Wednesday, September 12, 2012

Black Dart: Chapter 4



Chapter 4
*Blood and Roses*




(Aeris POV)


"Aeris! Ito na yung ham with bacon with egg sandwich mo!!!" Sigaw sa akin ni Justin kaya naman dali dali akong pumunta sa may kusina. 

Nandito ulit kami ngayon ni Sensei sa Black D Underground. Sunod sunod kasi yung mga krimen ngayon at kumakalat na rin yung Nenoe Virus na 'yan. Naku! Malaman ko lang talaga kung sino yung nag-create ng Virus na yun papakinin ko siya ng injection!

"Katakawan mo nanaman pinapairal mo ha." Sabi ni Sensei at kumuha ng baso para maglagay ng kape.

Hindi ko siya pinansin at kumain lang ako dito.

"Hi Eris."

"Sinabing Aeris! Bakit ba Eris ka ng Eris jan? Gusto mo ipatapon kita sa Abyss?!" Isinubo ko ng malaki yung sandwich sa bibig ko. 

"Hahahahaha! Ang init talaga ng dugo ni Aeris sayo, George." Tinapik pa siya sa balikat ni Jack.

"Kahit naman ako iinit yung dugo ko eh, biruin mo sinabi ni George kay Aeris na nadapuan siya ng Nenoe Virus? Tsk tsk. Kung ako kay Aeris baka pinaslang ko na 'yang lalaking 'yan." Sabi naman ni Harold.

Oo nga pala! Buti pinaalala ni Harold! Bwisit na lalaki 'yan sabihin ba naman na dinapuan ako ng Nenoe Virus?! Eh hindi naman pala! Naglupasay pa ako sa sahig dahil akala ko mauulol na rin ako katulad nung mga nakalaban namin!

Tumayo ako at lumapit kay George. Nagulat naman siya at nginitian ako. Nginitian ko rin siya at hinawakan ko sa magkabilang balikat niya. Mukha naman nagulat yung ibang Darters sa ginawa ko. Woo! Anong akala nila?! Tinuhuran ko siya ng malakas sa sikmura kaya napaluhod siya sa may sahig.

"Ugh! P-para saan yun Ae?!" Namimilipit siya sa sakit.

"Ow! Ang sakit naman nun Aeris!" Sigaw ni Jack na kunwari nasasaktan din.

"Knock out! Hahahaha." Sabi naman ni Dave.

Lumapit naman si Greg kay George at tinapik sa ulo. "Kaya mo yan pre." 

"Pero teka Ae, bakit mo tinuhuran si George?" Takang tanong ni Harold.

Nag-agree naman silang lahat dahil nga bigla ko nalang tinuhuran si George. "Ha? Sino ba naman ang hindi maiinis! Nung nawalan ako ng malay pagkagising ko kaya raw ako nawalan ng malay dahil nadapuan daw ako ng Nenoe Virus! Syempre nung narealize ko nung isang araw kung ano yung Neno Virus natakot ako 'no! Yun pala hindi naman pala ako nadapuan! Ginugood time lang pala ako nito ni Georgina!" Uminom ako pagkatapos ng mahabang speech ko at lahat naman sila nagulat at nagtawanan.

"Eh >___< malay ko ba na hindi mo alam yung Nenoe Virus na yun! Akala ko kasi papansinin mo na ako kapag sinabi ko yun." Sabi ni George na ngayon ay nakatayo na.

Hmp. Papansin! Hindi kita papansinin forever! Panggulo lang ikaw sa buhay ko eh! Kainis! Walang ibang gawin yan kundi asarin ako ng asarin. Nanahimik nalang siya nung napansin niyang nagsusungit ako sa kanya. Bleh! Hmp.

"Oh Aeris! Kelangan mo na pumunta sa next mission niyo ni Sensei mo! Good luck ha! Don't forget to call us kapag nagigipit ka na!" Sabi sa akin ni Justin.

Oo nga pala! Nakalimutan ko!!! "Oo sige! Bye na!" Nagba-bye naman silang lahat sa akin.

Hinanap ko si Sensei kung nasaan, ayun! Nakaupo na sa may driver seat. Balak pa yata akong iwanan! Sipain ko pa siya eh! Bwahaha. Joke lang syempre!

Sunod na mission namin is sa bahay ng isang magnanakaw. Oyeah! Ito I'm sure sisiw nalang 'to dahil magnanakaw lang naman siya eh. Haha. Nitong mga nakaraang araw medyo mahirap yung mga nakalaban namin ha! Hindi ko nga alam kung bakit bawat taong nahuhuli namin ay nagiging Nenoe man. Haha! Hindi ko kasi alam tawag sa kanila kaya Nenoe man nalang muna.

Pinark lang ni Sensei yung sasakyan niya malayo sa bahay nung target namin. Syempre mabubuking kami kung ilalapit namin diba? May ginawa na rin kasing way si Sensei sa ilalim ng lupa kaya dun kami dadaan! Pahirapan lang.

Nauna siyang lumusot dun sa ginawa niyang butas at sumunod naman ay ako. Grabe! Ang dilim lang at ang init ha! Ang baho pa, amoy lupa! Gusto ko na agad makalabas dito! Mamaya  naman kapag natapos na 'to sa gate na kami dadaan eh.

Hoo! At last nakarating na rin kami sa... "Woah!" Napamangha ako ng makapasok kami sa loob ng bahay... ewan ko kung bakit ako namangha. Ang dami kasing ginto eh. Hindi ko alam kung anong part ng bahay 'to. Basta ang daming treasure! Kumikinang silang lahat at pati mata ko kumikinang na rin!

Ito siguro yung mga ninakaw nung magnanakaw sa Golden Museum! Grabe! Alam ko lahat ng treasure ng bansa namin dun lahat nakalagay dahil ayaw nung may ari na yun na ibenta pa sa ibang bansa yung mga yaman ng bansa namin! Ang bait niya 'no? Hindi siya makasarili, hindi niya inaangkin o ibinenta sa ibang bansa para lang sa sarili niya. Ginawa niya rin yung Golden Museum para ipagmalaki sa ibang dayuhan na may kakaibang yaman ang bansa namin. Graaabe! Tapos nananakawin lang nila!

May iniabot na bag sa akin si Sensei kaya naman napatingin ako sa kanya. Binaba ko yung bag na yun at binuksan para tignan kung anong laman... at halos lumuwa ang mata ko sa nakita kong laman ng bag na 'to! "S-sensei?! Wag mong sabihing... susuotin ko 'to?!" Ipinakita ko sa kanya yung damit at tumango siya.

What?! Eh mas malala pa 'to sa suot ko nung nasa bar eh! Saka... saka makikita na yung dibdib ko dito eh!!!

"Wag ka ng magreklamo, dapat sanay ka na sa mga ganitong bagay dahil ilang beses mo ng nagawa yan... bilisan mo na at magbihis ka na." Grrr! Kung hindi lang kta Sensei baka nasipa na kita palabas ng bahay na 'to!

Pero may point siya. Pero din! Kada-binibigyan niya ako ng sexy na damit nagrereklamo rin ako 'no! Aish! Bahala na nga! Gagamitin ko nanaman yung seducing power ko! My gawd!

Pagkatapos ko magbihis sinabi sa akin ni Sensei na nasa loob daw ng kwarto yung target namin at hinihintay na raw ako. 

Ang alam kasi nung magnanakaw is stripper ako! Oo! STRIPPER! Badtrip 'tong si Sensei eh! Kung ano ano pinapagawa sa akin! Huhu. Hindi makatarungan ito!

Dahan-dahan kong pinihit yung door knob. This is it! Hindi dapat pumalpak ang plano. Binuksan ko na yung pintuan at tumambad sa akin ang napakabangong amoy... nung humakbang ako para makapasok sa kwarto, napansin kong walang ilaw kung hindi puro candle light lang.

Ano 'to honeymoon lang? Napansin ko rin na walang tao at punong puno ng roses yung kama, sahig at dingding. Grabe naman mag-effort 'to! Ang swerte nung stripper kung nagkataon! Asdfghjkl! Ako nga pala yung stripper! 

Perfect na perfect yung pagkakaayos eh... pero sigurado naman ako na pangit yung target namin! 

Biglang bumukas yung pintuan sa may banyo at may isang mala-adonis na lalaki ang lumabas mula doon, hindi niya ata ako napansin. T-teka! Bakit parang kakainin ko yata yung mga sinabi ko? A-ang gwa...po niya!!!

Magnanakaw ba talaga siya?! 

Humakbang pa ako ng isa kaso... "Ouch!" May tumusok sa paa ko! Napatingin yung lalaki sa direksyon ko.

"Oh my!" Lumapit siya sa akin at hinawakan yung paa ko. "Are you alright? Sorry, hindi ko kasi natanggal stem ng rose." H-hindi ako m-makahinga! ANG GWAPO niya nga! "So... you are the stripper?"

Bigla akong natauhan sa tanong niya. Gusto ko siyang sampalin at isigaw sa kanya na hindi ako stripper! Badtrip! H

"Yes." Hindi dapat ako magpaapekto sa kagwapuhan niya! Nasa mission ako at mahalaga 'tong mission na ito!

Ready na ako sa honeymoon este sa mission ko!

"God you are so beautiful." Bulong niya sa akin habang hinahaplos yung braso ko. Ek! Bigla akong kinilabutan sa ginawa niya!

I immedietely kiss him aggresively, don't take this serious. This is only a part of my mission. Sinagot naman niya yung binigay ko na halik sa kanya... halik na punong puno ng pagnanasa. Binuhat niya ako papunta sa kama at hinalikan sa may leeg pababa sa dibdib ko.

Pero bago pa yun mangyari ay hinawakan ko siya sa mukha at inilapit sa mukha ko at hinalikan ko ulit siya. Hoy, virgin pa ako ha! Baka sabihin niyo hindi na! Jusmio! Ito na yata ang pinaka-challenging mission ko! 

Habang hinahalikan ko siya, pasimple kong kinuha yung injection sa may strap ng panty ko. Hinayaan ko na siyang halikan ako sa dibdib ko, nakasuot pa ako ng damit kaya wag kayo jan! HHindi na ako nagdalawang isip pa at isinaksak ko yung injection sa may braso niya at napa-ungol naman siya. 

"What the fuck?!" Galit na sabi niya at binunot yung injection sa braso niya.

Pampatulog lang naman iyon at wala pang ten seconds eepekto na yun... pero nakaka-thirty seconds na parang wala pa rin nangyayari!

"Tell me! Who are you?!" Hinawakan niya ako sa leeg habang nakahiga sa may kama. "Are you really a stripper?!' Hindi nga ako stripper! Ang kulit mo ha!

"No." Ngumisi ako at nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

Bigla siyang bumaba sa kama at kinuha kung katana niya. "Then who are you?!" Sabay tutok ng katana sa akin.

"I am your... biggest nightmare." 

Biglang bumukas yung pintuan at nakita kong si Sensei iyon. "Drop your katana or else I'll shoot you." Banta niya dun sa lalaki.

Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang batuhin si Sensei ng katana at sa hindi inaasahang pangyayari nadaplisan siya sa braso kaya napaupo siya. "SENSEI!" Sigaw ko at tumingin ako ng masama sa lalaking kaharap ko. "Tch. Alam mo, gwapo ka eh! Kaso magnanakaw at manyakis ka nga lang!" Sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng isang malakas na upper kick sa mukha niya.

Bumagsak siya sa sahig pero nagulat ako ng tumayo siya ulit at ngumiti... at pag-ngiti niya may nakita akong pangil sa ngipin niya. Potek! Ano nanamang nilalang 'to?!

"He's not a human!" Sigaw sa akin ni Sensei.

"WHAT?! Bakit hindi mo sa akin sinabi?!" Nyemas! Muntikan na akong magparape dito! Yun pala hindi naman siya tao!!! Waaah!!! Kadiri! Maliligo ako mamaya sa kumukulong tubig!

Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong sinugod kaya napahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko siya. Eek! Baka itutuloy niya yung pangrerape niya sa akin! No waaayyy!!!

"How dare you to enter my house without my permission!" Binuka niya yung bibig niya at... "I'll kill you!" Nilapit niya yung bibig niya sa may leeg ko. VAMPIRE! Tama! Bampira siya! Ano ba naman ang mga kriminal na 'to! Hindi mga tao! Agad kong kinuha yung espada ko sa likod ko at hinampas ko ulit yun sa hangin at diniretso kong isaksak iyon sa tagiliran niya. "UGH!"

"Putulin mo yung ulo niya!" Sigaw ulit ni Sensei habang may kinakalaban dun... teka! Bakit hindi ko napansin yun?

Binunot ko yung espada sa may tagiliran niya at tumayo ako sa kama. Pugutan daw ng ulo! Edi pugutan!

*Slaaaaaash!!!~*

Tumalsik yung ulo niya at gumulong gulong sa may sahig. "Tumakbo ka na Aeris! Susunod ako! May tinanim akong bomba dito! Dali!"

"Pero Sensei! Yung mga kayamanan?!"

"Nakuha ko na kaya tumakbo ka na!" Sinunod ko yung sinabi niya. Pero habang tumatakbo ako ay nakikipaglaban pa rin ako, may mga Nenoe man dito sa loob ng mansion! Sa ulo ko lahat sila tinitira dahil kapag ganun alam kong hindi na ulit sila mabubuhay.

Hindi na sila mga tao, at hindi na tama yung ginagawa nila. Ang hindi ko lang maintindihan, saan sila nanggagaling? Sino ang gumawa ng Nenoe Virus? At alam ko, yung bampira kanina. Hindi tunay na bampira iyon... isa lamang din experimento ang isang 'yun.

"Aeris!" Nakita kong kumakaway si Jack habang nasa labas siya ng gate ng bahay na 'to.

Mas lalo ko pang binilisan yung takbo ko kaso napakaraming Nenoe man ang humarang sa akin. Ano ba! Ayaw ba nila akong tantanan?! Bahala na!

Pumwesto na ako at ready na akong tumakbo ng mabilis...

1...

2...

3...

takbooooo!!! Ganun pa rin, habang tumatakbo ako ay ginagamit ko yung espada ko. Ang dami ko ng dugo sa katawan, hindi ko na kilala ang itsura ko, sobrang nakakadiri ako tignan dahil sa mga dugong nakabalot sa katawan ko.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa labas ng gate at maya-maya lang natanaw ko si Sensei. Puro putok ng baril ang naririnig ko, tumatakbo na rin siya papalapit sa amin ni Jack. Wala ng mga Nenoe man dahil patay na sila pero nagulat ako ng may tumayo sa likuran niya.

Sisigaw na sana ako kaso nagulat ako tinutukan ni Jack ng pana at pinana iyon and then... Bull's eye!

Ano pa nga ba ang maaasahan niyo sa aming mga Darters? Tatawagin ba kaming Darters kung hindi kami marunong pagdating sa mga ganitong bagay?

7 comments:

  1. ang ganda nman ng UD.. nadadala talaga ako.. ready-to-fight na rin ang drama ko.. hahaha..

    kawawa nman si george.. sapol ka tuloy! ikaw ba nman sabihan na mei ala virus alien ek-ek ka,matutuwa ka bah?hahha..

    woohh! ang HOt nman ng 'honeymoon' scene!! clean urself aeris,magkaka rabies ka.. hahaha..

    ReplyDelete
  2. buti naman itutuloy pa rin dito. akala ko mapuputol na naman pagbabasa ko. huhuhu! love you author! ♡ ❤ ♡ ❤

    ReplyDelete
  3. aNg gLinG ng akSyOn scEnes,, sHeTey,,, aKLa q maMiMiss q aNg ud nGaun dHil ndE aq mkaKunEk s wiFi kniNa dtO s sKuL nMin,, bUti nMn nkPgnEt priN aq at nBsa q aNg chpTer 5,, heHehE,,

    at auThoR mGaLing k nMn tLGa maGsuLaT ee,, kHit sHort sTory LaNg to oK LNg diN sKen bsTa wAg mu kMi bibitiNin ha,,, tsUptSup ate,,,, ay tMa b ate twAg q saU,, tweLVe p LNg pO kxE aq,,, LUvLuVLuV,,,,

    ReplyDelete
  4. waaaah!!!!!!! ang galing ng action! naeexcite aq s story n 2!!!! ud po agad ate!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. geòrğe nmãn kaşi añg damïnğ pwéđeńğ gäwīn pařá mąpànşiň kà tâpøs ańg sâşabihïñ mô maý neńöe viŕůs síýâ.hâha.

    ReplyDelete
  6. pennight n naging vanillacream, ang tgal nmn ng next chaptr!!!!!! excted n din aq s next n mngyyri!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^