CHAPTER 20
( Princess’ POV )
Sumiksik
siya sa tabi ng punong inupuan niya. Napatingin siya sa relo niya. Glow in the
dark ‘yon kaya kita niya ang oras. Isang oras na mula ng umalis siya sa camphouse.
Napayakap siya sa sarili niya ng makadinig siya ng huni ng kung anong hayop.
Pumikit siya. “Huwag kang matakot, Princess. Wala ‘yon. Matapang ka ‘di ba? Don’t
worry, hinahanap ka na nila Cath. Kaya chill ka lang diyan. Whoa! Matapang ako!”
Napakislot siya ng makadinig siya ng
ingay. “Pero nakakatakot naman talaga,
eh. Ikaw kaya ang maligaw dito sa gitna ng gubat. Sobrang dilim pa.”
Napabuntong-hininga siya.
“Kapag
nawala ka uli, huwag kang matatakot dahil mahahanap kita. Mahahanap ka ni papa.
Tandaan mo ‘yan hah.”
Hanggang ngayon, naaalala pa din niya ang
sinabi ng papa niya ng nabubuhay pa ito. Napapikit siya at yumuko sa tuhod na
yakap niya.
- F L A S H B A C K -
“Baby,
wag kang lalayo, okay.”
“Opo,
papa.”
Nasa isang resort sila ng pamilya niya.
Di-kalayuan ay may tila gubat. At dahil bata siya, malikot at curious siya sa
mga bagay-bagay. Hindi niya sinunod ang papa niyang huwag siyang lalayo.
Pumasok siya sa masukal na gubat. Hanggang sa maligaw siya.
Iyak siya ng iyak dahil padilim na. “P-pa..pa..” Nang makadinig siya ng
ingay. Nagtatakbo siya. Natalisod pa siya sa isang ugat na nakausli. Tumayo
ulit siya at nagtatakbo. Mukha na siyang gusgusin sa itsura niya. Pawis, sipon,
luha at dumi. Nagsama-sama na ang lahat. Parang siyang pulubi sa gitna ng
gubat. Cute na pulubi sa gitna ng gubat.
May nakita siyang puno ng mangga. Umupo
siya sa gilid no’n at umiyak ng umiyak. Iyon lang naman ang magagawa ng batang
katulad niyang takot. Ang umiyak. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang
nando’n ng may madinig siyang mga yabag. Napaangat ang ulo niya mula sa tuhod
niya.
“Sa
wakas, nahanap ko din ang baby ko.”
“Papa!” Sinugod niya ng yakap ito. May mga
kasama ito.
“N-atakot
ako…” Binuhat siya nito.
“Shhh..
nandito na si papa.”
“A-akala
ko dito na ko titira.”
Ginulo nito ang buhok niya. “Pinag-alala mo si papa. Pati si mama at si
ate.”
“Sorry
po. Hindi na po mauulit. Pero natakot po ako.”
“Alam
ko namang matapang ka. Pero kapag nawala ka uli, huwag kang matatakot dahil
mahahanap kita. Mahahanap ka ni papa. Tandaan mo ‘yan hah.”
“Opo,
tatandaan ko po.”
“Umuwi
na tayo, baby.”
“Opo.”
Yumakap siya leeg nito.
- E N D . O F . F L A S H B A C K -
Hindi niya namalayang tumulo na ang mga
luha niya. “Papa… Sino na pong
maghahanap sa’kin ngayong wala ka na?”
Ilang minuto ang lumipas ng makadinig
siya ng yabag papalapit. “P-apa…”
“Sa
wakas, nahanap din kita.”
Napaangat ang tingin niya. Nasilaw siya
mula sa liwanag na nagmumula sa flashlight na dala nito. Mag-isa lang ito.
Napatayo siya at niyakap ang taong ‘yon. “P-papa, nahanap mo ‘ko! Nahanap mo ulit
ako!” wala sa sariling sambit niya.
( Aeroll’s POV )
“PRINCESS!”
Napatingin siya sa relo niya. Isang kalahating oras na siyang naghahanap. Isang
oras na ng umalis ito sa camphouse. “Shit!”
Buti na lang at kabisado niya ‘to. Halos
mga bata pa lang sila nila Harold at ang mga pinsan niya. Naglalagalag na sila
dito tuwing nagbabakasyon sila dito.
“Princess!
Nasa’n ka na??!!!”
“Nandito
‘ko!”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng
boses na ‘yon. “Princess!?”
“Nandito
‘ko!”
Sinundan niya ang pinanggalingan ng boses
na ‘yon.
“Malapit
lang siya dito.”
May nakita siyang puno ng mangga.
“Nandito
‘ko!”
“Nando’n
siya. Do’n nagmumula ang boses niya.”
“Nandito
‘ko!”
Patakbo siyang lumapit sa puno ng mangga.
Nakahinga siya ng maluwag ng makita sa
likod ng puno na nakatalungko si Princess. “Sa
wakas, nahanap din kita.”
Napaangat ang tingin nito mula sa
pagkakayuko sa tuhod nito. Umiiyak ito. Napatayo ito at niyakap siya. “P-papa, nahanap mo ‘ko! Nahanap mo ulit
ako! Natakot po ‘ko…”
“Shhh...
Nandito na ‘ko. Saka…” He
cleared his throat. “Saka hindi ako ang
papa mo. Si Aeroll ako.”
Bigla itong napakalas ng yakap sa kaniya.
“Sorry…akala ko…”
Pinahid niya ang luha nito. “Mukhang natakot ka nga. Sa camphouse na
lang kita sesermunan.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Umuwi na tayo.”
“O-oo.”
( Princess’ POV )
NASA
harap sila ng camphouse at nagbo-bonfire. Nakapalibot sila sa apoy habang
naka-indian seat.
“Bhest,
okay ka lang ba talaga?”
“Oo.”
“Wag
mo na ulit uulitin ‘yon, ah. I’m so worried. Akala ko may kumuha na sa’yo.
Akala ko totoo na yung sinabi ni lolo.”
“Naisip
ko din ‘yan kanina. Buti na lang…” Napatingin
siya kay Aeroll. Nag-uusap ang dalawang mag-pinsan. Isang oras na mula ng
makauwi sila.
Lumapit ng upo sa kaniya si Cath. “Buti na lang at nahanap ka ni Aeroll.”
“Oo.
Buti na lang…” Kanina,
napagkamalan pa niya ‘tong papa niya. Alam niyang nagtaka ito sa sinabi niya
pero hindi na lang siguro ito nagtanong. Wala silang kibuan hanggang sa
makarating sila dito sa camphouse.
Pinaderetso agad siya nito sa kwarto
niya. Magpahinga na muna daw siya. Wala nga siyang sermong nadinig dito katulad
ng sinabi nitong sesermunan daw siya nito pagdating nila ng bahay. Buti na lang
at hindi, dahil baka magtalo na naman sila.
“Aeroll,
pa’no mo nga pala nahanap si Princess? Ang dilim na kaya kanina.” tanong ni Cath dito.
“Nadinig
ko siya.”
Kumunot ang noo niya. “Nadinig mo ako?”
“Oo.
Sumigaw ka ng ‘nandito ko.’ Kaya nga kita nahanap.”
Napalunok siya. “Sure ka ba? Hindi naman kasi ako sumigaw kanina.”
“Anong
hindi? Sumigaw ka. Ganito pa nga kalakas.” Sumigaw ito. “Nandito
‘ko!”
“Hindi
nga ‘ko sumigaw.”
“Anong
hindi? Ano ako bingi? Apat na beses pa nga ‘yon.”
“Ahhhh!!!” Tumili sa Cath. Pumunta ito sa unahan ni
Harold. Do’n ito umupo. Niyakap naman ni Harold si Cath at isinandal sa dibdib
nito.
“Wag
nga kayong manakot.” sambit
ni Cath.
“Tsk.
Natakot tuloy ang honey ko. Don’t worry, honey. Akong bahala sa’yo.”
Nagkatinginan sila ni Aeroll.
“Hindi
ka ba talaga sumigaw?” tanong
ulit nito.
Todo-iling niya. “Hindi talaga.”
Napahalukipkip ito. “Nadinig ko talaga, eh. Apat na beses ‘yon kaya hindi ako pwedeng
magkamali. Boses mo ‘yong nadinig ko.”
Tumayo ang balahibo niya.
Apat na beses? Four? Si papa.
Ang birthday ni papa was April 4.
Pang-apat na buwan ang april.
“Papa…
Sino na pong maghahanap sa’kin ngayong wala ka na?”
Iyon ang sinabi niya bago siya mahanap na
Aeroll.
Napangiti siya. “Si papa ‘yon..”
“Ano??!”
sabay-sabay na tanong ng
tatlo.
“Si
papa ’yong sumigaw na ‘yon. Ginaya niya lang ang boses ko.”
“Ahhhh!!!” Tumili na naman si Cath.
“Honey,
bakit na naman ba? Nabibingi ako, eh.”
“Pa’nong
hindi ako titili? Matagal ng patay yung papa ni bhest.”
“What?!”
Tumayo siya. “Iinom lang ako.”
Dumeretso siya ng kusina at uminom ng
tubig. Napasandal siya sa mesa. Napatingala siya. “Hindi mo nga ko nahanap papa, but you helped Aeroll to find me. Miss
na miss na po kita…” Hindi niya namalayang pumatak na ang mga luha niya.
“Ano
ba’yan. Napansin ko lang, ah. Ang iyakin ko na. Nasa’n na yung matapang na si
Princess? Yung amasonang babae ayon kay Aeroll?”
Napapikit siya ng tila may malamig na
hangin siyang naramdamang dumampi sa kaniya. Hindi siya nakaramdam ng takot. “Papa, ikaw ba ‘yan? Bakit ngayon ka lang
nagparamdam?” Nagparamdam ito sa kaniya matapos ang libing nito. Pangalawa
nung highschool siya nung…Napabuntong-hininga siya.
“Siguro
alam mong may dinaramdam ako, alam mong nasasaktan ang baby girl mo?” Daddy’s girl siya ng bata pa siya. “Papa si James, niloko niya ko. Ano pong
gagawin ko? Give me a sign na hindi talaga siya ang para sa’kin.”
“Princess…”
Napalingon siya sa likod niya. Papa naman, ano bang klaseng sign ‘to?
. . .
after pa po ng LASS ko ipopost ung story nila CATH and HAROLD, may naisip na akong plot, kaya lang mas maganda kung after pa ng LASS ko xa ipopost :)
ReplyDeletewait nyo nlng po ^_____^
malapit na ang november, malapit nah din ang araw ng patay ..
ReplyDeleteuu nga, lpit n mag-halloween!! >..<
Deleteang cute talaga nila!!
ReplyDeleteaNg sWeet,,, kaKiLig,,,
ReplyDeletehwaaaaaaah! ptay n pala ung papa!!!! grbe lng ha! ahhhahahhahhaha!!!!
ReplyDeleteang cute ng chpter n 2! i want more!
more revelations for the next chapters ^___^
Delete