Friday, June 1, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 5


CHAPTER FIVE

         Kusot kusot pa ni JinWoon ang kaliwang mata habang nag-lalakd ito pauwi. Alas nueve na pala ng gabi. Mukhang napahaba yata ang tulog nya sa bahay nila MyungSoo. Humikab sya na parang gusto na nyang iluwal ang kaluluwa nya. Tapos ay pinunasan nya ang nang-gilid nyang luha. Napahinto sya ng may makita syang babaeng nakatago sa pader na para bang may patagong pinag-mamasdan. Marahan itong nilapitan ni JinWoon. Napailing sya ng makita nyang si JiYeon pala iyon.


      "Tsi! Ano bang gingawa mo dyan?"natatawang tanong ni JinWoon na ikinagulat ni JiYeon.


        "Oh My God! Ano ka ba! Ginugulat mo ko!"galit na hinampas ni JiYeon ang braso ni JinWoon. Iiliag pa sana si JinWoon kaso huli na. Tinamaan na ito. Iyon ang first time na maramdaman nito ang mga palo nya na tanging mga kaaway lang nya ang nakakaramdam. Mabigat pala ang kamay nya.


          "Aray! Masakit yun hu!"inis na sabi ni Jin Woon.


     "I don't care! Umalis ka na nga dito! Nakaka-istorbo ka sa ginagawa ko!"mataray nyang sabi.


         "Hu! Ikaw nga talaga si JiYeon. Masungit."wika ni JinWoon.


         Nilingon ni JiYeon si JiWoon na may kwestyonableng mukha. "Excuse me? Do I know you? kung makapag-salita ka parang kilala mo ko."napasulyap si JiYeon sa uniform ni JinWoon. "Oh! Kaya naman pala. You're studying at Ashita High Academy also. And yah! I recognized you! Ikaw yung vocalist ng cheap rock band sa school na hindi sikat"prangka nitong sabi na wala man lang preno ang bibig. Pero sa halip na patulan ni JinWoon ay inismid nya na lang ito. Aalis na sana sya ng bigla syang pigilan ni JiYeon. "Teka! Saan ka pupunta?"taas kilay nitong tanong.


         "Uuwi!"inis na sabi nito.


        "Hindi ka pwede dumaan dyan! Sa iba ka dumaan!"hinawakan nya ang kamay ni JinWoon at hinatak palapit sa kanya. Walang nagawa si JinWoon, sa lakas ni JiYeon ay nadala sya nito ng walang effort.


         "Ano ba! Saan ako dadaan? Ito lang ang nag-iisang daan papunta samin! Bitawan mo nga ako!"hinahawi ni JinWoon ang kamay nya kay JiYeon pero hindi sya makawala sa higpit ng hawak nito.


         "Hindi ka nga sabi pwede dyan! Ano ba! Wag ka nga maingay!"saway nya dito.


         "Bitawan mo nga sabi ako!"pumapalag parin ito.


         "Hindi ka ba titigil? Tatamaan ka sakin?"banta ni JiYeon.


     "Tinatakot mo ba ako? Hindi ako natatakot sayo!"pag-mamatapang ni JinWoon.


       "Ah ganon?"walang ano ano ay sinipa ni JiYeon si JinWoon sa binti. Napasigaw at napahiga sa sakit si JinWoon. Nag-pagulong gulong ito sa lapag dahil parang lumalatay sa buong buto nya sa binti ang sakit. Halos hindi sya makahinga.


         "Baliw ka talaga!"mangiyak ngiyak na sabi ni JinWoon.


        "Ano?"sinipa sipa pa nya ito. "Anong sabi mo?"sa huling sipa ay sinalag na ni JinWoon pero sa halip na masalag ay napatid pa nya si JiYeon. Natumba ito paharap sa kanya. Sa lakas ay hindi sinasadyang nag-tama ang kanilang mga labi.


        Pareho silang nabigla at hindi agad naka-galaw. Parehong hindi humihinga at parehong biglang nawala sa ulirat. Ilang saglit pa ay bigla na lang humiwalay si JiYeon at sumisigaw na tumayo. Samantalang si JinWoon ay wala parin sa sarili ng tumayo. Parang hindi ito makapaniwala sa nangyayari. Nagising na lang sya ng bigla syang sampalin ni JiYeon.


         "Walang hiya ka! Sinadya mo yun no!? Sinadya mo yun!"nag-wawalang sabi nito. Hindi naman alam ni JinWoon kung anong sasabihin nya. Sa gitna ng kaguluhan ay may sumingit na hindi nila inaasahan.


         "JiYeon? A-"nag-pasalit salit ang tingin nya sa dalawa.  "Anong ginagawa mo dito?"nag-tatakang tanong ni HeeChul. Kunot nuo namang napatingin si JinWoon dito. Nilingon nya ang pinanggalingan ni HeeChul galing ito sa bahay nila SooYeon. Ngayon naintindihan na nya kung ano ang ginagawa ni JiYeon dito kanina. Inaabangan pala nito si HeeChul.


         Mag-kahalong inis at hiya ang naramdaman ni JiYeon at JinWoon. Sa halip na sumagot si JiYeon ay nag-walked out na lang ito. Pero bago sya tuluyang umalis ay iniwanan pa nya ng pahabol na sipa si JinWoon. Napaupo nanaman tuloy ito sa sakit.


         "Hay! May araw ka rin sakin!"sigaw nito na halos mabiak na ang pag-katao. Dismayadong sinundan lang ng tingin ni HeeChul si JiYeon ng mawala na ito sa paningin nya ay saka lang nya tinulungang tumayo si JinWoon.


         "Okay ka lang ba?"panga-ngamusta nito.


         "Ano bang klaseng tanong yan? Hindi ka pa ba nakatikim ng sampal at sipa sa kanya?"iritadong tanong nito. Nahihiya namang umiling si HeeChul. "Kaya pala."saad niya habang hinihimas himas ang binti. Maya-maya ay napatanong si JinWoon. "Bakit mo biglang niligawan si SooYeon?"


         Natawang saglit si HeeChul. "Tinatanong pa ba yan?"tanong din ang sinagot nito.


         "Kailangan talagang itanong yun dahil biglaan eh. Alam ng lahat si JiYeon ang girlfriend mo ng tatlong tao tapos biglang si SooYeon. Pinag-lalaruan mo ba si SooYeon?"unti-unti ng tumataas ang boses ni JinWoon. Tiningnan sya ni HeeChul na para bang may iniisip itong kakaiba. "Oh? Bakit? Sagutin mo na yung tanong ko."iwas nito sa mga tingin ni HeeChul.


         "May gusto ka ba kay SooYeon?"biglang tanong nya.


         Seryosong nilingon ni JinWoon si HeeChul bago sumagot. "Oo. Gusto ko sya kaya gusto kong malaman kung seryoso ka sa kanya."matapang nitong sabi.


       Natawa si HeeChul. "Una, hindi ko pinag-lalaruan si SooYeon. Totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Iniwan ko si JiYeon dahil nag-sinungaling sya sakin."simpleng sagot ni HeeChul.


         "Dahil lang dun? Hindi ka ba marunong mag-patawad? Iniwan mo sya dahil nag-sinungaling sya. Pano pag si SooYeon naman ang nag-sinungaling? Iiwan mo din sya?"galit na sabi ni JinWoon.


          "Hindi mo kasi naintindihan. Teka nga. Bakit ba ako nag-e-explain sayo? Kung nag-aalala ka na  baka saktan ko lang si SooYeon, wag ka mag-alala. Aalagaan ko sya."pag-iiba nito sa usapan. Pero mapilit si JinWoon. Gusto nitong malaman kung ano ba ang nagawang kasinungalingan ni JiYeon.


         "Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi mo sasabihin. Ipag-kakatiwala ko lang sayo si SooYeon pag-napatunayan kong totoo yang mga sinabi mo."anya.


         "Mapilit ka rin no? Nag-sinungaling si JiYeon nang sabihin nyang sya ang secret admirer na araw-araw nag-papadala ng sulat sakin noong mga first year kami. Naniwala ako na sya yung araw-araw na pinapasaya ako, sinusulatan ako kapag may mga problema ako. Comforting me when I'm down. Pinaniwala nya ako na sya yung laging nandyan sa tabi ko. Hindi pala.  Minahal ko ang maling tao."parang bumabalik sa kanya ang mga nakaraan at kung gano kasakit sa kanya ang mga nang-yari.


         "Ano namang koneksyon nyan kay SooYeon?"kunot nuong tanong ni JinWoon, halatang hindi ito interesado sa drama ni HeeChul.


          "Then I found out na ang tao behind those letter is SooYeon."ikinagulat iyon ni JinWoon.


          Hindi nya inaasahan iyon. Wala syang alam sa bagay na iyon. Simula ng maging kaibigan nya si SooYeon ng maging classmate sila nung first year ay ang alam nya ay nag-sasabihan na  sila ng problema at mga sekreto. Kaya nga alam din nya na admirer nga si SooYeon ni HeeChul pero ang sulatan ito araw-araw iyon ang hindi nya alam. He knows SooYeon is not a type of girl na susulat ng mga love letters sa admirer nito because she hates it. Pero ano yung nalaman nya? Bakit tinago sa kanya ni SooYeon ang ganong bagay? Nahihiya ba sya? O talagang si JinWoon lang ang nag-a-assume na mag-bestfriend sila samantalang isang ordinary friend lang sya para kay SooYeon. Nasaktan sya sa nalaman, pero wala na syang magagawa. Hindi man iyon big deal para kay SooYeon para sa kanya ay mahalaga yun. All he can do now is understand SooYeon. Pakiramdam nya tuloy ay marami pa syang hindi alam dito. Ano na ngayon ang gagawin nya? 

1 comment:

  1. hay naku! bkit nio b kse pinag-aagwan si sooyeon! tsk! apektado much aq d2 s story n 2 ha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^