Saturday, June 2, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 7


CHAPTER SEVEN

         Nag-sisisigaw si JiYeon ng dumating ito sa bahay nila. Ang naka-babatang kapatid nya sa si JiAhn at ang ama nya na nanu-nood ng T.V ay kunot nuong napalingon sa kanya. Maging ang ina nyang nasa kusina ay napatakbo sa salas.


       "Ano bang nang-yayari? Aatakihin kami sa puso sa sigaw mo e!"galit na saway ng kanyang ina na bahagya pang pinalo ang ulo nito ng sandok na hawak nya.


        "Mama ano ba! Ang dumi dumi nyang sandok e!"pinunasan nito ang buhok kahit wala namang dumi.


        "Tsi! Ang arte talaga! Ano bang problema mo? Gabi na sumisigaw ka pa?"parang matandang tanong ni JiAhn sa ate nya. Nag-mamaktol na lumapit si JiYeon sa salas.


         "Anak ano bang problema mo?"mahinahong tanong ng kanyang ama.


         "That freak guy! Waaah!"talagang naiinis ito dahil sa pag-katalo nito sa contest nila ni JinWoon. Pilit nyang inagaw ang remote na hawak ng kanyang ama pero tensyonado at mahigpit ang pag-kakahawak nito dahil alam nitong ibabato nanaman iyon ni JiYeon. Nang hindi nya makuha ay lumapit sya sa ina at sa wakas ay walang effort nyang naagaw ang sandok na hawak ng ina saka ibinato. Napatalon sa gulat ang ina nya samantalang napatayo naman sa nerbyos ang kanyang ama. Hindi nito malaman kung lalapit sa anak para pakalmahin ito o hahayaan nya na lang muna.


        "Hoy! Pati sandok ni mama sisirain mo! Baliw ka na talaga!."tumayo si JiAhn para pulutin ang sandok. Ibinigay nya iyon sa ina nya. "Heto mama."


        Inabot iyon ng kanyang ina at walang ano ano ay hinampas nya iot sa pwet ni JiYeon. "Sira ulo ka talagang babae ka!"parang high blood ng sabi ng kanyang ina.


        Hindi naman mag-kanda ugaga si JiYeon sa mga palo ng ina. "Aray! Mama ano ba! Hindi ginagamit pamalo ang sandok!"


        "Hindi ko ipapalo sayo 'to kung hindi ka nag-mamaldita ng ganyan! Ano bang nang-yayari sayo? Parang hindi kita anak!"sumisigaw na ang kanyang ina.


        Napailing na lang si JiAhn. "Mama, anak mo sya. Sayo nga nag-mana yan e."sagot nito sa sainabi ng ina. Pero hindi sya pinakikinggan ng ina, busy ito sa pag-palo kay JiYeon, samantalang ang ama nila ay tensyonado parin habang pilit nitong sinasaway ang dalawa. 


        "Honey, tama na yan. Nakakahiya na sa kapit bahay e."


        "Hindi ako titigil hanggang hindi malumpo ang babaeng 'to."bakas talaga sa mukha ng kanyang ina ang determinasyong lumpuhin si JiYeon.


        "Mama, hindi nakakalumpo ang sandok. Baka yang sandok pa ang malumpo sa laki ng pwet nyang si JiYeon."singit ni JiAhn.


        "Ano?! Hoy! Wala kang galang sa ate mo ah!"inaaway nito ang kapatid habang pinapalo naman sya ng kanyang ina. Wala ng nagawa ang kanilang ama kundi ang bumuntong hininga.


       "Hay~bakit ba ako nag-karon ng ganito kapasaway na mag-iina?"parang nag-sisisi tuloy ito na naging ama ito ng pamilya Park. Sa tuwing mag-ta-tantrum si JiYeon ay ganun kagulo ang bahay nila. Dahil hindi nila kayang tapatan ang pag-wawala nito ay sinasabayan na lang nila. Kaya namumuti na ang buhok kanilang padre de pamilya dahil sa kunsumisyon sa mga ito. Sila ang pamilyang magulo pero masaya. Maliban kay JiYeon.


        Naalimpungatan si JiYeon ng marinig nya ang kanta ng UKISS na Manga Jyoga. Iyon kasi ang ringtone nya. Narinig nya ang kantang iyon ng mapanood nya ang korean movie Mr. Idol. At first ayaw na ayaw nya ang kantang yun, pero ng iwan syan ni HeeChul ay naging favorite na nya ito.


        Hinagilap ni JiYeon ang cellphone na tumutunog sa bed side table habang naka-pikit ang mga mata. Nang mahawakan ay sinagot nya ito na hindi man lang nito tingnan kung sino ang tumatawag.


        "Nasaan ka na ba? Kanina pa ko nag-hihintay dito sa bus station!"sumisigaw ang tinig ni JinWoon sa kabilang linya. Napadilat ang mata ni JiYeon at bigla itong napa-balikwas. Sa pag-bangon nya ay di sinasadyang masuntok nya ang natutulog na si JiAhn sa tabi nya.


        "Ano ba!"sinipa tuloy sya nito dahilan para mahulog sya sa kama.


        "Ahh!"sigaw nito. Mukhang masama ang pag-kakabagsak ni JiYeon dahil napilipit ang paa nito.


        "Anong nang-yari sayo?"kahit hindi makita ang mukha ay halata sa boses ni JinWoon na nag-alala ito.


        Sa sakit ay walang ibang masabi si JiYeon kundi "Aray."


        Pero nang maalala ni JinWoon na nagawa nitong mag-sinungaling kay HeeChul ay biglang nawala ang pag-aalala nya at napalitan ng duda. "Umaarte ka ba para makaiwas ka sa pinirmahan mong kontrata kahapon?"paalala nito sa mga naganap kahapon.


         Ginawan kasi sila ng kontrata ni MiinHyuk na may nakalagay na ilang mga rules. Una, magiging utusan sya ni JinWoon hanggang matapos ang natitirang bwan nila sa Ashita High Academy. Pangalawa, kahit anong sabihin o ipagawa ni JinWoon ay dapat nyang sundin na walang reklamo. Pangatlo, lagi dapat syang nakasunod kay JinWoon kahit san man ito pumunta. At pang apat, si JinWoon ang nag-dag-dag nun na dapat mahal na prinsipe ang tawag nya dito. Ang consequence pag hindi ito sinunood ay iaanunsyo mo sa lahat ng student sa Ashita High Academy na isa kang talunan.


        Definitely, JiYeon is not a type of person na haharap sa mga tao para sabihing talunan sya. Ma-pride syang tao at hindi uso sa bokabolaryo nya ang salitang 'talo'. Hinding hindi nya gagawin iyon, over her dead body. Kaya naman pinirmahan nya ang kontrata without even thinking na tinanggap na rin nya ang pag-katalo nya in front of this five people. Mabuti na lang at hindi ganun ang tingin sa kanya ng apat na kaibigan ni JinWoon, dahil ang pakay talaga ng mga ito ay maging muse si JiYeon para sumikat ang banda nila. They have to do such thing kasi alam nilang kahit anong pag-luhod ang gawin Jeon para maginng muse ito ay hindi ito papayag. Baka makatikim pa sila ng high kick dito. At para narin ito sa future ng banda  nila.


        "Sige, kalimutan mo na lang ang kontrata. Gawin mo na lang ang consequence para tapos na 'to. Mas okay nga yun kaysa makasama ang gaya mo."sarkastikong sabi ni JinWoon.


        "Sira ulo ka ba? Bakit ko gagawin yun? Hindi ako umaarte! Ma-"napahinto ito, pati ang fact na may masakit sa kanya ay ayaw nya ipaalam dahil ayaw nyang kaawaan sya. "Hintayin mo ko dyan! Papunta na ko!"inis na sigaw ni JiYeon.


        "Yun naman pala e. Bilisan mo ha! At pwede ba? Wag kang mag-mi-make up? Hindi party yung pupuntahan natin, sabado ngayon kaya hindi rin sa school ang punta natin."kung nakikita lang ni JiYeon ang mga pilyong ngiti ni JinWoon paniguradong mas lalo syang maiinis.


        "Ano? Hindi ako lumalabas ng bahay na hindi naka-ayos! Ayaw ko! Gusto mo bang sirain ang image ko?At saan ba tayo pupunta?"nag-mamaktol na sabi nito kay JinWoon.


        "Wag ka ng matanong. Tandaan mo yung mga rules na pinirmahan mo. Lalo na yung huli. Bakit hindi mo ko tinatawag na Mahal na Prinsipe?"anyan ni JinWoon.


        "Yah! Sumosobra ka na ah!"tuluyan na ngang napikon si JiYeon, pero hindi sya pinansin ni JinWoon.


        "Bilisan mo na lang. Sige na. Bye."paalam nito. Mag-sasalita pa sana si JiYeon pero naputol na ang linya.


         "Waaaaaaaa~!"malakas nyang sigaw. Naalimpungatan tuloy ang kapatid nya.


         "May sunog ba?!"alarma nitong tanong. Hindi sya pinansin ni JiYeon sa halip ay nag-patuloy ito sa pag-mamaktol napatigil lang sya ng muli nanamang kumirot ang paa nya.


        Samantala, walang mapag-lagyan ang mga ngiti ni JinWoon. Kitang kita sa mukha nito ang saya habang nakaupo ito sa waitinng area ng bus. Napapalingon tuloy ang mga taong napapadaan sa harap nya.


        "Sa wakas makakaganti na rin ako sa kanya."parang kontrabida pa itong tumawa. Napahinto lang sya ng may tumawag sa likod nya. Napatayo sya ng makitang si SooYeon iyon. "SooYeon!"parang nagulat pa sya.


       "Anong ginagawa mo dito?"nakangiting tanong ni SooYeon.


       "Hu? Ah~pupunta kasi ako ngayon sa farm ni lola. Tutulungan ko sya mag-harvest ng apple saka mag-linis narin."naiilang nitong wika.


       "Ganun ba? Ang bait mo talagang apo."tinapik-tapik pa nya si JinWoon sa balikat. Nahihiyang ngumti si JinWoon.


       "Salamat."hindi man nya aminin ay masaya syang makita si SooYeon. Ilang saglit pa ay may dumating ng bus.


       "Oh, yan na yung bus na sasakyan ko. Ingat ka na lang hu?"paalam nito. Bigla tuloy nakaramdam ng lungkot si JinWoon. Naisip nya kung kelan nanaman ulit sila mag-kakasama ni SooYeon. Kumaway sya dito at ganon din naman si SooYeon sa kanya na ngayon ay nasa loob na ng bus. Pag-kuway umandar na ito. Sinundan ni JinWoon ang papalayong bus. Pakiramdam nya habang pinapanood nya ang papalayong si SooYeon ay hindi na nya ito makikita pang mulit. Napahawak sya sa kanyang dib-dib dahil muli nya nanamang naramdaman ang sakit na lumalatay sa pag-katao nya. Papaiyak na sana sya kaso biglang may bumato sa ulo nya.


       "Ah!"napahawak sya sa ulo sabay lingon sa likod. Nandun na pala si JiYeon. Si JiYeon na may make-up at new hair style. Ngayon ay short curly hair naman. Hindi nito sinunod ang sinabi ni JinWoon. "Ano ba! Kanina ka pa ba dyan?"inis nitong tanong.


       "Obvious bang kararating ko lang?"masungit nitong tanong. 


        Agad napansin ni JinWoon ang ayos nya. "Diba sinabi ko nang wag kang mag-make-up?"sita nya dito.


        "Sinabi ko na. Hindi ako lumalabas ng bahay na walang make-up."pag-mamatigas nito. Naiinis na lang syang tiningnan ni JinWoon habang kinakamot nito ang ulong tinamaan ng plastic bottle. Hindi na ito nag-salita pa hangang sa dumating ang bus na sasakyan nila papunta sa destinasyon nila. Huminto ito sa harap nila, nang paakyat na si JinWoon ay pinigilan sya ni JiYeon.


       "Teka! Sandali! Saan ba tayo pupunta?"halata sa mukha nito ang takot.


       "Wag ka mag-alala, hindi kita ki-kidnap-in! Sumakay ka na lang, wag ka nang maraming tanong."naiinis parin nitong wika. Papalag pa sana si JinYeon kaso nag-tuloy tuloy na si JinWoon sa loob. Wala na syang nagawa, iika-ika syang sumunod dito. Dahil hanggang sa mga oras na iyon ay masakit parin ang paa nya na mukhang napilayan na yata.


        Pag-pasok nya sa loob ay nakita nyang halos wala na silang maupuan. Naiilang syang lumalakad habang sinusundan nya si JinWoon. Naupo si JinWoon sa pinakadulong parte ng bus dahil yun na lang ang natatanging bakante. Ni hindi man lang nya inayang umupo si JiYeon. Hinayaan nya lang itong mag-hanap ng pwede nitong maupuan. Wala na syang kibo dahil nasa isip nanaman nya si SooYeon. Hindi naman malaman ni JiYeon kung saan sya uupo dahil wala na talagang bakante bukod sa pang-limahang upuan na inuupuan ni JinWoon. Wala nanaman syang nagawa, iika-ika syang naupo sa kabilang dulo ng upuan. Wala naman kasing ibang nakaupo doon kundi silang dalawa. 


        Nang maka-upo sya ay bahagya nyang sinulyapan si JinWoon. Sa labas ng bus nakatuon ang atensyon nito. Halatang badtrip parin ito. Inismid nya ito tapos ay bumulong. "Hmmp! Kung ayaw mo ko makasama, mas lalong ayaw ko makasama ang cheap na gaya mo!"kinuha  nya ang iPod sa loob ng bag. Binuksan nya ito saka nakinig sa paborito nyang kanta ang Manga Jyoga ng UKISS. Isinandal nya ang ulo sa salamin na bintana ng bus.


       Sa tuwing naririnig nya ang kantang iyon ay bumabalik sa ala-ala nya ang masasayang nakaraan nila ni HeeChul. Ayaw man nyang aminin kahit na sa sarili nya, pero nakikita naman sa mukha na nasasaktan sya. Hindi nya talaga maintindihan kung bakit sya biglang iniwan ng ganun na lang ni HeeChul at kung bakit sya trinaidor ng kaisa-isang taong pinag-katiwalaan nya. Nakaramdam sya ng pagod hanngang sa hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya. 





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^