Wednesday, August 29, 2012

A Fan Girl Story: Chapter 2

CHAPTER TWO:
MIGS [P.O.V] 


[Tumunog ang cellphone ni Migs, may text si Annika]

message tone: "Hoy! Miggoy! May text ka!!"

     ANG SARAP talaga pakinggan ng message tone na 'to. Boses kasi ni Nik-Nik eh. Di ko alam, pero para sakin wala ng gaganda pa sa boses naya. Kahit na kung minsan pag kumanta sya sintunado.



[Binuksan ni Migs ang massege]

"Migs! Hehe, pwede bang mag-pasama sayo? Kung wala ka lang ginagawa. Kung okay lang naman! Hintayin kita sa Robinson's Manila. Sa tapat ng school natin. Salamat. Luv U BISPREN." 


     LOVE YOU .. Sarap basahin ng paulit ulit. How I wish that she really meant it. Oh, bago ka mag-isip ng kung ano. Gusto ko muna limanagin, hindi ako in-love sa best friend ko. Truly, madly, deeply in-love lang ako sa kaniya to the point na kaya ko ding mag-sinungaling at isuko ang kung ano mang meron ako para lang sa kaniya. Kaya kong gawin yung mga bagay na ginagawa nya ngayon na bwisit na Nikko na yan!


     Honestly, wé're in the same situation right now. Nag-stop sya ng pag-aaral dahil hindi nya naman talaga gusto ang pag-do-doctor. Ako rin nag-stop, pero may ibang dahilan. Hindi rin alam ng parents ko ang lahat. Ang alam nila residence na ako sa Makati Medical Center. Proud sila sakin, binibida pa nga nila ako sa mga ka-office mates nila. Sabi pa ni mommy may mga nakapila na daw mga pasyente sakin.


     Pangarap ko naman talagang maging doctor. Ophthalmologist, doctor sa mata. Pero things changes nang malaman ko kung paano nahihirapan si Nik-Nik sa tuwing pupunta sya sa mga shows ni Nikko sna sya lang mag-isa. Ilang beses syang naliligaw at nababasa sa ulan para lang puntahan si Nikko. Si Nikko na hindi man lang sya kilala. Ni hindi nga alam ni Nikko kung ano ang mga pinag-dadaanan nya para lang makita sya.


     Simula nun nag-desisyon akong samahan sya kahit saan sya pumunta. Gusto ko syang bantayan, protektahan. At para magawa ko yun kailangan kong mag-sakripisyo ng isang bagay. That's the time I decided to stop studying at mag-focus na lang sa pag-babantay kay Nik-Nik. If you're asking me now kung alam nya ang lahat? Syempre. . . hindi.


    Ayaw ko sabihin sa kaniya dahil ayaw kong makonsensya sya kahit wala naman syang ginagawang kasalanan. Sariling choice ko 'to. Labas sya dito.


**********

Robinson's Manila
Starbucks Coffee
1:30pm


     SHE'S THERE, perfectly beautiful kahit sa malayuan. Ang prinsesa ng buhay ko. Kahit na hindi ako ang prinsepe nya, pero pwede naman akong maging kabalyero nya.


     Nang makta nya ko kinawayan nya agad ako at sinalubong ng masaya nyang ngiti. Nang makalapit ako sa kaniya, hinawakan nya agad ang kamay ko para hatakin ako sa tabi nya. Ayaw ko sana bumitaw kaso hindi pwede. Kelangan ko kasi itago ang nararamdaman ko para walang masira sa pagitan naming dalawa. Sa ngayong kontennto na ko kahit best friend lang. Because I know, dadating ang oras na mare-realized nya ang lahat ng bagay.


     Na hindi si Nikko ang mag-bibigay sa kaniya ng kaligayahan kundi ako...


     "Tada!"iniharap nya sakin ang iPad nya. Kumunot nuo ko.


     "Ano yan?"tanong ko sa kaniya.


     "Ako gumawa ng site ni Nikko!"pag-yayabang nya sakin. As usual, tungkol nanaman kay Nikko ang lahat. Nakakasawa na pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya dahil ayaw kong masaktan sya. All I need to do now is support her. Hay~


     "Para diyan kaya mo ko pinapunta?"medyo inis kong sabi,  kahit anong tago mo tao ka parin. Sometimes hindi mo talaga kayang ma-control ang emosyon mo.


     Umiling sya, "Nope! Kaya kita pinapunta dahil sasamahan mo ko sa bahay mismo ni Nikko!!!!"


     "What?!"sa bahay ni Nikko? Eh ni anino nga nun ayaw ko makita dahil naba-badtrip ako eh! Bahay pa kaya nya? What the hell!


     "Bakit? Ayaw mo?"she said in a sad face. Annika! Alam na alam mo talaga kung pano sirain ang guard ko! You know I hate seeing you in that sad face! 


     Mabilis akong umiling. "Hindi naman sa ganun. Pero-kelangan ba talaga sa bahay pa nila? Bakit hindi na lang sa ibang lugar? Ang dami daming lugar dyan na pwede bakit sa bahay pa nila?"dahilan ko pero ang totoo ayaw ko talaga pumunta sa bahay nila. Pakiramdam ko kasi may kung anong virus dun na kapag nalanghap ko ay mag-kakasakit ako. At ayaw ko mang-yari yun. Kailangan ko pang protektahan si Annika.


     Sumaya ulit ang mukha ni Annika. "Yun naman pala e. Wala ng ibang place kundi sa bahay nila! Kaya tara na! Chance ko na ring mapalapit sa kaniya!"wala na kong nagawa kundi ang sumunod nga hatakin nya ko palayo. Hay naku!


***************

Somewhere in Quezon City
Nikko's House
3:45pm


     HINDI NA mapakali si Annika sa upuan nya. Alam kong tnesyonado sya dahil seryoso ang mukha nya at para syang nawawala sa sarili. Hindi mo sya makakausap ng matino sa ganyang  sitwasyon. Not unless pakakalmahin mo sya. Para gawin yun kailangang iparinig mo sa kaniya ang favorite song nya. Yan ang isa sa wirdong habit nya.


     Kinuha ko ang iPhone at headset ko at iniaabot sa kaniya. She automatically put the buds in her ear. Ilang saglit pa ay unti-unti na syang kumakalma. Nasaan na ba kasi ang Nikko na yan! Pa-V.I.P kala mo naman gwapo! Gusto lang naman sya ni Annika pag nakasuot sya ng sumbrero! Kung tutuusin mas gwapo naman ako sa kaniya! Ilang minuto na kaming nag-hihintay sa salas sila!


     "Hello! Hello! Kayo ba ang friend ni Nikko?"bati samin ng isang babae na nasa edad forty pero fashionable parin manamit. Makikita mo sa kanya yung positive aura dahil sa nakangiti nyang mukha. Mabilis na ibinalik sakin ni Annika yung iPhone ko bago sya tumayo para i-great ang babae. Sinundan ko lang sya ng tingin tapos tumayo na rin ako.


     "Opo. Kami po yun."

     Kami??? Naririnig ba ni Annika ang sinasabi nya? Kami? Mamatay na ko pero hindi ako makikipag-kaibigan sa gagong yun! Badtrip nanaman ako! Kung hindi lang dahil kay Annika hindi ako mag-titiis dito at mag-papaka-plastic!


     "Wow naman. By the way ako ang mom nya. Balita ko ikaw ang gumawa ng website nya? Alam mo salamat! Kasi sa tagal na ni Nikko sa showbis wala pa syang nagawang website. Ewan ko ba sa batang yun!"


     "Ganun po ba? Nasaan po ba sya ngayon? Pinapunta nya po kasi kami dito."


     "Actually maaga syang umalis dahil sa biglaang shooting para dun sa bagong variety show nya. Humihingi sya ng pasesnya sayo. Biglaan kasi yun."


     Tangna naman! Nag-effort kami para lang pumunta dito! Nag-hintay kami ng napakatagal only to find out wala naman pala sya dito? Sira naman pala ulo ng Nikko na yun e! Nang makita ko si Annika alam kong dismayado sya pero tinatago nya lang sa harapan ng mommy ni Nikko.


     "Ganun po ba? Okay lang po. Ang galing naman! May bago syang show. Masaya ako para sa kaniya."come on Annika! I know you're not happy right now!


     "Bakit hindi muna kayo mag-miryenda na dalawa? Saluhan nyo kami ng mga kapatid ni Nikko."


     Ayaw ko nang makisalo pa. Gusto ko nang umalis dito! Kailangan ko ng excuse! "Annika tingin ko kailangan na nating umalis. May duty kasi ako ng 6 eh."kahit naman pano may silbe parin ang inabanduna kong course.


     Napatingin sa relo ni Annika. "Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi? 4:50 na!"pasensya ka na Annika. Kailangan ko lang gawin 'to kahit alam ko na ayaw mo pa umalis. "Uhm, Tita, I think we need to go. Sorry hindi na kami makakasama sa miryenda nyo. May duty pa po kasi sa Hospital si Nikko. Next time na lang po siguro. If there is."hoping for another chance? Please, ayaw ko na bumalik dito.


     "Of course! Of course! I'll ask Nikko to invite you two again. Ingat kayo hu? Pasensya na sa abala."


     "Pasensya na po."yan lang ang masasabi ko.


***************

    TAHIMIK lang si Annika sa loob ng taxi habang bumabyahe kami papuntang Makati Medical Center. Disappointed talaga sya sa nangyari. Kung bakit naman kasi nag-paasa-asa pa ang Nikko na yan e! V.I.P talaga! Valuable In Paasa! Sarap suntukin ng mukha! Pasalamat sya hindi mahirap amuhin si Annika. Dahil kung nag-kataaon. Humanda sya!


     Buti na lang may nakita akong leaflet s sahig. Magawa ngang paper rose para pang-pakalma sa prinsesa ko.


     "Nik-Nik."tawag ko sa kaniya ng matapos ko ang paper rose. Ibinigay ko sa kanya at hindi nga ko nag-kamali. Napangiti ko syang muli.


     "Ang sweet mo talagang best friend."


     Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap. Ramdam na ramdam ko ang sinseredad sa yakap na yun. Ang sarap sa pakiramdam. Wag na sana syang bumitaw. Kaso wala e, bumitaw agad sya. Kainis! Pero di bale okay na naman sya ngayon eh. Nakangiti na ulit sya.


     "Marami pang chance. Kaya wag ka ma-disappoint."ako ba nag-sabi nito? O sinapian lang ako? Labas sa ilong eh.


     "Hayaan mo na. Tama ka. May marami pang chance."poor Annika.


     
***************

    HINDI na ko nag-pasundo pa kanila mommy at daddy dahil dinaanan pa nila ang nakababatang kapatid ko na si Meiko sa school nya. Kaya ko namang umuwi from Makati to Paranaque. May alam naman ako kahit pano sa mundo at sa buhay.


     "Welcome back kuya miggy!"okay na sana nag mood ko kaya lang nang makita ko kung sino ang pinapanood ni Meiko uminit nanaman ang dugo ko.


      "Could you turn that off?"inis kong utos na ikinagulat ng kapatid ko.


     "How was your duty?"tanong bigla ng daddy ko. Tama! Doctor mode na pala ako ngayon dahil nasa bahay na ko.


     "Nakaka-stress. Lot of patients came out today. Kapagod. Akyat na ko."stress ako kay Nikko. Gusto ko nang maligo para mawala na sya sa sistema ko. But before that gusto ko muna i-monitor kung nasaan na ang prinsesa ko.



***************

ANNIKA
 [P.O.V]

[Tumunog ang phone ni Annika]

massege tone: "Nikko-ssi, nol saranghaeyo!"


     SI NIKKO, iche-check nya kung nasa bahay na ko.



[Binasa ni Annika ang text]

Nikko: Nik-Nik nsa bhay ka na ba? Just got home. Kapagod. Gudnyt. Sleep Tyt."

     
     Si Migs na talaga ang pinaka-sweet na best friend sa balat ng lupa. I wonder kung si Nikko maging best friend ko. Sweet din kaya sya? Sayang talaga hindi namin sya naabutan kanina. Pero sana mag-karoon ulit ng chance na makita ko sya. Makausap. Hay! Nakakapagod talaga ang araw na 'to kahit hindi naman talaga ako napasok. Replyan ko na nga lang si Migs.


Annika: Yep, home alrdy. Tnx knina. Nyt din Miggoy. Mwuah!


     Makatulog na nga. Baka mapanaginipan ko pa si Nikko.




____________________________________










3 comments:

  1. _____8888888888____________________
    ____888888888888888_________________
    __888888822222228888________________
    _88888822222222288888_______________
    888888222222222228888822228888______
    888882222222222222288222222222888___
    8888822222222222222222222222222288__
    _8888822222222222222222222222222_88_
    __88888222222222222222222222222__888
    ___888822222222222222222222222___888
    ____8888222222222222222222222____888
    _____8888222222222222222222_____888_
    ______8882222222222222222_____8888__
    _______888822222222222______888888__
    ________8888882222______88888888____
    _________888888_____888888888_______
    __________88888888888888____________
    ___________8888888888_______________
    ____________8888888_________________
    _____________88888__________________
    ______________888___________________
    _______________8____________________

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    ang sweet ni nikko. nakakakilig naman..

    ReplyDelete
  3. ((haba ng hair ni annika. Hihi))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^