CHAPTER EIGHT
Marahang lumapit si SooYeon sa nakaupong si HeeChul sa bench. Hindi sya napansin nito dahil sa likod sya dumaan. Pabiro nyang tinakpan ng mga kamay ang mata ni HeeChul. Nabigla si tuloy ito at hindi sinasadyang mabanggit ang first two letters sa pangalan ni JiYeon.
"Ji-"anito, hindi naman malaman ni SooYeon kung magagalit ba sya dito o kalilimutan nya na lang. Dahan dahan nyang inalis ang kamay sa mga mata nito.
Tarantang tumayo si HeeChul, agad namang ngumit ang nakasimangot na si SooYeon ng lingunin sya nito. "So-sorry. Bigla ko lang kasi naisip si JiYeon. Kung-"humahagilap ito ng dahilan. Nakangiti lang na nakikinig sa kanya si SooYeon. "Kung sinasaktan ka parin ba nya?"tanong nito.
Lumapit si SooYeon kay HeeChul tapos ay yumakap ito sa mga braso nya. "Okay lang."lambing nya. "Kilala mo naman si JiYeon, hindi tumatanggap ng pag-katalo yun."ang ibig nitong iparating sa kanya na gumaganti parin si JiYeon sa kanya. "Pero kahapon wala syang ginawa. Hindi ko alam kung ano nangyari. Siguradong may malaki syang balak."dugtong pa ni SooYeon.
"Kahit ano pa yun. Hindi ako papayag na sirain nya ang relasyon natin."banta ni HeeChul. Ngumiti si SooYeon at nahiga sa balikat ni HeeChul.
"Salamat."maya-maya ay sabi ni SooYeon.
"Para saan?"kunot nuong tanong ni HeeChul.
"Dahil ako ang pinili mo kaysa kay JiYeon."aniya.
Ngumiti si HeeChul. "Ikaw naman dapat ang minahal ko nun pa. Kung nalaman ko lang agad na ikaw ang secret admirer ko sana noon pa lang kasama na kita."puno ng sincerity ang mga sinasabi nito para kay SooYeon. Napaangat ang ulo ni SooYeon sa balikat ni HeeChul sa narinig. Parang bigla itong nailang at hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.
"Saan ba tayo pupunta?"pag-iiba ni SooYeon sa usapan.
"Hmm! Diba gusto mo pumunta sa Amusement Park? Favorite mong sumakay sa Roller Coaster. Naalala ko pa dahil nilagay mo sa sulat mo yun. Gusto mo na makasama akong sumakay dun kaya gagawin antin yun ngayon."excited na wika ni HeeChul. Para namang biglang namutla si SooYeon. Parang ayaw na nitong sumama kay HeeChul papuntang Amusement Park. Kaya lang hinatak na sya ni HeeChul pasakay sa bus.
Ilang saglit lang ay naroon na sila sa Amusement Park. Maraming tao dahil sabado, halos lahat ng kabataan at pamilya ay naroon para mag-libang. Sa Roller Coaster agad dumiretso sina SooYeon at HeeChul. Sa ticket booth pa lang ay hindi na mapinta ang takot nanararamdaman ni SooYeon. Ayaw nyang sumakay sa Roller Coaster na yan. Pero anong gagawin nya? Nandyan na si HeeChul dala ang ticket nila. Pakiramdam ni SooYeon ay iihi na sya sa takot lalo na ng sa harap pa ang piniling umupo. Paupo na sila ng pigilan sya ni SooYeon.
"Teka sandali. Pwede bang sa huli na lang tayo umupo?"pakiusap nito.
"Hu? Bakit? Diba sa harap mo gustong umupo? Yun ang sabi mo sakin sa sulat."paalala nya ulit sa sulat nito.
"Ah-Oo. Pero mas gusto ko nang umupo sa likod. Mas adventurous."anya na halata na sa boses ang tensyon.
"Ha? O sige."napilitan na lang sumunod si HeeChul. Wala silang kaalam-alam na may nakakita pala sa kanila na mga followers ni JiYeon na nag-kataong sa Roller Coaster din sumakay. Ilang saglit pa ay umandar na ang tren. Napakapit ng mahigpit si SooYeon sa hawakan. Napansin ni HeeChul na natatakot ito. Ikinataka nya iyon pero hindi nya na alang inisip. Kinuha nya ang kamay ni SooYeon at hinawakan ito ng mahigpit. Sabay sigaw ng pabaksak na ang tren. Parang mamamatay si SooYeon. Sigaw ito ng sigaw na gusto na nitong bumaba samantalang si HeeChul naman ay tuwang tuwa.
Pinitik ni JinWoon ang nuo ng tulog na tulog na si JiYeon. Nakasalpak pa sa tenga nito ang iPod. Napa-pisik sya ng maramdaman ang sakit, unti unti syang dumilat. Nang maaninag nya si JinWoon na nakatayo sa harap nya ay agad nyang minulat ang mata.
"Anong ginagawa mo dito?"mukhang naalimpungatan ito dahil biglang nawala sa ala-ala nya na mag-kasama silang sumakay ni JinWoon sa bus.
"Ano bang tanong yan? Tumayo ka na dyan. Nan dito na tayo."iyon lang at lumakad na si JinWoon pababa ng bus. Nang matauhan si JiYeon ay alarma nyang pinag-masdan ang paligid. Wala syang ibang nakikita kundi bundok. Nilingon nya si JinWoon. Pababa na ito ng bus. Dali-dali sayang tumayo, pero wala pa man sya sa gitna ay kumirot na ang paa nya. Naalala nya na nahulog pala sya sa kama at mukhang napilayan sya. Iika ika syang lumakad pababa. Naabutan nya sa doon ang naka-halukip-kip at naka-simangot na si Jinwoon.
"Bakit ba ang bagal bagal mong kumilos? Bilisan mo nga!"nag-patiuna na ito palibhasa kasi hindi nya alam na may iniindang sakit si JiYeon. Maya-maya pa ay lumalakad na sila sa bukid. Nauuna si JinWoon habang si JiYeon naman ay pilit na tinitiis ang sakit sa paa. Masama na ang lagay nito dahil nararamdaman na nya ang manhid.
"Malayo pa ba tayo?"tanong nya kay JinWoon pero hindi ito umiimik. "Hoy! Malayo pa ba?"iika ika nyang hinahabol ang bilis ng lakad ni JinWoon. Nang lingunin sya nito ay agad syang umayos ng lakad na kunyari ay wala syang pilay.
"Nakakalimutan mo na yata yung huling rules sa pinirmahan mong kontrata!"galit nitong paalala. "Simula ngayon hindi kita kikibuin hangat hindi mo ko tinatawag na mahal na prinsipe."lumingon ulit ito paharap.
Inis namang napasimangot si JiYeon. Kung hindi lang talaga masakit ang paa nya ay kanina pa nakatikim ng sipa si JinWoon. Gusto lang naman nyang malaman kung malayo pa ba sila dahil sumasakit na talaga ang paa nya at gusto nyang maka-pahinga kahit saglit lang. Ayaw nyang tawaging Mahal na Prinsipe ni JinWoon , pakiramdam nya kasi ay natatapakan ang pride nya. Kung may tatawagin mang kamahalan sa kanilang dalawa ay sya na dapat yun hindi ang cheap na lalaking 'to na parang hindi man lang nag-susuklay.
Pero hindi na matiis ni JiYeon, halos trenta minutos na silang nag-lalakad. Talagang pagod na sya, gusto nang bumigay ng mga paa nya. Hindi naman kasi sya sanay sa ganung lakaran na parang inaakyat nila ang bundok. "Ma-"tawag nya na hindi malaman kung itutuloy ba nya o hindi. Nag-pintig naman ang tenga ni JinWoon at unit-unti syang napapangit.
"Ma-maha-hal-"para itong bata na nag-uumpisa pa lang mag-salita dahil hirap nahirap itong bangitin ang mga katagang iyon. Lalo namang lumalaki ang ngiti sa mga labi ni JinWoon na iniingatan nya lang na hindi mahalata ni JiYeon. "Ma-hal na-na Pri-Mahal na Prin-Prinsi-pe. Malayo pa ba tayo?"halos hindi maintindihan ang sinasabi nito. Pigil namang napatawa si JinWoon tapos ay nag-kunyari itong naka-simangot nang lingunin si JiYeon.
"Ano? Hindi kita naiintindihan!"pag-tataray ni JinWoon at muling lumingon paharap. Nginiwian ng labi at inambaha sya ni JiYeon bago muling binanggit ang tawag kay JinWoon.
"Ma-mal na Prinsipe! Malayo pa ba tayo?"sa wakas kahit na medyo nautal sya ay malinaw na ito. Hindi naman maiwasang matuwa ni JinWoon. Nang marinig nya iyon parang biglang gumanda ang mood nya. Bigla syang sumigla at ready na uling makipag-palitan ng asaran kay JiYeon. Kaya lang kabaliktaran naman iyon kay JiYeon. Mukhang ito naman ang wala sa mood.
"Nandito na tayo. Ayan ang bahay ni Lola. Sya lang ang nakatira dito kasama ng ibang trabahador.sMay manliit syang taniman ng mga apples. May mga alaga din syang mga hayop gaya ng baka, manok, baboy at kambing."pag-bibida ni JinWoon pero hindi interesadong makinig si JiYeon. Mas pinili na lang nitong basahin ang mga text sa cellphone nya. Biglang nag-iba ang itsura nya ng may mabasa syang hindi magangdang message galing sa mga followers nya. Lumatay sa buong buto nya ang sakit na para bang bigla na lang syang namanhid. Hindi na nya maintindihan ang mga sinasabi ni JinWoon. "Nandito ka para tulungan akong mag-harvest at mag-linis sa kulungan ng mga hayop."itinuro pa nito ang mga kulungan ng hayop sa likod. "Kaya nga sabi ko wag ka mag-mi-make up dahil pag-papawisan ka rin dito."
Namumungay na ang mga mata ni JiYeon. Any minute pakiramdam nya ay mawawalan na sya ng malay. Napansin ni JinWoon na parang namumutla na si JiYeon kaya napatanong sya. "JiYeon, okay ka lang ba?"hindi sumasagot si JiYeon. Nang hawakan nya ito sa balikat ay saka lang ito tuluyang nawalan ng malay. "JiYeon! Anong nang-yayari sayo?"natatarantang hiyaw ni JinWoo ng bumagsak si JiYeon sa balikat nya. Agad nya itong binuhat at itinakbo papasok ng bahay.
Sinalubong sya ng Lola nya sa pinto. "Naku apo! Anong nang-yari sa girlfriend mo?"alalang tanong nito. Napag-kamalan pa ng Lola nya na girlfriend nya si JiYeon. Pero hindi iyon mahalaga kay JinWoon ngayon. Ang mahalaga ay si JiYeon, nakaramdam sya ng takot na baka kung ano na ang nag-yari dito dahil kung mapahamak ito wala syang ibang sisisihin kundi ang sarili nya.
Inihiga nya si JiYeon sa sofa. "Lola! May malapit bang hospital dito o kaya doktor na pwede tingnan si JiYeon?"tarantang tanong nito.
"Sandali lang apo. Wag kang mataranta. Magiging ayos din ang girlfriend mo. Ako nang bahala sa kanya."girlfriend parin ang ni JinWoon ang pag-kakailala ng Lola nya kay JiYeon. Ngunit dahil sa taranta sya ngayon hindi nya napapansin ang bagay na iyon. Nilapitan ng matanda si JiYeon at hinipo ang nuo nito. "Naku! Mataas ang lagnat nya!"pahayag nito.
Lalong nadag-dagan ang taranta at takot ni JinWoon. "Ano ho? Lola anong gagawin natin? Anong gamot ang pwede nyang inumin? May malapit po bang drugstore dito? O kailangan na syang dalhin sa Hospital?"sunod sunod na tanong ni JinWoon. Hindi na ito mapakali sa kinatatayuan samantalang abala ang Lola nya kay JiYeon. Kahit kasi hindi nag-aral ng medisina ang Lola nya ay may mga alam din itong mga halamang gamot para sa ibat-ibang sakit. Kaya bihira lang noon dalhin sa Hospital si JinWoon dahil sa Lola nya.
Napansin ng matanda ang namamagang paa ni JiYeon ng tanggalin nya ang sapatos nito. "May pilay pala sya. At mukhang na-pwersa nya kaya namaga ng ganito."kitang kita ang pamamaga ng kanang paa ni JiYeon.
"Hi-hindi ko ho alam na may pilay pala sya."natulala si JinWoon sa magang paa ni JiYeon. Nakaramdam sya ng galit sa sarili dahil ni hindi man lang nya napansin na may masakit na pala kay JiYeon at may part din na galit sya kay JiYeon dahil hindi man lang ito nag-sasalita. Inis na may halong galit ang nararamdaman nya, hindi nya alam kung bakit? Hindi nya maintindihan kung bakit nag-aalala sya ng ganun kay JiYeon. Gusto nyang sigawan si JiYeon kasi pinilit parin nitong sumama sa kanya kahit na injured ito para lang maiwasan nito ang consequence. "Sira-ulo."galit na may kasamang inis na saad ni JinWoon.
Napahinto si HeeChul sa tindahan ng Dukbokki. Gabi na at pauwi na rin sila ni SooYeon.
"Bakit?"nakangiting tanong ni SooYeon.
"Paborito kasi ni JiYeon yan."parang nawala sa sarili si HeeChul ng banggitin nya mismo sa harap ni SooYeon ang bagay na yun. Nawala ang ngiti sa mga labi ni SooYeon. Nang matauhan si HeeChul ay alala itong napalingon kay SooYeon. "So-sorry."anito.
Pilit na ngumit si SooYeon. "Okay lang. Tara na?"aya nya dito. Matipid na ngumiti si HeeChul at sumulyap pa ito sa Dukbokki bago umalis.
Inihatid ni HeeChul si SooYeon sa bahay nito. Ngunit bago sya umalis ay muli syang humingi ng sorry kay SooYeon. "Pasensya ka na hu? Ang totoo kasi. Kahit na may mga maling nagawa si JiYeon gusto ko parin syang patawarin. May mga good side naman sa kanya na hindi alam ng mga tao."sabi nya. "Kaya sana mapatawad mo parin sya kahit na may mga mali syang nagawa sayo."pakiusap ni HeeChul. "Kakausapin ko sya na lubayan ka na. Kaya wag ka nang mag-alala pa."
Ngumiti si SooYeon at yumakap kay HeeChul. "Okay lang. Naiintindihan kita. Hindi naman ako galit kay JiYeon."pero ang mukha nito ay para nang sinusumpa ang buong angkan ni JiYeon. Bago kumawala sa pag-kakayakap si SooYeon ay nag-palit uli ang reaksyon ng mukha nito. Ngumiti na ulit ito.
"Salamat."masayang wika ni HeeChul.
"Sige na. Uwi ka na. Gabi na."mahinahong saad ni SooYeon. Kumaway si HeeChul saka tuluyang umalis. Pag-talikod nya ang nakangiting mukha ni SooYeon ay napalitan ng galit at puot. Pumasok ito sa bahay nila. Sumalubong ang ina nyang lango nanaman sa alak.
"Kamusta ang anak ko?"namumungay na bati ng kanyang ina. Hindi nya ito pinansin, dumiretso ito sa kwarto nya at padabog na inilapag ang gamit sa study table. Nang-lilisik ang mga mata nito sa galit. Habang ang mga kamay nito ay naka-kuyom.
"Waaaaaaaaaaaaa!"naiiyak nyang sigaw. Sinuntok nya ang study table nya at doon na sya tuluyang napaiyak. "Park JiYeon."walang kasing pait ng banggitin nya ang pangalan ni JiYeon.
Dahan dahang iminulat ni JiYeon ang mga mata. Inaaninag nya ang paligid nya. Nilingon nya ang kanan nya. Wala syang ibang nakikita kundi dilim. Nang lingunin nya naman ang kaliwa ay may naaninag syang isang tao. Pilit nyang nililinawan ang paningin nya ilang saglit pa ay klaro na ito. Si JinWoon pala ang taong iyon. Mukhang nakatulog na ito sa gilid ng kama. Akmang uupo si JiYeon ng may biglang mahulo sa mula sa nuo nya. Pag-tingin nya ay face towel iyon. Nag-taka pa sya kung bakit sya may ganun.
Inalala nya ang bawat nang-yari. Bumalik sa kanya ang lahat. Nasa bukid pala sya kasama si JinWoon. Naalala ding nyang nahimatay sya at may pilay sya sa paa. Tinaas nya ang kumot sa paa. Nakita nyang naka-balot na ng puting tela na may halaman ang paa nya. Nilingon nya ang paligid nasa isang kwarto sya na may malamig at sariwang hangin galing sa labas. Gabi na pala.
"Gabi?"tanong nya sa sarili. Nang maalala ang mga magulang nya ay napabalikwas sya sa kinauupuan. Nasipa nya ang natutulog na si JinWoon kaya natumba ito sa lapag dahilan para magising ito.
"Aray."kakamot kamot pa ito sa ulo.
"Kailangan ko nang umuwi!"natatarantang wika ni JiYeon. Napatayo si JinWoon nang makitang wala na sa kama si JiYeon. Patakbo syang lumapit dito.
"Teka! Okay ka na ba? Hindi ka pa pwede tumayo kasi namamaga pa yung pilay mo!"alalang sabi nito.
"Kailangan ko ng umuwi! Malalagot ako sa mama ko!"giit ni JiYeon.
"Hu? Gabi na. Wala ka nang masasakyan."
"Ano?!"kulang na lang ay gumuho ang buong bahay sa sigaw nya. Napatakbo tuloy ang Lola ni JinWoon sa kanila.
"Ano nang-yayari?"aniya. Pareho silang napatingin sa matanda pero hindi parin nag-paawat si JiYeon.
"Kasalanan mo 'to e! Kung hindi mo ko dinala dito hindi mag-kakaganito!"galit nitong paninisi.
"Wag mo kong sisihin! Diba sinabi ko na wag ka nang pumunta! Ikaw ang nag-pumilit! Ni hindi mo nga sinabing may pilay ka pala e! E di sana hindi na kita isinama dito!"galit ding saad ni JinWoon. Nag-sisigawan na silang dalawa.
"Huminahon nga kayong dalawa."awat ng matanda sa dalawa. Hindi nakapag-salita si JiYeon sa sinabi ni JinWoon dahil alam nyang tama naman ito. Pag-kuway bumalik din sa ala-ala nya ang natanggap na text galing sa followers nya.
"JiYeon! Mag-kasama sina HeeChul at SooYeon dito sa Amusement Park! At sumakay din sila sa Roller Coaster na sinakyan namin!"
Nanumbalik ang sakit na naramdaman nya kanina. Gusto na nyang mapaiyak but not in front of JinWoon and his Lola. Iika-ika syang lumakad palabas ng kwarto. Sinundan sya ng tingin ni JinWoon.
"Hoy! Saan ka pupunta?"tawag nito pero hindi sumagot si JiYeon. Nag-patuloy lang ito sa pag-lalakad. Nag-aalala naman itong sinundan ng matanda pero pinigilan sya ni JinWoon. "Hayaan nyo na lang muna sya Lola. Ako nang bahala."problemadong napaisip si JinWoon sa text na hindi nya sinasadyang mabasa sa cellphone ni JiYeon ng mahimatay ito kanina.
Sumakay ng Roller Coaster si SooYeon? Ang pag-kakalam nya ay takot itong sumakay dun nang minsan itong yayain ni JinWoon. Ayaw nito ang Roller Coaster pero bakit sumakay ito dun? Dahil ba kasama nito si HeeChul? Bakit? Pakiramdam ba ni SooYeon na mas-safe sya pag si HeeChul ang kasama nya? Hindi na nya maintindihan si SooYeon. Lahat ba ng mga ipinakita nito noon sa kanya ay puro kasinungalingan? Pero bakit kailangan nya mag-sinungaling? Anong dahilan?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^