CHAPTER 9
(
Aeroll POV )
“Pare, penge ulit ng number mo. Nawala yung cellphone
ko nung nakaraan.” wika ng kapitan sa kaniya. Kilala niya ang kapitan dahil
madalas kapag umuuwi siya ng probinsya nila, dito siya napapasakay. Naging
kaibigan na din niya ‘yon. Nasa early thirties na ito. Nasa control room siya
ng barko kasama si Cath na abala sa pangungulit ng mga tanong sa mga tauhan
do’n.
“Kaya
pala, hindi kita makontak para sabihing uuwi ako ng probinsya.” Kinapa niya ang cellphone niya sa bulsa
ng pantalon niya. Wala. Nilagay nga pala niya sa bag niya kanina.
“Hindi
ko kabisado yung number ko.”
Hindi talaga niya kinakabisado. Nilingon niya si Cath. “Cath, dala mo ‘yong phone mo?”
“Oo.” sagot nito na nakatingin sa mga monitor
do’n.
“Pwedeng
pakibigay kay kapitan yung number ko. Baba lang ako, kukunin ko lang yung
cellphone ko.”
“Sige.” Kinuha nito ang cellphone nito. “Pakitingnan na din si bhest, ah. Baka
nagising na.”
“Okay.”
Binalingan niya ang kapitan. “Kap, saglit lang ako, iwan ko muna dito si Cath.”
“Sige,
pare.”
Humakbang na siya palabas. Nadinig pa
niyang nagsalita si Cath. “Ano pong ibig
sabihin nito?” tanong nito. Napangiti siya. Kanina pa ito panay tanong sa
mga tauhan do’n. Napahalukipkip siya habang naglalakad. Ang lakas ng hangin sa
roof deck ng barko. Yung mga payat siguro tatangayin dito. Napatingin siya sa
araw. Halos nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nakapasok na siya sa loob ng
matanaw niyang wala si Princess sa higaan nito. Kumunot ang noo niya. Nasa’n na ‘yon? Lumapit siya sa higaan
nila. Tinanong niya ang isang babae nasa katapat nilang higaan.
“Pwede
pong magtanong? Nakita ninyo po ba yung babaeng nakahiga dito?”
“Ah,
yung nakahiga ba diyan? Nagmamadaling pumunta ng cr kanina. Mukhang naglilihi
ang asawa mo, ah.”
Napagkamalan
pang asawa ko. Napagkamalan pang buntis si Princess. “Salamat
po.” Pumunta siya sa restroom ng mga babae. At habang naghihintay sa labas
ay napaisip siya. Bakit ba ako nandito?
At bakit hindi ko itinama ang akala ng matanda kanina? Bago pa niya nasagot
ang mga katanungan niya ay bumukas na ang pintuan ng restroom. Kumunot ang noo
ni Princess ng makita siya, may nakaalalay ditong babae.
“Okay
ka lang ba?” tanong
niya.
“O,
ayan na pala ang asawa mo.”
sambit ng babaeng umalalay dito. “Siguradong
maganda at gwapo ang magiging anak ninyo.” dagdag pa nito.
Eto
pang isa, napagkamalan na naman akong asawa. Nakita niyang napahawak sa noo si Princess. Hinawakan niya
ito sa braso nito.
“Okay
ka lang ba?” ulit niyang
tanong.
“Mukhang
nahihilo pa ang asawa mo.”
sambit ng babae. “Sige, maiwan ko na
kayo.”
“Thank
you.” wika niya.
“Hindi
ko siya asawa, ano ba kayo…”
mahinang sambit ni Princess. Hindi na ‘yon nadinig ng babae dahil nakalayo na
ito.
“Don’t
mind them. Hindi naman ‘yon totoo.”
wika niya.
“Malamang.” inis na sambit nito.
Napailing siya. “Tara na nga.” Inalalayan niya ito.
“Okay
lang ako. Hindi mo na ko kailangan alalayan. I can take care of myself.” Pero hindi naman ito pumiksi sa
pagkakahawak niya. Humawak pa nga ito sa kaniya.
Kaya
nga niya. Kayang-kaya.
Umupo ito ng makarating sa higaan nila.
Hihiga na naman sana ito ng pigilan niya. “Bakit
ba?” inis na tanong nito.
“Don’t
tell me, matutulog ka na naman.”
“Hihiga
lang ako, hindi ako matutulog.”
“Mas
lalo kang mahihilo kapag humiga ka.”
Humalukipkip ito. Sumandal na lang ito sa
haligi ng higaan nila. “Ano, okay na?”
inis na tanong nito.
Napailing siya. “Dapat sa’yo natutulog na lang.”
Kumunot ang noo nito. “Ano?”
“Ang
sabi ko, gutom ka na ba?”
Hindi pa ito kumakain simula kanina. At malamang naiduwal na nito ang laman ng
tiyan nito.
At
nag-aalala ka naman?
singit ng kabilang isip niya.
Umiwas ito ng tingin. “Where is Cath?” sa halip ay tanong nito.
“Nasa
taas.”
“Ano
ba ‘yan.” maktol nito.
“Bakit
ba?”
Hindi ito sumagot. Kinuha na lang niya
ang phone niya at tinawagan si Cath. Tumayo siya at tumalikod kay Princess.
“Gising
na siya.” bungad niya.
“Sinungitan
ka ba?” tanong ni Cath.
“Lagi
naman, eh.”
Natawa ito sa kabilang linya. “Gutom na ‘yan. Bababa na ako.”
“Huwag
na.” Napatigil siya sa
sinabi niya. Kumunot ang noo niya.
“O
sige, sabi mo, eh. May sandwich do’n sa paper bag ko. Pakikuha na lang. Thank
you, Aeroll.”
Hindi na siya nakasagot dahil nagpaalam
na ito sa kaniya. Napatingin na lang siya sa phone niya at napakamot ng ulo. Ano ba kasi ‘yong sinabi ko? Nilingon
niya si Princess na ngayon ay nakahiga na naman. Nakapatong ang isang kamay
nito sa noo nito samantalang ang isa ay nasa tiyan nito. Gutom na nga.
Lumapit siya sa higaan ni Cath na nasa
taas ni Princesss at kinuha ang paper bag nito. Ang dami namang sandwich nito. Umupo siya sa higaan niya at
kinalabit sa balikat si Princess.
“Bakit?” hindi kumikilos na tanong nito.
“Gusto
mo nang sandwich?”
tanong niya. Hindi ito sumagot. “Kay
Cath ito.” Dahan-dahan itong bumangon. Napailing siya. Gusto pang sabihin kay Cath bago talaga bumangon. Tiningnan nito
ang laman ng paper bag. Kumuha ito ng isang sandwich at nagsimulang kumain.
Tahimik niya itong pinagmasdan. Napatingin ito sa kaniya.
“What?” tanong nito. “Kung gusto mo nito. Kumuha ka.” Iyon lang at pinagpatuloy na nito
ang pagkain nito. Nakadalawang sandwich na ito ng mapatigil ito.
“Bakit?”
Umiling lang ito. Napahawak ito sa tiyan
nito. “Ayoko ko na.” mahinang sambit
nito. Maya-maya ay ipinagpatuloy na ulit nito ang pagkain nito.
Mukhang
naduduwal na naman ata.
Binuksan niya ang bag niya na nasa paanan ng higaan niya. May kinuha siya do’n
at inabot sa babae.
“Ano
‘yan?” tanong nito. “Lason?”
Tingnan
mo ‘to. “Oo.”
“Pinagloloko
mo ba ako?”
“Hindi.”
“Ewan
ko sa’yo.” Ipinagpatuloy
na nito ang pagkain nito.
“Anti-emetic
‘yan. Inumin mo. Mukhang magsusuka ka na naman.”
Napatigil ito, at napatingin sa kaniya. “Bakit mero’n ka niyan?”
“Buntis
kasi ako.” biro niya.
“Baliw.” sambit nito.
Nilapag niya sa tabi nito ang gamot. “May tubig ka ba?” tanong niya. Hindi
ito sumagot. “Dito ka lang, bibili lang
ako ng tubig.” Tumayo na siya at pumunta sa tindahang nasa barko sa bandang
likod niya.
(
Princess POV )
SINUNDAN niya ng tingin si Aeroll. Kanina ko pa napapansin, bakit ang bait ata
no’n ngayon sa’kin? Ano bang nakain no’n? Nasapian ba siya ng maligno?
Umiwas siya ng tingin ng bigla itong lumingon sa gawi niya. Ipinagpatuloy na
lang niya ang pagkain niya. Ang dami na niyang gutom. Napatingin siya sa gamot
na nilapag nito sa tabi niya, nang mapahikab siya.
“Inaantok
ka na naman?” Napalingon
siya kay Aeroll. Umupo ito sa gilid ng higaan niya. Kinuha nito ang gamot,
binuksan at inabot sa kaniya.
“Sanay
akong magbukas niyan. Hindi na ako bata.”
Ilang saglit itong napatigil. “Sabi ko nga. Oh.”
Inabot niya ang gamot. “Thank you.” Nang mapansin niyang
natigilan ito. “Baka ipa-ulit mo na
naman ‘yong thank you ko. Sincere ang pagkakasabi ko.”
Napangiti ito. “Wala naman akong sinasabi, ah.” Inabot nito ang mineral sa kaniya.
“Inumin mo na ‘yan para hindi ka na
maduwal. Kakakain mo lang, maduduwal ka na naman.”
“Mamaya
na.”
“Ngayon
na.” giit nito.
Bakit
ba ang kulit nito? “Oo na.” Ininom na niya ang gamot na
binigay nito.
“Good
girl.” Napatingin siya
dito. Bakit parang nang-aasar pa ata ito?
Pinagpatuloy na niya ang pagkain niya. Wala siyang ganang makipagtalo
ngayon. Saka na pagbaba niya ng barko.
“Penge,
ah.” wika nito, pero
nakakuha na ito.
“Nagpaalam
ka pa.” Hindi na ito
sumagot kaya hindi na din siya umimik.
“Princess.” Napatigil siya sa pagkagat ng madinig
ang pagtawag nito sa kaniya. Bakit gano’n? Ang sarap namang pakinggan ng
pangalan niya ng binanggit nito. Umiling siya. Kung anu-ano na ang napapansin
niya.
“Bakit?” tanong niya ng tingnan niya ito. Inangat
nito ang kamay nito papunta sa mukha niya.
“Anong—” Napatigil siya nang dumampi ang daliri
nito sa gilid ng labi niya. May kung anong tinanggal ito. Like the second time
na magkita sila, nang bigla itong lumapit sa kaniya at masuyong punasan ang
luha niya sa pisngi. Nakaramdam siya ng tila kuryenteng dumaloy sa katawan
niya.
“Wala
na.” nakangiting sambit
nito. Wala na nga, pero hindi pa din nito inalis ang kamay nito sa gilid ng
labi niya.
~angel is luv~
ReplyDeleteang pilosopo niya pero in a funny way naman. natatawa kasi ako ee