Sunday, August 26, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 4

Official cover po ng story ko! hahaha! sino ang nasa taas? kayo ng bahala! eh sa baba? asawa ko yan!


Chapter 4:
Spy



 Sadako's POV...

"Anak, gusto mo ba magmiryenda?"

"Mamaya nalang po, malapit naman ako matapos eh."

"Pero kanina mo pa ginagawa report mo."

"Okay lang 'yun ma!"

"Okay, punta na kami sa palengke ha? bye!"

"Bye rin ma!" umalis na si 'nay at 'tay sa bahay para mamalengke, hindi nila muna ako pinamili kasi mayroon akong ginagawa na report.

Actually, hindi ko naman 'to magagamit eh! hindi ako makakareport kasi agad ako bibigyan ng perfect grade ng teacher ko kahit hindi ako nakapagsimula so walang kwenta 'tong ginagawa ko na visual aid. Sayang ang pera para sa visual aid no? well, ginawa ko 'to kasi kapag wala akong ginagawa sa kwarto ko ay mapagsususpetyahan ako nina 'nay at 'tay.

Hmmmm......hindi na nagrereply si cuz ha? ano kaya ang ginagawa niya? baka nakikipagchat or text sa PANIBAGO NIYANG BOYFRIEND. Wala akong kaalam alam kung sino boyfriend niya, kasi pake ko sakanila, hindi naman ako mamamatay kapag hindi ko nalaman pangalan ng boyfriend niya.

Pero, PERO! medyo ako nacucurious sa boyfriend niya kasi sabi ni cuz saakin na DATI RAW NA PLAYBOY ang boyfriend niya at sinabi raw sakanya ng boyfriend niya na siya raw ang babaeng karapat-dapat sakanya.

So, DATING PLAYBOY ang boyfriend niya...which means na pwedeng pinaglalaruan siya o kaya totoo talagang matino ang boyfriend niya.

So, pake ko! wala naman akong mapapala kapag nalaman ko pangalan boyfriend niya eh! pero, parang gusto ko talagang malaman kasi I have this feeling na niloloko lang siya, kaya tatawagin ko siya!

*cellphone rings*

"Hello?" Ehhhh, nauna siya!

"Hello cuz!"

"Bakit ka napatawag?"

"Wala lang! hahaha! well, gusto mo ba malaman kung sino boyfriend ko?"

"Hmmmmm......Oo nalang para may kwenta ang pagtawag mo saakin."

"Ehhhhh! wag ka nga ganyan nakakahurt eh! T_____T"

"Pake ko!"

"Such a merciless! okay! sasabihin ko na sayo....uhmmm, ang boyfriend ko ay nasa school niyo..."

"so, yun ang pangalan niya? pangalan niya pala ay si boyfriend-ko-na-nasa-school-niyo."

"Ehhhhhh! Hmf! hate na kita! clues muna para exciting!"

"Hehehe, hindi exciting." sabihin mo na nga para matapos ko na ang visual aid ko! syet! oh! napapamura ako tuloy!

"Hmf! o sige, kabatch mo siya..."

"Wha?! ang bata niya para sayo! are you some kind of pedophile?!"

"Age doesn't matter in love!"

"Age doesn't matter your feslaks! sige! sabihin mo na nga pangalan niya, nakakainis na eh!"

"Okay! okay! okay! o sige pangalan niya ay...
.
.
.
.

.
.
ETHAN LORRENCE CRUZ."

ETHAN LORRENCE CRUZ...

ETHAN LORRENCE CRUZ...

ETHAN LORRENCE CRUZ...

"A...a..ahhh..."

"Okay, bye na! meron kasi akong pupuntahan eh! pupunta ako sa CREAMY COFFEE SHOP, MERON KASI SIYANG SASABIHIN SAAKIN NA IMPORTANTE EH! hehehe I think na magpopropose na siya saakin! ayyyyy! byeeeeee!"

*disconnected*

Ethan Lorrence Cruz...
                                                Creamy coffee shop...
Meron siyang sasabihin kay cuz...

"Bye kapatid! pupunta muna ako sa CREAMY COFFEE SHOP, MAYROON KASING SASABIHIN SAAKIN SI LALABS NA IMPORTANTE!"

Wag! wag naman sana mangyari iyon ulit!

Narrator's POV...

Nandito tayo ngayon sa park para alamin kung ano ang ginagawa ni Allison.

Ehem, ehem, sorry! gusto ko kasing maging News Anchor hindi Narrator. Screw you! author!

Okay, back to Allison...

Nandito siya ngayon sa park para mag-aral ng mabuti para sa upcoming exams ng school. Kelangan niya raw kasi makaalis agad sa last section para hindi na siya maging slave ni Sadako.

Back to you, Allison!

Allison's POV...

Urgh! hindi 'to news broadcasting o ano?! This is a story! at plus! bakit mo sinabi ang sekreto ko?! sasabihin nila 'yun kay Sada...este Shie!

Hmf! o sige, Oo tama si Narrator, sawang sawa na ako sa pagiging slave ni shie. Reason? kasi, everytime, tinatawag niya ako para gawin ang isang bagay.

Maligo ako, tumatawag siya...

Kumain ako, tumatawag siya...

Matulog ako, tumatawag siya, take note, in the middle of the night niya ako tinatawag...(Ano bang ginagawa niya sa hatinggabi? nangkukulam ba siya?)

Hayyyyyy, I'm tired of this slavery kaya I'll do everything, anything! para makawala sa multo nayan! Wag niyo ako ireport sakanya ha? gud!

*cellphone rings*

"Hello?"

"PUMUNTA KA SA CREAMY COFFEE SHOP NOW!!!!" napalayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakad ng boses niya, nakakabingi ka leche!

"Ehhh? pero..."

"NO PERO, PERO'S! AGAD KA DOON PUMUNTA OR ELSE!!!!!!"

"Oo na! Oo na! pupunta na po!"

*disconnected*

Bakit parang galit at pag-aalala ang nasa tono ng boses niya? meron bang nangyari, nangyayari at mangyayari ngayon?

Kaya heto ako ngayon, naglalakad papunta sa creamy coffee shop. Buti, hindi naman malayo ang park sa creamy coffee shop.

creamy coffee shop...

"Uhhhhhh......bakit tayo nakasuot ng ganito?"

"Shut up! baka madiskubre tayo!"

"Ikaw ang dapat tumahimik kasi ang lakas ng boses mo."

"Tsss!"

Hayyy! nandito kaming dalawa sa creamy coffee shop, nakasuot ng nerdy glasses at nakasuot ng sumbrero at scarf. Halata namang meron kaming iniispiya dito. Actually, meron nga kaming iniispiya.

Iniispiya namin ang pinsan ni Shie at ang boyfriend niya na baboy (iyan daw ang dapat ko raw itawag sa lider ng idiot trio sabi ni Sadako.) Hmmm......baka alam ni Shie kung ano ang mangyayare sakanilang dalawa. Ako rin, alam ko na rin kung ano ang mangyayare. Paano ko nalaman? Obvious naman eh! kasi PLAYBOY ang baboy na 'yon at siyempre dahil playboy siya ay makikipagbreak siya sa pinsan ni Shie.

So, baka nasa isipan ni Shie na magsusuicide ang pinsan niya dahil sa sakit kaya 'yun, pipigilan agad ni Shie ang pinsan niya magsuicide.

"Mayroon sana akong sasabihin sa iyo, babes."

"Ano iyon?" naaawa tuloy ako sa babae na 'yun. Ang inosente at masayang masaya siya tingnan pero masasaktan lang pala siya.

"I WANT TO BREAK UP WITH YOU."

"Wha?" halatang halata na nadurog mundo ng babae. Pwede bang pahingi ng tissue, makakaiyak na kasi ako sa awa eh! T__T. Sensitive ko naman.

"Ba...bakit?" nakita ko na tumulo ang luha ng babae. Halatang pinipigilan niya paghagulgol niya, siyempre, nakakahiya maghagulgol sa isang public place. Okay lang sa bahay, pwede ka pa doong magwala at patayin ang baboy na 'yon.

"Kasi.............nakakasawa ka eh. Nagsawa na ako sa pagiging sobrang isip-bata mo porket ang tanda mo na." tinakpan ng babae ang bibig niya para hindi masyado marinig ang paghagulgol niya.

"A...ano..pa..palang..gu..gusto m...mo, ha?"

"I'm into bitches ryt now." mahinahong sagot ni Mr. Pig. Tss! nakakainis siya! gusto ko talaga siyang sugurin at bigyan ng flying kick. Hindi man lang siya nagsorry sa babae, hindi man lang siya naawa!

Tiningnan ko si Shie. Bakas talaga sa mukha niya ang galit. Kagat-kagat niya mga ngipin niya. Pinipigilan niya talaga sugurin ang baboy na yon.

"I could be a bitch if you want me too. I COULD BE ANYTHING YOU WANT ME TOO!"

"Tanggapin mo na nga na ayaw ko sa iyo. Kahit ka maging bitch o kahit ano, hindi na kita mahal. Sawang sawa na ako sa pagmumukha mo. You're so annoying!" Grrrrrrr! can someone hold me back?! gusto ko talaga siyang sugurin eh!

"I HATE YOU! BINIGAY KO SA IYO ANG LAHAT PATI NARIN ANG PAGKABABAE KO PERO 'YAN?! YAN ANG IPAGHIHIGANTE MO ANG SAMA MO! AKALA KO AKO ANG MAKAKAPAGPATINO SA IYO PERO HINDI PALA! PLAYBOY KA! MAMATAY KA SANA AT MASUNOG SA IMPYERNO!"  at umalis na ang babae sa coffee. Ang lalake? wala lang. Uminom nalang ng coffee.

Wait! asan si Sadako?

*boogsh*

"Aray!"

"Walangya ka!"

"Look what you did to me! you!"

*boogsh*

sinipa ni Shie ang baboy na yon at natumba ulit yung lalake. Pumunta ako kina Shie at pinigilan siya na suntukin si..ewan habang ang lalake naman ay tumayo habang hinihimas-himas ang nasipa sa kanya.

"Ano bang ginawa ko sayo ha?!"

"Anong ginawa mo saakin? anong ginawa mo sakin?! bobo ka ba o ano?! sinaktan mo ate ko! ngayon naman pinsan ko! gusto mo bang lahat ng kababaihan sa pamilya namin ay magpakamatay dahil sayo! ha?!" naramdaman ko na medyo na siya kumalma. Pinakawalan ko siya, at.......

*whoosh*

kinuha niya ang kape mula sa naglalakad na waiter at ibinuhos sa baboy na yun.

"Hey! lacoste 'to!"

"Pake ko! lacostehin mo mukha mo! sana ang buwaya jan sa damit mo ay kainin ka!" medyo naman ako napatawa sa sinabi niya. Sa kasamaang palad ay narinig ni Sada...este Shie ang pagtawa ko. Lumingon siya saakin at binigyan niya ako ng isang masamang tingin.

"Sundin mo pinsan ko. Pumunta ka sa bridge na malapit sa school."

"Ba..bakit ako?"

"Kasi SLAVE ka! umalis ka na nga dito, nakakasira ka ng scene." movie ba 'to? may scene-scene dito?

Siyempre, dahil SLAVE niya ako ay umalis na ako sa coffee shop at pumunta sa bridge. Tumakbo ako para maabutan ko agad ang pinsan niya.

***

bridge...

Nasa bridge na ako, at nakita ko ang pinsan ni Shie na tatalon na sa bridge. Agad ako tumakbo at pinigilan siya. Niyakap ko siya sa likod pero pumipiglas siya.

"Wa..wag! wag ka magpakamatay!"

"Ano ba?! bitawan mo nga ako!"

"A..ayoko nga! basta! wag ka magpakamatay!"

"Dapat talaga! wala akong kakwenta kwentang tao! bakit ba ako palagi ginaganito? Palagi akong pinaglalaruan! hindi naman ako laruan eh! tao ako! tao! huhuhu."

"Paano na ang nanay at tatay mo, paano na mga kapatid mo? mga kaibigan mo? pamilya mo? paano na sila?!"

"Pake ko! hindi naman nila ako mahal eh!"

"Mahal ka nila pero hindi mo nararamdaman! hindi mo pinapansin!" at tumigil na siyang gumalawgalaw para makawala saakin.

"Iyan na kasi ang pag-ibig eh, you fall in love a lot of times bago mo makita ang para sayo. Wag mong aksayahin ang mga luha mo dahil sakanila dahil hindi naman nila deserve ang luha mo eh. Wag mo ring tapusin ang buhay mo dahil sakanila kasi wala namang mangyayari sakanila kapag namatay ka kaya walang kwenta ang pagkamatay mo.Wag kang magpakamatay please."  Nang matapos kong bigyan siya ng isang mahabang aral ay agad siyang bumaba at umiyak saakin. I pat her head for comfort.

Nakarating naman si Shie at tiningnan niya kaming dalawa. Binigyan ko naman siya ng ngiti at binigyan nya rin ako ng ngiti.

Medyo naman ako natakot sa ngiti niya dahil para siyang si Sadako na nakangiti.



3 comments:

  1. 220 yun! i agree, bago mo makita ang the one, maiinlove ka muna sa iba. syempre kailangan masaktan din.

    ganda talaga ng story! *^*

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    hindi ko masyadong mamukhaan yung guy.. pero ung girl kilala ko kasi sa cinderella sister un diba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep! tama ka....yung lalake, ay...well, nahanap ko lang sa kanto este google! hehehehe!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^