Wednesday, June 6, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 14


CHAPTER FOURTEEN


         Nag-tataka si JinWoon kung bakit ang tagal ni JiYeon. Ilang minuto na ang lumipas samantalang malapit lang naman ang canteen sa lugar nya. Kaya naman mas minabuti nyang puntahan na lang ito at sunduin. Nang-laki ang mata nya ng makita nya kung paano itinulak ni SooYeon si JiYeon at kung papaano ito bumangga sa pader.


         "JiYeon!"gulat nyang tawag. Tinakbo nya ito at palihod na umupo sa tabi ng bumagsak na si JiYeon. Kitang kita nya ang umaagos na dugo sa nuo nito. "JiYeon!"gising nya dito na akma pa nyang inalog. Nang hindi na ito umiimik ay takot na takot ay naiiyak nya itong binuhat para isugod sa hospital. Naiwang mag-isa si SooYeon na hanggnag ngayon ay hindi parin bumabalik ang diwa. Napaupo ito habang umiiyak at iniisip kung bakit nya iyon nagawa? Takot na takot din sya na baka mapatay nya si JiYeon dahil sa natamo nito ng dahil sa kanya.


          Hindi mag-kanda ugaga si JinWoon ng makarating sila sa Hospital. Hindi nya alam kung saan nya ilalapag si JiYeon at kung kanino sya hihingi ng tulong. Mabuti na lang at may nurse na lumapit sa kanya para ilagay sa stretcher si JiYeon. Agad itong dinala sa emergency room pero hindi na nakapasok pa si JinWoon dahil bawal ang hindi pasyente sa loob.


          Pabalik balik sya ng lakad habang ang dugo sa kanyang damit at kamay ay nanunuyo na. kinuha nya ang cellphone ni JiYeon na nakita nya sa lapag kanina saka inisa-isa ang number para tawagan ang ina ni JiYeon.


          Lumalakad na wala sa sarili si SooYeon sa daan. Kalat na ang make-up nito at natutumba na rin ito dahil sa wala na ang isang sapatos nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala sya sa sarili. Ni hindi na nga nya alam na pinag-titinginan na sya ng mga tao. Hindi na nya alam kung nasaan sya.


          Sa kawalan ni SooYeon sa sarili ay hindi na nya napansin na green parin ang traffic. Nag-dirediretso lang syan ng lakad. Binubusinahan syang isang truck ngunit hindi na ito marinig. Nang malapit na syang mabangga ay may bigla na lang humatak sa kanya, napaupo sya sa lapag tapos ay bumag-sak sa kanlungan nya ang isang mp4. Sa halip na sya ang masagasaan ay ang taong humatak sa kanya ang napuruhan.


         Nagulat ang lahat sa malakas na preno ng truck at lahat napatingin sa isang lalaking naka-bulagta sa kalsada. Doon lang natauhan si SooYeon. Lalo syang napahagulgol sa iyak. Isa nanaman ang nasa bingit ng kamatayan ng dahil sa kanya. Hindi na nya maintindihan kung ano pang gagawin nya. Parang busto nya na lang mamatay. Pakiramdam nya isinumpa ang buhay nya dahil sa mga kamalasang nang-yayari sa buhay nya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ambulansya at mga pulis para mag-imbistiga at isugod ang lalaki sa hospital.


         "Naku! Ang swerte ng babae dahil sinagip sya ng lalaking yun! Kung hindi malamang sya na ang nabangga na sya. Kawawa naman yung lalaki."


        "Oo nga e!"dinig ni SooYeon ang bulungan sa paligid.


        "Ano pa bang ginagawa nya dyan? Sinugod na sa hospital ang kasama nya pero sya umiiyak parin dyan?"napag-kamalan pa ng mga ito na kasama nya ang lalaki. Pag-kuway nilapitan sya ng isang pulis.


        "Excuse me Miss. Kayo po ba ang kasama ng nasagasaan?"tanong ng pulis. Nakatingin lang si SooYeon dito habang tumutulo ang luha. "Tumayo ho kayo dyan. Kung maari po sana i-kwento nyo muna samin kung anong nang-yari bago kayo pumunta sa hospital."pakiusap pa nito. Inalalayan nyang tumayo si SooYeon.  Sa pag-tayo nya ay hindi ay bumagsag sa lapag ang mp4. Ilang segundo pa bago nya pinulot iyon. Muli syang tinanong ng mga pulis. "Ano po ba ang nang-yari?"nilingon ni SooYeon ang pulis saka nag-salita.


        "Hi-hindi ko alam. Hindi ko kasi namalayan. Nagulat-"uutal utal nitong pahayag. "Nagulat na lang ako ng may humatak sakin. Tapos-"halata sa boses nya ang takot. "Tapos nakita ko na syang sinagasaan."muling tumulo ang luha nya.


        "Kaano-ano nyo ho ba ang biktima?"sunod na tanong ng pulis.


        Umiling si SooYeon. "Hi-hindi. Hindi ko sya kilala."kunot nuong saad nya.


        Sumilay ang pag-kalito sa mukha ng pulis. "Ganun ba? Ang swerte mo dahil may mabuting loob na nag-ligtas sayo. Kung wala sya ikaw ngayon ang nasa bingit ng kamatayan."iiling iling na wika ng pulis. "Hindi mo man lang ba sya pupuntahan sa hospital? Kahit man lang sa pag-punta dun e mapasalamatan mo sya. Yun ay kung aabutan mo sya ng buhay."habang nag-sasalita ang pulis ay maraming bagay na na-re-realized si SooYeon.


       Tama ang pulis. Ang swerte nya dahil nabigyan sya ng pangalawang chance na mabuhay samantalang ang taong nag-ligtas sa kanya naan doon ngayon sa hospital nag-aagaw buhay. "Isinugod sya sa malapit na hospital dito. Bilisan mo na kasi baka wala ka na maabutan. Grabe ang  lagay ng lalaki-"hindi na natapos ng pulis ang sinasabi nya dahil tumakbo na si SooYeon, sinundan na lang nya ito ng tingin. "Ang mga kabataan talaga ngayon ang wi-wirdo."bumalik na ito sa mga kasama para ipag-patuloy ang imbestigasyon.


      Iika ikang tumatakbo si SooYeon sa kalsada dahil sa iisa na lang ang sapatos na suot nya. Dahil sa nahihirapan sya ay hinubad nya na lang ito. Nang makakita ng taxi ay agad nya itong pinara para magpahatid sa hospital. Nang lingunin nya ang mp4 nakita nyang umaandar pala ito. Isinuksuk nya sa tenga ang headphone tapos ay tahimik na pinakikinggan ang tugtug. Isang A capella lang ng isang lalaking kumakanta. Maganda ang boses ng lalaki, at ang kanta hindi pamilyar. Nang matapos ang full length ng song ay ikinagulat ni SooYeon ang kasunod.


      "Hi! I'm Park JaeBeom! Bukod sa pag-sayaw mahilig din ako gumawa ng kanta. Pangarap kong maging sikat na Idol. Kaya gagawin ko ang lahat para maabot yun. At sa mga future fans ko. Pinapangako ko na hindi kayo mabibigo sa pag-suporta sakin. See you later. Love Park JaeBeom."nakaramdam ng guilt si SooYeon. Paano na lang kung mag-katotoo ang sinabi ng pulis na hindi na nga nya ito maabutang buhay? Anong gagawin nya? Patong patong na ang problema nya. Si JiYeon na hindi nya inaasahang magiging ganun. At ngayon naman ang lalaking nag-risk ng buhay para sa kanya. Parehong nasa bingit ng kamatayan at parehong alanganin ang mga pangarap. Napaiyak na lang sya sa sobrang depress.


         Kanina pa hinahanap ng apat si JinWoon pero hindi nila ito makita. Tinatawagan nila ito tinatawagan pero hindi ito sumasagot. Nag-uumpisa na ang round two ng contest pero wala parin doon si JinWoon. Ang masama nyan sila pa ang number one kaya wala na silang time para mahintay ng ilang minuto pa si JinWoon.


       "Ready na ba kayo?"tanong ng organizer sa kanila.


       "Pwede po bang ma-extend ng five minutes? Wala pa po kasi ang vocalist namin."paki-usap ni MyungSoo.


       "Ganun ba? Sige. Five minutes. Daliaan nyo na hu?"anya ng organizer.


       "Salamat po."saad ni MyungSoo tapos muling binalikan ang mga kaibigan. "Hindi pa ba sya sumasagot?"halata na ang tensyon sa mukha ni MyungSoo maging ng mga kaibigan nito.


       "Hindi e."sagot ni MinHyuk habang paulit-ulit nyang sinusubukang tawagan si JinWoon.


       "Asan ba kasi sya nag-punta? Ni hindi man lang sya sumasagot sa mga tawag. Ni hindi man lang sya nag-sabi kung saan sya pupunta."akala mo ay iiyak na si SunWoo habang sinasabi iyon.


      "Si JiYeon! Tawagan nyo si JiYeon baka mag-kasama sila!"suhestyon naman ni Daniel. Tumango si MinHyuk at sinunod ang sinabi ni Daniel pero nadismaya sya dahil busy ang cellphone nito.


      "Busy e!"wika ni MinHyuk.


      "Subukan mo ulit."utos ni MyungSoo. Naiinis na ito sa nang-yayari.


      "Hindi ba nya naiisip na baka mag-umpisa na ang second round?"ganun din ang nararamdaman ni MinHyuk ngayon. Makalipas ang limang minuto ay muling bumalik ang organizer.


      "Ano ready na kayo? Mag-uumpisa na tayo."anito.


      "Wala pa po kasi yung vocalist namin. Baka pwede naman po another five minutes?"muling pakiusap ni MyungSoo pero umalma na ang organizer.


     "Naku! Hindi na pwede. Naiinip na ang mga judges at producer. Kailangan na tayong mag-simula ngayon. Tawagan nyo na ang vocalist nyo kung gusto nyo pang maka-pag-perform sa susunod na round."galit na saad nito.


      "Ano pong ibig ninyong sabihin?"kunot nuong tanong ni MyungSoo sa huling sinabi ng organizer.


      "Madi-disqualify kayo kapag nag-kulang kayo kapag wala ang isa sa member na inilista nyo sa form. Kailangan kung sino ang naka-lista sa form sya ang mag-pe-perform sa araw na 'to. Hindi pwedeng substitute."paliwanag ng organizer na ikinaguho ng mundo ng apat.


      Pano kung hindi maka-rating si JinWoon? Paniguradong madi-disqualify sila sa contest. Hindi iyon ang plano nila bago pa man sila sumali dito. Ang gusto nila ay masungkit ang title at makakuha ng producer. Pero asan ngayon si JinWoon. Nakakadismaya para sa kanila dahil kung sino pa ang nag-buo ng mga pangarap nila ito ang wala ngayon. Hindi maiwasang mamuo ang galit sa dib-dib nila dahil sa ginawa ni JinWoon.


      Tuluyan na nga silang na disqualified sa contest at lumabas ng event na parang walang mga buhay. Hindi sila nag-iimikan sa isa't isa. Maya-maya pa ay napaiyak na si SunWoo, inakbayan sya ni Daniel para i-comfort. Lahat ng galit ni MyungSoo ay napunta sa kanyang mga kamao nga makakita ng pader ay walang takot nya itong pinag-susuntok. Payakap syang pinigilan ni MinHyuk. Ganun lang nag-laho ang pangarap na matagl nilang hinintay. Galit na galit silang apat kay JinWoon ngayon. Ito ang sinisisi nila sa mga nang-yari.


       Parang hihimatayin sa pag-iyak ang nanay ni JiYeon habang naroon ito nag-hihintay sa labas ng operating room. Inilipat na kasi doon si JiYeon para matahi ay malaking sugat sa ulo nito.


       "Ano nang gagawin natin anak?"umiiyak na tanong ng ina ni JiAhn sa kanya. Nakayakap ito sa kanya habang hinihimas-himas nya ang likod ng umiiyak na ina. Naroon naman si JinWoon pasandal na nakatayo malapit sa pintuan ng O.R. Panay ang buntong hininga nito. Maya-maya ay biglang dumating si HeeChul.


       Galit na lumapit si JiAhn sa kanya at itinulak pa sya sa kanang balikat. "Anong ginagawa mo dito?"napahinto si HeeChul at napatingin naman si JinWoon at ang ina ni JiYeon.


       "Asan si JiYeon? Ayos lang ba sya?"nag-aalalang tanong ni HeeChul.


       "Ayos? Sa tingin mo ba ayos sya ngayong ino-opersahan sya?"sarkatikong sagot ni JiAhn.


       "Ano?"gulat na sabi ni HeeChul.


       "Lumayas ka na dito! Ikaw ang dahilan kung bakit inooperahan ngayon ang ate ko! Kung hindi mo sana sya iniwan hindi sya mag-kakaganyan!"bulyaw ni JiAhn. Hanggang ngayon ay wala parin itong alam sa mga nang-yari.


        "Tama na."pigil ni JinWoon sa nag-wawalang si JiAhn kaya tuloy sya naman ang binaling nito.


        "Bakit? Sino ka ba hu?"ngayon ay tumutulo na ang luha ni JiAhn. Bumuntong hininga si JinWoon saka lumapit kay HeeChul.


        "Mag-usap tayo."bulong ni JinWoon tapos ay nag-patiuna itong nag-lakad. Nagi-guilty na sinulyapan ni HeeChul ang mag-ina na ngayon ay mag-kayakap na ulit bago sumunod kay JinWoon. Dumiretso sila sa tapat ng chapel sa loob ng simbahan malapit sa O.R.


       "Pano mo nalamang nan dito si JiYeon?"siryosong tanong ni JinWoon.


       "Tinawagan ako ni SooYeon."aniya. Sarkastikong tumawa si JinWoon at inis na tumingin kay HeeChul.


        "Hindi mo ba alam na sya ang dahilan kung bakit nag-aagaw buhay ngayon si JiYeon?"mahina pero mabigat ang mga bitw nya sa sinasabi nya.


        "Alam ko. Umamin sya sakin."saad ni HeeChul.


        "Ano yun? Ganun ganun lang? Aamin sya tapos ano? Kalilimutan nya na lang ang lahat?"hindi na maitago ang galit sa boses nito.


        "JinWoon sinabi nya sakin na handa nyang pag-bayaran ang lahat ng nagawa nya. Handa nyang tanggapin ang kaparusahan kahit ang kulungan pa."diin din nya sa mga sinasabi.


        Napassapo sa nuo si JinWoon at muling natawang pagak. "Ano ba sa tingin nya ang ginawa nya? Kahit mag-pakulong pa sya ng habang buhay hinding hindi na nya mababago ang lahat! Pano kung napuruhan si JiYeon? At ayaw ko mang isipin pero kung mamatay sya? Maibabalik pa ba nya yun?"namaywang sya. "HeeChul hindi! Hindi na nya maibabalik pa yun!"aniya.


       "Alam ko kung gano ka nasasaktan ngayon dahil ganun din ang nararamdaman ko."mahinahong wika ni HeeChul. Galit na napailing na lang si JinWoon sa kanya. "Pero imbes na pag-taluhan natin ang nagawa ni SooYeon ay ipag-dasal na lang natin na maging maayos angg operasyon."suhestyon pa nito. Sa gitna ng usapan nila ay nahagip ng mata ni JinWoon si SooYeon.


      Ilang oras din nilang hinintay ang operasyon at sa wakas ay lumabas na ang doktor. Lahat sila ay napalapit para alamin resulta. Inalis ng doktor ang mask bago nag-salita.


      "Malaki ang sugat na tinamo ng pasyente, but other than that wala namang mga major complications. Thankful na lang tayo because there is no internal bleeding or anything. Bumuka lang ang frontal nya. But she's okay now."masayang balita ng doktor. Nakahinga naman sila ng maluwang lalo na si JinWoon. Ngayon ay wala na ang takot nyang baka mawala sa kanya si JiYeon. Nakaka-frustrate ang ganung pakiramdam para sa kanya. At ayaw na nya iyong maramdaman pa kay JiYeon. Sa mga oras lang ding yung muling bumalik sa ala-ala nya ang mga kaibigang umasa sa kanya.


      Kaawa-awa naman ang mag ito dahil nagawa nyang makalimutan ng ganun ganun na lang. Ngayon ay muli nanaman syang namoroblema kung paano nya i-e-explain sa mga ito ang biglaang pag-kawala nya. At kung ano ang magiging reaction nya pag-nalaman nya ang pag-kaka-disqualified ng kanyang band ng dahil sa kanya.   






    

4 comments:

  1. hello! napansin ko pong you keep on forgetting to put LABELS on your post. sana po for the next chapter, malagyan mo na po ng labels yung post mo.

    EuNsEuNgRi, fan fiction, My G-Minor Prince, Romance --> kapag nag new post ka na, sa may right side nun, yan lang ang i-paste mo.

    thanks! ^____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahh oo nga po .. akala ko kasi automatic na xa .. haha!! next time po .. sorry ..

      Delete
  2. mas exciting na! keep it up author!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^