Chapter 4
*Blood and Roses*
(Aeris POV)
"Aeris! Ito na yung ham with bacon with egg sandwich
mo!!!" Sigaw sa akin ni Justin kaya naman dali
dali akong pumunta sa may kusina.
Nandito ulit kami ngayon ni Sensei sa Black D Underground.
Sunod sunod kasi yung mga krimen ngayon at kumakalat na rin yung Nenoe Virus na
'yan. Naku! Malaman ko lang talaga kung sino yung nag-create ng Virus na yun
papakinin ko siya ng injection!
"Katakawan mo nanaman pinapairal mo ha." Sabi ni Sensei at kumuha ng baso para maglagay ng kape.
Hindi ko siya pinansin at kumain lang ako dito.
"Hi Eris."
"Sinabing Aeris! Bakit ba Eris ka ng Eris jan? Gusto
mo ipatapon kita sa Abyss?!" Isinubo ko ng malaki yung sandwich
sa bibig ko.
"Hahahahaha! Ang init talaga ng dugo ni Aeris sayo,
George." Tinapik pa siya sa balikat ni
Jack.
"Kahit naman ako iinit yung dugo ko eh, biruin mo
sinabi ni George kay Aeris na nadapuan siya ng Nenoe Virus? Tsk tsk. Kung ako
kay Aeris baka pinaslang ko na 'yang lalaking 'yan." Sabi naman ni Harold.
Oo nga pala! Buti pinaalala ni Harold! Bwisit na lalaki 'yan
sabihin ba naman na dinapuan ako ng Nenoe Virus?! Eh hindi naman pala!
Naglupasay pa ako sa sahig dahil akala ko mauulol na rin ako katulad nung mga
nakalaban namin!
Tumayo ako at lumapit kay George. Nagulat naman siya at
nginitian ako. Nginitian ko rin siya at hinawakan ko sa magkabilang balikat
niya. Mukha naman nagulat yung ibang Darters sa ginawa ko. Woo! Anong akala
nila?! Tinuhuran ko siya ng malakas sa sikmura kaya napaluhod siya sa may
sahig.
"Ugh! P-para saan yun Ae?!" Namimilipit siya sa sakit.
"Ow! Ang sakit naman nun Aeris!" Sigaw ni Jack na kunwari nasasaktan din.
"Knock out! Hahahaha." Sabi naman ni Dave.
Lumapit naman si Greg kay George at tinapik sa ulo. "Kaya
mo yan pre."
"Pero teka Ae, bakit mo tinuhuran si
George?" Takang tanong ni Harold.
Nag-agree naman silang lahat dahil nga bigla ko nalang tinuhuran
si George. "Ha? Sino ba naman ang hindi maiinis! Nung nawalan ako
ng malay pagkagising ko kaya raw ako nawalan ng malay dahil nadapuan daw ako ng
Nenoe Virus! Syempre nung narealize ko nung isang araw kung ano yung Neno Virus
natakot ako 'no! Yun pala hindi naman pala ako nadapuan! Ginugood time lang
pala ako nito ni Georgina!" Uminom ako pagkatapos ng mahabang
speech ko at lahat naman sila nagulat at nagtawanan.
"Eh >___< malay ko ba na hindi mo alam yung Nenoe
Virus na yun! Akala ko kasi papansinin mo na ako kapag sinabi ko
yun." Sabi ni George na ngayon ay nakatayo
na.
Hmp. Papansin! Hindi kita papansinin forever! Panggulo lang
ikaw sa buhay ko eh! Kainis! Walang ibang gawin yan kundi asarin ako ng asarin.
Nanahimik nalang siya nung napansin niyang nagsusungit ako sa kanya. Bleh! Hmp.
"Oh Aeris! Kelangan mo na pumunta sa next mission niyo
ni Sensei mo! Good luck ha! Don't forget to call us kapag nagigipit ka
na!" Sabi sa akin ni Justin.
Oo nga pala! Nakalimutan ko!!! "Oo sige! Bye
na!" Nagba-bye naman silang lahat sa akin.
Hinanap ko si Sensei kung nasaan, ayun! Nakaupo na sa may
driver seat. Balak pa yata akong iwanan! Sipain ko pa siya eh! Bwahaha. Joke
lang syempre!
Sunod na mission namin is sa bahay ng isang magnanakaw.
Oyeah! Ito I'm sure sisiw nalang 'to dahil magnanakaw lang naman siya eh. Haha.
Nitong mga nakaraang araw medyo mahirap yung mga nakalaban namin ha! Hindi ko
nga alam kung bakit bawat taong nahuhuli namin ay nagiging Nenoe man. Haha!
Hindi ko kasi alam tawag sa kanila kaya Nenoe man nalang muna.
Pinark lang ni Sensei yung sasakyan niya malayo sa bahay
nung target namin. Syempre mabubuking kami kung ilalapit namin diba? May ginawa
na rin kasing way si Sensei sa ilalim ng lupa kaya dun kami dadaan! Pahirapan
lang.
Nauna siyang lumusot dun sa ginawa niyang butas at sumunod
naman ay ako. Grabe! Ang dilim lang at ang init ha! Ang baho pa, amoy lupa!
Gusto ko na agad makalabas dito! Mamaya naman kapag natapos na 'to sa
gate na kami dadaan eh.
Hoo! At last nakarating na rin kami sa... "Woah!" Napamangha
ako ng makapasok kami sa loob ng bahay... ewan ko kung bakit ako namangha. Ang
dami kasing ginto eh. Hindi ko alam kung anong part ng bahay 'to. Basta ang
daming treasure! Kumikinang silang lahat at pati mata ko kumikinang na rin!
Ito siguro yung mga ninakaw nung magnanakaw sa Golden
Museum! Grabe! Alam ko lahat ng treasure ng bansa namin dun lahat nakalagay
dahil ayaw nung may ari na yun na ibenta pa sa ibang bansa yung mga yaman ng
bansa namin! Ang bait niya 'no? Hindi siya makasarili, hindi niya inaangkin o
ibinenta sa ibang bansa para lang sa sarili niya. Ginawa niya rin yung Golden
Museum para ipagmalaki sa ibang dayuhan na may kakaibang yaman ang bansa namin.
Graaabe! Tapos nananakawin lang nila!
May iniabot na bag sa akin si Sensei kaya naman napatingin
ako sa kanya. Binaba ko yung bag na yun at binuksan para tignan kung anong
laman... at halos lumuwa ang mata ko sa nakita kong laman ng bag na 'to! "S-sensei?!
Wag mong sabihing... susuotin ko 'to?!" Ipinakita ko sa kanya
yung damit at tumango siya.
What?! Eh mas malala pa 'to sa suot ko nung nasa bar eh!
Saka... saka makikita na yung dibdib ko dito eh!!!
"Wag ka ng magreklamo, dapat sanay ka na sa mga
ganitong bagay dahil ilang beses mo ng nagawa yan... bilisan mo na at magbihis
ka na." Grrr! Kung hindi lang kta Sensei
baka nasipa na kita palabas ng bahay na 'to!
Pero may point siya. Pero din! Kada-binibigyan niya ako ng
sexy na damit nagrereklamo rin ako 'no! Aish! Bahala na nga! Gagamitin ko
nanaman yung seducing power ko! My gawd!
Pagkatapos ko magbihis sinabi sa akin ni Sensei na nasa loob
daw ng kwarto yung target namin at hinihintay na raw ako.
Ang alam kasi nung magnanakaw is stripper ako! Oo! STRIPPER!
Badtrip 'tong si Sensei eh! Kung ano ano pinapagawa sa akin! Huhu. Hindi
makatarungan ito!
Dahan-dahan kong pinihit yung door knob. This is it! Hindi
dapat pumalpak ang plano. Binuksan ko na yung pintuan at tumambad sa akin ang
napakabangong amoy... nung humakbang ako para makapasok sa kwarto, napansin
kong walang ilaw kung hindi puro candle light lang.
Ano 'to honeymoon lang? Napansin ko rin na walang tao at
punong puno ng roses yung kama, sahig at dingding. Grabe naman mag-effort 'to!
Ang swerte nung stripper kung nagkataon! Asdfghjkl! Ako nga pala yung
stripper!
Perfect na perfect yung pagkakaayos eh... pero sigurado
naman ako na pangit yung target namin!
Biglang bumukas yung pintuan sa may banyo at may isang
mala-adonis na lalaki ang lumabas mula doon, hindi niya ata ako napansin. T-teka!
Bakit parang kakainin ko yata yung mga sinabi ko? A-ang gwa...po niya!!!
Magnanakaw ba talaga siya?!
Humakbang pa ako ng isa kaso... "Ouch!" May
tumusok sa paa ko! Napatingin yung lalaki sa direksyon ko.
"Oh my!" Lumapit
siya sa akin at hinawakan yung paa ko. "Are you alright? Sorry,
hindi ko kasi natanggal stem ng rose." H-hindi ako m-makahinga!
ANG GWAPO niya nga! "So... you are the stripper?"
Bigla akong natauhan sa tanong niya. Gusto ko siyang
sampalin at isigaw sa kanya na hindi ako stripper! Badtrip! H
"Yes." Hindi
dapat ako magpaapekto sa kagwapuhan niya! Nasa mission ako at mahalaga 'tong
mission na ito!
Ready na ako sa honeymoon este sa mission ko!
"God you are so beautiful." Bulong niya sa akin habang hinahaplos yung braso ko.
Ek! Bigla akong kinilabutan sa ginawa niya!
I immedietely kiss him aggresively, don't take this serious.
This is only a part of my mission. Sinagot naman niya yung binigay ko na halik
sa kanya... halik na punong puno ng pagnanasa. Binuhat niya ako papunta sa kama
at hinalikan sa may leeg pababa sa dibdib ko.
Pero bago pa yun mangyari ay hinawakan ko siya sa mukha at
inilapit sa mukha ko at hinalikan ko ulit siya. Hoy, virgin pa ako ha! Baka
sabihin niyo hindi na! Jusmio! Ito na yata ang pinaka-challenging mission
ko!
Habang hinahalikan ko siya, pasimple kong kinuha yung
injection sa may strap ng panty ko. Hinayaan ko na siyang halikan ako sa dibdib
ko, nakasuot pa ako ng damit kaya wag kayo jan! HHindi na ako nagdalawang isip
pa at isinaksak ko yung injection sa may braso niya at napa-ungol naman
siya.
"What the fuck?!" Galit na sabi niya at binunot yung injection sa braso niya.
Pampatulog lang naman iyon at wala pang ten seconds eepekto
na yun... pero nakaka-thirty seconds na parang wala pa rin nangyayari!
"Tell me! Who are you?!" Hinawakan niya ako sa leeg habang nakahiga sa may
kama. "Are you really a stripper?!' Hindi nga ako
stripper! Ang kulit mo ha!
"No." Ngumisi
ako at nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
Bigla siyang bumaba sa kama at kinuha kung katana
niya. "Then who are you?!" Sabay tutok ng katana sa
akin.
"I am your... biggest nightmare."
Biglang bumukas yung pintuan at nakita kong si Sensei
iyon. "Drop your katana or else I'll shoot you." Banta
niya dun sa lalaki.
Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang batuhin si Sensei ng
katana at sa hindi inaasahang pangyayari nadaplisan siya sa braso kaya napaupo
siya. "SENSEI!" Sigaw ko at tumingin ako ng masama
sa lalaking kaharap ko. "Tch. Alam mo, gwapo ka eh! Kaso magnanakaw
at manyakis ka nga lang!" Sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng
isang malakas na upper kick sa mukha niya.
Bumagsak siya sa sahig pero nagulat ako ng tumayo siya ulit
at ngumiti... at pag-ngiti niya may nakita akong pangil sa ngipin niya. Potek!
Ano nanamang nilalang 'to?!
"He's not a human!" Sigaw sa akin ni Sensei.
"WHAT?! Bakit hindi mo sa akin sinabi?!" Nyemas! Muntikan na akong magparape dito! Yun pala hindi
naman siya tao!!! Waaah!!! Kadiri! Maliligo ako mamaya sa kumukulong tubig!
Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong sinugod kaya
napahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko siya. Eek! Baka itutuloy niya yung
pangrerape niya sa akin! No waaayyy!!!
"How dare you to enter my house without my
permission!" Binuka niya
yung bibig niya at... "I'll kill you!" Nilapit niya
yung bibig niya sa may leeg ko. VAMPIRE! Tama! Bampira siya! Ano ba naman ang
mga kriminal na 'to! Hindi mga tao! Agad kong kinuha yung espada ko sa likod ko
at hinampas ko ulit yun sa hangin at diniretso kong isaksak iyon sa tagiliran
niya. "UGH!"
"Putulin mo yung ulo niya!" Sigaw ulit ni Sensei habang may kinakalaban dun... teka!
Bakit hindi ko napansin yun?
Binunot ko yung espada sa may tagiliran niya at tumayo ako
sa kama. Pugutan daw ng ulo! Edi pugutan!
*Slaaaaaash!!!~*
Tumalsik yung ulo niya at gumulong gulong sa may
sahig. "Tumakbo ka na Aeris! Susunod ako! May tinanim akong bomba
dito! Dali!"
"Pero Sensei! Yung mga kayamanan?!"
"Nakuha ko na kaya tumakbo ka na!" Sinunod ko yung sinabi niya. Pero habang tumatakbo ako ay
nakikipaglaban pa rin ako, may mga Nenoe man dito sa loob ng mansion! Sa ulo ko
lahat sila tinitira dahil kapag ganun alam kong hindi na ulit sila mabubuhay.
Hindi na sila mga tao, at hindi na tama yung ginagawa nila.
Ang hindi ko lang maintindihan, saan sila nanggagaling? Sino ang gumawa ng
Nenoe Virus? At alam ko, yung bampira kanina. Hindi tunay na bampira iyon...
isa lamang din experimento ang isang 'yun.
"Aeris!" Nakita
kong kumakaway si Jack habang nasa labas siya ng gate ng bahay na 'to.
Mas lalo ko pang binilisan yung takbo ko kaso napakaraming
Nenoe man ang humarang sa akin. Ano ba! Ayaw ba nila akong tantanan?! Bahala
na!
Pumwesto na ako at ready na akong tumakbo ng mabilis...
1...
2...
3...
takbooooo!!! Ganun pa rin, habang tumatakbo ako ay ginagamit
ko yung espada ko. Ang dami ko ng dugo sa katawan, hindi ko na kilala ang
itsura ko, sobrang nakakadiri ako tignan dahil sa mga dugong nakabalot sa
katawan ko.
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa labas ng gate at
maya-maya lang natanaw ko si Sensei. Puro putok ng baril ang naririnig ko,
tumatakbo na rin siya papalapit sa amin ni Jack. Wala ng mga Nenoe man dahil
patay na sila pero nagulat ako ng may tumayo sa likuran niya.
Sisigaw na sana ako kaso nagulat ako tinutukan ni Jack ng
pana at pinana iyon and then... Bull's eye!
Ano pa nga ba ang maaasahan niyo sa aming mga Darters?
Tatawagin ba kaming Darters kung hindi kami marunong pagdating sa mga ganitong
bagay?
ang ganda nman ng UD.. nadadala talaga ako.. ready-to-fight na rin ang drama ko.. hahaha..
ReplyDeletekawawa nman si george.. sapol ka tuloy! ikaw ba nman sabihan na mei ala virus alien ek-ek ka,matutuwa ka bah?hahha..
woohh! ang HOt nman ng 'honeymoon' scene!! clean urself aeris,magkaka rabies ka.. hahaha..
buti naman itutuloy pa rin dito. akala ko mapuputol na naman pagbabasa ko. huhuhu! love you author! ♡ ❤ ♡ ❤
ReplyDeleteaNg gLinG ng akSyOn scEnes,, sHeTey,,, aKLa q maMiMiss q aNg ud nGaun dHil ndE aq mkaKunEk s wiFi kniNa dtO s sKuL nMin,, bUti nMn nkPgnEt priN aq at nBsa q aNg chpTer 5,, heHehE,,
ReplyDeleteat auThoR mGaLing k nMn tLGa maGsuLaT ee,, kHit sHort sTory LaNg to oK LNg diN sKen bsTa wAg mu kMi bibitiNin ha,,, tsUptSup ate,,,, ay tMa b ate twAg q saU,, tweLVe p LNg pO kxE aq,,, LUvLuVLuV,,,,
waaaah!!!!!!! ang galing ng action! naeexcite aq s story n 2!!!! ud po agad ate!!!!!!!
ReplyDeletegeòrğe nmãn kaşi añg damïnğ pwéđeńğ gäwīn pařá mąpànşiň kà tâpøs ańg sâşabihïñ mô maý neńöe viŕůs síýâ.hâha.
ReplyDeletepennight n naging vanillacream, ang tgal nmn ng next chaptr!!!!!! excted n din aq s next n mngyyri!!!!
ReplyDeletei hope you update this soon..
ReplyDelete