CHAPTER TEN
Walang kurap at hindi maalis ang tingin ni JiAhn sa ate nya dahil sa nakikita nya. Totoo ba yun? Na papasok itong walang make-up? Nananaginip ba sya?
"May sakit ka ba? Sabihin mo lang para dalhin ka namin sa hospital."biro pa nito. Pero hindi pinansin ni JiYeon ang sinabi nya sa halip ay iba ang sinagot nito.
"Mas bagay sakin ang walang make-up no? Lalo akong gumaganda."nag-pa-charming pang tumingin ito sa salamin. Napanganga na lang si JiAhn sa kanya. "May nag-sabi sakin na mas maganda daw ako pag walang make-up."halata sa mukha nito ang kilig.
"Sino? Si HeeChul ba yan?"hula ni JiAhn. Buntong hiningang napapikit si JiYeon bago lingunin ang kapatid.
"Sinong HeeChul? Wala akong kilalang Kim HeeChul!"in-snub pa nya ito.
"Tsi! Talaga hu? Pero in-fairness alam mo surname nya hu!"pamumuna nito sa kapatid. Hindi sya pinakikinggan ni JiYeon. Abala ito sa pag-susuklay ng buhok. Tumayo na sa kama si JiAhn para mag-handa na rin sa school. "Dadaan ka sa Central diba? Sabay na tayo. May bibilhin lang ako."sabi ni JiAhn.
"Hindi na ko dadaan dun. Ikaw na lang."nakangiting saad ni JiYeon. Natigilan si JiAhn nang hindi na sya makatiis sa kawirduhan ng ate ay tinawag na nya ang kanyangg ina. Patakbo namang pumunta sa kwarto ang ina nila.
"Hay! Ano bang sinisigaw mo ang aga-aga!"inis na wika ng ina ni JiAhn.
"Tingnan mo si JiYeon! Mukhang sinasapian na!"turo nya sa ate. Saglit na natigilan ang kanilang ina ng makita ang kasimplehan nya. Sanay kasi talaga sila na bongga sya pag papasok.
"Anong nang-yari sayo? Kelan ka pa naging ganyan?"takang tanong ng ina nila.
"Hay! Ang O.A nyo! I just wanna be myself! This is me! Wag kayo masyadong O.A!"paliwanag ni JiYeon sa mga ito. Maya-maya ay tumunog ang cellphone nya. Sabay sabay silang napatingin. Hindi na Manga Jyoga ng UKISS ang ringtone nya kundi White Love na ni SeungRi. Mahal na Prinsipe ang pangalan ng tumatawag. Excited na sinagot ni JiYeon ang cellphone. "Hello? Mahal na Prinsipe?"hindi na maintindihan ang itsura ni JiAhn at ng kanyang ina habang pinapanood sya. Nag-sisikuhan pa ang mga ito at nag-tatanungan pero pareho silang clueless sa nang-yayari.
"Nasan ka na ba? Kanina pa ko nag-hihintay ng kape ko!"kunyari ay galit na tanong ni JinWoon.
"Bakit? Nasa school ka na ba?"gulat na saad ni JiYeon.
"May morning practice kami ng banda. Hindi ko rin alam kung para saan. Basta pumunta ka na dito at dalhan mo ko ng mainit na kape!"utos nito.
"Haist! Akala mo mabilis lang makapunta sa school! O sige! Mag-kita na lang tayo mamaya!"ibinaba na ni JiYeon ang cellphone saka dali dali na sinuksok ang bag pack at patakbong lumabas ng kwarto. "Alis na ko."paalam nya sa mga ito. Nag-katinginan lang ang dalawa.
All eyes on JiYeon habang nag-lalakad sya sa campus. Maging ang mga tao doon ay hindi makapaniwala sa nakikita nila. May mga nag-tataka, may iba naman na ang sinisisi ay si HeeCHul dahil sa mas simple ang pinalit nito kaysa sa kanya at may iba namang mas lalong humanga sa kanya. Pero kahit ano pa man ang sabihin nila wala ng pakialam pa si JiYeon dun ang mahalaga ngayon ay masaya sya.
Hawak ang kape at nakangiti syang lumabas ng canteen. Pareho silang napahinto si HeeChul ng mag-kasalubong sila. Gaya ng reaction ng lahat nagulat din ito at hindi halos naka-pagsalita.
"Ji-JiYeon?"sabi nya. Nawala ang mga ngiti sa mga labi ni JiYeon. Nakatitig lang ito kay HeeChul na para bang blangko ang isip nito. "Yo-you look nice."puri ni HeeChul. Matagal na walang kibo si JiYeon pag-kuway ngumti ito.
"Talaga? Thank You."sabay alis na may mga ngiti sa labi habang iniingatan na wag matapon ang kape. Namamangha syang sinundan ng tingin ni HeeChul.
"Hmp! Kinain mo rin ang sanabi mo nun na pangit ako pag walang make- up."bulong ni JiYeon ng makalayo sya kay HeeChul napangisi pa sya.
Samantala, abot hangang tenga ang mga ngiti ni JinWoon habang tumutugtog sa gitara. Naroon sya naka-upo sa bintana habang hinihintay nila ang laging late na si MinHyuk. Sa pwesto nyang yun ay kitang kita kung sino ang papasok sa building kung saan nandun ang practice room nila.
"Hoy! Tingnan mo si JinWoon. Parang nasisiraan na ng bait."pangusong turo ni SunWoo habang naka-upo ito sa paahan ni Daniel na naka-higa sa sofa.
"Ngayon lang sya naging ganyan kasaya. Ni hindi ko pa nga nakitang naging ganyan ang mga ngiti nya satin."reklamo naman ni Daniel.
Inilapag ni MyungSoo ang rhythm guitar na hawak sabay nag-dive ito sa dalawa. Napasigaw ang dalawa sa gulat. Ngayon ay mag-kadaan na silang tatlo na nakahiga sa sofa.
"Ano ba! Ang bigat nyo!"kinakapos sa hiningang sabi ni Daniel. Pero parang walang narinig si MyungSoo. Ipinikit pa nito ang mga mata at humalukip-kip.
"MyungSoo! Ano ba!"maging si SunWoo ay nag-re-reklamo na rin.
Walang paki-alam sa kanila si JinWoon dahil lumilipad ang isip nito. Inspired syang gumawa ng kanta ngayon. Maraming magagandang salita ang kumakanta sa isip nya. Kaya ng marinig nya na maganda ang chords na tinutugtug nya ay agad nyang kinuha ang notebook at lapis sa maliit na mesa sa tabi nya tapos ay isinulat nya ito doon. Hanggang sa ilang saglit pa ay kinakanta na nya ang lyrics.
"You came into my life
like a flash of light,
I couldn't even move.
I said I Hate You
I Think its all a lie
I don't really understand myself, Oh God
Hey I'm in-love with you girl
I'm spinning in your world
can't get out, I'm stuck now
Your beautiful the way you are
You're a bad girl for letting me fall
in your cold heart
I will never go home without you no~no~
You are My Girl"
[if you want to see the whole lyrics just read my poem titled JayWalking]
Napadilat si MyungSoo sa naririnig. Maging sina Daniel at SunWoo ay napatingin sa kanya. Bumangon si MyungSoo mula sa pag-kakahiga sa dalawa.
"Ang ganda nyang ah."dali-daling kinuha ni MyungSoo ang rhythm guitar. "Mas maganda kung lalagyan natin yang ng gantong sound."inumpisahang tumugtog ni MyungSoo. Na-excite ang dalawa at naki-jam na rin sa mga ito. Dahil marunong naman sa drums si Daniel sya na muna ang naupo doon. Si SunWoo naman ang humawak sa base. Tinutulungan nila si JinWoon na matapos ito. Hanggang sa di sinasadyang maka-buo sila ng isang napaka-ganda at nakaka-in-love na kanta.
"Ayos ah! Ang ganda ng ginawa mo!"manghang puri ni MyungSoo sa kaibigan.
"Grabe! Ito na ang kauna-unahang tapos na kantang nagawa natin!"tatalon talon sa tuwang sabi ni SunWoo. Lumapit sa kanya si Daniel sabay tuwang tuwang niyakap ito habang umiikot-ikot sila. "Ano namang title ng kantang 'to?"tanong nya.
"Jaywalking na lang!"suhestyon ni SunWoo. Napahiya sya ng walang makinig sa kanya kaya sinipa nya na lang si Daniel. Ginantihan naman sya nito.
"Sino naman naging inspirasyon mo sa kantang yan? Mukhang inlove ka e."usisa ni MyungSoo. Ngumiti lang si JinWoon, nakita nyang papasok na ng building si JiYeon.
"Isang babae na bigla na lang naging espesyal sakin."ang tamis ng ngiti nito. Napailing lang si MyungSoo sa kanya. Biglang nag-sisisigaw na pumasok si MinHyuk sa room na may dalang papel.
"Guys! Tada!"ibinida nito ang papel na hawak sa mga kasama. Sabay naman iyong binasa nila Daniel at SunWoo.
"Battle of the Band. The first ever battle of the rock band in Ashita High Academy."matagal silang napaisip. Nang matauhan ay nag-sisigawan silang nag-yakapan. Maging si JinWoon na naka-upo sa bintana ay napatakbo sa tuwa. Ang saya-saya talaga nila dahil iyon ang moment na talaga namang hinintay nila. Sa wakas ay mabibigyan ng chance na mag-shine sila kahit na isang gabi lang. At syempre dahil bihira lang ang ganun. Gagawin nila ang lahat manalo sa contest na iyon.
Sa ganung akto sila naabutan ni JiYeon. Sabay sabay silang nagtigilan maging si JiYeon. Kanya-kanya silang kalas sa pag-kakayakap maliban kay Daniel at SunWoo. Umubo si JinWoon kahit wala naman itong ubo. Samantala, kinikilala naman ng apat kung sino ang babaeng bigla na lang pumasok sa practice room nila.
"Ano bang ginagawa nyo?"hala ang malisya sa tono ng boses nito.
"Hindi kami tulad ng iniisip mo! Asan na ba yung kape ko?"explain ni JinWoon saka lang nila namukhaan si JiYeon ng lumapit ito kay JinWoon para ibigay ang kape.
"JiYeon?"parang ayaw kumurap ni MinHyuk.
Inis syang tiningnan ni JiYeon. "Ako nga!"sabi nito.
"Wow! Bakit parang ang ganda mo ngayon?"lumapit si Daniel kay JiYeon. Hahawakan pa sana nito ang kamay nya kaso biglang hinakawan ni JinWoon si JiYeon sa likuran ng mag-kabilang balikat nito at itinulak palabas. Naiwan sa hangin ang kamay ni Daniel, si SunWoo na lang ang kumuha noon.
"Pwede ka na makaalis. Tatawagan na lang kita pag may iuutos ako sayo."taboy ni JinWoon dito.
"Teka! Bakit hindi natin iparinig kay JiYeon ang ginawa nating kanta para malaman natin kung maganda ba o hindi."suhestyon ni SunWoo. Napalingon si MinHyuk kay MyugSoo na kwestyonable.
"May ginawa kayong kanta?"wala itong kaalam alam sa nang-yari.
"Actually ang nag-sulat si JinWoon. Tinulungan lang namin sya mag-arrange."saad naman ni MyunSoo.
"Wag na. Wala namang taste sa rock music si JiYeon."pigil ni JinWoon. Parang ayaw nitong pag-stay-in doon si JiYeon dahil sa mga kaibigan nito. Pakiramdam kasi nya nakakainis kapag may ibang lalaki na humahawak kay JiYeon. Kahit pa ang mga kaibigan nya.
"Halika!"hinatak si JiYeon ni Daniel at pinaupo ito sa sofa. Pipigilan pa sana sila ni JinWoon kaso mabilis na naagaw ni Daniel si JiYeon. Ngayon nga ay naka-upo na ito sa sofa. "Pakinggan mo tapos sabihin mo samin kung pangit ba sya o hindi."napakamot na lang sa ulo si JinWoon saka puwesto sa harap. Pumunta na rin sa kani-kanilang mga pwesto ang pata. Dahil dumating na si MinHyuk ito na ang umupo sa drums at piano naman si Daniel.
Sa intro pa lang ay namangha na si JiYeon. Nang simulan ni JinWoon ang lyrics ay pinakinggan talaga ng mabuti nya ito. Sa unang stanza pa lang ay na-in-love na sya. Habang kinakanta iyon ni JinWoon ay nakatitig ito sa kanya na kulang na lang ay malusaw sya. Hindi malaman ni JiYeon kung saan titingin, naiilang sya. Ang bilis ng pintig ng puso nya. Para syang mababaliw sa mga titig ni JinWoon.
Nasa isip parin ni JiYeon ang kanta kahit na ilang minuto na syang nakaalis sa practice room. Pakiramdam nya ay ginawa ni JinWoon ang kantang iyon para sa kanya. Napangiti tuloy sya sa sarili. Kinikilig sya sa tuwing maaalala nya kung pano sya tinitigan ni JinWoon kanina habang kumakanta ito. Hinawi pa nya ang buhok nya sa likod ng tenga. Napahinto sya ng masalubong nya si SooYeon sa corridor. Nagulat pa si JiYeon dahil bagong SooYeon ang nakita nya. New hairstyle at naka-make-up ito na gaya sa kanya noon. Matagal silang nag-titigan. Pag-kuway nag-salita si SooYeon.
"Himala yatang wala kang make-up ngayon."puna nito. Ang nag-tatakang mukha ni JiYeon ay napalitan ng arrogant expression.
"Himala yatang naka-make-up ka ngayon?"balik saad nito kay SooYeon. Bahagyang nainis dun si SooYeon. Mukhang nagustuhan iyon ni JiYeon kaya dinugtungan pa nya ito. "Bakit? Natatakot ka ba na baka mag-sawa si HeeChul sa plain ugly SooYeon at bumalik sya sa gorgeous beautiful JiYeon kaya ba ginaya mo ang style ko?"confident nitong sabi. Lalong nainis si SooYeopn sa sinabi nito.
"Baka ikaw ang ginagaya ako kasi gusto mong bumalik sayo si HeeChul."halata na sa boses nito ang inis.
Natawang humalukipkip si JiYeon. "Ano? Naririnig mo ba sarili mo? Hindi ko ina-idolized ang mga gaya mong walang ka-taste taste. Kung meron man akong ina-idolized sa mundo hindi ikaw yun!"halos pag-diinan nya ito sa mukha ni SooYeon.
Sasampalin sana ni SooYeon si JiYeon nang biglang nakita ni SooYeon si HeeChul kaya naman umarte itong napaupo sa sahig maging ang mukha nito ay napalitan na para itong inaapi. Ikinagulat naman iyon ni JiYeon.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo dyan?"kung kanina ay walang tao sa corridor ngayon ay may mga nakatingin na sa kanila. Ang drama ay sinasaktan nanaman ni JiYeon si SooYeon.
"Ano ba yan? Kawawa naman si SooYeon. Kelan ba titigil si JiYeon?"
"Kawawa naman si SooYeon. Ang sama talaga ni JiYeon!"bulungan ng mga ito. Nang makita iyon ni HeeChul ay agad itong napatakbo kay SooYeon.
"SooYeon! Ayos ka lang ba?"alalang tanong nito. Marahan nyang tinayo si SooYeon umarte naman itong nang-hihina. Hindi naman maka-paniwala si JiYeon sa ginawa nito. Tiningnan sya ng masama ni HeeChul.
"Kelan mo ba titigilan si SooYeon? Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin na wala na tayo!"galit na sigaw ni HeeChul. Nangi-nginig na sa galit si JiYeon. Halos hindi ito makasagot sa mga sinasabi ni HeeChul. Nagagalit ito hindi lang dahil sa mali ang kinampihan ni HeeChul kundi dahil pinahihiya na sya nito sa mga tao sa paligid. "Gusto na sana kitang patawarin pero nag-bago na ang isip ko!"dugtong pa ni HeeChul. Nang-gigilid na ang mga luha ni JiYeon. Nang-lilisik ang mga matang tiningnan nya si SooYeon saka nag-walked out.
Hindi nya alam kung bakit sa rooftop nya naisipang tumakbo para mag-tago na umiiyak sya. Nasasaktan sya dahil ang ayaw nya sa lahat ay ginagawa syang sinungaling at mukhang tanga sa harap ng maraming tao. Nagagalit sya dahil sa ginawa ni SooYeon at HeeChul. Hindi nya maintindihan kung bakit kailangang mag-mukhang kawawa ni SooYeon sa harap ng maraming tao? Bakit? Para kaawaan ng mga ito? Tuloy ang pag-tulo ng mga luha nya. Hindi na nya napannsin ang pag-akyat ni JinWoon.
Nasa mukha rin nito ang galit. Nakatayo ito sa likuran ni JiYeon habang pinapanood nya itong umiyak. Nang hindi makatiis ay nilapitan na nya ito. Mag-kahalong galit at awa ang nararamdaman nya.
Tumalikod sa kanya si JiYeon ng makita sya nito. Nakatingin lang sa kanya si JinWoon na galit parin ang mukha. Patuloy parin sa pag-iyak si JiYeon pag-kuway hinatak sya ni JinWoon paharap at buong higpit itong niyakap. Lalong napa-hagulgol si JiYeon. Tanging ang iyak lang nya ang nagi-ngibabaw sa rooftop. Halata naman sa mukha ni JinWoon na nasasaktan ito dahil sa nakikita nyan iyon.
Wala syang ibang maisip na gawin para i-comfort ito kundi ang yakapin ito. Wala syang magawa kahit parang gusto nyang ipag-tanggol ito. Basta ang nais nya lang ngayon ay maramdaman ni JiYeon na nariyan lang sya sa tabi nito.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^