Chapter One
"Author's POV"
May dalawang magkapatid.Parehong lalaki. Parehong
makapangyarihan. Parehing diyos ng sanlibutan. Sila din ang bumabalanse ng
mundo. Kung wala sila,gugulo ito. Ngunit paano kung maging magkaaway sila?
Paano na si Earth? Sino kaya ang tutulay para mag-peace ang the sky and the
underworld??
Deo Paradisum,a place for god and goddess na umaalaga sa
mundo. May 12 council na tinatawag na major deities. Napabilang doon ang
magkapatid na sina adrew/god of sky at luke/god of underworld. Isa sila sa
tatlong major gods na may most important rule sa universe. Anak sila ni
krios,supreme god and timekeeper. Pero ang dalawang ito,always nagbabangayan.
Nagkokompetisyon sa papakitang gilas sa Ama. Dahil pareho silang ma pride at ma
wrath ay nauwi minsan sa malalim na awayan.
This time,magulo ang Deo Paradisum nila. Pati si Krios ay
sobra na ang galit. Dahil iyon sa scythe nito. Ini interrogate niya ang dalawa
kung sino sa kanila ang kumuha ng scythe na walang paalam na kinuha at ngayon
ay na misplace. Imbes na akuin ay bini blame ng dalawa ang isat isa na nauwi sa
mainit na pagtatalo at parang magtatapunan na ng powers.
"ENOUGH!"Krios shout.
Tumahimik sila sabay harap kay Krios.
"kung
ganyan na lang kayo habambuhay! Puwes,pareho ko kayong parurusahan! Puro kayo
reckless! Mga bastardo! Nalimutan niyo yata ang sinabi ko noon. I repeat kung
kasalanan ng isa,kasalanan ng lahat! Kahit di kayo umamin pareho ko kayong
itatapon!" tumayo si Krios. "Dahil
winala niyo ang scythe ko. Magsusuffer kayo sa i-cha-challenge ko!"
"Pero Ama di po-"
"Stop Luke!"tugon ni Krios."Patapusin
mo muna ako!"
"Patawad!"yumuko si Luke.
Bumaling si Krios kay Andrew.
"Bilang kapalit sa ginawa niyong kasalanan ay ipapatapon ko
kayo sa earth! Magiging tao kayo. Isang worthless human. Pwedeng masaktan.
Pwedeng mamatay."
"ang ibig niyong sabihin,kukunin niyo ang sumisimbolo sa
kapangyarihan namin."kinakabahang sabat ni Luke.
"Ganoon na nga,kaya akin na ang lightning bolt at bident."
"Ama. Sana patawarin mo kami kahit di kami umaako. Kasi di
namin kami ang kumuha ng sycthe niyo.Pero wag niyo sanang kunin ang symbols
namin."paninindigan ni Andrew.
"Agreement is agreement. Sa ayaw't sa gusto niyo ay babawiin ko
ang KAPANGYARIHAN niyo! Itatapon ko na kayo! Iyon ang kabayaran ng di pag-ako
ng kasalanan niyo."
Andrew glare at Luke.
"This is all your fault!"anas ni
andrew."Ikaw ang tumago non!"
"Hindi! Ikaw ang may kagagawan nito. Tinago mo ang scythe para
idiin ako at mawala sa Deo Paradisum."banat
nito.
Uminit ang ulo ni Andrew. Hanggang nararamdaman nilang may
nawawala silang bagay. Iyon pala,kinuha na ni Krios ang trident,lightning bolt at bident nila. Kunting
kapangyarihan na lamang ang natira. Nawala na ang ability nila na magpakita sa
iba't ibang lugar in one time. Inangat ni Krios ang kamay. Nanlaki ang mata
nila. Iyon kasi ang hudyat para palayasin sila sa Deo Paradisum.
"Now, I will get rid all of you!"he shout
with authority.
"Wait,father!!"pamimigil ni Andrew.
"Ano pa ba Andrew?"
"Kung sakaling makita ng isa sa amin
ang scythe mo. Maaari mo ba kaming pabalikin ang maging diyos
muli?"
Binaba ni Krios ang kamay.
"May posibilidad." Krios paused."Sige,hanapin
niyo ang scythe ko at ibalik kaagad sa akin bago mag-summer solstice.
Kung sinuman ang makakagawa non! Gagawin ko ang sinabi mo Andrew! Deal or no
deal?"
Napakibot ni Andrew ang labi.
"Deal father."tinitigan niya ng mahamon
si Luke.
"That's unfair. Ba't isa lang ang pwede. Di ako
makakapayag."welga ni Luke.
"Di mo ba ang alam ang tinatawag nilang laro?"lumapit
si Krios kay Luke."Ang agreement na iyan ay halimbawa ng laro. Kailangan mong
pumayag para sa dignidad mo. Bahala ko kung ayaw mo. Nasa iyo na iyan. Kung ano
ngayon ang desisyon niyo. Walang problema sa akin. Ang mahalaga maibalik ang
symbol ko. Maliwanag!"
Tumahik sila ng sandali.
"Sa laro,kailangan ng patience. Kailangan marunong tumanggap.
Dahil sa laro ay may talo at panalo. At ang challenge na iyan ay halimba ng
laro. O lumayas na kayo sa Deo Paradisum ko."
Inangat ulit ni Krios ang kamay. Nakatapat ang palad nito sa
harapan nila.
"Paalam! Sana maging ulira na kayo! Sana matutu kayo sa
challenge na ito!"
Tinulak na sila ng malakas na pwersa pababa. Wala na sialng lakas
para pigilan iyon. Ang tanging nagawa nila ay sumigaw.
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!
Nahuhulog na sila. Wala ng kawala 'to.
Paalam na Deo Paradisum
Magiging tao na sila. Bilang isang teenager.
"Humanda ka sa akin Andrew! Ikaw dapat ang di makakabalik
sa Deo Paradisum." naisaloob
ni Luke."Dapat kang mabulok sa mabahong mundo na ito. Kasama ang
mapapangit na mga tao."
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!
Patuloy lang sila sa pagsigaw.
Saan naman kayang lupalop ng sanlibutan sila pupulutin??
TT___TT
CREZA CROSSFORD's POV
"To: Creza Crossford. From: Deo Paradisum."
nabasa ko na din ang laman ng nakakasilaw na papel. Akala
ko ano na ang laman. Eto lang pala. From Deo Paradisum. Saang lugar iyon.
Di ko pa nababasa iyon sa mapa huh? Ang weird, Maybe sa hell galing 'to. Diyos
ko po. Wag sana. Baliw siguro ang sender nito. Tinatakot ako. Bakit sa Deo
Paradisum? Ano ang meaning nito. Wait anong language ito? hmm..as if
Latin? Tsk.Tsk.Tsk. Titignan ko mamaya sa google translate kung ano ibig
sabihin niyon sa tagalog. Ma no nosebleed ako nito.
Nakakairita. Oh god! Help me! Napatingala pa ako sa kisame. Ang
aga-aga nbinu-bwesit ako. KApag malaman ko kung sinong moron ang sender nito.
Babangasan ko siya. Bugbugin. Ipaluluhod sa munggo at balatan. Wahahaha! joke!
Ang brutal ko naman. Pero di ko iyon kayang gawin. Hanggang salita lang ako.
Wahahaha! Wag kayong maniwala.
Okay,proceed tayo. May pa-chosen pang sinasabi. Pumapadyak akong
pumasok sa loob ng cute house namin na nakatirik sa isang elite subdivision
dito sa Philippines. Btw,ako pala si Creza Crossford. Half-pinoy.
Half-austrilian. Nasa langit na si Erpat. Nasa America naman si Ermat. Kaming
dalawa lang ni Ate Agatha dito sa pinas. Syempre,inaalagaan kami ni Granny
Glinda. Ang mabait pero strikta kong lola. Mabuti nasa Cebu siya ngayon. Malaya
akong makagala sa Manila at makapag-laptop boung araw. Si Ate Agatha. Choks na
choks lang sa trip ko. Sabay naman kami eh. Pareho nga kaming single eh.
O wag na kayong mag-aaply.At kung pumaplano kayo,wag niyo ng
ituloy. Siguradong basted kayo. Gusto muna naming maging single. Para Free! Ang
edad ko sixteen. si Ate eighteen. Ako senior student sa St. Claus Academy. Si
Ate second year collage sa Strauss-Elf College.Kurso niya,Bachelor of
Science in elemetary education. Required pa ba na malaman iyon?
Back to last topic tayo,Kaagad kong na encounter si Ate Agatha.
Naka-shrugged siya.
"Love letter yan no?"paarte niyang tanong.
"Nope."tipid kong sagot.
"Wieeee.may i see nga!"sinusubukan niyang agawin.
"Hindi nga e."pilit kong nilalayo.
"Basta patingin."pamimilit niya.
Nairita ako.
"o! Isaksak mo sa baga mo."hinampas
ko sa dibdib niya pero di gaano kalakas.
"Maldita ka talaga,Creza Crossford."react
niya sabay buklat sa letter."Ano to? Bakit walag laman?"
Nagulanta ako.
"Paanong wala? Ang laki-laki ng word diyan sa hinahawakan
mo!"I hissed.
"Wala nga e. Wala talagang sulat."she
insisted.
"Patingin nga!"hinablot ko ang papel sa
kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita na wala talagang sulat ni
isang word. Paanong nawala iyon? Impossible. May "YOUR THE CHOSEN
ONE" iyan kanina eh. Di ako namamalik mata kahit naantok pa ako. Totoo
talaga. May sulat iyan kanina. Puro nga naka caps lock eh.
"Baliw siguro ang nagpadala niyan! Itapon mo na nga
iyan."
Tama si Ate Agatha. Itapon ko na nga ito. Baka trip ulit ito ni
Jewel sa akin dahil di niya matanngap na ako ang prom queen sa summer solstice.
5 months before pa iyon. Kinuyum ko iyon.
"What time na ba ate?"change topic ko.
"6:30 am."
"Naku! Mali-late na ako!"nataranta ako tuloy."Ito
kasing bwesit na letter na 'to. Inuubos ang oras ko."
"Go kapatid,maligo ka na at magbihis kaysa magsayang ka
diyan ng laway mo."taboy ni ate.
"Fine."i close my eyes swiftly.
Umayak na ako sa staircase. Hinihingal ako pagdating sa itaas kaya
nailagay ko ang kamay ko sa tuhod ko.
"Pfffft!"
Naglakad na ako papunta sa bed room ko. Pinihit ko ang door knob.
Ang hirap buksan. Na lock ko ba kanina? Di pwede 'to. Pinihit ko ulit. Ayaw
bumukas. Uwaaaah! Mali-late na ako. Sinipa ko. Aha! kunin ko yong duplicate ng
susi sa kitchen. Tumakbo ako pababa. Halos si the flash na ako ng bumalik sa
bed room.
Yes! nabuksan ko na!
But....
Binulagta ako ng falling white feathers ng dove. Saan galing iyon?
Paano nagkaroon ng feathers dito? Bakit pumuti ang pinta ng kwarto ko. Pink yan
e. Ang weird. Nalilito ako. As if pumasok ako sa fantasy world! Niyakap ko ang
sarili ko! Naglakad-lakad ako.
Hanggang.........
pina-tumbling ako ng malaman ko na may kung sino ang nagtresspass
sa kwarto ko! Umakyat ang pressure ko sa ulo ko. I want to scream!
Uwaaaaaaah!!!
Sinong jerk na super gwapo ang mahimbing na natutulog sa kama ko!?
Waaaaaaaaaaahhhh! Babangasan ko siya!!!
TT__TT
-->End of Chapter 1<--
bket mu nmn bbngasan kun gwapo nmn at n22log s kama! tabihan mu! hihhhihhihhi! jke lng!
ReplyDeletenyc ate phoebe! sna pu maupd8 mu n din ung iba mng story. pls pls. nag-aabng din aq dun!
ReplyDeleteehhhhh ^^ kinikilig ako^^......
ReplyDeletegagawa na koa ng cover^^ hehe sana matapos ko
ReplyDeleteWaaah! Ipapatuloy ko na to! Sayang!
ReplyDelete