Saturday, September 8, 2012

Black Dart: Chapter 3





Chapter 3

*Nenoe Virus*




(Aeris POV)


"Ewww!!! Ano yan?!" Nandidiring tanong ko sa babaeng nakalihata sa harapan ko. As in nakakadiri! Promise, yung itsura niya... sabog yung buhok, tapos yung mata niya hindi mo alam kung saan nakatingin tapos naglalaway pa siya na akala mo asong ulol at parang lasing maglakad! At eto pa ha! Yung kulay niya is kulay gray na pale na ewan!!! Hindi ko maexplain basta nakakadiring nakakatakot sila lapitan!

Tinalikuran naman ako ni Sensei. "Babae yan, hindi mo ba nakikita?" Ay teka! Binabara niya ba ako? Hindi halata ha!!! Alam kong babae yan kaya hindi ako mababara! Bleh!

"Corny ka pala Sensei?!" Nakangiting sabi ko. Bigla naman niya ako binigyan ng pinaka na pinaka sa lahat ng death glare niya. "Hehe! Joke lang! Pero... bakit kasi ganyan itsura niya? Parang wala sa hulog... parang baliw na naka-drugs na nalasing ng isang linggo at ang baho niya pa! Mukha pa siyang asong ulol!" Ang OA ng pagkaka-explain ko 'no?! Yan kasi yung totoo! Hindi ako marunong magsinungaling!!!

"Tsk. Nenoe virus yan." Nenoe virus? Ano yun...?

"Buti nalang nakita ko agad yung pagkakasakal sayo ng babae... nadapuan ka rin ng Nenoe Virus kaya hindi ka agad nagkamalay. Pero buti nalang talaga at may malay ka na ngayon."

Naalala ko bigla yung sinabi sa akin ni George last week... teka! Kung yung babaeng nasa harapan namin na wala ng hininga ay nagkaganyan dahil sa Nenoe Virus na 'yan ibig sabihin...

"WAAAAAAAAAH!!!!!! Hindi! Hindi!!!! NORMAL AKO!!! NORMAL AKO NA TAO!!! WAAAAAAAAAAAAH!!!!" Naglupasay na ako sa sahig habang hinahampas-hampas ko yung sarili ko. Waaah! Hindi ko matatanggap na maging ganyan ang kahihinatnan ko!!! Marami pa akong pangarap sa buhay!!!

"Aeris?! Anong nangyari sayo ha?!" Niyugyug ako ni Sensei at nakita ko naman sa mukha niya yung pag-aalala.

"Sensei!!! Uwaaaaaah!!! Ayokong maging katulad nung babaeng yan!!!" Tinuro ko yung babae dun sa may dulo namin! Yung babaeng binaril kanina ni Sensei!

Bigla naman sumersyoso yung mukha niya. "Ha? Ano bang sinasabi mo?" 

"Naalala ko yung sinabi ni George!!! Nadapuan daw ako ng Nenoe Virus kaya tatlong araw akong walang malay noon!!! Sensei!!! Ayoko!!! Ayoko!!! Ayoko!!! Uwaaaaaaaaaaaaaaaah!!!" Bigla naman akong sinapok ni Sensei kaya natahimik ako.

"Sira ka ba? Edi sana patay ka na ngayon kung nadapuan ka ng virus." Kalmadong sabi niya at tumayo na. Bumuntong hininga siya. "Hindi ka nadapuan ng Nenoe Virus." Waah! Pero yun yung sabi ni George!!! "Wag kang magpapaniwala sa lalaking 'yun. Nawalan ka ng malay dahil sa tindi ng pagkakasakal sayo nung babaeng nasa club." So... hindi talaga ako dinapuan ng Nenoe Virus?!!! Hinayupak na George na yan!!! Humanda sa akin yan mamaya!!! "Tumayo ka na jan at may kelangan pa tayong tapusin." At iniwan niya ako dito mag-isa.

Hay naku!!! Bakit ba napakasungit niya! Kanina lang nag-aalala siya sa akin nung makita niya akong nag-hysterical sa may kalsada! Tapos ngayon... hmp!!!

Nandito kaming dalawa ni Sensei sa may warehouse... ang sabi sa amin ni Jack, dito daw nagtatago yung mga nagbebenta ng mga drugs at ngayong gabi mismo nandito yung pinaka-bossing nila na kung tawaging 'Drug Lord'. Susyal! Drug Lord! 

Sumilip kami sa may bintana at nakita kong maraming tao at nagsusugal. Ayos ah! Sugalero na nga drug addict pa! Itong mga taong 'to hindi marunong makuntento sa buhay na binigay sa kanila ng Panginoon!

May dala akong attaché case at may laman yun na maraming pera. Bakit? Simple lang, magpapanggap kami na buyer ng drugs nila at kapag nakuha nanamin yung kelangan namin saka kami kikilos agad at syempre kelangan ulit ng signal ng Sensei ko 'no! At syempre ulit! Hindi mawawala ang mga Darters! Hello, hindi namin mahuhuli lahat 'to dahil ang dami kaya nilang adik!

Pumunta na kami don sa may maliit na parang ticket booth, pero ang totoo niyan entrance fee yan! Ang mahal ha! Ten thousand pesos lang naman! Diba?! Grabe sila! Nagbibigay ng sampung libo para lang sa sugal!!!

Nung pinapasok na kami, tinignan ako ni Sensei at sumenyas siya na pumunta na ako sa mga nagbebenta ng drugs. Astig! Wala man lang pakialam yung mga nagsusugal, basta busy sila sa ginagawa nila. Tsk, sorry nalang kayo dahil ito na ang huling masasayang araw niyo.

"Akin na yung pera." Nakangising sabi nung kalbo na may bigote na curly at may malaki pa siyang bling bling na dollar sign ha! Ang sossy!

Nginisian ko siya sabay taas ng attaché case at nakita ko naman na mas lumaki yung ngisi niya na pwede ng umabot sa kalbo niyang ulo! "Good." Iniabot niya sa katabi niya yung isa pang attaché case at sinensyasan niya ito na lumapit sa akin para ibigay yung drugs at the same time para kuhain na rin yung pera.

Tinignan ko na si Sensei pagkatapos ko kuhain yung mga drugs at sumenyas ulit siya na ituloy ko lang yung plano kaya naman pumwesto ako sa mga nagsusugal at padabog kong inilapag yung tatlong lapad na pera ko kaya naman napatingin silang lahat sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila ng matamis at yung iba naman ngumiti ng may halong kamanyakan! Ew lang!

Nagbalasa lang sila ng baraha at isa-isa sa'min na binigay iyon ng nakataob. Lahat sila binuksan yung baraha nila, yung isa sa kanila na mukhang eto na yata yung bossing nila nakangisi ng wagas! Yung iba naman nagbigayan na ng pera! 

"Oh ms. Beautiful, ibigay mo na rin yung pera mo." Tuwang-tuwa pa ang loko!

Nginitian ko lang siya at pinakita yung baraha ko at halos lumuwa naman ang mga mata nila. "I won." Ngumiti ako ng wagas at nagulat nalang ako ng bigla niyang padabog na binigay sa akin yung pera. Leshe! Badtrip siya dahil natalo siya?! Edi sana hindi nalang siya nakipaglaro kung hindi niya kayang matalo! Hmp.

Tumayo na ako at pa-sexy ko pang niyakap at pinapunta sa akin yung mga pera pero nung pagkaupo ko bigla nalang niya ako tinutukan ng baril. Hahaha! Pikon nga siya! 

"Sabihin mo! Nandaya ka 'no?!" Pasigaw na tanong niya. What the eff! Ako nandaya? Wahaha! Hindi no! Trained lang talaga ako! Leshe.

Hindi ko siya sinagot instead tinigna ko lang siya ng masama then I smirked kaya lalo siyang naasar.

"Wala pa na kahit sino ang nakakatalo sa akin, well except nalang kung nandadaya sila." Madiin niyang sabi.

"Huh. Baka naman ikaw ang nandadaya?" Confident na sabi ko at nanlaki naman yung mata niya. This time idinikit niya na sa ulo ko yung dulo ng baril. Loko 'to ah! Pasalamat siya mahaba ang pasensya ko at best actress ako! "See? Sa reaction pa lang ng mukha mo, alam ko na ikaw ang nandadaya sa mga nakakalaban mo sa sugal na 'to. Ang tatanga naman kasi ng mga kalaban mo eh, hindi nahahalatang nadadaya na sila o... binabantaan mo ang buhay nila?" 

"Wala kang karapatan para sabihin yan!" Ipinutok niya yung baril pero mabilis kong naitagilid pakanan yung ulo ko kaya tumama sa pader yung bala at halatang nagulat ang lahat sa ginawa ko. 

Nagsilapitan na rin pala yung mga tauhan nitong pikon na 'to.

Kinuha ko sa may hips ko yung dalawang arnis para panggamit panlaban sa kanila. I don't use gun sa mga ganitong sitwasyon. Easy lang 'to. Ang yabang ng lola niyo!

"P-patayin niyo yang babaeng 'yan!" Sigaw niya at saka tumakbo papasok sa tinatawag na 'Private room' ng Drug Lord nila. Naku! Mas kawawa ka jan dahil andyan si Sensei!!! Aruy! Condolence nalang sayo!

Nagsisuguran nga 'tong mga ulupong na tauhan ni Drug pikon. Ano ba yan! Ito na ba yung mga tauhan niya?! Ang we-weak! Lahat ng mga tira nila naiiwasan ko at sila ang natatamaan ko. Tumba na nga silang lahat eh! Sisiw lang!

Napaangat ako ng tingin ng makarinig ako ng tunog ng kasa ng baril. Eh? Akala ko ba... hinuli na ni Sensei 'tong Drug pikon na 'to?! Ano nanaman ba yung nasa isip ng bipolar na 'yun?!

"Well, well, well." Humakbang siya papalapit sa akin habang nakatutok pa rin sa akin yung baril. "I didn't expect that a girl like you can beat a ten guys in ten minutes." Wow! Inorasan niya talaga ako ha! Touch naman ako dun! "Ayaw na sana kitang ipapatay dahil naisip ko kawawa ka naman but in a snap I changed my mind... dahil ako ang papatay sa walang hiyang katulad mo!" Ayayay! Pang-drama ang speech ni lolo!!!

Pero medyo kinakabahan ako ngayon ha! Hindi ko alam kung bakit!!!

Naramdaman kong nagsitayuan yung mga nabugbog ko kanina... pero this time, hindi na sila tao!!! Katulad na sila nung babaeng pinatay ni Sensei kanina! Oh my gally! Bakit may Nenoe Virus dito?!!!

Sensei!!! Nasaan ka nanaman ba?! 

"O bakit parang natakot ka yata?" Ngumisi siya. "Don't worry my dear, gutom lang ang mga yan at balak lang naman kitang gawing pagkain nila... pinagod mo sila eh." Binaba niya yung baril niya at pumasok na ulit sa may private room niya.

Tokwa naman oh! Syempre hindi ako papayag na mamatay nalang dito 'no! 

Sinugod ko yung mga 'ewan-ko-kung-anong-tawag-pero-nenoe-daw-' at pinaghahampas sa maseselan na bahagi ng katawan nila pero para silang mga manhid at walang maramdaman! Ni hindi man lang sila natitinag!!!

Waah! Ayan na sila!!! Aatakihin na nila ako kaya tumakbo ako dun sa may pader at bumwelo para sipain sila! At ayun! Natumba nga!!! Kaso... yung isa lang!!! 

Kelangan ko ng tulong ng Darters!!!

Pinindot ko yung nag-uugnay sa'min na mga Darters na nakalagay sa hita ko at wala pang sampung segundo nandito na agad sila.

"Aeris! Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jack habang naka-fighting-waya-pose na!

"Oo! Oo! Kayo na bahala jan sa mga ewan-ko-tawag-sakanila at pupuntahan ko pa yung hinayupak na Drug lord na 'yan!" Hindi ko na hinintay yung sagot nila at tumakbo na ako papunta sa private room niya...

"What the heck! Ano 'yan?!" Napatakip ako ng ilong ko sa sobrang baho! Nakakasuka at kulang nalang isuka ko pati bituka ko sa sobrang baho at nakakadiri yung buong kwarto! Humakbang ako ng isa pero nagulat ako ng parang may kung anong natapakan ako at pagtingin ko... "Aaaahhh!!!!" M-may p-p-p-putol na k-k-k-k-kam...ay ng ta...o!!! Uwaaah!!!

Ngayon ko lang narealize na yung mga dugo ay galing sa tao! Tumingin ako dun sa may dulo ng kwarto at nakita ko yung mga patong-patong na katawan ng mga tao dun! Yung iba nakikilala ko pa yung mukha dahil sa pinakitang data ni Sensei sa akin kahapon! Sila yung mga seller ng drugs at sila rin yung mga nawawalang tao pagkatapos ng araw na bilhin nila yung drugs!!!

Kaya sila nawawala dahil patay na pala sila!!! Grabe halos maagnas na yung mga katawan at mukha nila dito! Hindi ko na kaya!!! Ang baho talaga!

Nung pagkalabas ko nakahinga ako ng maluwag at nakita ko yung mga Darters na natalo na yung mga ulupong na na-ulol!

"O ayan na pala si... SA LIKOD MO!" Nagulat ako sa sinigaw ni Dave kaya napatingin agad ako sa likod ko.

Waah! Si Drug lord na naging ulol na rin!!! 

Narinig kong may kumasa ulit ng baril at pagtingin ko sila Dave iyon. Teka! Moment ko na 'to eh! Hindi dapat ako maging mahina! This time ako na ang tatapos sa buhay nitong lalaking 'to. Hindi na siya tao, at marami na siyang nalabag na batas at kapag nakulong siya... kamatayan rin ang ihahatol sa kanya.

Umatras ako ng kaunti at nag-sign of the cross... 

"Kayo na po ang bahala sa kanya."

Sabi ko Sakanya at inilabas ko yung maliit na espada ko at inihampas iyon sa hangin kaya naging mahabang espada na...

*slaaaaaashhh!*

Pangalawang beses, ito ang pangalawang beses na nabahiran ng dugo ang aking kamay at espada... tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papunta sa mga Darters at nakita ko naman na nakangiti sila sa aking lahat na para bang sinasabing... 'Good job again, Aeris!' kaya ngumiti rin ako sa kanila.



4 comments:

  1. LaFtriP aKo nUng nGLupAsaY c aEriS dHil akLa niA nHwaAn n xAh nuNg neNoe viRus,, hAhA kkTaKot nMn kse uNg ePekTo nUn nOh,, HwAhA,, nzApok tULoy xaH ni seNsEi,,

    ReplyDelete
  2. ang gling-gling namn nia s lban n un! nice ud po!

    ReplyDelete
  3. grabe ang ganda ng UD!.. gusto ko talaga ang mga ganito! this is really cool!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uwaaah! Maraming salamat po! Simula prologue at hanggang dito binasa niyo talaga at may comment pa!!! Maraming salamat po talaga! :)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^