CHAPTER THREE
ANNIKA [P.O.V]
Annika's Room
7:00pm
TODAY? Hmmm .. Hindi 'to ordinary day. Bakit? Dahil ngayon ang mini concert ni Nikko sa Theatrino! Excited na nga akong pumunta eh! The problem is, gabi sya. Siguradong pahirapan nanaman ako ng paalam nito sa mga magulang ko. Hay~
Isa pang kinakabahala ko may duty si Migs mamaya. Hindi nya ko masasamahan. Ako lang mag-isa. Well, okay na din yun. Para masanay akong wala sya, at isa pa nakaka-istobo na lang ako lagi sa kaniya. Hindi ko na nga rin sinabi sa kaniya na pupunta ako mamaya sa mini concert ni Nikko eh. Ayos na yun. Bibigyan ko muna sya ng time para sa first love nya. Ang pag-do-doctor syempre.
Sherks! Anong sasabihin ko kay mommy at daddy? Ang hirap naman mag-paalam! Pero sabi nila pag nasa dugo mo ang pagiging sinungaling hindi ka mauubusan ng dahilan. Tingin ko may dugo akong ganun. Kasi ilang taon na kong nag-sisinungaling kay mommy at daddy pero nakakalusot parin ako. Kahit na pahirapan ng paalam.
May nabasa ako, sabi kung mag-sisinungaling ka dapat best actress ka. Kasi daw yung mga best actress magaling sila mag-tago ng facials expressions nila. Yung mga inilalabas lang nila yung mga expressions na kailangan sa role nila.
Kung ang role mo ay sinungaling dapat ang mukha mo ay kapanipaniwala. Yun ang laging nasa isip ko kapag nag-sisinungaling ako sa mga magulang ko. Bad ko no? Gustuhin ko mang itigil na 'to at ipag-patuloy na lang ang pag-do-doctor ko kaya lang ito na 'to eh. Marami na kong nai-gave up. Masyado nang malayo yung nilakad ko at kung babalikan ko pa baka lalo akong matagalan. Tsaka ayaw ko na ulitin yung mali ko. Nan dito na rin naman ako itutuloy ko na lang.
"Annika! Ready ka na ba? Tara na!"tinatawag na ko ni daddy. Oh My God! Anong sasabihin ko??? Hinga muna nang malalim! Inhale, exhale! Okay! Go! Help me GOD! Sana payagan nila ako!
"Okay!"sagot ko sa kanila.
ON THE WAY TO UP MANILA
ANNIKA'S SCHOOL
Kailangan ko na mag-paalam. Ehem~ ubo kaunti para maka-bwelo. Ready na ko. "Uhm, mommy. May meeting pala kami mamaya ng mga classmates ko. May mga kasama din kaming mga doctor sa Makati Medical. Pag-uusapan namin yung tungkol sa pag-du-duty namin dun. Kasama din namin yung mga clinical instructor namin."ang kapal ko! Parang totoo namang mag-du-duty ako.
"Anong oras naman yun?"tanong ni daddy.
"Mga around 7pm dad."napakagat ako sa labi. Naka-cross finger na ko hoping ang praying na payagan nila ako. Ayaw kong ma-miss ang kauna-unahang mini concert ni Nikko no! gusto ko syang suportahan! Kailangan nan dun ako!
"Gabi na masyado yun ah!"reklamo naman ng mommy ko. Syempre naman ma gabi yun. Walang concert ng tanghaling tapat. "Mga anong oras matatapos yun?"pahabol na tanong ni mama.
"Saglit lang naman yun. Siguro mga 8-9. Sa condo na lang ako matutulog. Mag-papahatid na lang ako sa mga classmates ko."please payagan nyo ko!
"Just make sure na ihahatid ka nila."
Nang lumabas yan sa bibig ng mommy ko para akong nabunutan ng tinik! Ang saya saya ko! Kulang na lang tumayo ako sa kinauupuan ko at mag-tatatalon! gusto ko yakapin si mommy kaya lang baka makahalata. Thank you LORD kasi kahit mali na yung ginagawa ko pinapayagan nyo parin ako! Salamat po talaga! Alam ko sa kabila ng lahat ng pag-payag nyo may kalakip na karma 'to sa huli kaya po lulubusin ko na ngayon. Hayaan nyo po ihahanda ko ang sarili ko sa araw na yun. At tatanggapin ko po lahat ng parusa nyo. Salamat.
STARBUCKS ROBINSONS MANILA
8:30 AM
Walang mapag-lagyan ang saya ko ngayon! Ma-text nga si Miggy---teka. Hindi pala nya alam na pupunta ako ng mini concert. Nakapag-tataka, hindi pa sya nag-te-text sakin ngayon. Mukhang busy talaga sya ngayon hu? Pero sa bagay, maaga pa naman, anong oras na ba? Eight thirty pa lang pala. Mahaba pa ang time.
Papalipas muna ako ng thirty minutes oa bago ako pupunta ng Makati. Palalayuin ko muna sina mommy at daddy. Mahirap na baka mag-kakita kami bigla. Dun muna ako mag-lalagi sa condo habang nag-hihintay sa concert.
Happy talaga ako sa success na natatamo ni Nikko ngayon kahit na hindi nya alam. Sobrang proud ako sa kaniya. Worthy naman yung mga pinagpaguran nya. Kung masasabi ko nga lang sa kaniya kung gano ako kasaya eh. Kaya lang fan lang ako idol ko lang sya. Kung sasabihin ko sa kaniya ang mga bagay na yun hindi nya naman iintindihin. Sa dami ba naman ng taong nag-sasabi sa kaniya ng ganun araw araw malamang pasong paso na sya. Not unless isa ako sa espesyal na tao sa kaniya. Baka mag-replay pa sya na "proud at masaya din ako dahil sinabi mo yan". Ang sarap siguro marinig yun mula sa taong hinahangaan mo talaga ng buong puso no? Wuju! Nakakakilig lang!
Arte ko! Makaalis na nga. Lampas trenta minutos na eh! Baka makita pa ko ng mga classmates ko dito matanong pa ko ng wala sa oras!
WEDDING PICTORIAL
TAGAYTAY
9:15 AM
MIGGY[P.O.V]
KAHIT pano nagamit ko yung skills ko sa photography. Tama na rin 'tong desisyon ko na mag-trabaho. Tutal wala din naman akong ginagawa. Free naman ang oras ko. Hindi naman ako batay sarado sa mga magulang ko. Kesa mag-gala, mag-ta-trabaho na lang ako. May pera pa ko. At the same time gusto ko naman ang ginagawa ko.
Kamusta na kaya si Annika? Malamang nasa Makati na yun ng mga oras na 'to. Hindi ko pa sya matawagan o ma'text kasi busy pa. Ako kasi ang naka-assign na photographer ngayon sa ikakasal. Mamaya ko na lang sya i-te-text. Baka nga marami na ring text sakin yun ngayon eh. Hinahanap na ko nun malamang.
BREAK TIME
Salamat, kakangalay din mag-picture ah.
"Uy! Mamaya na yung concert ni Nikko sa greenhills! Punta tayo hu!"
Concert ni Nikko? Tama ba ang narinig ko? Kung may concert sya malamang hindi palalampasin ni Annika yun! Teka! Nasan na ba yung cellphone ko! Baka nag-text na sya na samahan ko sya.
. . . bakit wala syang text? Posible kayang itinatago nya sakin o hindi nya lang alam na may concert si Nikko ngayon? Imposeble! Laging updated kay Nikko yun eh! Matawagan nga.
"Hello? Nikko! Bakit ngayon ka lang tumawag?"
"Alam mo na bang may concert si Nikko ngayon?"
"Hu?Ah-Oo."
"Kung ganun alam mo na? Bakit hindi mo sinabi sakin? Ayaw mo ba samahan kita?"
"Hindi naman. Ayaw ko lang maka-istorbo sayo. Sasabihin ko naman sana. Pero alam ko busy ka ngayon kasi sabi mo buong mag-hapon ang duty mo ngayon. Kaya hindi ko na sinabi."
Bigla kong naalala. Yung nga pala ang sinabi ko sa kaniya kagabi. Sinabi ko yun dahil na-assign nga akong maging photographer ng tatlong ikakasal ngayon sa iba't ibang lugar pa. Kaya baka hindi ko sya papupuntahan kung nasaan man sya ngayon. "Oo. Pero maaga natapos duty namin. Maaga kami pinauwi kaya pwede kita samahan."bahala na. Mag-papaalam na lang ako sa boss ko, sabihin ko na lang may emergency. Bahala na.
THEATRINO GREENHILLSO
7:00 PM
ANNIKA [P.O.V]
GRABE! Excited na ko! Wow hu! Mukhang nan dito lahat ng A+ ang dami kasing tao eh! Nakaka-tuwa naman! Niiyak ako dahil ang daming manonood ng first mini concert ni Nikko. Masayang masaya talaga ko sa kanya. Wala na rin yung worries ko dahil kasama ko si Migs ngayon. Buti na lang natapos ng maaga yung duty nila. Kung hindi ako lang mag-isa dito.
Nakakatuwa kasi may mga umiilaw ilaw pa silang board na may nakasulat na Nikko We Love You. May mga balloons pa at tarpaulins. Naiiyak talaga ko.
"Annika!"Oh My God! Mommy ni Nikko! Nan dito sya? Ang sweet naman! Suportado nya ang anak nya. At grabe hindi nya talaga ako nakalimutan.
"Tita! Hello po!"hindi ako magalang sa kanya dahil anak nya si Nikko. Gusto ko sya dahil ang sweet nyang mommy. Down to earth sya at madaling kausapin. Yung tipong hindi ka maiilang sa kaniya.
"Hi po."bati rin ni Migs nang lumapit sa amin ang mommy ni Nikko.
"Salamat sa pag-punta nyong dalawa! Bakit kayo nan dito? Tara! Dun tayo sa backstage. Nikko is there. Para mag-kita na rin kayo. Hindi kayo nag-kita the last time diba?"
Grabe!!!! This is really a lucky day! First pinayagan ako nila mommy at daddy. Second, maaga natapos yung duty ni Migs. Third, maraming pumunta sa mini concert ni Nikko and last, makakapasok ako sa backstage para makasama at makita si Nikko! Thank you LORD! Kahit makasalanan na ako ay binibiyayaan nyo parin ako!
BACKSTAGE
NASAAN si Nikko!? Gosh! I'm so excited!! Nasaan ba sya---------hu?
Sino yung girl na kalambingan nya? Bakit mag-kahawak pa sila ng kamay? Sino yun? Bakit ang lagkit ng tingin nila sa isa't isa?
"Nik! Come here!"tawag ng mommy nya. Huminto sya sa pakikipag-lambingan sa babaeng may mahabang buhok at sa totoo lang maganda. Maputi. Maganda.
Parang biglang nawala yung presensya ko. Hindi ko na ma-recognized na si Nikko na pala ang kaharap ko. Biglang nawala yung excitement ko. At parang biglang sumakit yung puso ko.
"Remember Annika? Yung pumunta sa bahay pero hindi ka naabutan. Yung gumawa ng website mo."
"Ah! Oo! Ikaw ba yun? Nice to meet you Annika!"nginitian ko sya ng plastic. Nag dadalawang isip pa ko kung tatanggapin ko yung inilahad nya ang kamay nya o hindi. Pero dahil kaharap ko ang mommy nya at si Migs tinanggap ko na lang.
"And he is her friend. Si Migs."
Kinamayan din nya si Migs. Kinakausap ako ni Nikko pero hindi pumapasok sa isip ko lahat. Parang bigla akong naging blangko. Hindi ko alam. Bigla na lang nang-gigilid mga luha ko. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. I think kailangan kong mag-banyo. Buti na lang tapos na syang mag-salita.
"Salamat ulit hu? Sa front na kayo umupo para kita ko kayo. Tabi na kayo kay Lea."
Tinawag nya ang babaeng kalambingan nya at ipinakilala pa sa amin. "She's Lea, my friend."your friend? Pero kung mag-lambingan kayo para kayong mag-jowa! Friend parin yun? Sinong niloko nyo? Tumabi sa kaniya? You crazy Nikko Yang?? Hay! Ito na ba ang kabayaran ng mga nagawa kong kasinungalingan ngayong araw na 'to?
Nakita ko si Migs, nakatingin sakin. Mukhang nakakahalata na syang hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon. At mukhang alam din nya na ayaw kong tumabi sa babaeng yan.
"No, no. Thanks. May mga kasama din kasi kaming kaibigan. Thank You na lang."
Tama yan Migs! Mag-sinungaling ka! Best friend talaga kita!
"Ganun ba? Okay. I'll see you two around."
"Okay."
Yun lang ang sagot ko. Nakakapanghina naman kassi eh. Kung alam ko lang na masasaktan lang ako ditp hindi na sana ako pumunta. Kaya lang kasi first mini concert to ni Nikko eh. Kaya sige na lang. Kahit na nasasaktan ako keri na. Masuportahan ko lang sya.
"Migs, wait lang. Banyo lang ako."kunyari pa ko pero ang totoo iiyak lang ako sa banya. Ang sakit naman kasi. Kaya lang anong magagawa ko? Hindi ko naman pwede sabihin kay Nikko na nasasaktan ako. Bakit? Sino ba ko? Isa nga lang akong fan. Wala akong karapatang manumbat sa kaniya dahil wala naman kaming koneksyong dalawa! Hindi nya naman ako girl friend para mag-demand sa kaniya na wag syang makipag-landian sa iba. Wala akong magawa. Hanggang ganito lang ako, iyak.
Pero tanga ako eh. Kaya kahit masakit sige lang. Hindi naman ako mamamatay eh. Hanggat kaya go lang. Kaya pa 'to! Fighting!
Alam ni Migs na wala ako sa wisyo kaya hindi na sya nag-dare pa na kausapin ako. Dahil alam nyang gusto kong manahimik muna. Hanggang makauwi kami sa condo ay hindi ako nag-salita. Kumaway nga lang ako ng mag-paalam kay Migs eh. Wala talaga akong gana. Masakit nga kasi ang puso ko.
COLUMNS
23 FLOOR
Para akong ewan. Umiiyak habang kumakain ng ice cream. Bilisan ko na nga ang pag-kain. Gusto ko nang matulog. Sana bukas pag-gising ko wala na ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
..▓▓..▓▓
ReplyDelete..▓▓......▓▓
..▓▓......▓▓..................▓▓▓▓
..▓▓......▓▓..............▓▓......▓▓▓▓
..▓▓....▓▓..............▓......▓▓......▓▓
....▓▓....▓............▓....▓▓....▓▓▓....▓▓
......▓▓....▓........▓....▓▓..........▓▓....▓
........▓▓..▓▓....▓▓..▓▓................▓▓
........▓▓......▓▓....▓▓
.......▓......................▓
.....▓.........................▓
....▓......^..........^......▓
....▓............♥.............▓
....▓..........................▓
......▓..........ŮŽ..........▓
..........▓▓..........▓▓
~angel is luv~
Deletesi ate piggyluvspunk, ang ku-vute ng comment. hehehe
((ouch. Nakaka-hurt naman itong chapter na to))
ReplyDelete