Tuesday, June 5, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 11


CHAPTER ELEVEN

         Ngayon ay pareho ng naka-upo sina JiYeon at JinWoon sa gilid ng pinto. Tapos nang umiyak si JiYeon pero bakas parin dito ang sakit. Walang nag-sasalita sa kanilang dalawa. Pag-kuway umimik na si JinWoon.


        "Alam mo ba ang pinaka paborito kong chords ng gitara?"tanong ni JinWoon kay JiYeon pero hindi sya pinansin nito. "Gusto mo marinig?"pangu-ngulit nya dito, baliwala parin. "Sige. Ipaparinig ko sayo."kunyari ay may hawak na gitara si JinWoon dun lang kunot nuong napatingin si JiYeon sa kanya. Nag-strum sya, "G-Minoooooooooooor."mahaba nyang sabi habang feel na feel pa nya ang ginagawa. Para talaga itong may hawak na gitara. Naka-titig lang sa kanya si JiYeon. "Gusto mo ulitin ko?"umayos ito ng upo paharap sa kanya at muling inulit ang ginawa. "G-Minoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooor."ngayon ay mas mahaba na ito. Sa pag-kakataon na yun ay natawa na si JiYeon. Inulit uli ni JinWoon ang G-Minor, lalong natawa si JiYeon sa huli ay ginagaya na rin sya ni JiYeon.


         "G-Minoooooooooooooorrrrrrrrrr."mukhang mas maganda ang G-Minor ni JiYeon kaysa kay JinWoon. Maya-maya pa ay nawala na ang lungkot at galit ni JiYeon dahil sa ginawa ni JinWoon. Muli nanaman silang natahimik na dalawa pero binasag naman agad iyon ni JiYeon. "Hay! Hindi ko alam na aabot pa sa ganito ang nagawa ko."buntong hininga nyang sabi. Napatingin si JinWoon sa kanya. Ang ibig bang sabihin nito ay ang pag-sisinungaling na ginawa nya kay HeeChul?


         "Anong ibig mong sabihin?"kunyari ay wala pa itong alam.


         "Sana hinayaan ko na lang si SooYeon kay HeeChul nun. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito ngayon."sabi ni JiYeon. Parang may kumurot sa puso ni JinWoon ng marinig iyon. Kaya lang hindi sya pwede mag-react dahil wala naman syang karapatan. Wala syang  ibang magawa kundi ang pakinggan si JiYeon kahit pa may mga masasabi itong makakasakit sa kanya.Parang naririnig nya tuloy sa tenga ang kantang Can't I Love You ng 2AM.


        "Kaibigan ko si SooYeon. Nag-tiwala ako sa kanya, lahat ng tungkol kay HeeChul sinabi ko sa kanya. Kilalang kilala ko sya. Noon pa  lang alam ko nang gusto din nya si HeeChul. Pero naging maka-sarili ako. Inuna ko ang nararamdaman ko kaysa sa kanya. Ngayon sira na ang pag-kakaibigan namin."muling lumungkot ang mukha nya. Tahimik lang na nakikinig si JinWoon sa kanya. "Kaya lang mahal ko talaga si HeeChul."


        Parang hinihiwa ang puso ni JinWoon. Hindi nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya. Nasasaktan syang marinig na mahal parin ni JiYeon si HeeChul. Gusto nyang mapaiyak kaso kaharap nya ito. Pigil na pigil sya sa nararamdaman nya.


        "Minahal ko na si HeeChul nun pa man. Kahit na sa sulat ko lang dinadaan lahat."anito. Napa-kunot ang nuo ni JinWoon. Tama ba ang narinig nya? Dinadaan lang ni JiYeon sa sulat ang nararamdaman nito? Bigla syang naguluhan. Ang sabi ni HeeChul ay si SooYeon ang sumusulat sa kanya pero ano ang sinasabi ni JiYeon.


        "Teka. Naging secret admirer ka ni HeeChul noon?"pag-ka-klaro ni JinWoon kasi talagang naguguluhan na sya ngayon.


        Nahihiyang natawa si JiYeon. "Sige. Aaminin ko na sayo. Tutal wala na naman akong maitatago sayo. Naging secret admirer ako ni HeeChul for almost a year. Umamin ako nung maboto kaming Prom king and Queen. Nakakahiya man pero totoo yun."pag-amin ni JiYeon.


        Hindi mawala sa isip ni JinWoon ang mga sinabi ni JiYeon habang nag-lalakad ito sa corridor hawak ang isang papel na hiniram nya kay JiYeon. Hinahanap nito  si SooYeon para kumpirmahin dito ang ilang mga bagay.


        "Sa sulat ko lang dinaan lahat ng nararamdaman ko nun kay HeeCHul. Nakakatawa nga e. Niyaya ko sya noon sa sulat na pumunta ng Amusement Park para sumakay sa Roller Coaster. Nagulat na lang ako ng sumulat din sya sakin pero inilapag nya lang din sa locker nya para makita ko. Nakalagay dun sabi nya sasakay kami dun dahil pupunta kami sa Neverland para habang buhay kaming bata at mag-kasamang paulit-ulit na sumasakay sa Roller Coaster. Ito lang ang bagay na hindi ko sinabi kay SooYeon."ipinakita pa ni JiYeon ang sulat na iyon. 


        Naalala nyang sabi ni JiYeon sa usapan nila sa rooftop kanina. Naka-kuyom ang mga kamayn nya. Nasa kamay parin nya ang sulat. Nangg makita nya si HeeChul ay agad nya itong nilapitan at iniharap dito ang dalang sulat.


        "Sulat mo ba 'to nang yayain ka ni SooYeon na sumakay ng Roller Coaster?"si SooYeon muna ang sinabi nya dahil gusto muna nyang ma-klaro ang lahat bago nya sabihin dito ang katotohanan.


       Kinuha ni HeeChul ang sulat at tiningna ito. nagulat sya kung bakit hawak iyon ni JinWoon. "Oo. Ito nga. Bakit nasa iyo 'to?"tanong niya.


       "Hindi na mahalaga yun."muling kinuha ni JinWoon ang sulat saka umalis. Si SooYeon na lang ang susi sa lahat. Sa wakas ay nakita nya ito sa classroom nito. Pumasok sya sa loob at lumapit kay SooYeon. "Mag-usap tayo."aya nya.


       "Sige. Halika sa labas tayo. Maingay kasi dito."tumayo si SooYeon at nag-patiunang lumakad palabas. "Kung nag-aalala ka sa ginawa ni JiYeon sakin kanina. Okay lang ako."saad ni SooYeon, nanatili namang tahimik si JinWoon.


       Hanggang sa labas ay tahimik si JinWoon. Pag-kuway nag-salita na sya. "Nasabi sakit ni HeeChul na ikaw  pala talaga ang admirer nya."diretsong sabi nito.


       Natigilan si SooYeon, nakaramdam ito ng ilang. Napaiwas ito ng tingin kay JinWoon. "Sinabi nya sayo yan?"anya nito.


       "Oo. Pati ang pag-sakay nyo sa Roller Coaster."umarte pa si JinWoon na masaya para hindi sya mahalata nito.


       "Ah. Yun ba?"tumawa si SooYeon.


       "Uhmm. Sabi pa sakin ni HeeChul na may sinabi daw sya sayo tungkol sa Roller Coaster. Ano ba yun? Ayaw nya kasi sabihin sakin e."pangu-ngusisa nito.


       "Pumunta ka dito para lang dyan?"


       "Oo. Sabihin mo na."pilit ni JinWoon.


       "Hu?"halata sa tawa nito ang nerbyos. "Si-sige. Sabi nya sakin nun na favorite nya sakyan yung Roller Coaster."


        Nakaramdam ng dismaya si JinWoon ng mali ang sinabi ni SooYeon. Yung mga ipinakit nito ngayon kay HeeChul ay puro kasinungalingan. He was so disappoint at SooYeon. Bakit kailangan pa nyang gawin yun? Bakit kailangan pa nyang manira ng ibang tao para lang makuha ang gusto nya? Ano na ngayon ang gagawin ni JinWoon.


        Kinabukasan, pansin ni JiYeon ang masamang tingin sa kanya ng mga schoolmates nya. Hindi nya alam kung bakit pero wala na syang pakialam. Dumiretso sya sa locker room ng maabutan nyang umiiyak si SooYeon habang hawak ang mga sira nitong gamit. Nag-tataka lang syang tiningnann ni JiYeon.


       "Grabe talaga! Hindi ko akalain na magagawa ni JiYeon yan."


       "Parang sobra na naman yata sya. Bakit kailangan nya pang gawin yan?"


       Nagulat si JiYeon sa mga bumubulong. Ano bang ibig nilang sabihin? Si JiYeon ang pinag-bibintangan nilang gumawa nun? Galit na napatingin si JiYeon kay SooYeon na para bang kinakausap nya ito sa isip. Na para bang tinatanong nya ito kung bakit ito nag-sisinungaling. Lalong umarte si SooYeon ng makita si HeeChul. Naupo pa ito sa sahig habang umiiyak hawak ang sirang gamit.


       Patakbong nilapitan ito ni HeeChul. "SooYeon!"nakita ni HeeChul ang mga sirang  gamit ni SooYeon kaya umakyat nanaman ang dugo nito kay JiYeon.


       "Hindi mo ba talaga titigilan si SooYeon? Gumising ka nga! Hindi na kita mahal!"sigaw nya dito sa harap ng maraming tao. Parang nadudurog ang buong pag-katao ni JiYeon. Isang galaw lang nya ay tutulo na ang luha nya. Pag-kuway dumating din si JinWoon. Nakatingin ito kay SooYeon na nasa lapag. Todo naman ang arte ni SooYeon at tinawag nya pa si JinWoon dahil inaasahan nyang tutulungan sya nitong tumayo. Pero mali pala  sya. Dumiretso si JinWoon kay JiYeon.


        "Ano bang gingawa mo dito? Kanina ko pa hinihintay ang kape ko."saad ni JinWoon. Napayuko si JiYeon at tuluyan ng bumagsak ang luha nya. Para hindi nila iyon makita ay inakbayan nya ito at niyaya palabas ng locker room. "Bilihan mo na ko ng kape."palusot pa nito habang nilalayo nya ito sa mga iyon. Naiwang parang kawawa si SooYeon sa lapag. Matagal bago sya tinulungan ni HeeChul dahil ang atensyon nito ay sa papalayong sina JiYeon at JinWoon.


       Sa rooftop sila muling dumiretso. Umiiyak nanaman ito gaya kahapon. Hindi maitago ang sakit na nararamdaman nito. Ramdam nyang nag-sasawa na sya, napapagod.


       "Ayaw ko na."humihikbing saad nito.


      "Ayaw mo nang umiyak o ayaw mo na ng ganito? Lagi kang nasasaktan. Bakit hindi mo na lang paka-walan si HeeChul?"sagot ni JinWoon.


      "Hindi yun e. Ayaw ko na ng image na laging ako ang masama. Hindi ako ang sumira ng mga gamit ni SooYeon. Oo nung una nasaktan ko sya. Sorry. Pero ngayon, hindi talaga  ako yun."paliwanag nito. Naaawang nakatingin sa kanya si JinWoon. "Naniniwala ka bang hindi ako ang gumawa nun?"tanong nya dito na parang nag-mamakaawa na paniwalaan nya ito. Ngunit sa halip na sumagot ay niyakap nya na lang si JiYeon. Nasira ang moment na iyon ng biglang mag-ring ang cellphone ni JinWoon. Kanta ng Trax na Oh! My Godess ang ringtone nya. Si MinHyuk ang natawag.


        Binitiwan ni JinWoon si JiYeon tapos ay pinunasan nya ng mga kamay ay mga luha ni JiYeon. Nginitian pa nya ito bago sinagot ang tawag. Sa pag-bitaw na iyon ni JinWoon sa kanya nakaramdam si JiYeon ng lungkot. Parang biglang may kulang sa kanya. Gusto nya na yakapin lang sya ni JinWoon buong mag-damag dahil pakiramdam nya kasi ay walang kayang makapanakit sa kanya pag-kayakap sya ni JinWoon. Nang matapos sa pakikipag-usap si JinWoon ay bumalik ito kay JiYeon. Hinawakan nya ito sa kamay at hinatak papasok sa loob.


       "Teka! San tayo pupunta?"takang tanong ni JiYeon.


       "Mag-cu-cutting tayo. Diba sabi mo ayaw mo na? E di gagawa tayo ng masayang memories para Magustuhan mo ulit ang mundo."excited na saad ni JinWoon. Maingat silang pumunta sa secret passage na first time lang makita ni JiYeon. Ilang saglit pa ay nakalabas na sila.


       Nagulat sila ng may bigla na lang asong tumahol sa kanila. Hindi ito nakatali at mukhang balak silang salakayin nito. Bago pa man iyon mang-yari ay inunahan na nila ito ng takbo. Nag-tatawanan silang sumakay ng bus papuntang Central kung saan nag-hihintay sina MyungSoo, MinHyuk, Daniel at SunWoon. Habang nasa byahe ay naisipan nilang mag-laro ng Rock, Scissor, Paper. Ang matalo ay pipitikin sa nuo. Unang natalo ay si JiYeon. Tuwang tuwa namang pumitik ng malakas si JinWoon sa nuo nya. Sa sunod ay si JinWoon naman ang talo kaya nag-karoon ng chance na maka-ganti si JiYeon. Mas malakas ito kaysa kay JinWoon dahil napasigaw sa sakit si JinWoon. Grabe tuloy ang tawa ni JiYeon.


       Ilang saglit pa ay nag-kita kita na sila sa Ice Cream shop kung saan pinirmahan ni JiYeon ang kontrata. "Dito!"tawag ni SunWoo ng makita nyang pumasok sa shop sina JinWoon.


       "Hi  JiYeon!"masayang bati ni Daniel. Kakamayan sana sya nito kaso pasimpleng hinawi ni JinWoon saka naupo sa tabi nya habang tinatanong si MinHyuk kung anong gagawin nila. Iiling iling na lang na napatingin si MyungSoo kay JinWoon.


      "Pag-uusapan natin ang tungkol sa Battle of the Band."saad ni MinHyuk.


      "Sasali kayo sa Battle of the Band?"gulat na tanong ni JiYeon.


      "Oo. At ikaw ang muse namin!"anya ni Daniel. Nag-katinginan silang lima. Pag-kuway binatukan ni SunWoo si Daniel.


       "Wala talagang preno yang bibig mo!"saway pa nito. Inambahan na lang sya ni Daniel.


       "Muse?"tanong ni JiYeon.


       "Wag mong intindihin yang mga yan."sabi ni JinWoon dito. Nakita nyang napaisip si JiYeon. Sinipa ni JinWoon si MinHyuk sa ilalimmng lamesa sign na umpisahan n nitong mag-salita.


       "Okay. Ang mechanics ng contest una kong i-di-discuss. Kailangan natin ng isang original song at isang cover. Since nakagawa na tayo ng original natin, problema na lang natin yuniko-cover natin."explain nito sa apat.


       Napaisip sila saglit ng kanta na pwede ng biglang kuhain ni JiYeon ang cellphone sa bulsa ni JinWoon. Nag-tatakang napatingin sa kanya ang lima. Pinatugtug nito ang ringtone ni JinWoon na Oh! My Goddess.


       "Ito. Magandang rock music 'to diba?"suhestyon ni JiYeon. Lahat sila ay sumang-ayon kay JiYeon.


       "May taste ka rin pala sa rock music e."puri ni MyungSoo. Ngumiti si JiYeon sabay tingin kay JinWoon at kumindat. Natawang napailing lang si JinWoon.


       "Ayos na! Makaka-pag-practice na tayo! Original song at Oh! My Goddess ng Trax. Anong theme natin nun?"singit ni SunWoo.


       Si JiYeon na ang sumagot. "Maganda kung pink and grey."muli silang napalingon kay JiYeon. "Bakit ba nagugulat kayo? I just want to help."saad nito.


       "Okay lang ba sayo?"alalang tanong ni JinWoon.


       Tumango si JiYeon. "Utusan mo ko diba? Kaya gagawin ko lahat ng iutos mo."saka ngumiti. Nagsalitan sila ng ngiti ni JinWoon na para bang walang tao sa paligid. Na para bang sila lang ang nag-kakaintindihan na dalawa. Nanghihinala na tuloy ang apat kung may relasyon ba sila.


       Matapos ang usapan ay nag-punta sila ng karaoke. Unang kinata nila ang Boo bi Boop ng T-ARA na ginagaya pa nila ang steps. Sunod na kumanat si Daniel ng Supah Luv ng Teen Top. Bumanat din si MinHyuk sa kanta ng FT.Island na I'm Happy. Bling Girl naman ng B1A4 ang kinanta ni SunWoo. Samantalang Can You Smile ng Infinite ang napili ni MyungSoo. Nag-duet naman si JiYeon at JinWoon sa kantang Can't I Love You ng 2AM.


      Matapos ang karaoke ay kumain naman sila ng Dukbokki. Iyon ang mga memories na talaga namang napakasaya. Memories na ginawa nila ni JinWoon kasama ang mga kaibigan nito. Memories na hinding hindi makakalimutan ni JiYeon kahit kelan.





2 comments:

  1. overload sa drama. nakakasakit sa puso but i really enjoyed reading this. sorry miss author kung minsan lang ako makapag-comment dito but binabasa ko talaga ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos lang po .. Masaya na po ako na may bumabasa ng kweto ko kahit papano .. Thanks po sau at sa iba ring bumabasa ng My G-Minor Prince .. :0)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^