Sunday, August 26, 2012

Love at Second Sight : Chapter 4


CHAPTER 4
( Princess POV )

“Miss Ganda, nandito na po tayo.” untag sa kaniya ng konduktor. Napalingon siya sa terminal. Hindi niya namalayan na nando’n na pala siya.


“Okay.” Bumaba na siya ng bus. Kinuha ng konduktor ang maleta niya sa trunk ng bus.

“Eto na po. Ingat po.” sambit ng konduktor nang ibigay sa kaniya ang maleta niya. Tumango lang siya. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya hanggang sa makaalis ang bus. Deretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Hindi pa din siya makapaniwalang niloko siya nito. One year na ang relasyon nila. Naging kaibigan niya ito bago siya nito niligawan. Three months siya niyong niligawan. Kakakita lang nila nung isang araw at nagpaalam pa siya na aalis siya. Kaya pala hindi man lang ito nagreklamo gaya ng nakagawian nito dati. Dahil may milagro na itong ginagawa. Hinubad niya ang salamin niya sa mata ng maramdaman  niyang tumulo na ang luha niya. Pareha lang sila ng first boyfriend ko. Parehas silang manloloko!

“Miss.” Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Isang matangkad na lalaki ang tumambad sa kaniya. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil hindi niya suot ang salamin niya. Inangat nito ang kamay nito at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa ginawa nito. 

“Sinong nagpaiyak sa’yo? Bubugbugin ko.” sambit ng lalaki.

My damn boyfriend just cheated on me! Parang gusto niyang isigaw iyon. Pero walang lumabas na anumang tinig sa kaniya. Dahil sa lalaking ito na bigla na lang sumulpot sa tabi niya.

“Okay lang ‘yan. No one will hurt you again. I promise.” wika ng lalaki sa harap niya. May kung anong kaguluhang nangyari sa loob ng puso niya dahil sa sinabi nito. Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? At sino ba ‘tong lalaking ito? Sinuot niya ang salamin niya. Luminaw na ang mukha ng lalaking nasa harap niya. Kumunot ang noo niya nang tila makilala niya ito. Pero hindi lang kumunot ang noo niya ang makilala ito ng tuluyan, nagsalubong pa ang mga kilay niya. 

“Ikaw na antipatiko ka!?”



( Aeroll POV ) 

Kumunot ang noo niya nang isuot nang babae ang salamin nito, na hindi niya napansing hawak nito kanina. Kumunot din ang noo ng babae.  Maya-maya ay nagsalubong din ang mga kilay nito.

“Ikaw na antipatiko ka!?” inis na sambit nito.

Teka! Kilala niya ito, ah. “Ikaw na amazona ka?!” ganti niya.

“Lumayo ka nga sa’kin!” singhal nito.

“Aba’t!”

“Huwag ka ulit lalapit sa’kin, okay?” dagdag pa nito. Pinunasan nito ang pisngi nito. “Nakakainis!” inis na sambit nito, bago siya inirapan at iniwan. Naiwan na lang siya sa kinatatayuan niya.

“Ang tanga mo, Aeroll! Bakit hindi mo siya nakilala agad?” kausap niya sa sarili niya. Nakalugay kasi ang buhok nito kanina at wala itong suot na salamin sa mata. Hindi niya napagmasdan ang mukha nito ng una sila magkaharap dati. Paano ba naman kung anu-ano ang sinabi nito sa kaniya no’n. Nilingon niya ito. Hindi na niya ito nakita. Nasa’n na ‘yon? Bakit kaya siya umiiyak kanina? Hah! Pakialam ba niya. Napakasungit talaga no’n! Nang maalala niya ang sinabi niya dito kanina. Argh! Did I said that? Napapailing na hinanap na lang niya ang bus na pa-Batangas.



( Princess POV )  

Nakakainis! Ang lawak ng mundo, nakita ko pa siya dito! Napahawak siya sa pisngi niya na nahawakan ng lalaki kanina. Bakit gano’n? Ano ba ‘yong naramdaman ko kanina?

“Okay lang ‘yan. No one will hurt you again. I promise.”

Kumunot ang noo niya ng maalalaa ang sinabi nito. Isa pang bolero! Base na din sa reaksyon nito kanina. Hindi din siguro siya nito nakilala kanina. Nakalugay ang buhok niya ngayon at wala siyang suot na salamin. Bumalik na naman sa alaala niya ang nangyari kanina. Nakakainis! Napayuko siya sa backpack na nasa lap niya sa inis. I just saw my boyfriend kissing someone. Tapos nakita ko pa ang antipatiko na ‘yon! What a day! Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Bahagya niyang nilingon iyon. Napaangat ang ulo niya ng makilala kung sino ito.

“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Ang daming upuan, sa’kin ka pa talaga tumabi!” inis na bulong niya dito.

Nagulat ito ng makita siya. At agad kumunot ang noo nito. “Hindi ko na kailangang sabihin sa’yo kung bakit ako nandito. At kung ayaw mo akong katabi. Mas lalong ayoko ko. No choice na ako dahil wala nang vacant.”

Napalingon siya sa mga upuan at naghanap ng vacant seat. Wala na nga. No choice din siya kundi pagtiisan ang kataabi niya. Binalingan niya ang lalaki at inirapan ito. Sumiksik siya sa gilid niya at humalukipkip. Sinuot niya ang earphone niya. Hindi na din umimik ang katabi niya. Maya-maya ay umusad na ang bus na sinasakyan nila. Thirty minutes na silang buma-byahe nang huminto ang bus. May sumakay na nagtitinda ng mani at pizza. Kinuha niya ang wallet niya at tinawag ang nagtitinda ng pizza.

“Kuya, pabili nga po. Yong hawaian po.” Inabot nito ang isang kahong hawaian pizza sa kaniya. Binigay niya ang bayad dito. 

“Thank you po.” sambit nito.

“Thank you din po.” nakangiting sambit niya. Nang mapalingon siya sa katabi niya. Nakatingin kasi ito sa kaniya. Tumaas ang kilay niya. “What?” Napatingin ito sa pizza niya at sa kaniya. “Kung gusto mo nito, bumili ka.” wika niya.

“I don’t like pizza.” sambit nito bago binaling ang tingin sa phone nito.

“I don’t like pizza.” ulit niya sa sinabi nito. Hindi na siya nito pinansin. Bumili din siya ng mineral water. Pagkatapos ay binuksan ang kahon ng pizza at kumuha ng isang slice. Nang maalala niya ang si James. Nakakainis! Binunton niya sa kinakain niya ang inis niya.



( Aeroll POV )

Pasimple siyang tumingin sa babaeng katabi niya. Dalawang slice ng pizza na lang ang natitira sa kahon. Ang takaw naman nito. Napalingon ito sa kaniya.

“Gusto mo ba?” alok nito. “Mabait naman ako, eh. Kahit masama ang ugali mo.”

Kumunot ang noo niya. Mabait? Ito? Hah! At ako pa ang masama ang ugali? “Hindi ako kumakain niyan.” Ibinalik na ulit niya ng tingin sa cellphone niya.

“Eh, bakit ka tumitingin?” tanong nito.

Hindi niya ito nilingon. “Ang takaw mo kasi.”

“Oo, matakaw ako. Ano naman ngayon sa’yo?” pagtataray nito.

Wooh! Patience, Aeroll! “Wala.”

“Wala naman pala, eh. Titingin ka pa.”

“Stop talking, okay.”

“Then stop looking at me. Ayaw ko ng tinitingnan ako kapag kumakain ako, baka hindi ako matunawan.”

“Hindi ka talaga matutunawan sa dami ng kinakain mo.”

“Madami ba ‘to? Walong slice lang ‘to.”
 
“Walo lang.” ulit niya sa sinabi nito. “Kaunti lang pala sa’yo yun.”

“Ano bang problema mo? Kung gusto mo nito, dapat bumili ka kanina.”

Nilingon na niya ito. “Ayoko nga niyan. Ba’t ba ang kulit mo?”

“Ikaw ang makulit. Don’t talk to me.” Inirapan siya nito.

“That’s my line. Saka iwas-iwasan mo ang pag-irap mo. Baka mamaya mahanginan ‘yan, hindi na bumalik.”

Naniningkit ang mga mata nitong tiningnan siya. “You.”

Naiinis na siya! Nakaganti din ako. “Yes. Me.” pang-aasar pa niya.

Bumuntong-hininga ito. “Pasalamat ka at wala ako sa mood ngayong makipag-away sa’yo.” Ibinaling na nito ang tingin sa labas ng bintana.

Wala pa siya sa mood ng lagay na ‘yan. Napapailing na umayos na siya ng upo. Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya na kinakain na ulit nito ang dalawang slice ng pizza na natitira habang nakabaling ang tingin sa bintana. Ang takaw!

Nagulat pa siya kanina na nandito din pala sa bus na sasakyan niya sumakay ito. At dahil wala ng upuan kanina. No choice na tuloy siya kundi ang tumabi dito. Hindi niya ito nakilala dahil nakayuko ito pagkaupo niya. Nang iangat lang nito ang ulo nito saka siya nagulat ng malamang dito din pala ito sumakay. Ang liit talaga ng mundo. Sa dami ng bus na pwede nitong sakyan, do’n pa sa bus na sasakyan niya. Sa dami ng pwede nitong puntahan, sa Batangas pa.



( Princess POV )

Saktong pagsubo niya sa piraso ng pizza, nag-ring ang phone niya. Si Cathrine ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag.

“Bakit?” tinatamad niyang tanong dito.
 
“Anong bakit? Nasa’n ka na?”

“Nasa bus pa-Batangas.”

Ilang saglit itong hindi nagsalita. “Bhest, may problema ka ba?” tanong nito. Kilala na talaga siya nito.

Naalala niya ang nakita niya kanina. “Pagdating ko na lang diyan.”

“Okay ka lang ba?” nag-aalala nitong tanong.

Pinasigla niya ang boses niya. “Ako pa. Sige na, itetext na lang kita kapag malapit na ako.”

“Sure?”

Napangiti siya. “Sure na sure. Sure pa sa duper sure.” Na niloko ako ni James. “Babay na, bhest! Text-text na lang.” Tinapos na niya ang tawag. Tinupi niya ang kahon ng pizza na wala ng laman at inilagay sa bag niya. Sa port na lang niya iyon itatapon. Umiinom na siya ng tubig ng biglang mag-preno ang bus na sinasakyan niya. Nasamid tuloy siya at pumasok sa ilong niya ang tubig na iniinom niya. Nagkanda ubo-ubo siya. Nagtutubig na ang mata niya at nananakit pa ang ilong niya dahil sa pumasok na tubig. Nadinig niyang nagreklamo ang mga pasahero sa driver.

“Okay ka lang?” nadinig niyang tanong ng katabi niya. Umiling lang siya habang umuubo.

“Manong, konting ingat naman ho.” wika ng katabi niya sa driver.

“Sorry, ho. Bigla ho kasing nag-preno yung nasa unahan.”

“Huwag pong masyadong mabilis. Makakarating din ho tayo sa pupuntahan natin. Ayoko pa hong matsugi. Wala pa nga akong asawa, eh. Sayang naman po ang lahi ko.” wika ng katabi niya.

“Pogi, pwede bang ako na lang?” Napalingon siya habang umuubo sa nagsalita. Beki iyon na nakaupo sa katapat nilang upuan.

“Pwede bang pag-isipan ko muna.” Napapakamot sa ulo na sagot ng katabi niya. Nagtawanan tuloy ang ibang pasahero. Pero hindi siya. Hinanap niya ang panyo niya sa bag niya. Hindi niya iyon makita. Gusto niyang suminga dahil masakit na ang ilong niya at nagluluha na ang mga mata niya. Inalis na niya ang eyeglass niya.

“Miss, okay ka lang?” tanong ulit ng lalaking katabi niya. Umiling lang siya habang nakahawak sa ilong niya. Nakita na nga nitong ubo siya ng ubo, okay ba ‘yon sa paningin nito? “Eto, oh.” Kahit blurred ang nakikita niya alam niyang panyo ang inaabot nito. Napatingin siya do’n at sa lalaking katabi niya.

“Oh.” Inumang nito ang panyong hawak nito. “Namumula na ‘yang ilong mo. Naiiyak ka na. Ayaw mo pa?” Matagal bago siya kumilos, kukunin na sana niya ang panyo nito ng magulat siya, dahil ito na ang nagtapat no’n sa ilong niya. “Singa.” utos nito.

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^