Thursday, September 20, 2012

Unbreakable Spell: Chapter 4

Chapter IV: My Familiar

RING!!! RING!!!

“Morning already?? Yawwn.” 

In-off ko ang alarm clock at dinilat ang mga mata at sumalubong sa akin ay putting kisame at tiningnan sa gilid. Napangiti ako. ah ang ganda talaga ng umaga kapag ganito walang maingay na kapatid. Now that cross my mind. Malapit nga pala ang room na ito sa kanya pero dahil nga naka-lock ang pintuan kaya di siya makapasok ganun naman yun eh kapag tuwing umaga nambubulahaw.


Bumangon na ako at nag-inat. Kailangan kasi maaga ako dumating sa ‘summoning room’. Ano kaya ang gagawin namin doon? Ngayon kasi ang first class namin sa summoning magic eh.

Pumasok sa bathroom para maligo. After 15 minutes ay tapos na akong maligo. Magbihis at lumabas na.

Sakto din paglabas ko ang lumabas din si Scarlet. Parang hindi kami kambal `no?
Sinulyapan lang niya ako tapos ay nilagpasan lang. Anong problema niya? Bahala nga siya.

Nagsimula na akong maglakad. Habang naglalakad ay narinig ko yung mga usapan ng mga tao na nanadaanan ko.

Nabalitaan mo na ba na may umaaligid na halimaw dito sa school.”

“Oo, nabasa ko lang sa school news paper... pinagbawal ng magpagabi dito sa school kailangan bumalik na sa dorm bago alas 9 dahil kapag nakita ka ng halimaw ay dinudukot niya at hindi nakakabalik.”

Halimaw? Baka naman gawa-gawa lang iyan ng news paper club para maraming magbabasa ng kanila news. 

“mayroon na nga nawawalang studyante dito eh.”

Oh give me break! Huwag nga kayong magpaniwala diyan. 

Binilisan ko na lang ang paglakad.

Tumigil ako sa harap ng malaking pintuan parang pintuan ng isang higante `yun kesa sa isang ordinaryong tao.

“tabi!” sabi ng isang lalaki sa likod ko nang lumingon ko ay isa pa lang pandemos. Sa mga nakalimot ay sasabihin ko sainyo ang klase ng isang pandemos. Ang kaibahan ng pandemos sa isang ordinaryong tao ay tan ang kulay nito mas matangkad mababae man o lalaki at malaking sungay sa noo. Gets niyo na?

Nakakatakot naman ito. sa pagkakaalam ko ang uri niya ang pinakamalakas na nilalang dito. Tumabi na nga lang.

At sumunod na pumasok nandoon na ang lahat ng ang classmate ko. Thrust Stage ganoon ang mae-describe ko sa loob. At ang window ay malaki din parang nasa isang kwarto ako ng palacio(kahit hindi naman).

At doon naman sa floor sa harap ay may nakaguhit na Arcane Circle. 

“Okay class we are going to start our class now please take your sit.” Nagsi-upuan naman silang lahat. Nakita ko si Ianthe na nakaupo kaya naman ay tumabi ako sakanya.

“Yo!” 

“oh, Wistar bakit ganyan pa rin ang suot mo?”

“Hindi ko kasi gusto ang uniform na pambabae eh. Kaya ito na lang ang sinuot ko mas comfortable.”  

“Kaya ka naman pinagkamalan na lalaki eh dahil sa suot mo.”
 
“okay lang. bahala na sila kung ano ang tingin nila sa akin.”

“Be quite.” Bigla na lang lumakas yung boses ng professor kahit wala naman siyang ginagamit na microphone. “Ngayon araw na ito ay ituturo ko kung pano kayo mag-summon ng sarili ninyo familiar spirit ninyo. May gusto ba kayo itanong?”

Nagtaas ng kamay si Ianthe. 

“Ano po yung familiar spirit?”


“Since baguhan pa kayo kaya di niyo alam yun di ba? ang familiar spirit ay nag-assist sa inyo sa pag-aaral ng magic.”

Kalahating oras na nag-discussed ang professor bago niya kami tinawag isa-isa para gawin na ang ritual. Fire salamander, rabbit, cat, wolf at iba pa. 

“Scarlet Tania Var garnur.” 

Teka tama ba ako sa narinig ko? Tania? Nang lumingon ako sa direction ay nandon siya at nakatayo na.

“Siguro nagtataka ka ano? Pero yung isang section ay inisa na lang nila dahil absent yung dapat na professor nila eh dahil abala siya sa pag-imbestiga yung nangyari kagabi. Meron ngang isang empleyado dito na nawawala.”

“Eh so hindi lang `yon gawagawa lamang?”

“Bakit mo naman nasasabi na hindi totoo ang balita?”

“akala ko kasi na gawa gawa lang nila yun para sumikat kung hindi naman panakot sa mga studyante na napapagabi dito sa school. Pero nakakatakot naman yun.”

“pero ginagawa naman ng nakataas-taasan dito ang lahat para lang mahuli yun kaya wag kang mag-aalala—ah nakalimutan ko kasama pala sa ang phantom black sa pag-imbestiga rin.”

“Ahh....”
 
Eldega sumun de fame!” 

Naglabas ng ilaw ang arcane cirlce at dahil sa sobrang liwanag ay pinikit namin ang mga mata. Iba yung klase ng liwanag kung ikompara mo sa iba. Sigh... ba’t ba yun ang ginagamit niyang language? Pwede naman english!

“Oh my god!” 

“Eh bakit, Ianthe?” dumilat ako at nanlaki ang mga mata. “Impossible!” isang silver at higanteng dragon! May kunting black sa katawan nito. Nakakatakot! 



“Amazing! It’s so big and scary!” – Sholkang baklang duwende ang nagsasalita.
Ang galing naman ang little sister ko! kahit na masama ang trato sa akin hehehe pero nakakatakot yung dragon! At eww ha? Tumulo yung laway niya na violet at mas lalo ata nakakatakot kasi naman yung laway ng dragon ay acido pala!

Pumalpak yung guro namin. “Very good, Scarlet you summon one of the most powerful familiar!”

“Talaga ho? Uwaah.” Lumapit yung ulo ng dragon sakanya at hinimas himas ang ulo aba maamo ha!

“And since that is a powerful dragon you must do now the contract in case that his mood change and become wild. I can’t believe this is the first time that someone who can summon the Peondra one of the mightiest dragon but to summon this kind of familiar takes a lot of mana, you know. After this class you may go to the Nurse Office to take some rest.”

Lot of mana??? >.< ang galing sana ako din pero sabi nga nila yung mana daw ay nagsisilbi din patunay kung gaano ka kalakas ang kapangyarihan mo is that mean that I don’t have a mana? Shit! I hate to be kawawa! But what can I do?

“I don’t need to go to the Nurse Office I am perfectly fine.” Sabi ng little sister ko. siguro nagtataka kayo no? ako kasi daw ang naunang lumabas kaya iyan matanda lang ako ng ilang minuto.

Lumayo ng kunti uli ang guro para maisagawa na ni Scarlet yung Contract nila ng familiar. Kailangan kasi ng contract kung wala ito hindi susunod yung familiar sa kanya at hindi rin nila magawa yung mga incantation para lang sa master at familiar. 

I shall begin the contract.  I, Scarlet tania Var Garnur shall be your master. Now we shall seal it with a kiss.” Lumapit siya at hinalikan sa pisngi yun...then after that umilaw tapos ay agad din naman nawala. I shall name you Edgardo.” 

 Tapos may kwentas na lumitaw sa kanilang leeg nakapareho na suot ng dragon. Ay shet! Kiss! Kala ko pa naman ay kiss sa lips! Sayang pagtatawanan ko sana siya! 

“Hmm... Wistar matanong ko lang.” Si Ianthe.

“Ao yun.” Hindi inaalis ang tingin.

“Kaano-ano mo si Scarlet?”

“Kapatid ko.”

“Eh?! Wow! Ang galing naman ng kapatid mo pero bakit pareho kayo ng year?”

“Kambal kasi kami hindi nga lang halata kasi fraternal twin kami mas matanda ako sakanya ng ilang minuto. Ah, babalik lang ako mamaya ha? Pupuntahan ko yung sister ko.” 

Nakita ko kasi siya na lumabas at yung familiar niya naging isang maliit pero hindi ata yun permanente kaya lumabas ito para ilabas yun.

“Scarlet!” Tawag ko.  Tumatakbo papunta sa kanya.

“Oh ano?”

“Congratulation ang galing ha? Na-summon mo ang kagaya niyan. Ang swerte mo!” Tinuro ko yun. 

“Hindi yun swerte, Wistar, sadya lang talaga na malakas ako kaya na tawag ko ang kagaya nito kung gusto mo makatawag ng kagaya nito siguro magsimula kang magdasal.” Sarcastic na sabi niya. Ano ba ang problema niya? Aww.. siya na nga ang binati eh ito pa ang isusukli niya? Hay ewan ko sakanya.

“Iyon lang ba sasabihin mo?”

“Oo.”

“Eh bumalik ka na.” tabot niya sa akin.
 
“Oo na po. Taray mo! Menupause ka na ba ngayon? Kaya ka nagtataray diyan?”

“WHAT?!”

“Ah wala! Kinakausap ko lang ang sarili ko.”
 
“Baliw.”

“Kaw lang yun.”

Ayun umalis na siya hindi pa nga ako nakapagsalita eh. Hay naku san ba niya namana ang ugali niya? Impossible naman sina mama at papa di ba? 

Iyon na nga ang ginawa ko bumalik pero bago pa `yon ay natanaw ko sa bentana yung lalaki na tumulong sa akin kahapon. Nasa ilalim siya ng puno at nagbabasa ng magic book siguro. Ang gwapo niya talaga... kung tumingin lang siya dito sa gawi ko sigurado ako lalaglag yung panty ko. Pero parang nagdilang ang anghel ako dahil nga bigla itong tumingin sa taas at nakatitig sa akin.

Ay pakshet naman! Nahulog na ata ang pantalon ko at panty!!! Pero joke lang. bigla kasi ako naupo sa sahig at nagtago. Oh my god ba’t ang bilis ng tibok ng puso ko? at nanlalamig ako? hindi kaya he use his magic to turn me into a sexy ice statue? Oh my god payag na lang siguro ako basta pagnasaan din naman niya ako hehehe ang landi ko `no? Pero maya’t maya ay sumilip ako pero hindi ko na wala na siya doon. Eh saan na si Ice Prince ko? teka kailan ko ba naging ice prince ko siya? 

Sayang. Kainis naman eh! Sana di nalang ako nag wish na tumingin siya dito ayan tuloy wala na siya!

“Will you stop staring at me it gets on my nerve. I hate someone stare at me without any reason.”

“Ay palakang walang mata!!!!” Napalundag ako sa gulat ng lumingon ako ay nandon sa likod ko si Ice Prince ko. teka bakit ba may ko? eh ewan parati ko na lang naiisip na akin siya eh ay landi ko! pero teka pano siya nakarating dito? Nasa 3rd floor kaya ako! huminga ka ng malalim baka atakihin ka na eh. “Ah, s-sorry! Napansin lang kita kasi nag-iisa ka sa ilalim ng puno at hindi ka ata pumasok sa klase.”


“It’s none of your business if I’m skipping class.”
 
“Oo nga sabi ko nga.”

Tumalikod na ito at aalis na sana pero humarap uli ito sa akin at lumapit sa akin.

“Let me ask you something.”

Nanlaki yung mga mata ko dahil nga kay lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

“A-ano?”
 
“Are you gay?”

“ha ah o—“ I’m a what?! “Ako? Bakla?! Hindi `no!” Hindi naman ako bakla dahil babae naman ako `no!

“Really? But why is it that you’re looking at me like I’m naked and you wanted to eat me whole.” Nagpakawala ito ng sexy na ngiti. Dazzling!

“H-hindi ako bakla!”

“Tsk. Then stop staring. Hindi ako pumapatol sa mga bakla at sa isang loser.” Bigla na lang itong nag-crack ang buong katawan niya na parang yelo tapos naging parang abo siya at bwala! Nawala na! pinitik ko ang daliri. Ayun naman pala! Magic!

Pero Ouch ha? Sakit pala marinig sa crush mo yung mga binitiwan niyang salita. O____O did I just said crush? Hay siguro! Base from what I read in novels ang isa sa mga symtoms daw kapag may crush ka ay kinikilig ka tapos mahuhulog daw ang panty mo kapag makita mo siya.

Tumayo at pinagpag yung damit ko tapos bumalik na lang sa summoning room. Pero sakto din pagdating ko ay tinawag yung name ko. eh? Ako na ba?

“Mister var Garnur!”

Ehhh??!!!!!!!! MISTER?! Kailan pa ako naging Boylalosh? >:( ano ba?! girl ako na nagsuot ng damit na panlalaki ay ewan ko sainyo!

Pumunta na nga ako sa harap. Pinagpapawisan na.

Kaano-ano ba niya ang girl na naka-summon ng dragon?” – tanong ng isang babaeng kamatis sa kasama niya. Kamatis ang kapal kasi ng pagkalagay niya ng blush on eh!
“Sa pagkakaalam ko kay Scarlet may kapatid siya dito eh siguro siya yun. oh my god. ANG GANDA NIYANG LALAKI!” –girl 2

“Ang cute niya!” girl 3

Pake ko? eh tingin nila sa akin boy eh! Ewan ko lang kung pinanganak ba silang tanga o hindi.

“Mister Var Garnur, Please step on the Arcane Circle.” Sabi ng Guro. Kinakabahan na ako hindi ko naman kasi alam kung ano ang e-chant ko eh! Sabi nila ay naka-depende daw sayo yun eh! Si Scarlet kasi ginamit niyang language ay Newtar language kaya di niyo maintindihan. As I was saying it depend daw sa`yo yung magic spell... para daw bumulong yung spell daw at ikaw na ang bahala.

Sumunod naman ako.

“You may start now.”

Huminga ako ng malalim. Pero kinakabahan na talaga ako. “ah ma’am pwede mamaya na lang ako?”

Bumingisngis ang iba kong kaklase.
“No.” sabi na nga ba eh! Hindi daw pwede! Waaaah! “Ikaw na lang ang natitira na hindi pa nakapag-summon ng familiar. Please proceed now.”

“Opo.”

“Huwag kang papalpak ha?” boses yun ni yvonne. Ay shet! Anong problema niya?! Pakain kaya kita sa kalahi mong bulate eh! 

Binuka ko yung kamay ko at nag-concentrate!

“Lumabas ka!”

5

4

3

2

1

0

“Eh?”

Wala pa din lumabas.

“Bwahahahhaa.” Tawa ng tawa sila. Nag-init yung pisngi ko. 

“Silence please!” – si Guro.

Nakakahiya na talaga!!! bakti naman kasi dito pa nila ako pinasok eh!

“Come to me, familiar!! Come! Labas!!!” Pero wala pa din mangyayari dahil sa inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili na ipadyak ang paa sa sahig. “bakit ba ayaw mong gumana. LABASSSS na!!” 

BOOM!

Bigla na lang na umusok kaya napa-ubo ako.

“Kyaaa!!! May sunog ba!?!! waaa”

Dahil sa kapal ng usok ay hindi ko ay may naapakan ako na parang malambot at bigla na lang ako natumba.

“ARAY! Ano ba kasing ginagawa ng bagay na ito?” bigla ko kinuha yun tapos nang mawala yung usok ay bigla ko na lang nabitiwan yun.”W-what the h-heck is that?” Duro ko sa bola na parang jelly na ulay PINK!

“Ay ano iyang bagay na iyan?”

Pinipindot ko yun. Ang lambot at mainit-init din pagkain ba ito? nag-drawing ako ng circle gamit lang ang daliri ko. bahagya yung gumalaw.

“eck!”

“it’s seems that you have finally summon a unknown creature mister garnur.”

Ano daw? Ako?? at iyang pink na... PINK??? 

Bigla na lang kuminang yung mata ko pink! My favorite color! Pero teka itong bola ang familiar ko?? is she kidding me? There’s no way that this THING could be my familiar hindi ko nga din alam kung buhay ba iyan o pagkain!

After that ay nag bell na ibig sabihin ay tapos na ang klase.

Nang makaalis na ang iba at nagpaiwan sina Yvonne mang-aasar pa ata! At si Ianthe.

“kawawa ka naman. I’m sure na isang low class iyan na familiar. Take a look at my familiar isn’t she cute???” Pinakita pa niya ang familiar niya na ubod ng cute! Fluffy siya na kulay pink at ang kanyang bilog na asul mata ang cute!!! “Our professor told us that this is a rare and a high class familiar. And I am so lucky to summon her. Hahahaha! Adious!”

Nagpaalam naman siya. Argh! May araw ka din sa akin!

“*sniff*”

“Oh bakit hindi ka masaya di ba dapat masaya ka kahit papaano nagagamit mo na ang magic mo?”

“Ianthe naman eh! Tingnan mo nga ito!”  tinaas ko yung bola na pink na parang jelly na may balahibo na fluffy din naman mukha nga lang jelly. “bola ito.”

Huminga ito ng malalim. “Alam mo, Wistar, kahit na ganyan iyan nakakasigurado ako na hindi iyan gamit may napansin ka ba nakakaiba sakanya?”

Come to think of it ay oo. “gumalaw siya ng kunti.”

Iyon naman pala eh. That means living thing iyan tsaka wag kang ngang malungkot hindi naman ibig sabihin na ganyan iyan ay weak iyan.”

“What do you mean?”

“You know, dear. If you are thinking that this thing are not cool and not look like a powerful familiar then you are wrong because there is no such thing na malakas at first nagsisimula iyan sa mahina if you train this pinky ball I bet there is something na maging useful siya. but if you don’t like this then ibalik mo siya sa mundo niya. So?”

Tiningnan ko yung ball. 

“No. I’ll keep him. Siguro nga ay useful talaga siya.” Kinuha ko yung bag ko at sinabit iyon. “See? Meron na siyang silbi!”

“Hahaha.” Tumawa naman si Ianthe. “Hindi ka ba naiilang diyan mo ilagay?”

“Hmm... No. Sa totoo lang I like this ball naman eh. Pink and fluffy kaso nga lang hindi ko lang talaga alam kung anong klase itong creature o kung creature ba talaga ito.”

“Nagugutom na ako. Halika punta tayo sa cafeteria at bumili doon tayo kumain sa favorite tambayan ko kapag wala ako ginagawa dito.  Hinila na niya ako palabas at wala naman akong magagawa kundi magpatianod nagugutom din ako don ha kahit na madami akong kinain na kaninang umaga.





4 comments:

  1. i superduper luv it! d whole story & d pix!! lalo q naiimagne ung kwento!! two thumbs up s upd8 n 2 ate otor!!

    ReplyDelete
  2. ang sungit talaga ng kakambal nya.. ai grabe ang gwapo ng crush nya! super!

    mei araw din iyang bruhang yvonne na yan..

    ReplyDelete
  3. hi!!!! what a beautiful story miss author!!!
    it's like alice academy!
    i really love fantasy story with romance...
    actually aside from aegyodaydreamer stories,i don't read anyone's taglish story for that matter.. but hey, i think I'll be ur fan starting today!
    wishes u luck:)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^