Wednesday, August 29, 2012

Love at Second Sight : Chapter 7

Aiesha Lee:  Nagbago ang isip kong magulo, magpapalit ako ng cover, nyahaha, mas gusto ko si LEE MIN HO and SON YE-JIN to be the main cast. Sino ang may mabuting kaluluwa diyan? To help me with the new cover. Nagugulumihana ako, amf! Nose bleed na naman..
AGAIN! THANK YOU Queen Richelle & Ms. Aegyo, at sa lahat ng magugulong member d2, *kisses* *hugs*


CHAPTER 7


( Aeroll POV )

Nakabili na siya ng tatlong ticket. Sinabi ni Cath na kasama daw nito ang bestfriend nito. Nabanggit na din sa kaniya ni Harold ‘yon. Natanaw na niya si Cath, Kumaway ito sa kaniya. Pero kumunot ang noo niya ng mapansin ang kasunod nito. Don’t tell me— Nakalapit na sa kaniya si Cath.


“Hi Aeroll! Sorry natagalan ako. Si Princess nga pala, bestfriend ko. Bhest, ito naman si Aeroll, pinsan ni Harold.” nakangiting pakilala ni Cath sa kanilang dalawa.


“Ikaw?!” sabay nilang sambit ng babae.


“Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni Cath.


“Katabi ko siya sa bus kanina.” sagot niya. Princess pa ang pangalan niya. Parehas pa sila. Parang hindi naman bagay dito ang Princess kung pagbabasehan ang ugali nitong may pagka-amasona.


“Siya yung kinukuwento ko sa’yo na bumangga sa’kin sa restroom kahapon, bhest.” sagot ng babae.


“Talaga? Siya ‘yon? Small world, huh.” nakangiting sambit ni Cath. Sa dami ba naman kasi ng pwedeng maging bestfriend nito. Ito pang babaing ito.


“Small world talaga. Masyado na talagang masikip ang Pilipinas.” sambit ng babae.


“Hindi ko na pala kailangang ipakilala kayo. Magkakilala na kasi kayo.” wika ni Cath.


“We don’t know each other.”


“Hindi ko siya kilala.” Nagkatinginan sila ng babae dahil sabay pa silang sumagot. Inirapan siya nito. Napatingin siya kay Cath ng tumawa ito.


“Sorry.” Tumikhim ito. “Hindi nga kayo magkakilala. Hindi talaga. Bibili na muna ako ng ticket.”


“No need. Nakabili na ko.” agaw niya.


“Hah? Nakakahiya naman. Hindi naman sinabi ni Harold na ilibre mo kami, ang sabi lang niya isabay mo kami.” Kinuha nito ang wallet nito.


“Wag na.”


“Ay, hindi pwede ‘yon.” Dumukot ito sa wallet nito.


“Wag na talaga. Kay Harold mo na lang ibigay ‘yan.”


“Bakit?” tanong nito.


Napakamot siya ng ulo. “Basta kay Harold mo na lang ibigay. Itanong mo na lang sa kaniya.”


“Bakit nga?”


“Sa kaniya mo na lang itanong. Tara na.” Saglit niyang tiningnan ang bestfriend nito. Nakatingin ito—sa dagat na naman?


“Bakit kaya?” nadinig pa niyang tanong ni Cath nang tumalikod na siya.


Napangiti siya. Alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni Harold.


Nakapasok na sila ng terminal nang magsalita si Cath. “Aeroll, saglit na muna tayo sa cafeteria.” Tumango siya.


“Bhest, okay ka lang?” tanong ni Cath sa kasama nito nang makaupo na sila sa loob ng cafeteria. Magkatabi ang mga ito. Magkatapat sila ni Princess. Tiningan niya ito. Kanina pa ito tahimik. Ano kayang problema nito?


“Okay lang ako. Anong oras tayo aalis?” tanong nito.


“Alas tres ang alis ng barko. Pero maya-maya siguro tatawagin na yung mga pasahero.” sagot niya.


“’Di ba, bhest nagugutom ka?” tanong ni Cath dito.


“Nawala na ang gutom ko, saka may baon naman tayong—oh my God!” sambit ng babae. Kumunot ang noo niya.


“Bakit?” tanong ni Cath.


Tumingin ang babae dito. “I forgot our food.” sagot nito.


Napailing siya. Akala ko ano na. Pagkain lang pala.


Natawa ng mahina si Cath. “Don’t worry, may baon ako. Feeling ko kasi makakalimutan mo ‘yong baon natin.”


“Sayang kaya ‘yon. Sinong kakain no’n? Si miming? Eh, wala naman si miming sa bahay. Iniwan ko ‘di ba sa inyo? Malamang mga langaw at ipis ang makinabang do’n.”


Matakaw ba talaga ‘to o sadyang ayaw lang nag-aaksaya ng pagkain? At sinong miming?


“Okay lang ‘yon. Ano, kakain ka pa ba?” tanong ulit ni Cath dito.


“Ayoko na. Isusuka ko lang ‘yon mamaya.” sagot nito. Kumunot ang noo niya.


“O, sige, ako na lang ang oorder. Nagugutom na ako, eh.” Nilingon siya ni Cath. “Kakain ka ba, Aeroll?” tanong nito.


“Busog pa ‘ko.” nakangiting sagot niya.


Napakamot ito ng ulo. “Ako na lang pala ang kakain.” Umorder na ito.


Nakapangalumbaba lang ang si Princess habang nakatingin sa malaking tv na nasa tapat nila. Inabala na lang niya ang sarili niya sa paglalaro ng games ng phone niya.


“Bhest, uminom ka na ba ng gamot?” tanong ni Cath sa katabi nito. Hindi sumagot ang babae dahil nakatutok ang atensyon nito sa tv. May sakit ba ito?


Halos kakatapos lang kumain ni Cath ng tawagin na ang mga pasahero ng barkong sasakyan nila. Tumayo na sila, mabagal na naglakad ang babae. Ano bang problema nito?






( Princess POV )

NAPAKAPIT siya sa braso ni Cath ng pasampa na sila ng barko. Ito na! Nararamdaman na niya.


“Okay ka lang?” tanong nito.


“Medyo.” sagot niya.


“Are you okay?” tanong ni Aeroll sa kaniya. Nasa gilid niya ito. Tumango lang siya.


“Is she okay?” tanong nito kay Cath. Hindi niya nadinig na sumagot ang kaibigan niya.


“Ako na dito.” wika ni Aeroll. Kinuha nito ang maleta mula sa pagkakahawak niya.


“Ako na diyan.” agaw niya ulit sa maleta.


“Bhest, ‘wag ka ng makipagtalo. Madaming tao. Maiwan pa ‘yang maleta mo.” saway ni Cath sa kaniya.


“Bahala nga kayo.” inis na sambit niya.


“Pasensya ka na diyan sa kaibigan ko.” hinging-paumanhin ni Cath kay Aeroll. Napalingon siya kay Cath. Nginitian lang siya nito.


“Economy nga pala ang kinuha ko. Sabi kasi ni Harold, ayaw ninyo sa aircon.” wika ni Aeroll.


“Ang sweet talaga ni Harold. Thank you, Aeroll.” sambit ni Cath.


Nang makapasok na sila ng barko, nauna sa kaniya si Cath.


Ano ba naman ‘to? Iwanan daw ba ako? “Cath!” tawag niya dito. Hindi ito lumingon. Nang biglang tila gumalaw ang kinatatayuan niya. “Oh, my God!” Napahawak siya sa braso ni Aeroll. Napalingon ito sa kaniya.


“Okay ka lang ba talaga?” nakakunot-noong tanong nito sa kaniya.


“Mukha ba akong okay?”


“Hindi.” Inalis nito ang pagkakahawak niya sa braso nito nang umuga.


Napakapit pa siyang lalo dito. Napalunok siya. “Pahawak.”


“Mahihirapan akong maglakad kung kapit tuko ka sa’kin.”


Inirapan niya ito. At tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak dito. Kaya nagulat siya ng hawakan nito ng kamay. Napatingin siya dito.


“Hawakan na lang kita. Kapit ka lang at baka mawala ka.” hindi lumilingong wika nito. Hindi naman niya mabawi ang kamay niya dito. Dahil mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito na parang sinasabing ‘I’m here, huwag kang matakot’. Nahulaan kaya nito kung bakit siya gano’n?


Hanggang sa makaakyat sila ng second floor ng barko. Magkahawak-kamay sila. Napatingin siya sa magkahawak nilang kamay. Gusto man niyang bawiin ang kamay niya, pero hindi naman niya mabawi. Dahil ayaw man niyang aminin, gumaan ang pakiramdam niya habang hawak siya nito.


“Bhest, okay ka lang?” tanong ni Cath nang makalapit sila sa designated na higaan nila. Hindi nito pinansin ang pagkakahawak-kamay nila ni Aeroll. Buti naman dahil wala siya sa mood magpaliwanag.


Bumitaw na siya kay Aeroll. “Okay lang. Saan ang pwesto ko?” tanong niya.


“Dalawa dito sa baba, mero’n isa sa itaas. Ayoko sa baba. Dito ako sa taas. Babae naman ‘yong katabi ko, eh.” paliwanag nito. Double deck ‘yon. Apat na tao ang pwede do’n.


“Dito ako sa baba.” wika niya. Umupo siya at tuluyang humiga. Umupo sa gilid niya si Cath. Ipinatong niya sa ulo ang isang braso niya at tuluyang pumikit.


“Uminom ka na ba ng gamot?” nadinig niyang tanong ni Cath.


“I forgot.”


“Uminom ka muna kaya.”


“Anong oras ‘to aalis?” sa halip ay tanong niya.


“Thirty minutes pa.” sagot ni Aeroll.


“Ang tagal naman.” reklamo niya.


“Cath, can we talk?” nadinig niyang sambit ni Aeroll.


“Bakit?”


“Do’n na lang.” Idinilat niya ang isang mata niya. Pumunta ang mga ito sa tabi ng bintana kung sa’n tanaw na tanaw ang dagat. Buti na lang at nasa bandang gitna kami. Open pa ‘yon kaya malayang pumapasok ang hangin, pero ng mga sandaling ‘yon. Init na init siya.


Pinikit niya ulit ang mga mata niya. Anong oras ba ‘to aalis? Ilang oras ba ang byahe nito? Naiinip na ‘ko. Kung mero’n lang sanang airport sa pupuntahan namin, okay sana. Itinulog na lang niya ang pag-iisip niya. Sana lang makatulog siya. Sana lang…




2 comments:

  1. "damsel in distress" pala ang drama ng princesa natin.. hehe.. ayyiiee! ang sweet nman! HHWW!..

    ReplyDelete

  2. ´´´´¶¶¶¶¶¶´´´´´´¶¶¶¶¶¶
    ´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶¶¶
    ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶¶¶
    ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´¶¶¶¶¶
    ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ ´¶¶¶¶¶´
    ´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶
    ´´´´´´´´´´´¶¶¶¶

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^