Thursday, May 31, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 4


CHAPTER FOUR


         Malayo pa lang ay kumakaway na si HeeChul sa papalapit na si SooYeon. Usapan kasi nilang mag-hihintayan sila sa garden para sabay silang umuwi. Dahil kasi sa busy ni HeeChul sa pag-pa-practice ng soccer para sa nalalapit nilang laban ay naging limitado na ang pag-kikita nila.


        Nang malapit na  si SooYeon ay saka lang tumayo si HeeChul para salubungin sya. Iwas namang tumingin sa kanya si SooYeon para hindi nito makita ang pasa nya pero mabilis ang  mata ni HeeChul. Nakita nya ito, bagay na kina-alarma nya.


        "Anong nang-yari dyan?"alalang tanong nito.


        Pilit na ngumit si SooYeon bago sumagot. "Wala 'to. Bumangga lang kasi ako sa pinto."tumawa uli ito na parang nini-nerbyos. "Tanga ko kasi e. Hindi ko napansin 'yung pinto."pag-sisinungaling ni SooYeon. Pero hindi iyon bumenta kay HeeChul.


        "Si JiYeon ba ang gumawa nyan?"seryoso at galit na tanong ni HeeChul. Nabigla si SooYeon at hindi na lang naka-pag-salita. "Sinasabi ko na e! Ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'yun! Humanda sya sakin!"susugurin sana ni HeeChul si Jiyeon pero pinigilan sya ni SooYeon.


         "HeeChul sandali! 'Wag na! Hayaan mo na lang. Pasa lang naman 'to e. Tsaka okay na ko."paliwanag nya.


         Ayaw mag-papigil ni HeeChul, gusto talaga nitong puntahan si JiYeon para pag-higantihan si SooYeon kaya lang hinaharang nya. "Okay nga lang ako. Wag ka nang mag-alala. Halika na. Ililibre kita ng kimchi bbokeumbbop. Diba favorite mo yun?"pag-iiba na lang ni SooYeon sa usapan para kumalma na si HeeChul. Hindi nga sya nabigo sa pag-kalma dito.


         "Talaga bang okay ka na?"tumango si SooYeon. "Patingin nga."inangat ni HeeChul ang baba ni SooYeon para makita nito ng maliwanag ang pasa pag-kuway bigla nya itong hinalikan sa parteng may pasa. Nang-laki ang mata ni SooYeon sa gulat.


         Sa ganong sitwasyon sila nakita ni JinWoon. Halos hindi ito maka-galaw sa kinatatayuan. Hindi nya malaman kung ano ang gagawin, kung susugurin ba nya si HeeChul at sasapakin o papanoorin nya na lang ang mga ito na mag-halikan. Mahal nya si SooYeon pero wala syang magawa. Muli nanamang bumalik sa isip nya ang regret sa mga araw na sana niligawan nya na lang si SooYeon. Yung mga araw na nawawalan na ng pag-asa si SooYeon kay HeeChul. Sa mga oras ding iyon pumasok sa kanya ang salitang "sana". Sana sya ang kasabay pauwi ni SooYeon ngayon. Sana sya ang huling makakausap ni SooYeon sa gabi at sana sya ang humahalik sa mga labi nito ngayon hindi si HeeChul. Parang dinudurog ang puso nya. Para na syang mamamatay. Gusto na nya umalis sa kinatatayuan nya pero hindi sya makagalaw. Ano nang gagawin nya?


         Naka-kuyom ang mga kamay ni JiYeon na para bang gusto nya manapak. Kung makakapatay nga lang talaga ang mga tingin nya ay namatay na sina HeeChul at SooYeon. How dare they are para ipakita pa sa kanya na nag-hahalikan sila? Ang kapal talaga ng mukha ni SooYeon! Gusto nyang ubusin ang buhok nito dahil sa inis. "Hindi na sila nahiya! At talagang sa public pa nila ginawa! You dirty little insect!"lalapitan na sana nya sa dalawa kaso bigla namang humiwalay na si HeeChul sa pag-kakahalik kay SooYeon at lumakad na  silang mag-ka-holding hands palayo. Na-stock na si JiYeon sa pwesto nya. Hindi na sya nakagalaw pa. Pakiramdam nya any minute babagsak na ang mga luha nya. Pinipigilan nya lang dahil kasama nya ang mga fiollowers nya. Naiiyak sya dahil sa nakikita nyang unting uting pag-layo ni HeeChul ay hindi na ito babalik pa sa kanya. At yun ang hindi nya matatanggap.


          Mukha ni JinWoon ang bumulaga ng buksan ni Kim MyungSoo ang pinto ng bahay nila. Napaatras pa sya dahil hindi nya inaasahan na dadaan doon si JinWoon. "Anong ginagawa mo dito?"nag-tatakang tanong ni MyungSoo.


         "Bakit? Hindi ba kita pwede dalawin?"palusot nito saka pumasok sa loob kahit hindi pa sya pinapatuloy ni MyungSoo. Sinundan lang nya ng tingin si JinWoon.


         "Mag-kasama lang tayo sa school kanina ah. Na-miss mo na agad ako? Bakit? May gusto ka ba sakin?"seryoso ang mukha nito kahit biro lang ang lahat.


         Asar na nilingon ni JinWoon si MyungSoo at pinatulan din ang biro nito. "Oo miss kita. Sa sobrang miss ko nga gusto na kitang sapakin."sabi nya.


         "Ang sweet mo naman. Nakaka-touch. Grabe!"ginantihan din nya ng asar na tingin si JinWoon saka inunahan itong pumunta ng garahe. Sa lugar kasi na yun sila nag-pa-practice kapag sumasali sila sa battle of the band at kung minsan na may oras sila.


         Kinuha ni JinWoon ang base guitar ni MyungSoo pero agad ding inagaw iyon ni MyungSoo. "Hawakan mo na lahat wag lang 'tong dying red ko."parang bata na inagawan ng candy na sabi nito.


         Hindi naman malaman ni JinWoon kung ano ang magiging reaksyon sa pangalan ng gitara. "Ano?"halos kainin nito ang sinabi. Faded red kasi ang kulay ng base giutar ni MyungSoo. Doon nya siguro kinuha ang pangalang dying red. Natatawang napailing na lang si JinWoon sa kanya. Ang acoustic guitar na lang ang kinuha nya at nag-simulang tumugtog na parang wala sa sarili. Sa mga oras na iyon ay walangg ibang nasa isip nya kundi ang nakita nya kanina. Mariin nyang ipinikit ang mga mata hanggang sa hindi nya namalaya na nakatulog na pala sya.

2 comments:

  1. tlgang ginoogle q p ang itsure ni kim myungsoo. fmiliar kasi ung name peo nde q maalala!
    ang gling mu po mmili ng charcters!

    ReplyDelete
    Replies
    1. si L po sya ng infinite .. hehe .. tnx po ..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^