyong dalawa, definitely siya ang mas matimbang.”


 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 16





9 comments:

  1. Aww kay Laris ka nalang Atasha :DD

    -Doreen :))

    ReplyDelete
  2. hala ang cute tlga ni zack!! ang kulit! c other girl n lng dhil mrunong lumngaoy c carly! hahhhahahah! gus2 q din xah eh! naguguluhn n aq kun cno s knila ni laris ang mas gus2 q! hwaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!! nag-aagaw atensyon q s knila!

    ReplyDelete
  3. grbae itong si zack! salawahan ka! hindi mo na kailangan pang mamili! si atasha piliin mo!
    pero ehem, si laris naman talaga ang boto ko for atasha. kaya kahit pa si carly ang piliin ni zack, ayos lang saakin. haha.

    sana isa ako sa mga makapagpatotoo about kissing bandit's kiss! cute ng legend!

    ReplyDelete
  4. ~>angel is luv<~

    alam kong gwapo, matalino, mayaman at dream guy ng kababaihan itong si zack! but can't you see atasha, ganun din naman si laris! ahahaha! at ito namang si laris, wala ka man lang bang pagtingin kay atasha? tsk tsk tsk!

    ReplyDelete
  5. wwwwwaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh............

    bakit ganun zack...

    ay naku Laris kase mahalin mo na si Atasya...

    hehehehe

    ReplyDelete
  6. Hala. Hihingi na kaya ng tulong si Atasha? O__O

    ReplyDelete
  7. Paano pa kaya kung ikaw ang First ni KB? O.O anyway...Alam mo Atasha..darating din ang panahon na may makaka Eli-byuhan ka,kaya kalma HAHAHAHA xD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^