Saturday, June 2, 2012

Kay Hirap Itago [POEM]

"Kay Hirap Itago"

by: Phoebe Ann


Kinakabahan,
nawawala sa sarili minsan,
Kinikilig,
sa tuwina'y makita ka'y na nginginig.

Kay hirap tumitig sa mga mata mo,
natatakot na mahuli na ako'y in lab sayo,
inaasam na sanay makatabi ka,
upang pagbigyan ang puso'y makausap ka.


Ngunit ang hiya'y sadyang nanaig,
sapagkat ang puso'y kaba ang unang pinipintig,
sa bawat araw ay iniisip ka,
pati sa panaginip ay kasama ka.


Kailan mi kaya malalaman ito,
itong damdamin kong kay hirap itago,
matagal nang gustong isigaw,
subalit walang lakas na gawin iyon,


Mahal kita matagal na,
pero di ko nagawang ipahayag sayo,
hanggang lumisan ka isang araw,
puso'y nasugatan:hanggang napagdesisyonang ibaon sa limot.

1 comment:

  1. ~>angel is luv<~

    kakarelate ako!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^