Thursday, September 20, 2012

Prinsesa : Chapter Four

~C H A P T E R  F O U R~
~HALIK~


(Daniel's POV)



Hinabol ko agad si Julia.



"Julia!" Tawag ko habang patuloy sa paghabol sa kanya.




Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa tumigil siya sa park. Umupo siya sa malapit na swing kaya umupo ako sa tapat niya at nag-Indian sit.



"Want a hug?" Tanong ko. Umiiyak na siya.



Tumango siya kaya tumayo ako at nilapitan siya saka niyakap.




"Hindi ako marunong magcomfort pero i think gagaan naman pakiramdam mo kapag kinuwento mo sakin yan. I'm ready to listen..." Saad ko saka umupo sa katabi niyang swing.




"D-do you still remember the day when we first met?" Tanong ni Julia.




"Yea." Sagot ko.



"Highschool days. 4th year tayo pareho pero di tayo magka-schoolmates. Girl's school pinasukan naming apat habang kayo Boy's school. Nung 4th year na-kidnap ako dahil sa rason na gusto daw akong ipapatay ng karibal nila dad sa business. Pero niligtas mo ko after 3 days kaya laking pasasalamat ko sayo dahil niligtas mo ko. At pagkatapos mo kong iligtas nagka-gusto ako sayo. Hanggang sa palagi ka ngang nasa bahay para puntahan si Kuya Quen, then nagiging sweet ka rin kaya akala ko may gusto ka sakin pero nung nalaman yun ni Kuya Quen sabi niya sakin kapatid at kaibigan lang daw ang turing mo sakin." Pagkukwento niya.




Seriously, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kapatid ng kabarkada ko nagko-confess sakin?



"Pwede ba kitang tulungan?" Bigla niyang tanong.




"Tulungan? Saan?" Tanong ko.




"Diba hinahanap mo prinsesa mo? Pwede bang pansamantala ako muna prinsesa mo? Ako muna girlfriend mo habang hinahanap mo siya? Payag ako kahit secret boyfriend lang kita." Sagot niya.




"Uhm..." Nag-iisip pa ko. Nag-iisip pa ko kung papayag ba ko sa gusto ni Julia.




"Si-sige. Pero secret girlfriend lang kita dahil baka magalit sakin si Enrique." Sagot ko.




Gagawin ko 'to dahil kaibigan ko si Julia. Little Sister ko siya at ituturing ko lang siyang kapatid. Poprotektahan ko siya bilang boyfriend niya. At sana lang masuklian ko ang pagmamahal niya sakin.




Natauhan ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko.




"Tara!" Tapos hinatak niya ako papunta sa gitna ng park na may sprinklers para sa mga damo na nakatanim.




Bumukas yung sprinklers kasabay ng pagsabi niya ng "Taya!" Tapos tumakbo siya. Taya-tayaan pala ah! Hinabol ko siya habang paikot-ikot kami sa gitna at naliligo sa tubig galing sa sprinklers na nakatanim.




"Haha! Habulin mo ko Daniel!" Tili niya habang tumatakbo.



Nung nalapitan ko siya niyakap ko agad siya sa bewang. "Ikaw talaga! Ang kulit-kulit mo!" Tapos kinurot ko yung ilong niya.




Bigla siyang nagtip-toe at inilapot ang mukha niya sa mukha ko.



"Ui!" Pigil ko pero parang di siya nadidistract.




Pumikit siya at hinalikan ako sa labi.




Nakalimutan ko. Nakayakap parin pala ako sa kanya.








1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^