Thursday, May 31, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 3


CHAPTER THREE
  
         Nag-lalakad na pauwi ng bahay si JinWoon ng makita nya si SooYeon. Pauwi na rin ito gaya nya. Since mag-kalapit lang sila ng bahay isang way lang ang daan nila. Napahinto saglit si JinWoon, kinikilala pa nya kung si SooYeon nga iyon ng maliwanagan ay tinawag nya ito.


         "SooYeon!"patakbo syang lumapit dito.


         "Oh! JinWoon, ikaw pala."nakangiting wika ni SooYeon, pero halata sa mukha nito ang stress.


         "Okay ka lang?"alalang tanong ni JinWoon. Tumango lang si SooYeon. "Nabalitaan ko yung ginawa sayo ni JiYeon kanina. Sigurado ka bang okay ka lang?"dugtong nya na may pag-aalala parin.


         "Ah, yun ba?"sagot ni SooYeon na parang inalala pa ang nangyari kanina. Tapos ay ngumiti ulit sya kay JinWoon. "Oo naman. Okay lang ako. Tapos na yun. Okay na talaga ako."pangungumbinsi nito. Ilang segundong tinitigan ni JinWoon si SooYeon. Kwestyonable naman din snitong tinitingnan sya. Ilang saglit pa ay napabuntong hininga si JinWoon.


         "Hay! Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan. At kung bakit sya pa. Pero kung masaya ka naman hindi na ko tututol sa inyo."pag-suko nito sa nararamdamang pag-aalala sa kanya. Natawa na lang si SooYeon. Saka sabay na silang nag-lakad. Muling napahinto si JinWoon. Ang totoo ay gusto talaga nyang malaman kung bakit nito pinatula si HeeChul kahit alam naman nito na boyfriend ni JiYeon yun. "Pero SooYeon. Bakit si HeeChul pa? Ang ibig kong sabihin marami namang iba dyan? Bakit sya pa? Alam mo namang boyfriend sya ni JiYeon diba?"kunot nuo at talaga namang gulong gulong tanong ni JinWoon.


         Pati tuloy si SooYeon ay napa-buntong hininga. "Ang totoo hindi ko di alam. Basta ang alam ko mahal ko sya at mahal nya ako."simpleng sagot nya.


         "Sigurado ka bang mahal ka nya?"pag-hahamon nito sa sagot nya.


         "JinWoon, hindi pa ba sapat yung pag-lantad namin sa campus? Hinarap nya si JiYeon ng walang takot kahit alam nyang iba magalit yun. Hindi sya na takot na aminin ako sa mga tao kahit alam nyang makakasira yun sa pagiging sikat nya."pag-e-explaine ni SooYeon.


         Natahimik saglit si JinWoon dahil bigla nyang naalala yung pangyayari sa rooftop. Nakita nya kung gano nasaktan si JiYeon kaya nasisigurado nyang gaganti ito. "Siguradong hindi mag-papatalo si JiYeon sayo. Sigurado akong may mga bagay syang gagawin para masira kayo. Pero kahit na. Hindi ko hahayaang saktan ka nya."sabi ni JinWoon. Na-touched si Sooyeon sa sinabi nyang iyon.


         "Salamat."ngumiti pa ito. Ngiti din ang sinagot ni JinWoon.


        Maagang pumasok si SooYeon dahil may mga tatapusin syang papaers works sa library. Bago pumunta doon ay dumiretso muna sya sa locker nya para ilagay ang ilang mga gamit na hindi naman nya kakailanganin. Pag-bukas nya ng locker door ay may surpresa na nag-hihintay. Nakita nya ang isang maliit na pink paper na nakadikit sa loob. May nakasulatn doon na "You're Dead" halatang ginaya ang Red Tag sa Meteor Garden na kapag may gustong pagtripan ang F4 ay sinasabitan nila ng red tag sa locker. At ganon nga ang kay SooYeon ngayon.


         Kinuha nya ang nakasabit na papel tapos ay inilapag nya ang mga gamit so loob saka isinara. Nakita nyang nakatingin ang ilang mga students sa kanya. Napailing na lang sya ay napabulong. 'Mga immature."kinusot nya ang papel bago itapon sa basurahang nadaan nya. Sa pag-lalakad nya sa campus papunta sa kabilang building kung saan nandun ang library ay nagulat na lang sya ng may biglang bumato sa ulo nya. Napahinto sya at napahawak sa ulo. Nangulot ang mukha nya ng may maramdaman syang malagkit. Tiningnan nya ang kanyang kamay, itlog na hilaw pala ang ibinato sa kanya. Galit nyang nilingon ang likuran nya pero wala na ang taong gumawa nun. 


          "Bwisit!"dali-dali syang tumakbo papuntang banyo. Nang nasa banyo na sya ay ikinagulat nya ng may biglang sumabunot sa kanya. Napaatras sya at napasigaw. "Aray! Ano ba!?"nagulo ang buhok nya dahil sa ginawa ng babae. Nang makita ni SooYeon ay agad nyang namukhaan ang dalawang babae na ito. Ito ang mga followers ni JiYeon.


         "Masakit ba? Kulang pa yan!"kinuyog nila ang walang kalaban labangn si SooYeon. Mabuti na lang at may pumasok na isang student, kung hindi ay katapusan na nya talaga. Naiwang puno ng galit sa dib-dib si SooYeon sa banyo. Ang uniform nito ay na-disaligned, buhol buhol ang buhok nito at parang may naputol pa yatang mga piraso. Sa expression ng mukha nya ngayon kulang na lang ay isumpa nya si JiYeon sa mga kabulastugang ginawa nito.


         Malinis at maayos na ulit ang sarili nya ng lumabas sya ng banyo. Pero ang pasa sa gilid ng labi nya ay hindi matakpan. Halatang halata ito, nakakaagaw pansin sa mga taong madaana nya. Dinig nya nag mga bulong bulungan sa paligid nya. 


         "Anong nangyari sa kanya?"


        "Ano pa e di binugbog."


         "Malamang grupo ni JiYeon ang may gawa nyan."


        "Sinu pa ba? Ikaw ba naman agawin ang boyfriend mo. Mag-wawala ka talag. Lalo na yung mga tipo ni JiYeon."


        "Tama ka. Nag-kamali sya ng binangga. Ngayon tingnan na lang natin kung ano pang mga gagawin ni JiYeon."


        "Ibang klase talaga si JiYeon. Kaya Idol ko sya eh."usapan ng dalawang babae ng dumaan sya sa corridor papuntang room . Hindi na sya dumaan ng library dahil wala ng time.


         Ngumisi ng mapait si SooYeon habang pabulong nya ang huling sinabi ng babae. "Idol? Tsi!"puno ng pait nyang sabi. Nang mapadaan sya sa room ni JiYeon nakita nya itong pinag-tutumpukan ng mga followers nito. Hangang hanga tgalag sila kay JiYeon. Lalo na sa bago nitong hairstyle na short hair. Matagal syang nakatayo doon pinapanood si JiYeon. Nang di sinasadyang mapalingon si JiYeon sa pinto si SooYeon agad ang una nyang nakita. Pinakitaan nya ito ng mayabang na ngiti tapos ay nag-pose pa ito na parang kukuhanan ng camera saka muling ngumisi. Inis lang syang tiningnan ni SooYeon bago lumakad palayo. Ismid lang ang sinagot ni JiYeon at muling humarap sa mga followers nya.

4 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    bitin! sana mapost na agad ang next chapter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok na po ung chapter 4 .. hope u like it .. enjoy ..

      Delete
  2. inggetra k sooyeon! tsk! go jiyeon!

    ReplyDelete
  3. Para kay sooyeon --> t(=__=t) buti nga sayong mang -aagaw ka !

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^