( Aeroll POV )
“Kakalabas ko lang ng restroom ng tumawag si mama.
May pumatak na kung ano sa braso ko kaya napatingala ako. Malay ko bang
nakaharang siya sa daan. Nabangga ko tuloy siya. Tapos kung anu-ano na ang
sinabi sa’kin. Kesyo hindi daw ako gwapo. Bulag ba siya? May salamin na nga
siya sa mata ang labo pa ng paningin niya.” Tumawag ang pinsan niya nang makarating na siya sa bahay
niya. Pinaalala lang nito na isasabay niya ang girlfriend nito. Bukas na ang
alis nila. Nakwento niya dito ang nangyari kanina sa mall.
Natawa ito. “Yon naman pala. Naiinis ka kasi hindi siya nagwapuhan sa’yo. Saka
pare, kasalanan mo naman pala, ikaw ang hindi nakatingin sa dinadaanan mo.”
“Siya
ang may kasalanan. Tapos. At wala akong pakialam kung hindi siya magwapuhan
sa’kin. Malabo nga kasi ang mga mata niya.” inis na sambit niya.
“Mukhang
inis na inis ka talaga, insan.”
“Sa
amazonang babaeng ‘yon.”
dagdag niya.
“Maganda
ba?” tanong nito.
Napahinto siya. Inalala niya ang mukha ng
babae. “Maganda nga. Nerd na maganda.
Pero kahit siya pa ang pinakahuling maganda sa planetang ito. Hindi ko siya
magugustuhan. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa ang makasama ang amazonang
babaeng iyon.”
“Baka
kainin mo ‘yang sinabi mo, insan.”
natatawang wika nito.
“Yeah,
right. As if magkikita pa kami.”
aniya. “Bago maghating gabi nandiyan na
kami.” Pag-iiba niya ng usapan.
“Sige,
ingatan mo ang girlfriend ko, ha.”
wika nito.
Nang makita niya mula sa terrace na
kinatatayuan niya sa second floor ng bahay nila si King, ang nag-iisang kapatid
niya na kapapasok lang ng gate nila. “Sige,
insan. Ako nang bahala. Andito na si King.” sambit niya. Nag-paalam na siya
dito.
Lumabas siya ng kuwarto niya at
sinalubong sa sala ang kapatid niya. Napahinto ito ng makita siya. May pasa ang kanang pisngi nito. Humalukipkip siya. Napakamot ito ng ulo.
“Ano
na naman ang ginawa mo?”
tanong niya.
“Grabe
ka, Kuya. Para namang pumatay ako kung tingnan mo ako.” sagot nito.
“King!”
“Okay,
okay. Pwede ba bukas mo na lang ako sermunan?” nakangiting wika nito.
“Nakalimutan
mo ba? Magbabakasyon ako bukas.”
Ngumiti ito. “Oo nga pala. So si Papa na lang ang magsesermon sa’kin.”
Napailing na siya. “Pwede ba, King? Magtino ka na. Ilang taon ka na ba, ha? At para ka pa
ding bata kung umasta.”
“Nineteen,
Kuya.”
Sumagot
pa talaga. “That’s the point. Nineteen ka na, pero
feeling mo nasa high school ka pa din kung gumawa ka ng mga kalokohan. College
ka na. Dapat nga graduate ka na ngayon. Pero puro ka bulakbol. Tingnan mo,
second year ka pa din hanggang ngayon. Hindi ka ba naiinggit sa mga classmate
mo? Napag-iwanan ka na.”
Napabuntong-hininga ito. “Yeah, right. As if I care kung
mapag-iwanan nila ako. Akyat na ko, Kuya. Masakit ang katawan ko.”
Dumeretso na ito ng hagdan.
“King,
kailan ka ba titino?”
pahabol niyang tanong.
“Matino
naman ako, Kuya. Hindi niyo lang nakikita ni papa.” sagot nito bago dumeretso paakyat ng
kwarto nito. Napailing na lang siya.
“Dumating
na ba sa King?”
Napalingon siya sa mama niya na kalalabas lang ng kusina.
“Kakaakyat
lang ng kuwarto, ‘Ma.”
sagot niya.
“Susundan
ko lang.”
“’Ma.” pigil niya.
Ngumiti lang ito. “’Di ba aalis ka pa bukas? Hindi ka pa nagpapahinga. May merienda akong
inihanda sa kusina. Kumain ka muna.” Iyon lang at umakyat na ito. Si Mama talaga, masyadong binibeybi si King
kaya ganyan. Sabagay hindi niya ito masisisi. Dumeretso na siya sa kusina.
( Princess POV )
“Ay,
kabayong buntis!” gulat
na sambit niya, nahulog tuloy ang hawak niyang tinapay na pinapalamanan niya. “Cathrine naman!”
“Sorry,
bhest! Nagulat ba kita?” tanong nito.
“Ay,
hindi. Nahulog ko lang naman ‘yong merienda ko.” Pinulot niya ng tinapay sa sahig.
Ipapakain na lang niya iyon kay Miming. “Kakakita
lang natin kanina, na-miss mo agad ako. Hindi ka ba nagsasawa? Ako kasi
nagsasawa na. Napapagkamalan na nga tayong mag-jowa ng mga kapitahay nating
tsismosa. Sino daw ang tomboy sa’tin? Syempre sinabi kong ikaw.” mahabang
litanya niya.
“Sinong
nagsabi?” tanong nito. “Ipapahabol ko kay Dogdog!”
“Syempre
joke lang ‘yon. Mukha bang tomboy ang ganda natin.” natatawang sagot niya. “Alam mo, bhest, nag-pangalan ka pa sa aso
mo, Dogdog pa. Shunga lang ang magtatanong kung anong klaseng hayop siya.”
“Kanya-kanyang
trip ‘yan, bhest. Ikaw nga, nag-pangalan ka pa sa pusa mo, Miming pa.”
“Lutang
ang isip ko ng bininyagan ko siya, eh.” sagot niya. Kumuha siya ng tinapay at pinalamanan ulit.
“Same
here. Sabay nga nating bininyagan ‘yong dalawa ‘di ba.”
“Sila
na lang kaya ang ikasal natin?”
“Ano
ka! Pusa at aso? Mero’n ba no’n?”
tanong nito.
Ngumisi siya. “Oo. Yung mga alaga natin. Bagong breed ‘yon sa earth.”
“Sira
ulo! Nga pala. Aalis ako ngayon. May photoshoot kami sa Batangas, sayang
naman.”
“Hindi
na tayo tuloy tomorrow?”
“Syempre
tuloy. Kaya lang magkikita na lang tayo sa Batangas port bukas. Alam mo naman
‘yong terminal ng bus pa-Batangas ‘di ba?”
“I
know.” sagot niya. “Anong
oras sa port?” tanong niya.
“Mga
1pm.” sagot nito.
“O
sige. Text-text na lang.”
Tinapik siya nito sa balikat. “Sige, bhest. Aalis na ‘ko. Kaya mo bang
ubusin ‘yan?” Yung limang tinapay na may palaman ang tinutukoy nito.
“Yap.” sagot niya.
“Katakawan.” wika nito bago tumalikod.
“Ingat,
bhest.” pahabol niya.
( Aeroll POV )
“Sige,
Aeroll. Ikamusta mo na lang ako kina mama.” sagot nito sa kabilang linya. Bumaba na siya ng bus bitbit
ang malaking bag niya.
Nang maagaw ng pansin niya ang isang
babaeng nakatayo malapit sa pinagbabaan niya. May hawak itong maleta at
nakatingin sa kalsada. Pero parang tagus-tagusan ang tingin nito. Hindi niya
mapigilang pagmasdan ito. Nakalugay ang mahabang buhok nito na tinatangay ng
hangin. Simpleng pulang tshirt at skinny jeans lang ang suot nito. Hanggang sa
mamalayan na lang niya ang sariling lumalapit dito.
“Miss.” Unti-unti itong lumingon sa kaniya. Hulog ka ba ng langit? Nang mapansin
niya ang luha sa pisngi nito. Pinalis ng daliri niya ang mga luhang iyon.
“Sinong
nagpaiyak sa’yo? Bubugbugin ko.”
wika niya. Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng inis sa kung sino
mang nagpaiyak dito.
“Okay
lang ‘yan. No one will hurt you again. I promise.” wala sa loob na sambit niya. Napakurap
siya. Did I just said that?
( Princess POV )
“Kuya, malapit na ba tayo sa terminal ng bus pa-Batangas?” tanong niya sa konduktor na dumaan sa gilid niya.
“Malapit
na, Miss Ganda.” sagot
nito.
Napangiti siya. “Pakibaba na lang po ako do’n. Nakalimutan ko ho kasi.”
“Okay.”
sagot nito.
Sumandal ulit siya sa upuan niya at binaling
ang tingin sa bintana. Trapik pa. Pinagmasdan
niya ang mga sasakyan na kasabayan nila, maging ang mga taong naglalakad sa
side walk. At gaya ng nakagawian. Ginawan niya ng kwento ng mga ito. Si kuya, nagmamadali, tinatawag na ata ng
kalikasan. Ito namang si Manong, palinga-linga. Tsk, holdaper pa ata ito at
naghahanap ng mabibiktima. Hmm.. mukhang inip na si kuya sa ka-date niya. Ito
pang dalawang magjowa na ‘to, may LQ pa ata. Nahuli siguro ni babae si lalaki
na may kasamang iba. Hay buhay... parang life…
Nang mapagawi ang tingin niya sa isang
kotse na katapat lang nila. Hindi tinted ang sasakyan no’n kaya kita niya ang
mga tao sa loob no’n. Ano ba ‘tong mga
‘to? Hindi na nahiya. Sa kotse pa naghahalikan. Buti sana kung tinted ang
sasakyan niyo. Napailing na lang siya. Humilig na ang babae sa balikat ng
lalaking nag-da-drive. Ang langgam niyo!
Nang bumaling ang tingin ng driver sa side view mirror ng kotse. Napalapit ang
mukha niya sa salamin ng bintana. Teka!
“James?” Oo, si James nga. Wala nang iba. Bwisit ka! Manloloko! Kinuha niya ang phone niya at pinicturan ang
mga ito. Umusad na ang mga sasakyan. Nauna ang kotse ng mga ito. Masama ang
tinging ibinigay niya sa papalayong kotse. Manloloko kang bwisit ka!
...
i love it talaga! ang galing mo po magsulat.
ReplyDeletedetalyado kaya mahirap imaginin! basta i like it!
tenk you lhadyuuki :) muah :)
Deletepara magulo ang utak ng mga reader, nyahaha..
ohh! a new writer.. welcome po dito sa blog!
ReplyDeletelakas talaga ng tawa ko nung pinagtripan nya yung mga tao na nkikita nya.. haha.. taksil ung bf nya! ihatid na yan sa huling hantungan!
Tnx demidoll :))
ReplyDeleteyan ang resulta ng kaaningan ko ^_____^