Tuesday, June 5, 2012

My G-Minor Prince : Chapter 12


CHAPTER TWELVE

         Kinalabit ni JiYeon sa balikat ang naka-talikod sa si JinWoon habang nag-hihintay ito sa waiting shed sa sakayan ng bus. Pag-lingon ni JinWoon ay bumangga ang pisngi nito sa daliri ni JiYeon. Sabay silang ngumiti saka tumayo si JinWoon at hinawakan sa kamay si JiYeon.


       "Tara na!"yaya nya. Sabado nanaman kasi kaya pupunta ulit sila sa farm ng Lola ni JinWoon para tumulong doon. Sumakay sila ng bus at doon muli naupo sa hulihan. Kung dati ay mag-kalayo sila ngayon naman ay mag-katabi na sila. Ilang oras pa ay dumating na sila sa farm. Masaya silang sinalubong ng Lola ni JinWoon.


        "Kamusta po?"masayang bati ni JiYeon sa Lola.


        "Naku! Masaya ako at nan dito ka ulit! Okay na ba ang paa mo?"anya ng Lola.


         "Opo. Okay na po ang paa ko. Salamat."magalang na sabi ni JiYeon. Natutuwang pinapanood lang sila ni JinWoon. Ilang saglit pa ay sinimulan na nila ang pag-ha-harvest at pag-lilinis nga mga kulungan ng hayop. Gaya ng una nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila. At para parin silang mga bata na nag-hahabulan. Makalipas ang dalawang oras ay natapos nila ang ginagawa.


         Naroon sila ngayon sa ilalim ng punong manga para mag-pahinga. "Ang init. Ang sarap maligo sa dagat."biglang sabi ni JiYeon. Napatayo ang nakahigang si JinWoon.


         "Gusto mong maligo sa dagat?"excited na tanong nito.


         "Oo. Bakit?"kunot nuong balik tanong ni JiYeon.


         "Halika!"hatak nya sa kamay ni JiYeon.


         "San tayo pupunta?"reklamo pa nya.


         "Maliligo tayo sa dagat."


         May dagat pala malapit sa bahay ng Lola nya. Kahit hindi naman sya white sand ay napaka-ganda ng paligid. Malinis pero walang ibang tao kundi silang dalawa lang. Para silang mga bata na nakawala sa poder ng ina. Walang kasing excited ang mga puso nila ng makita nila ang malakas na alon ng dagat. Patakbo nilang sinalubong ang tubig. Nag-sisigawan sila sa saya.


        Hinubad ni JinWoon ang t-shirt at lumangoy samantalang naiwan naman si JiYeon dahil takot ito. Binalikan sya ni JinWoon para yayainn ito, pero talagang takot ito. Hinawakan nya ang kamay ni JiYeon saka dahan dahan silang lumakad palayo sa pantalan. Biglang humampas ang malakas na alon, sa takot ni JiYeon ay napayakap sya kay JinWoon. Natawa tuloy si JinWoon.


       Napansin ni JiYeon na ilang sentemetro na lang ang lapit nilang dalawa. Naririnig na nya ang bawat pag-hinga ni JinWoon. Kitang kita na nya ng malapitan ang mukha nito. Ang ganda pala ng mga mata nito lalo na kapag nakatawa ito gaya ng ngayon. Kahit nakalubog sila sa tubig damang dama nya ang muscle ni JinWoon sa balikat habang naka-hawak sya dito. Ang bilis ng tibok ng puso nya. Pag-kuway napatingin sa kanya ang tumatawang si JinWoon.


       Ngayon ay mag-katitigan na sila. Parang nag-uusap ang mga mata nila. Parang may nag-sasabi kay JinWoon na halikan nya si JiYeon. Pakiramdam ni JinWoon ay may magnet na humihila sa kanya papunta sa mga labi ni JiYeon. Unti-unti silang nag-lalapit, napapikit si JiYeon at tuluyang ng inangkin ni JinWoon ang mga labi nya. Para silang nag-reunite sa mga sandaling yun. Naging isa ang pintig ng mga puso nila.


      Gustong gusto ni JiYeon ang ganung pakiramdam. Hinihiling nya na sana wag na matapos pa yun. Ngayon lang nya naramdaman ang ganitong fulfillment. Inaamin nya na hindi nya ito naramdaman kay HeeChul tanging kay JinWoon lang. Niyakap nya si JinWoon at ginatihan nito ang mga halik nya. Nahinto lang sila ng muling humampas na alon. Pareho silang bumitaw sa pag-kakahalik at sabay na muling nag-tawanan. Para kay JiYeon isa iyon sa pinakamasyang memory nya with JinWoon.


      Mag-kayakap na bumalik sina JinWoon at JiYeon sa bahay ng Lola nya. Napahinto ang Lola ni JinWoon ng makita sila sa ganung akto. "Akala ko ba wala kayong relasyon? E bakit mag-kayakap kayo?"naguguluhang saad nito. Natatawang nag-katinginan ang dalawa.


       "Hindi ko po sya girlfriend."sabi ni JinWoon. Napasimangot naman si JiYeon.


      "Ano ba talaga?"inis nang tanong ng Lola nya.


      "Prinsesa ko sya."hinawakan pa ni JinWoon ang kamay ni JiYeon at hinalikan ito. Muling ng napangiti si JiYeon.


       "Ang corny mo!"asar pa ni JiYeon, deep inside ay kinilig ito. Ngayon, opisyal ng sila. Pero pareho na ba talaga silang naka-move-on sa past nila? Wala na ba talaga sa puso ni JiYeon si HeeChul at wala na ba ang nararamdaman ni JinWoon para kay SooYeon?


       Nasalubong ni JinWoon si SooYeon ng pauwi na ito sa bahay nila. Kahihiwalay lang nila ni JiYeon galing sa farm. Napahinto si JinWoon. Nginitian naman sya ni SooYeon pero hindi man lang sya ng bago ng reaksyon. Seryoso parin.


       "Galing ka bang  farm ng Lola mo?"tanong ni SooYeon.


       "Oo."walang ganang sagot ni JinWoon. "Sige."paalam nya. Pero nag-pahabol pa ng salita si SooYeon.


       "Galit ka ba? Kung nagagalit ka dahil hindi ko inaalagaan ang sarili ko at nag-papaapi ako kay JiYeon. Sorry."anito. Galit na napalingon si JinWoon sa kanya.


       "Tama na. Hindi mo na kailangang mag-panggap pa na mabait dahil alam ko na kung ano ka talaga."sabi nito.


       "A-anong ibig mong sabihin?"umaarte nanaman itong parang inaagrabyado.


       "Nakita ko kung pano ka nag-kunwaring sinaktan si JiYeon nun sa locker room para lang makuha ang simpatya ni HeeChul at ng mga tao dun. Alam ko din na ikaw ang sumira ng sarili mong mga gamit at umarteng kawawa para si JiYeon ang pag-bintangan ng mga tao sa school."sa una ay mahinahaon pa ito pero habang inilalabas nito lahat ng kasinungalingan ni SooYeon ay lalo itong nagagalit. "At alam ko rin na ikaw ang nag-sinungaling at nag-panggap na admirer na sumusulat kay HeeChul , hindi si JiYeon!"sumisigaw na ito. Hindi na napigilan pa ni SooYeon na mapaiyak. "Pano mo nagawa yun? Pano mo napaniwala si HeeChul na ikaw nga yun at iniwan nya na lang ng ganun ganun si JiYeon. Bakit? Bakit mo ginawa yun?"punong puno ng tanong sa isip ni JinWoon. Hindi kasi sya makapaniwala na ganung klase pala si SooYeon. Tama nga sya hindin pa nga talaga nya kilala ito.


       "Oo, tama ka. Umaarte nga lang ako nun sa locker room para kaawaan. Ako ang sumira ng mga gamit. At oo tama ka. Nag-sinungaling ako kay HeeChul na ako ang sumusulat sa kanya."umiiyak na saad ni SooYeon pero halata ang galit sa boses nito. "Pano ko nagawa yun?"balik tanong nya na sya din ang sumagot. "Kinopya ko ang mga sulat nya kay HeeChul dahil alam ko na mapapakinabangan ko yun pag dumating ang tamang panahon. At ninakaw ko ang key chain na ibinigay sa kanya ni HeeChul noon na hanggang ngayon hindi parin nya alam na nawawala."pag-amin ni SooYeon. "Ang tanga kasi ni JiYeon e! Naniniwala agad sya sa mga tao. Naniwala sya sakin."umiiyak na wika ni SooYeon pero dama parin ang galit sa boses. Halos hindi naman makapaniwala si JinWoon sa mga naririnig.


      "Naiingit ako sa kanya noon pa lang. Maganda sya, mayaman at masaya ang pamilya nila, hindi tulad ko na laging nag-papakalunod ang nanay ko sa alak dahil sa isang lalaking hindi man lang sya nagawang mahalin! Si JiYeon na sikat na sikat sa school. Hinahangaan ng lahat ng tao! Lahat na nasa kanya! Hindi pa sya nakuntento! Pati si HeeChul kinuha nya! Si HeeChul lang ang nag-papasaya sakin! Sya lang pero kinuha pa nya!"sumisigaw na ito sa galitn habang tumutulo ang mga luha.


      "Galit ako sa kanya! Galit na galit ako sa kanya! Sinabi ko nun na gagawin ko lahat makuha lang si HeeChul sa kanya. Kaya ginawa ko ang makakaya ko para mapalapit sa kanya. Nag-panggap akong taga-hanga nya. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya kahit na sa loob ko sukang suka ako sa kanya!"umiiyak parin ito. "Ngayon na nasa akin na si HeeChul hinding hindi ako makakapayag na maagaw sya ulit si JiYeon!"punong puno nang pait ang mga salitang binibitawan nito.


      Sa usapan nilang iyon ay wala silang kaalam alam na naririnig na pala iyon nila HeeChul at JiYeon. Nag-kataon kasing pareho nilang naisipang pumunta doon. Pero hindi nila inaasahan ang maabutan. Hindi man nila nakikita ang isat isa dahil si JiYeon ay nasa likod ng pader kung saan sya nahuli ni JinWoon nun habang nasa kabila naman nito si HeeChul.


      Napasapo sa bibig si JinYeon habang kuyom naman ang  kamay ni HeeChul sa galit. Gaya ni JinWoon hindi rin sila makapaniwala sa narinig. Naliwanagan si JiYeon kung bakit bigla na lang sya iniwan ni HeeChul.Dun lang din nya naalala ang sinasabing key chain ni SooYeon na ibinigay nga ni HeeChul.


      Samantala si HeeChul naman ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan. Tumulo na ang luha nya. Hindi nya akalain na maniniwala sya kay SooYeon at nagawa nyang itapon na lang ng ganun ganun si JiYeon. Nakaramdam sya ng guilt dahil sa mga nagawa nya dito. Gusto nyang sisihin si SooYeon sa mga nang-yari pero wala ng magagawa pa iyo. Nang-yari na ang lahat. Nasira na sila ni JiYeon. Nasaktan na nya ito.


      Hindi na masikmura ni HeeChul ang mga pang-yayari kaya nag-walked out na ito. Doon lang sya napansin ni JinWoon. Nakita din ni JinWoon na sumunod patakbo si JiYeon kay HeeChul. Sinundan ni JiYeon si HeeChul dahil pakiramdam nya kailangan nito ng kausap ngayon.


      "HeeChul!"tawag ni JiYeon. Napahinto si HeeChul, nag-punas ito ng luha. Lumapit si JiYeon sa kanya at hinawakan nya ito sa balikat. Muling napaiyak si HeeChul. Nang-yakapin sya ni JiYeon ay napahagulgol na sya sa iyak. Para syang bata na umiiyak sa kandungan ng  kanyang ina. Habang si JiYeon naman ay parang hinihele ang kanyang anak. Masakit din para sa part ni JiYeon ang nalaman pero pakiramdam nya hindi na iyon big deal. Klaro na sa kanya ang lahat. Pareho na nyang naiintindihan sina SooYeon at HeeChul. Ang dapat na lang nilang gawin ay ang mag-move-on sa mga pangit na pangyayari.


       Parang sinasaksak ng paulit ulit si JinWoon ng makita nyang mag-kayakap ang dalawa. Gusto nyang lapitan ang mga ito at agawin si JiYeon kay HeeChul pero may pumupigil sa kanya. Nakaramdam sya ng takot na kung gano kabilis itong napasakanya ay ganun din ito kabilis na mawawala. Na-realized nya na lang sa sarili na hindi nya kakayanin pag-nawala si JiYeon sa kanya. Si JiYeon ang naging dahilan kung bakit naging masaya ang mundo nya. Si JiYeon ang dahilan kung bakit gusto nyang kumanta habang buhay. Si JiYeon ang hinihiling nyang makasama habang buhay. Pero mawawala ito ng ganun ganun lang? Ano nang gagawin nya ngayon?






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^