Saturday, September 8, 2012

A Fan Girl Story: Chapter 5

CHAPTER FIVE
ANNIKA [P.O.V]


     Kailangan ko nang i-tetx si Nikko na nandito na ko sa airport. Baka kanina pa nga nag-hihintay ng text ko yun eh. Shocks! Ano kayang sasabihin ko? Teka! Briefing muna! Baka mamaya mahalata naman sa text ko na excited ako! Tenga ka! Ano ba sasabihin ko! Ano ba yan! Natataranta ako!


[Tumunog ang phone nya. Tawag galing ka Nikko.]


      Ito na! Kinakabahan ako! *Ehem* "Hello? Nikko?"


     "Annika! I'm sorry! Hindi kita masusundo ngayon! Pasensya ka na! Papupuntahin ko diyan yung secretary ko. Para sya na lang ang sumundo sayo."


     Oh My GOD! "Ganun ba? Hindi okay lang! May mga taxi naman dito. Papahatid na lang ako sa Hotel ko. Gusto ko kasi muna mag-pahinga bago ako pumunta sa show mo."


     "Sure ka?"


     "Oo naman! Sige, mamaya na lang."


     "Okay, bye."


     . . . . . . . . . . . . . .  no comment. Gusto ko na lang makapunta agad sa Hotel at mag-pahinga. Ayaw ko na mag-isip. Masasaktan lang ako panigurado. Please! Stop me from thinking! Ayaw kong umiyak! Please!


     Grrr! Parang sira 'tong luha ko! Bumabaksak kahit wala namang nakakaiyak! Kailangan ko ng C.R! Asan na yung C.R? Ayun! Salamat walang tao.


      . . . . . . . . .. . . . . . walang hiya naman oh! Ang sakit sakit sa puso. Bakit Annika? Para yun lang! Para hindi ka lang nasundo iiyak ka na! Yan naman kasi! Masyado kang nag-expect! Ayan tuloy! Na-disappoint mo sarili mo! Hay! Ang sakit naman oh! Para na kong timang! Tama na nga! Gusto ko nang pumunta sa Hotel.




8PM
NIKKO'S SHOW



     Syempre kahit na iyak iyakan ang drama ko kanina kailangan ko paring pumunta. Kailangan kong umarte na parang walang nang-yari. Eh wala namang talagang nang-yari eh. Akala ko susunduin ako tapos yun pala hindi! Nice! Bitter????


     Hay~ Anyway. Ayaw ko munang isipin yun ngayon. Teka lang, mag-hahanap muna ako ng C.R kasi baka lama mo na. Bigla nanaman akong may makitang hindi kaaya-aya at maiyak nanaman ako. At least alam ko kung saan na banda yung C.R


[Ring ng phone. Tawag galing kay Nikko.]


     Ikaw nanaman! Ano nanaman bang sasabihin mo! Nakakainis lang sagutin! "Hello? Nikko?"naiinis ako pero sinagot ko parin! Ewan!


     "Nasan ka na? Nan dito ka na ba?"


     Bah! Mukhang concernka rin naman kahit pano. "Oo. Nan dito na ko!"


     "Good! Good! San ka banda? Puntahan kita."


     Dapat lang! Bumawi ka sakin! "Dito pa ko sa C.R eh. Wait mo na lang ako sa labas."


     "Okay."


     Pag-labas ko nandun nga sya nag-hihintay. Hay~nakasuot ulit sya ng sumbrero. Bakit ba ang lakas ng dating nya pag-naka-sumbrero? Nakakainis!


     "Annika!"wow hu! Di ka rin excited nyan Nikko?


     "Hello."ma-charming ako para naman hindi halatang excited din ako.


     "Grabe! Iba ka talaga! Akalain mong nakapunta ka pa dito? Believe na ko sayo!"compliment ba yan o nang-aasar ka lang? Kainis hu!


     "Ewan ko sayo."syempre kailangan kong tumawa na pa-charming.


     "Tara! May ipapakilala ako sayo!"kala ko hahawakan nya kamay ko pero nauna lang syang lumakad. Sumunod naman ako.


     Para naman akong biglang kinabahan sa sinabi nyang may ipakikilala sya. Sino nanaman yun? Hulaan ko. Babae nanaman yun no? 


     Tama nga ako! Babae nga! Waaaaaahhhh!!!! LORD! Bakit ba ganito??????? Bakit???? Bakit kailangan kong masaktan????????


     "Annika, sya si Stacey. Ganda no?"


     Ganda? Tama bang tanungin mo sakin yan? Eh kung sagutin kitang hindi? Papalag ka ba? Ganda? Yan ba ang mga tipo mo? Yung magaganda? Bakit di ba ko maganda? Kainis naman 'to! At some point parang nakaka-insulto na! Akala ko pa naman mag-kakaroon na ng chance na makausap kita na mag-kakilala tayo ng husto. Hindi pala.


     Yun lang naman ang gusto ko eh. Yung mag-kausap tayo. Yung mag-karon tayo ng time na mag-kasama tayo. Bakit hindi ba mapag-bigyan yun? Bakit ba hindi mo mapag-bigyan yun? Tama nga ako. Kakailanganin ko ng banyo ngayon. At kailangan ko na sya ngayon!


     Tulad lang din ng Mini Concert nya. natapos din ang gabi na puro luha lang ako. Wala akong naintindihan sa shows. Kaunti lang din ang nakuha kong mga photos ang videos. Sorry naman. Wala na ko sa mood eh. Sino bang gaganahang kumuha ng pictures at video kung ganun?


     Nag-effort kang makapunta, todo dasal ka sa makuha agad visa mo tapo ganun lang? Hindi ako nanunumbat hu? Pero ganun lang talaga yun! Akala ko ako ang sasamahan nya yun pala may Stacey naman pala? Nabaliwala ka lang? Hay!


     Bakit ba kasi kailangan pang may ganitong emosyon ang tao? Sana hindi ka na lang nasasaktan para hindi ka na lang umiiyak. 



[GOING BACK TO
PHILIPPINES]



     AYAW ko munang makipag-kita. Hay naku! Masakit parin no! Hahayaan ko muna sya! Tutal may Stacey naman sya eh! Si Stacey muna bahala sa kaniya. Mag-papaka-busy muna ako sa sarili ko. At sa career ko! Tama na muna yang love love na yan! Hindi rin makakatulong sakin yan! Ayaw ko rin muna mag-pakita ka Migs. Busy rin naman yun ngayon. Tama na yung nakaka-musta ko sya sa text.


     Gusto ko munang mag-pahinga.




[AFTER ONE WEEK
GREENBELT
DINNER WITH NIKKO]



     AYAW ko sana pumunta pero mommy ni Nikko ang nag-invite sakin! Hindi ko naman matanggihan! Kaya ito ako! Kasama ang buong family ni Nikko at syempre! Sya! Ako lang ang naiiba sa kailang lahat!


     "Annika, kain ka lang!"yaya sakin ni Tita.


     "Sige po Tita. Kayo rin."


     "Nag-aaral ka ng med diba? Nabanggit mo sakin."biglang tanong ni Tita.


     "Opo."syempre yan ang sagot kahit hindi naman.


     "Wow~! Good for you!"masayang sabi ni Tita. As usal.


     "Kaya lang po hindi ko sya gusto eh."sinabi ko yan kay Tita kasi tingin ko naman sya yung tipo ng taong hindi madaling kausapin eh.


      "Talaga? Ano bang gusto mo?"


      "Gusto ko pong maging isa sa creative staff ng isang movie or shows."pag-amin ko. Eh yun naman talaga gusto ko.


      "Annika. Life is short. Hindi mo alam kung kelan ka kukuhain ni GOD. Bago nya gawin yun, gawin mo munang makabuluhan ang buhay mo. Hanapin mo ang reason kung bakit ka nabubuhay. Hindi ka nabuhay para mag-aral at mag-trabaho. Nabuhay ka para gawin yung mga bagay na alam mong mag-papasaya sayo. You have to follow your heart para malaman mo."


      Tama din naman si Tita. Hindi naman talaga ako nabuhay para mag-aral dahil nung nag-aaral ako wala akong maramdaman kahit na kapiranggot lang na saya. Pero pag naiisip kong isa ako sa creative staff ng isang movie na-e-excite ako. Bagay na hindi ko maramdaman nung nasa Med pa ko.


     Nung sabihin nyang "follow your heart." That means si Nikko ang susundan ko? Kasi si Nikko lang ang nasa puso ko ngayon eh. And speaking, papunta na sya samin. Aligaga nanaman ako! Kalma lang Annika. Kalma lang.


     "Mukhang usapang babae yan ah!"nakangiting sabi ni Nikko.


      Nikko Yang! Wag kang ngumiti ng ganyan sa harapan ko! Lalo lang akong nahuhulog sayo! Bakit ka ba ganyan? Buti na lang wala kang suot na sumbrero ngayon! Dahil kung hindi. Overload ka nanaman ng ka-gwapuhan. At salamat dahil hindi mo kasama ang Stacey mo!


      Naupo pa sya sa tabi ko. Lalo na tuloy akong naaligaga! "Bakit ang ganda mo ngayon?"ano? Tama ba yung narinig ko? Ang ganda ko daw ngayon? Bakit? Dahil ba naka-suot ako ng dress ngayon? At naka-lugay ang buhok ko? Totoo ba yan? Kinilig naman ako! Kasi sabi nya maganda daw ako. Yun yung best compliment na narinig ko galing sa kaniya.


      "Ano ka ba! Hindi kaya!"pa-humble pa, pero ang totoo gusto ko pang ulitin mo.


     "Totoo! By the way! May show ulit ako sa Singapore."


     Oh? Anong ibig sabihin nun? Gusto mong pumunta nanaman ako? Pag-iisipan ko. "Talaga? Galing naman!"ang layo ng nasa isip ko sa sagot ko.


     "Yup. Pwede mo bang mai-post ulit sa web yung schedule and venue?"pakiusap ni Nikko na hindi ko matanggihan.


     "Sige. Okay lang."


     "Thanks! You're really the best!"


     Ang dami ko namang narinig na sweet compliments sayo ngayon Nikko. Nakakatuwa naman! Salamat hu?



ANNIKA's ROOM



    Heto na ko. Ginagawa na ang pakiusap ni Nikko na i-post ang show nya sa Singapore. Habang inilalagay ko 'to nag-iisip na ko kung pupunta ba ako o hindi. Natatakot kasi ako baka ayan nanaman. May Stacey nanaman! Ayaw ka na muna umiyak. Pero kung hindi naman ako pupunta sayang yung show. At isa pa kailangan ko rin para sa web ni Nikko.


     Bahala na kung makakapunta ako o hindi. Kailangan ko pang humagilap ng paalam sa mga magulang ko at isa pa kailangan ko ng may mapag-kakaabalahan dyan na tungkol sa Med para hindi ako mahalata. Hay~! Ang hirap maging solong anak! Dahil lahat ng atensyon na iyo. HaY~!


4 comments:

  1. nagpag-iwanan n aq ng updtes d2. busy kxe mxado s skul eh.. peo binbsa q p din. =D

    ReplyDelete
  2. pUNta ka n aniKKa nfi-fEEL mEi suRpRise yAn,,, hwEHe,,

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    feel ko pupunta si annika. pero i doubt kung may surprise. wala lang, naisip ko lang. hehe. excited na ako! final chapter na pala!!

    ReplyDelete
  4. ((final chapter na. Ang bilis ng mga pangyayari))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^