CHAPTER 10
(
Aeroll POV )
Ano bang ginagawa ko? Pero hindi naman niya maialis ang daliri
niyang nakadampi sa labi nito. Nang may biglang tumikhim sa gilid nila. Si Cath
ang nalingunan niya. Dagli niyang binawi ang mga kamay niya. Umiwas ng tingin
si Princess. Lumipat siya sa higaan niya. Umupo si Cath sa paanan ng higaan ni
Princess.
“Nag-ikot-ikot lang ako sa taas.” Nilingon siya ni Cath, bago ibinalik ang tingin kay Princess. “Okay ka na ba?” tanong nito sa kaibigan nito.
“Nahihilo pa ‘ko.”
“Yung gamot mo?”
“Pinainom ko na siya ng gamot.” sagot niya.
Nilingon siya ni Cath. “Thank you, ha.”
“Welcome.”
“Magpalit ka ng damit.” baling nito sa kaibigan nito.
“Kumakain pa ‘ko.” sagot ni Princess. “Kumain ka na?”
“Kanina pa.” sagot ni Cath.
“Ang dami kong gutom, bhest.” Nakailang sandwich na ito. “Anong oras ba tayo makakarating sa pupuntahan natin?” tanong nito.
“Anong oras ba, Aeroll?” tanong naman ni Cath sa kaniya.
“Mga eleven pa.” sagot niya.
“Limang oras pa akong maghihintay?” reklamo ng prinsesa, habang nanlalaki ang mga mata.
Natawa si Cath. “Kumain ka na nga lang diyan.”
(
Princess POV )
“OKAY ka na?” tanong ni Cath mula sa labas.
“Okay na.” sagot niya. Lumabas na siya cubicle matapos makapagpalit ng t-shirt.
“Tara.” aya nito. Humawak naman siya sa braso nito. Nakahiga na si Aeroll sa higaan nito sa tabi niya. Hindi na siya nakapag-protesta ng marealize niya kanina na makakatabi niya ito.
“Tulog na si Aeroll, ah.” wika ni Cath. Sumampa sila sa higaan niya. Magkaharap silang umupo. Nilingon niya si Aeroll. Nakahiga ito patalikod sa kanila. Napalingon siya labas. Ang lakas ng hangin. Niyakap niya ang mga tuhod niya.
“Natatakot ka pa din ba?” tanong ni Cath.
“Medyo lang.”
“Sayang
‘no. Hindi tuloy kita maisama sa taas. Ang ganda ng view do’n lalo na ngayong
gabi. Kitang-kita mo ‘yong mga bituin.”
Pilit siyang ngumiti. “Mas gusto ko dito.”
Hinawakan nito ang braso niyang nakayakap sa tuhod niya. “Kwentuhan na lang tayo ng nakakatawa para hindi mo maisip na nandito ka sa barko.” nakangiting wika nito.
“Katulad dati.”
TININGNAN niya ang relo niya. Alas otso y medya
na. Buti pa si Cath, nakatulog na ata.
Mahigit isang oras din silang nagkwentuhan nito kanina. Hanggang sa makaramdam
ito ng antok. Wala din daw itong tulog. Sinabi na lang niyang matutulog din
siya. Pero isang oras na, gising na gising pa din siya.
Tumagilid siya ng higa paharap kay Aeroll. Nakatalikod ito sa kaniya. Buti pa ‘to, tulog na din. Gusto niyang matulog, kaya lang kanina pa siya sa bus tulog ng tulog, tapos kanina pagsakay niya ng barko. Tumihaya siya ng higa. Maya-maya ay tumagilid siya ng higa. Maya-maya ay tumihaya na naman.
“Sumasakit lalo ang ulo ko.” mahinang daing niya. Tumagilid ulit siya ng higa paharap kay Aeroll kaya nagulat siya ng nakahiga na din ito paharap sa kaniya. Gising na ito.
(
Aeroll POV )
NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman ang katabi niyang galaw ng galaw. Gising pa ito? Kaninang pagbalik ng mga ito galing restroom ay patulog na siya. Nadinig pa nga niya ang mga sinabi nito at ni Cath tungkol sa takot nito sa pagsakay ng barko, iyon lang ang nadinig niya dahil tuluyan na siyang nakatulog.
Hindi naman kasi siya nakatulog ng nasa bus na sila. Isang oras lang siguro. Samantalang ito, ang haba ng tulog. Tiningnan niya ang relo niya. Past eight thirty na. Tumagilid siya ng higa paharap dito.
“Sumasakit lalo ang ulo ko.” mahinang daing nito na umabot sa pandinig niya. Paanong hindi sasakit ang ulo? Kanina pa ata ito paikot-ikot sa higaan nito. Nang bigla itong tumagilid ng higa paharap din sa kaniya. Ilang saglit na nagtama ang mga mata nila bago siya nahimasmasan. Sabay pa silang tumihaya ng higa.
“Hindi ka ba makatulog?” maya-maya ay tanong niya.
Matagal bago ito sumagot. “Hindi.” sagot nito. “Nagising ka ba dahil ang gulo ko?”
Napangiti siya. “Medyo.”
“Sorry.”
Did she just that? Pero hindi na niya isinatinig ‘yon dahil baka magsungit na naman ito.
“Natatakot ka bang sumakay ng barko?” sa halip ay tanong niya. Hindi ito sumagot. “Natatakot ka ba sa’kin?” wala sa loob na tanong niya. Nagulat na lang siya ng tumawa ito ng mahina. Napalingon tuloy siya dito.
“Ako matatakot sa’yo? Baka ikaw.” natatawang sambit nito.
“Hindi ‘no.”
Tumikhim ito. “Thank you nga pala.” sambit nito.
Napangiti siya. “Naka-dalawang thank you ka na, ha.”
“Na sincere.” dugtong nito.
“I’m sorry about that.”
“Sorry din kung nasusungitan kita. Ikaw naman kasi, binunggo mo na nga ako tapos ikaw pa ang may ganang magalit.”
Nag-sorry nga. Ako pa din naman ang sinisi. “Oo na. Kasalanan ko na. Huwag na nga nating pag-usapan ‘yon.”
“Buti inamin mo.”
“Pero ikaw ang may kasalanan kanina, dahil ikaw ang yumakap—aray!” Pinalo siya nito sa braso niya.
(
Princess POV )
PINALO niya sa braso si Aeroll ng ipaalala nito ang nangyari sa bus kanina. Pinanlakihan pa niya ito ng mga mata. “Sabihin mo pa ‘yon. Titirisin na kita.”
“Hindi
na po.” natatawang
sambit nito.
Umayos na siya ng higa. Mabait naman pala ito. Iyon ang na-realize niya. Medyo kanina-kanina lang. Lalo pa’t inamin nito na ito ang may kasalanan. Pwera lang ‘yong ipaalala pa nito ang yakap moment na ‘yon.
“Aeroll.” maya-maya ay tawag niya dito.
“Ano
ulit?”
“Bingi ka ba?”
“Medyo.”
“Bahala ka diyan.”
“Ano nga ‘yon?”
“Matagal pa ba tayo?” tanong niya.
“Mahigit dalawang oras pa siguro.”
“Ang tagal.” reklamo niya.
“Itulog mo na lang ‘yan.”
“Hindi ko alam kung makakatulog pa ako. Kanina pa ako tulog ng tulog.”
“Kantahan kita, gusto mo?”
“Huwag
na baka bumagyo pa. Baka—”
Napatigil siya sa sinabi niya. Pinikit niya ang mga mata niya. Naalala na naman
niya ang pangyayaring ‘yon.
“Princess?”
Hindi niya pinansin ang tawag sa kaniya ni Aeroll. Pilit niyang tinataboy sa alaala niya ang pangyayaring ‘yon.
“Princess, okay ka lang ba?” tanong ulit ni Aeroll. Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. “Kung natatakot ka, hawakan mo lang ang kamay ko.” wika nito. Kumapit siya sa kamay nito. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
“Thank you.” sambit niya.
Ilang saglit ang lumipas ng magsalita ulit ito. “Gusto mong yakapin kita?”
awwhh.. ans sweet talaga!!.. naku,baka na fa-fall na sa kanya si aerol..hehe.. way to go girl..
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeleteano ba naman! para akong baliw! kinikilig na pigil! kasi naman ang hirap magbasa dito sa net cafe... kaso naeexcite talaga ako mag-check kung may updates na.
aerol, konti na lang maiinlove ka na. haha!
ReplyDeleteiLOveit pO tLGa,,
ReplyDelete