Thursday, June 7, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 15


CHAPTER FIFTEEN

         Patakbong tinungo ni SooYeon ang Emergency Room para hanapin ang lalaking nag-ligtas sa kanya. Pilit nyang inaalala ang mukha nito pero hindi pala nya ito nakita. Nilapitan nya ang isang nurse para mag-tanong.


         "Nurse! Excuse me! May sinugod diot kanina na nasagasaan. Nasaan po sya?"tanong nya.


         "Naku! Miss dead on arrival na po ng isugod sya dito."malungkot na pahayag ng nurse. Parang binag-sakan ng malaking bato ang katawan sa narinig. Kung sa sports ay naka-one point na sya, at kung maka-two points na sya panalo sya dahil dalawang tao ang napahamak ng dahil sa kanya. Ngayon nga ay may namatay na. Parang gusto na nyang isuko ang buhay nya sa mga demonyo dahil sa mga nagawa nya. Saka lang nangibabaw ang pag-sisisi sa kanya ng huli na ang lahat.


        Kung tinanggap lang nya noon na hindi sya kayang mahalin ni HeeChul ay hindi na humantong pa sa ganito na kahit ang isang taong nananahimik at nabubuhay sa pangarap ay idinamay pa nya. Hindi na mapapatawag ang sarili nya kung ganun din ang mang-yari kay SooYeon. Gusto man nya itong puntahan at hingin ang kapatawaran nito pero alam nyang hindi nya iyon magagawa dahil mukhang pati ang mga anghel ay galit sa kanya.


        Nakita nya na lang ang sarili sa isang chapel na naroon din sa loob ng hospital. Kung dati ay parang nakalimutan na nya ang Panginoon ngayon ay muli nya nanaman itong naalala dahil sa biga ng pinag-dadaanan nya. Humihingi sya ng kapatawaran dito para at least ay khit hindi man sya makalapit kay JiYeon ay mag-sorry dito ng personal ay nakapag-sorry sya sa tanging ama na nakakaintindi sa kanya. Matapos mag-dasal ay muli nyang pinakinggan ang mp4 na naiwan sa kanya ng estrangherong lalaki. 


        Nang marinig nya kung ano ang pangarap nito ay hindi nya naiwasang mapaiyak. Pano na ngayon matutupag ng lalaking ito ang pangarap nya kung binawjan na sya ng buhay. She so depressed. Para na syang nasisiraan sa galit at pag-sisisi. Ano ba ang pwede nyang gawin para makabawi sa mga nagawa nya. Pakiramdam nya ay wala syang kakampi. Gusto nyang lumapit sa ina pero alam nyang hindi rin naman ito makakaintindi. Ang tanging alam lang nito ay mag-paka-lango sa alak. Mukhang ito na nga ang kabayaran sa lahat ng nagawa nya.


        Napalingon sya ng may mag-abot sa kanya ng panyo. Si HeeChul iyon at bakas ang awa sa mga mukha nito. Tinanggap naman iyon ni SooYeon saka pinunasan ang mag luha nya. Sa hospital na nya din kasi sinugod si JiYeon.


        "Wag mo nang sisihin ang sarili mo sa mga nang-yari."pag-kuway saad ni HeeChul. Saglit na napalingon sa kanya si SooYeon.


        "Dahil sa mga ginawa ko dalawang tao ang nadamay. At yung isa nawala na. Ni hindi ko man lang sya hinayaang matupad ang pangarap nya."muling napahagugol si SooYeon. Hindi man alam ni HeeChul kung ano ang sinasabi nya pero niyakap nya ito at pilit na iniintindi. Nakasama nya kahit sandali lang si SooYeon kaya kahit paano ay naiintindihan nya ang nararamdaman nito.


          Wala ng naabutan si JinWoon ng mag-punta ito ng school. Tapos na ang event at wala na doon ang mga kaibigan nya. Naiinis sya kung bakit naka-silent ang phone nya at hindi man lang naka-vibrate. Na-missed nya tuloy ang 26 calls ng mga ito. Sinubukan nyang tawagan isa-isa ang mga ito pero hindi ito sumasagot. Minabuti nyang puntahan si MyungSoo para makibalita sa nang-yaring  contest.


         Galit ang mukha ng salubungin sya ni MyungSoo sa pinto. Masaya nya itong binati na halatang wala syang kaalam-alam sa nang-yayari. "Kamusta? Panalo ba kayo sa contest? May kumuha bang producer sa inyo? May-'natigilan sya ng bigla na lang syang suntukin ni MyungSoo. Napaupo sya sa lapag habang nang-lilisik naman sa galit ang mga mata ni MyungSoo.


        "Nang dahil sayo na-disqualified ang banda natin! Dinismaya mo kaming lahat! Pinaasa mo kami sa mga pangarap mo na ikaw din ang sumira! Ang kapal pa ng mukha mo mag-pakita!"bumalik sa loob ng bahay si MyungSoo tapos ay padabog syang sinarhan ng pinto.


        Naiwang nakaupo sa lapag si JinWoon. Nang-gilid ang dugo nito sa labi. Kung alam lang ng mga ito ang nang-yari sa kanya. Napabuntong hininga na lang sya saka tumayo na at mas minabuti na munang umuwi dahil maaga syang pupunta kay JiYeon bukas bago pumasok.


        Ganun nga ang ginawa nya kinabukasan. Dinalaw nya muna si JiYeon at may dala pa syang mga apples. Naabutan nyang nag-babantay ang nanay nito.


        "Good Morning po."magalang nyang bati nya saka inilagay ang mga apple sa side table. Ngumiti naman ang ina ni JiYeon sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si JiYeon marahill ay sa anistisya iyon na ibinigay sa kanya.


        "Nag-abala ka pang dalawin si JiYeon bago pumasok. Salamat hu?"anya nga ina


        "Ayos lang po sakin yun."sagot ni JinWoon. Bumuntong hininga ang ina ni JiYeon bago muling nag-salita.


        "Mabait namang bata itong si JiYeon. Mapag-mahal sa kapatid at sa mga magulang. Kung minsan nga lang ay tinotopak."saad ng ina na bahagya namang ikinangiti ni JinWoon dahil sang-ayon sya sa sinabi nito. "Pag tinotopak sya hindi namin sya mapigilan ng papa nya. Kaya sinasabayan na lang namin."natawa pa ang ina ni JiYeon. "Kaya laging maingay sa bahay."wika nito na parang binabalikan pa ang mga nakaraan. Nakikinig lang sa kanya si JinWoon. "Pero malaki ang pinag-bago nya nitong mga nakaraang araw. Naging mas masayahin sya. Kung dati ay hindi sya nakakalabas ng bahay na walang make-up ngayon ay kaya na nya. Hindi na sya gumagastos araw-araw para baguhin ang buhok nya. At naging masipag sya."tuwang tuwa ang ina, tapos ay tiningnan nito si JinWoon. "Alam ko ikaw ang tinatawag nyang Mahal na Prinsipe."nakaramdam ng pag-kahiya si JinWoon. "Nag-papasalamat ako sayo dahil nabago mo si JiYeon."hinawakan pa nito ang kamay niya. Ngumiti lang na nahihiya si JinWoon. Ilang saglit pa ay dumating na ang ama ni JiYeon na may dalang pag-kain.


         "Honey. Heto ang pag-kain. Kumain ka muna."napatingin sya kay JinWoon. Nag-bigay galang naman ito. Tinapik lang ito ng ama ni JiYeon sa braso. 


        Tumayo ang ina ni JiYeon para kuhain ang pag-kain at si JinWoon naman ang pumalit sa kanya. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni JiYeon saka ngumiti. "Gumising ka na dyan. Mag-ha-harvest pa tayo sa sabado e."saad nya dito.


        Makalipas ang isang oras ay nag-paalam na si JinWoon sa mga magulang ni JiYeon. Kailnangan na kasi nitong pumunta ng school. Pag-dating sa school ay tahimik nyang sinalubong ang mga kaibigan sa classroom. Ni hindi man lang sya nililingo ng mga ito. Nang maupo sya sa tabi ni MinHyuk ay tumayo ito at lumipat sa tabi ni MyungSoo. Sinundan lang sya ng tingin ni JinWoon. Nagi-guilty sya sa nang-yari. Inaamin din nya sa sarili na kasalanan nya kung bakit na-disqualified ang banda nila pero anong magagawa nya? Nahati ang desisyon nya. Alam nya ang isang opportunity isang beses lang dumaan, pero naniniwala din sya na kapag ang opportunity na pinalampas mo ay para talaga sayo. Babalik at babalik ito kahit ilang beses mo man itong tinanggihan. At naniniwala syang babalik ang pinalampas nilang oportunidad.


          Napalingon si JinWoon ng tawagin sya ni HeeChul. "JinWoon!"lumapit ito sa kanya. "Kamusta na si JiYeon? Nagising na ba sya?"pangangamusta ni HeeChul. Gumuhit naman ang pag-tataka sa mukha ng apat.


          Nakaramdam ng inis si JinWoon kay HeeChul dahil doon pa niya itinanong ito sa harap ng mga kaibigan niya. Ayaw na kassi ipaalam pa ni JinWoon sa mga ito ang dahilan kung bakit sya biglang nawala sa contest dahil ayaw nyang masisi ng mga ito si JiYeon. Tiningnan ni JinWoon ang mga kaibigan gamit ang peripheral vision bago sumagot. "Sa labas na lang tayo mag-usap."inis nyang yaya kay HeeChul.


         Tumayo si MyungSoo ganun din ang tatlo. "Bakit? May nang-yari ba kay JiYeon? Kaya ka ba biglang nawala sa contest dahil kay JiYeon?"galit na tanong ni MyungSoo. Napahinto si JinWoon at HeeChul. Hindi sinasagot ni JinWoon ang mga tanong ni MyungSoo, nanatili itong nakatalikod sa kanila.


         "Sabihin mo samin kung anong nang-yari."utos naman ni MinHyuk. Pero hindi sumasagot si JinWoon. Tinitingnan lang ni HeeChul si JinWoon nang makita nyang hindi nito kayang sabihin sa apat ang nangyari ay pinasya nya na sya na lang ang mag-sabi pero pinigil sya ni JinWoon.


         "Wag tayo dito mag-usap."nag-patiunang lumabas si JinWoon. Bago sumunod si HeeChul ay sinulyapan nya muna ang apat.


         Halos hindi sila makapaniwala sa mga nai-kwento ni JinWoon, pag-kuway sinuntok muli ni MyungSoo si JinWoon. Nagulat sila pero pinabayaan lang nila ang dalawa. "Sira ulo!"sigaw ni MyungSoo. Napadugo nanaman ni MyungSoo ang labi ni JinWoon. "Sana sinagot mo ang mga tawag namin!"tinitigan nya ang kaibigan na nanatiling nakaupo. "E di sana naintindihan ka namin."anito.


         "Tsi!"patayong ginantihan din ng suntok ni JinWoon si MyunggSoo. Tumba din ito gaya nya ngunit walang dugo ang mga labi nito. "Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko alam na tumatawag kayo!"dahilan nito. Pag-kuway nag-kangitian sila. Sa ganung paraan silang nag-kaayos na mag-kakaibigan. Nag-papasalamat na lang si JinWoon dahil malawak ang pag-unawa ng mga ito sa isa't isa kaya tumagal ng sampong taon ang samahan nila. Masayang lumapit ang tatlo sa dalawa. Tinulungang tumayo ni MinHyuk si MyungSoo at inakbayan ito. Tinapik ni JinWoon ang balikat ni MyungSoo at nag-akbayan silang lima. Masaya naman silang pinapanood ni HeeChul.


          Patakbong tinungo ni JinWoon ang kwarto ni JiYeon. Kakatawag lang kasi ng ina ni JiYeon, ang sabi daw ay nagising na ito. Masaya si JinWoon, excited syang muling makita si JiYeon. Pag-dating nya nga doon ay nakita nyang masayang nakaupo sa kama si JiYeon habang kausap nito ang ama. Marahan nyang nilapitan ito. Pag-tingin ni JiYeon ay agad syang binati nito ng mga ngiti. Tumayo ang ama nito para mabigyan ng pag-kakataon na makalapit si JinWoon kay JiYeon.


          Nang makalapit ay agad na niyakap ni JinWoon si JiYeon. "Na-miss kita."bulong nya.


          "Hindi naman ako nawala. Naan dito lang ako. Balita ko nga hindi ka umalis sa tabi ko."saad ni JiYeon. Kumawala si JinWoon sa pag-kakayakap.


          "Talaga bang okay ka na?"sinulyapan pa nito ang bendang nasa ulo ni JiYeon. 


          Tumango si JiYeon. "Oo, okay na ko."pangungimbinsi ni JiYeon at muli syang niyakap ni JinWoon. Naudlot lang yun ng hatakin sya palayo ni JiAhn.


          "Tama na nga! May mga matanda sa harap nyo! Dito pa kayo nag-lalandian!"mataray na saway nito. Nag-katawanan sila.


         Sobrang saya ni JinWoon dahil nagising na rin si JiYeon. Ayos na rin sila ng mga kaibigan nya. Walang  mapag-lagyan ang saya nya kaya naman todo ang pasasalamat nya sa panginoon.


         Kinabukasan ay napuno ang kwarto ni JiYeon ng dalawin sya ng mga kaibigan ni JinWoon at ni HeeChul. "Masaya ako at okay ka na."aniya ni HeeChul sa kanya.


          "Salamat."saad naman ni JiYeon. Habang nag-uusap silang dalawa ay naroon naman sa likod nila ang nag-kukulitang mag-kakaibigan.


         "Hoy! Ano ka ba! Dinala natin yan para kay JiYeon! Bakit kinakain mo!"saway ni Daniel kay SunWoo ng kainin nito ang dala nilang strawberries at grapes.


         "Hindi rin naman makakain ni JiYeon 'to lahat. Kaya babawasan ko na lang. At least hindi na sya mahihirapang kumain."palusot pa ni SunWoo.


         "Haist!"sinipa sya ni Daniel pero hindi sya pumayag na hindi sya gaganti kaya sinipa nya rin ito at tumakbo palapit kay MinHyuk na kanina pa curious sa abstract painting na nakasabit sa pader. Nagulat pa si MinHyuk ng yakapin ni SunWoo ang braso nya. Pilit nya itong hinahawi ngunit ayaw bumitaw ni SunWoo. Nang lapitan ni Daniel si SunWoo para muling simapin ay si MinHyuk ang nasipa nya.


           "Aray!"sigaw ni MinHyuk. Patakbong lumapit si Daniel sa sofa kung saan nakaupo sina MyungSoo at JinWoon habang nag-uusap. Tumabi si Daniel kay MyungSoo. Napasulyap naman si MyungSoo sa kanya at nag-patuloy sa pakikipag-usap kay JinWoon ng biglang sya ang matamaan ng batok ni MinHyuk dahil umilag ito. Hindi maiwasang mapatawa ni JinWoon sa nang-yari. Marahang tumayo si MyungSoo ngunit ang expression ng mukha nityo ay galit. Tapos ay kwinelyuhan nya si MinHyuk.


           "Gusto mo na bang matapos ang buhay mo?"kunyari ay galit ito. Parang batang walangreaksyon ang mukha ni MinHyuk tapos ay tinulak nya si MyungSoo. Dahil nakahawak pa sa damit nya si MyungSoo ay dalawa silang natumba kay Daniel kaya tuloy nadaganan si Daniel. Dinag-anan naman ni JinWoon si MyungSoo at dumagdag pa si SunWoon. Ngayon lima na silang mag-kakadagan. Ang gugulo nila na para bang sila lang ang tao sa kwartong iyon. Natatawa lang silang pinanunood nila HeeChul at JiYeon.


            "Masaya ako dahil napapangiti ka ng ganyan ni JinWoon. Ngayon panatag na ang loob ko sa pag-alis ko papuntang America."anunsyo nya dito na ikinabigla naman ni JiYeon. "Pero bago ako umalis gusto ko munang mag-kapatawaran kayo ni SooYeon."dugtong pa nya.


           "Kung yun ang ika-papanatag ng loob mo."aniya ni JiYeon.


           Kinabukasan nga ay dinala ni HeeChul si SooYeon sa hospital. Sa una ang nakaramdam sila ng ilang sa isa't isa pero nang mag-kasarilinan ay saka lang sila nag-usap.


           "Sorry."sabay na wika ng dalaw. Natigilan sila saglit tapos ay nag-tawanan.


           "Sorry sa mga nagawa ko sayo."saad ni SooYeon. 'Nakahanda na ako kung ano man ang mapag-desisyonan mong parusa sakin."


           Umiling si JiYeon. "Wala akong karapatang parusahan ka o ipakulong ka dahil hindi mo naman sinasadyang gawin yun. At isa pa pareho tayong may nagawang mali kaya ang gawin na lang natin ngayon ay ang mag-kapatawaran sa isa't isa, kalimutan ang mga nang-yari, at mag-simula ng panibagong yugto."makabuluhang saad ni JiYeon.


          Napaiyak si SooYeon, kinuha nya ang kamay ni JiYeon saka mariin itong hinawakan. "Sorry talaga sa lahat ng nagawa ko. At salamat na rin sa lahat lalo na sa pag-titiwala mo sakin noon kahit na alam kong nasira ko sya."halata sa boses nito na talagang nag-sisisi na sya sa lahat ng mga nagawa nyang mali.


          Pinunasan ni JiYeon ang mga luha ni SooYeon tapos ay niyakap nya ito ng mahigpit. Sa ikalawang pag-kakataon ay naging mag-kaibigan ulit sila. Sa ganung akto sila naabutan nila HeeChul at JinWoon. Panatag na ang loob ni HeeChul dahil aalis syang walang maiiwang gulo. Saya naman ang nararamdaman ni JinWoon dahil nasa ayos na ang lahat. 






        

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^