CHAPTER NINE
Naabutan ni JinWoon
na umiiyak si JiYeon. Doon ito nakita ni JinWoon sailalim nga ng punong manga,
nakaupo sa papag. Nakaramdam sya ng awa dito maging sa sarili nya. Alam nya
kung ano ang nararamdaman ni JiYeon. Alam nya kung gano kasakit ang ganung pakiramdam.
Pero hindi naman pwedeng mag-muk-muk na lang silang dalawa sa ilalim ng manga
habang umiiyak. Lalo lang nilang ginagawang kaawa-awa ang mga sarili nila.
Lumapit si
JinWoon kay JiYeon, dala ang gitara nito. Naupo pa ito sa tabi nya. Ikinagulat
iyon ni JiYeon. Agad itong tumalikod para mag-punas ng luha. Tuwawa saglit si
JinWoon bago nag-salita. "Wag mo nang itago. Nakita na kita umiyak noon
pa."napalingon sa kanya si JiYeon. "Akin yang panyong hawak
mo"tinuro pa ni JinWoon ang panyo na pinangpunas ni JiYeon sa luha nya.
"Sinungaling!"galit na saad nito tapos ay nang-ismid pa ito.
Pero hindi sya pinansin ni JinWoon sa halip ay tumugtug lang ito ng gitara
pag-kuway inumpisahan narin nito ang pag-kanta sa unang verse ng White Love ni
SeungRi. Pati ang chorus ay kinanta nya.
[Translated in
English]"The snow is piling up towards the sky where the clouds dance.
I’ll go anywhere with you, Love Love Love yeah. Everyday the birds are singing
and the flowers are smiling at us. Go anywhere with me, Love Love Love
Love"kanta ni JinWoon. Doon lang muli napalingon si JiYeon sa kanya.
Nag-patuloy lang sa pag-kanata sa pag-kanta si JinWoon, nagulat na lang sya ng
bumagsak ang ulo ni JiYeon sa balikat nya. Nang lingunin nya ay tulog na pala ito.
Inilapag ni
JinWoon ang gitara sa tabi nya. Para mas maasyo ang pag-kakasandal ni JiYeon sa
kanya ay inakbayan nya na lang ito. Ngayo ay nakahilig na ito sa dib-dib nya.
Ngayon lang nya napansin na makinis pala ang balat ni JiYeon. Napansin din
nyang hindi ito naka-lipstick. Sadyang mapula lang talaga ang mga labi nito.
Malambot pala ang buhok nito kahit na araw araw itong nag-papalit ng style. Para
itong nagtutulog na bata sa kandungan nya.
Bigla syang
nakaramdam ng kaba habang tinititigan nya ito lalo na ang mga labi nito. Parang
gusto nya ng halikan. Unti-unti syang naakit hanggang sa sintemetro na lang ang
lapit pero agad din syang umiwas. Napasapo sya sa nuo. "Hay! Ano bang
nang-yayari sakin?"ilang beses nitong pinukpok ang nuo. Umiling ito at
ipinikit na lang ang mga mata para hindi na ito maakit sa labi ni JiYeon.
Hanggang sa sabay silang bumagsak pahiga. Napayakap pa si JiYeon kay JinWoon ng gumalaw ito. Wala ng
may alam sa kanila na pareho na pala silang tulog at nag-lalakbay ang diwa
kasabay ng mga hangin. It was really a goodnight for both of them because they
were both smiling.
Nagising si
JiYeon na nakayakap kay JinWoon habang ganun din ito sa kanya. Sa una ay hindi
pa nya napansin ngunit ng mag-angat sya ng ulo dun nya lang na-realized ang
lahat. Napaupo sya at nag-sisisigaw.
"Ahhhhhhhh!!! Walang hiya ka talaga! Ilang beses mo na akong
pinag-sa-samantalahan!" pinag-susuntok nya ito sa braso. Todo salag naman
si JinWoon.
"Ano bang
pinag-sasabi mo dyan! Ikaw nga 'tong unang humiga sa balikat ko kagabi! May
paiyak iyak ka pa!"aniya ni JinWoon. Nang marinig ni JiYeon ang sinabi
nitong umiyak sya. Napaisip tuloy sya na nakita pala iyon ni JinWoon kagabi. At
sinabi din nitong hindi iyon ang unang pag-kakataon na nakita nya itong umiyak.
Nakaramdam tuloy sya ng hiya pero hindi nya ito pinahalata kay JinWoon.
Galit syang tumayo.
"Saan ka
pupunta?"salubong ang kilay na tanong nito.
"Uuwi na
ko!"inis nyang singhal. Napangiti lang si JinWoon tapos ay nag-unat ito
saka muling humiga. Ang ganda ganda ng mood nito ngayon. Parang pakiramdam nya
nakumpleto ang araw nya. Sa sobrang saya nga nya ay napasigaw pa sya. Parang
naririnig nya sa tenga nya ang kanta ni SeungRi na suddenly naging favorite
nya.
Kinse
minutos ng nag-hihintay sa labas si
JinWoon pero hindi parin lumalabas si JiYeon. Inip na inip na sya kaya naman
pinuntahan na nya ito sa loob. "Ano ba?! Bakit ba ang tagal
tag-"natigilan sya sa nakita. Isang simpleng t-shirt at short lang ang
suot ni JiYeon. Higit sa lahat ay wala itong make-up. Iyon ang unang
pag-kakataon na makita nya ang simple at walang arte sa katawang si JiYeon.
Halata sa mukha
ni JiYeon ang ilang pero manghang-mangha naman si JinWoon. Kulang na lang ay
mag-laway ito. Kahit pala wala itong make-up ay lumilitaw ang ganda nito. Tiningnan sya ni JinWoon mula ulo hanggang
paa. Parang hindi si JiYeon ang kaharap nya.
"Maganda
ba sya apo?"masayang tanong ng kanyang Lola. Para syang napaso ng mainit
na kape at nataranta kaya iba ang nasagot nya.
"Ang
pangit-"nautal sya ng tingnan sya ng masama ni JiYeon. "Bi-bilisan mo
na nga!"nag-walked out ito na hawak hawak ang kumakabog na dib-dib.
Parang hingal
na hingal sya ng maka-labas. Hanggang dun ay hawak parin nya ang dib-dib na
parang natatakot syang baka mahulog na lang ito bigla. "Ano bang
nang-yayari sakin? May sakit na ba ako sa puso?"tumingala sya sa langit at
nag-sign of the cross. "Diyos ko wag naman po!"napa-tayo sya ng
diretso ng makita nyang palabas na si JiYeon. But he really can't stand the beat of his heart. Para syang kinakapos
ng hininga. Tumalikod sya at humarap sa pader nag-babakasakaling kumalma sya.
"Ano bang ginagawa mo dyan?"walang
reaksyon na tanong ni JiYeon.
"Wala ka
nang paki-alam!"masungit nyang sagot.
"Mukha
kang tanga. Tara na nga! Mag-harvest na tayo para makauwi na tayo!"yaya
nya. Nag-offer kasi si JiYeon na mag-harvest muna sila bago umuwi kabayaran na
rin sa pag-gamot ng Lola ni JinWoon sa kanya. Hindi na rin naman kasi ganun
kasakit ang paa nya at kaya na nya.
Asar syang
hinabol ni JninWoo, "Hoy! Anong sabi mo? Bakit hindi mo ko tinatawag na Mahal na Prinsipe?!"tuloy tuloy lang
si JiYeon sa pag-lalakad. "Hoy! Huminto ka dyan! Isa!"pero hindi sya
pinapakinggan nito.
Inumpisahan na
agad ni JiYeon ang pag-harvest ng mga apple. Samantalang si JinWoon ay talak
parin ng talak. Sa inis ni JiYeon ay sinubuan nya ito ng apple na hawak nya.
Natawa si JiYeon ng makita kung gano kalaki ang sinubo nya. Bukang buka tuloy
ang bibig ni JinWoon.
"Yah!"galit na kinuha ni JinWoon ang apple sa bibig. Muli
syang sinubuan ni JiYeon ng apple na mas malaki. Mas bukang buka ang bibig ni
JinWoon. Para na itong letchong baboy. Napaluhod na sa tawa si JiYeon. Maging
si JinWoon ay natawa na rin. Pumitas ng maliit na apple si JinWoon tapo ay
pinunas ito sa damit nya saka isinubo kay JiYeon. Kumagat naman ito.
"Masarap?"tanong ni JinWoon.
Umarko ang
mukha nya na masarap ang apple at tumango pa ito. "Mahal na Prinsipe! Heto
kainin mo!"sinubuan din sya ni JiYeon. At himalang hindi na sya nailang na
tawagin ito sa ganung pangalan.
"Wow!
Matamis!"matikas nitong boses.
"Talaga?"nakangiting tanong ni JiYeon.
"Uhmm.
Magaling kang utusan."sabi ni JinWoon. Nag-bigay galang naman si JiYeon.
Hanggang sa para na silang mga batang nag-lalaro sa field. May nag-hahabulan
sila, may mauupo si JinWoon na parang prinsipe at uutusan nya si JiYeon tapos
ay magiging si JiYeon na ang prinsesa at si JinWoon ang kabalyero nya. Meron
pang ilalagay ni JiYeon ang apple sa ulo ni JinWoon na kunyari ay korona saka
kihaan nya ito ng picture sa cellphone nya. Syempre hindi rin makakaligtas si
JiYeon, ganun din ang ginawa ni JinWoon. Kinuhaan nya rin ng picture si JiYeon
gamit ang cellphone nya. Nag-kuhaan sila ng pictures. Pinakanta pa ni JiYeon ng
White Love si JinWoon habang nire-record nya ito. Ilang saglit pa ay sinasayaw
na nila ang chorus ng kanta.
Sa ganun
kaiksing panahon ay nag-kalapit silang dalawa ng hindi rin nila inaasahan. Ayaw
man nilang aminin pero pareho silang nag-e-enjoy sa isa't isa. Nakakalimutan
nila ang mga problema nila pag mag-kasama sila.
Pagod na humiga
ang dalawa sa papag sa ilalim ng manga. Pero kahit pagod ay bakas sa mukha ng
dalawa ang saya. Nag-katawanan sila ng mag-katinginan.
"Marunog ka
rin palang tumawa ng katulad ngayon?"pag-kuway saad ni JinWoon.
Hinampas sya ni
JiYeon sa braso. "Bakit? Anong tinginmo sakin? Robot? Puro kamay na bakal
lang hindi man lang ngumingiti. Walang puso?"inismid nya si JinWoon.
Naupo si JinWoon
sinundan lang sya ng tingin ni JiYeon. "Mas gusto ko kita ngayon kaysa
dati."sabi nito. Nagulat si JiYeon. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin
ni JinWoon sa sinabi nitong gusto sya nito. Nangibabaw ang katahimikan. Agad
naman iyong binasag ni JinWoon ng mag-explain sya sa ibig nyang sabihin.
"Gusto ko yung simpleng JiYeon kaysa sa palaging naka-make-up. Mas bagay
kasi sayo ang simple. Wala kang tintagao, nakakatawa ka ng ganyan. Lumalabas
ang totoong ikaw. Kaysa sa dati na lahat ng soft side mo naka-tago sa make-up
at papalit palit mong hairstyle. Mas masarap maging ikaw kaysa sa maging hindi
ikaw."anya ni JinWoon.
Sumeryoso ang
mukha ni JiYeon, kahit pakiramdam nya pangahas ang mga sinabi ni JinWoon
inaamin nya na may punto ito. Mas gusto nya ang JiYeon ngayon, simple malayang
ipinakikita ang nararamdaman hindi katulad ng isang JiYeon na rebelde at walang
pakialam kahit may masaktang mga tao. Na-realized nya na lang sa sarili nya na
ayaw na nyang bumalik sa dating sya. Mas gusto na nya ang ngayon. Tumayo sya
mula sa pag-kakahiga. Bigla namang kinabahan si JinWoon dahil baka nagalit na
ito.
Otomatikong
sinalag ni JinWoon ang kamay ni JiYeon nang akala nya ay sasampalin sya nito.
Pero sa balikat lang pala sya nito hahawakan. "Salamat. Dahil sayo may mga
na-realized akong bagay Mahal na Prinsipe."ngumit si JiYeon pag-kuway
ngumiti na rin si JinWoon.
Ready na ang mga
apple na dadalhin ni JiYeon. Nag-dala din si JinWoon para sa mga magulang nya.
Hinawakan ngmatanda ang kamay ni JiYeon. "Bumalik ka dito hu? Mabait kang
bata. Magaling talagang pumili ng girlfriend 'tong apo ko."hanggang sa mga
oras na yun ang pag-kakalam ng Lola ni JinWoon ay may relasyon sila.
"Lola,
hindi ko po sya girlfriend."pag-amin ni JinWoon na ikinagula ng matanda.
"Ganun ba?
E bakit mo sya dinala dito? Sabi mo bukod sa mga barkada mo wala kang iba pang
dadalhin dito kundi ang babaeng pakakasalan mo?"pag-bubuking nito sa apo.
"Lola
naman! Hindi ko sinabi yun!"pag-sisinungaling nito.
"Ano-"hindi na pinatapos ni JinWoon ang Lola sumingit na agad
ito.
"Ah~Sige
Lola! Mauna na kami. Baka gabihin nanaman kami e."humalik na si JinWoon sa
Lola nya, medyo nagulat sya ng ganun din ang ginawa ni JiYeon. Ilang saglit pa
ay umalis na sila. Mami-miss nila ang lugar na yun. Dahil sa sandaling panahon
ay marami silang nagawang memories na dalawa. Pareho din nilang hinihiling na
sana maulit uli iyon.
~>angel is luv<~
ReplyDeletewaaahhh! paganda na siya ng paganda!!!