Monday, September 17, 2012

Love at Second Sight : Chapter 19

CHAPTER 19

( Princess’ POV )
 “Bhest, sa’n ka pupunta?” tanong sa kaniya ni Cath.


“Maglilibot lang.”


“Baka maligaw ka.”


“Hindi.”


“Huwag kang lalayo, ah. Malapit ng dumilim.”


Tiningnan niya ang relo niya. 5:15 pa lang naman.


“Oo. Nasa’n na yung dalawang pinaglihi sa nguso ng baboy?”


“Naghanap ng kahoy para sa bonfire natin mamaya.” natatawang sagot nito.


“Wagas ang tawa nila kanina. Nguso lang pala ng baboy sila pinaglihi. Alis na ‘ko. Saglit lang ako.


“Ingat ka.” Itinutok na nito ang atensyon sa ginagawa nito.


Lumabas na siya at tinahak ang trail na nakita niya. Iyon na lang ang susundan niya para hindi siya maligaw. At dahil nature lover siya, enjoy na enjoy niya ang mga nakikita niya. Hindi naman siya natatakot dahil maliwanag pa.


Sa sobrang enjoy niya, hindi niya namalayang lumilihis na siya sa trail na dapat ay sundan niya.


“Ang ganda talaga dito.” Nakadinig siya ng ingay mula sa itaas ng puno na nadaanan niya. Napaangat ang tingin niya. “Mga ibon lang pala.”


“Hello, birds!” kausap niya sa mga ito. Humuni ang mga ito bilang sagot. Saka lang niya napansin ang araw. Papadilim na. Napatingin siya sa relo niya.


“Patay! Thirty minutes na pala akong namamasyal. Baka hinahanap na nila ‘ko.” Kinapa niya ang bulsa ng short niya. “Naiwan ko pa yung phone ko.”


Bumalik siya sa dinaanan niya kanina ng mapansin niyang wala na yung trail na sinusundan niya. “Oh my gulay! Nasa’n na yon?”


Naglakad siya ng naglakad sa alam niyang dinaanan niya kaniya. Pero hindi niya talaga makita kung nasa’n yung trail. Fifteen minutes na siyang naglalakad ng makadinig siya ng kaluskos.


Luminga siya sa paligid niya. “Ano ‘yon?” Nang maalala niya ang sinabi ng lolo ni Harold na may nangunguha daw ng dayo dito.


Kinabahan siya. “Naku po!” Nagtatakbo siya. Nang mapagod ay napahinto siya. Tiningala niya ang langit. Ang dilim na. Wala na nga siyang masyadong makita. Umupo siya sa gilid ng puno ng mangga na nakita niya.


“Hinahanap na kaya nila ako?” Napayakap siya sa tuhod niya.





( Aeroll’s POV )


“BAKIT wala pa din siya until now?!”


“Insan, umupo ka nga muna. Nahihilo na ‘ko sa kakaikot mo, eh.”


Hindi niya ito pinansin. “Thirty minutes na siyang nawawala. Dumidilim na.” Pumasok siya ng kwarto at kinuha ang flash light sa drawer.


“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Harold paglabas niya.


“Hahanapin ko siya.”


“Sasama ko, Aeroll.” wika ni Cath.


“Maiwan ka na, Cath.” sagot niya.


“I’ll go with you, insan.”


“Walang kasama si Cath dito. Ako na lang ang maghahanap kay Princess.” Lumabas na siya ng camphouse. Sinundan siya ng mga ito.


“Mag-iingat ka, insan.”


“Aeroll…”


Napalingon siya kay Cath. “Don’t worry, Cath. Mahahanap ko siya.”


“Thank you.”


Lumakad na siya. Princess, sa’n ka ba kasi nagsusu-suot? Lagot ka sa’kin pag nakita kita.





( Cath’s POV ) ­–I can’t help to smile and smile and smile habang ginagawa ko ang POV ni Cath, ang sweet nila ni Harold. Para tuloy gusto ko silang gawan ng kwento, what do you think?-


NAPABUNTONG-HININGA siya habang tinatanaw si Aeroll papalayo.


“Honey, sa loob na tayo maghintay sa kanila.”


“Okay.” Inakay na siya nito sa loob ng bahay.


Umupo sila sa sofa. Inakbayan siya nito. Sumandal siya sa balikat nito.


“Honey, mahahanap ba niya si bhest?”


Hinaplos nito ang buhok niya. “Kapag sinabi niyang mahahanap niya. Mahahanap niya. Hindi titigil ‘yon hanggang hindi niya nahahanap si Princess.”


Napatingala siya dito. Nakangiti ito. “Dahil may gusto si Aeroll kay bhest?”


“Uy ha, tsismis ‘yan.”


Napangiti siya. “Talaga naman, eh. Napansin ko no’ng nasa barko kami. Nahuhuli ko siyang laging nakatitig kay bhest. Kaya nga madalas ko silang iwang dalawa no’n, eh.”


“Playing cupid ang honey ko, ah.”


“Sa tingin mo, may gusto ang pinsan mo sa bestfriend ko?”


Nagkibit-balikat ito. “Si Aeroll lang makakasagot niyan.”


“Di ba sabi mo playboy din ang pinsan mo?”


“Din?”


“Oo, din. Dahil parehas kayo.”


Pinisil nito ang pisngi niya. “Dati ‘yon, hindi na ngayon. Dahil nahanap ko na ang babaeng nagpatino sa’kin.” He kissed her forehead.


Kinikilig ako! Pwedeng tumili? “Siguraduhin mo lang, baka katulad ka din ng James na ‘yon.”


Sumeryoso ito. “I will never ever do that to you.” Ngumiti na ito. “Pa-kiss nga.”


“Tsansing ka—” He kissed her lips. Ang bilis talaga nito. Pero tumigili din ito.


“Hmm.. tama na nga. Baka mademonyo pa ‘ko.” Niyakap na lang siya nito ng mahigpit.


Ang lakas ng tawa niya. “Sira ulo!”


“Sa’yo. I love you, Cathrine.”


Napangiti siya. “I love you too, Harold. Thanks for coming into my life.”


“More thanks to you dahil hinayaan mo kong pasukin…” Tumigil ito.


Nanlaki ang mata niya. “Harold!!!”               


“Pasukin ang puso mo. Grabe ka, honey. Ganyan ka pala.”


Namula tuloy siya. Pinalo niya ang dibdib nito. “Sira ulo ka talaga!”


Sinundot nito ang gilid niya. “Uy, nagba-blush siya. Nagba-blush si Cathrine. Nagba-blush siya.”


“Harold naman! Para kang bata!”


Natawa ito. “Hindi na po. Ito naman binibiro lang.” Niyakap ulit siya nito.


Ilang saglit ang lumipas. “Harold?”


“Hmm…”


“Nahanap na kaya ni Aeroll si bhest?”


“I don’t know, honey. Don’t worry. Kabisado ni Aeroll ang gubat. Si tarzan ‘yon, eh.”


“Harold naman, eh.”


“Wag ka kasing masyadong mag-alala.”


“Panong hindi ako mag-alala? Madilim na. Tapos si bhest, nasa gitna ng madilim na gubat. Natatakot na ‘yon. Nawala na siya sa gubat dati. Malay ko ba kung ano na ang nangyayari sa kanya nga—” Naputol ang litanya niya ng halikan siya nito ng mabilis sa labi.


“Ano? Titigil ka na?” nakangiting tanong nito pagkatapos.


She pouted her lips. “Kailangan talagang halikan ako para tumigil ako? Pwede namang takpan na lang ‘yong bibig ko.”


Napakamot ito ng ulo. “Oo nga, ‘no.”


Pinitik niya ang ilong nito. “Ikaw talaga.”


Pinisil naman nito ang ilong niya. “Hindi ko kasi mapigilan. Ang cute mo kasi.”


“Cute lang?”


“Magandang magandang magandang maganda—” Tinakpan niya ang bibig nito. Tinanggal nito ang kamay niya. “Akala ko hahalikan mo din ako para mapatigil ako.”


Natawa siya. “Swerte mo.”


Napabuntong-hininga siya ng maalala na naman niya ang bestfriend niya.


“Honey, don’t worry. Matapang si Princess. Kahit kaninang umaga ko lang siya nakilala. Alam kong matapang siya. Nasasagot-sagot nga niya ang pinsan ko. At siya lang ang babaeng nakita kong halos kahapon lang nakita ang manlolokong boyfriend niyang nagtaksil sa kaniya. Pero kung tingnan mo ngayon, parang walang iniinda.”


Napabuntong-hininga siya. “Akala mo lang. Pero deep inside, nasasaktan siya. Hindi lang niya pinapakita. Madami ng pinagdaanan ang bestfriend ko. Pinilit niyang maging matapang sa lahat ng ‘yon. Pero alam ko…”


“Shhh…Mahahanap siya ni Aeroll. Promise.”


Napatingala siya dito. When this person, says promise. Mangyayari.


“Ang swerte ko talaga sa’yo, Harold.”


“Mas maswerte ako sa’yo, Cath. Kung alam mo lang.”


“Hindi mo na kailangang sabihin. Alam na alam ko.”


Natawa ito. Pinisil nito ang ilong niya. “Mag-bestfriend talaga kayo ni Princess.”


. . .


THE CASTS OF LOVE AT SECOND SIGHT click here!!!



8 comments:

  1. wuaaaahhh!!!! super kilig ako sa kanila!!! no dull moments!! ang cheeesy! grabe!!!
    okay breathe demi! baka mamatay ka na sa sobrrang kilig!! hahaha..

    go aerol! hanapin na ang mahal na prinsesa..

    ReplyDelete
  2. nTtawa aKo n kniKiLig aHhaHa,, mHaHaNAp ni aEroLL yaN,,, si tArzaN ngA daw siYa dba,, kaBisadO dAw aNg gUbAt,, aHaHAha

    ReplyDelete
    Replies
    1. correct!!!!!! ntwa din aq dun! c aeroll c tarzan! ahhhahhahaha!!!!! at c princess c jane! ahhhahhaha!!!

      Delete
  3. mahahanap nga kaya ni Aeroll si Princess? haha, abangan ...

    ReplyDelete
  4. I was thinking na gawan din ng story sina CATH ang HAROLD, what do u think?

    susuportahan niyo ba? ^_____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. pls ate!!!! ang cute-cute kya ni harold noh!!!!!!

      Delete
    2. pero siguro after pa nitong LASS ko ipopost ung story nila .. my plot na kasi akong naisip for them, mas maganda kung after na nitong LASS ^____^

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^