Monday, September 3, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 13

CHAPTER FOURTEEN


     NAG-TATAKA si Demi dahil hindi na bumalik si Darryl ilang araw na ang nakalipas. Nag-aalala na sya kaya naman pinansya nya na puntahan na ito sa school nito. Tutal naman alam nya kung saan ito nag-aaral dahil sa nakita nyang suot na uniform nito ng minsang dalawin sya nito.

     Discharged na rin naman sya kaya pwede na syang makalabas ng hospital. At isa pa, medyo okay na ang sugat nya. Pag-kalabas nya ay agad syang dumiretso na UPHSD para abangan doon si Darryl. Saktuhan naman na palabas si Darryl kasama si Dian. Ang excited nyang ngiti ay unting unting nawala ng makita nya kung gaano kasaya si Darryl kasama si Dian.

     "Darryl!"tawag nya ng makalapit ito sa kaniya. Nagulat naman si Darryl ng makita si Demi.

     "Demi? Kelan ka pa nakalabas?"tanong nito. Saka lumapit sa kanya.

     "Ngayon lang. Dumiretso ako dito kasi hindi ka na dumadalaw sa hospital Naisip ko baka kung ano nang nang-yari sayo."wika ni Demi.

     Ilang namang napalingon si Darryl aky Dian. Kwestyonable naman na mukha ang isinagot sa kaniya ni Dian. "Ah-may mga nang-yari lang kasi. Teka-pano mo nalaman na dito ako nag-aaral?"

     "Nung isang beses kasing dumalaw ka sakin naka-uniform ka."

     Napakamot si Darryl. "Oo nga."ilang parin ito kay Dian. "Ah-Dian sya nga pala si Demi. Naalala mo ba yung araw na niyaya kitang kumain sa labas na hindi ako nakasipot? Tinulungan ko kasi sya nun dahil nabangga sya ng sasakyan."ngayon lang sinabi ni Darryl ang tungkol dun kay Dian.

     Nalungkot naman si Demi sa narinig. At inulit pa nya sa isip ang sinabi ni Darryl na "niyayang kumain sa labas". Naisip nya tuloy na girlfriend ni Darryl si Dian. Kaya pala ganun na lang ang mga ngiti ni Darryl ng makita nya ang mga ito.

     "Kaya pala. Bakit hindi mo sinabi agad?" saad naman ni Dian kay Darryl. Tumawa si Darryl.

     "Pasensya ka na!"kumakamot kamoy pa ito sa ulo. "Ah-teka! Kumain ka na ba? Kalalabas mo lang bakit gumagalagala ka pa? Mabuiti pa ihatid na kita sa inyo. Uhm-Dian, ihahatid ko lang si Demi sa kanila hu? Kita na lang tayo mamaya."tumango lang si Darryl saka inakbayan si Demi upang akayin ito palayo. Sinundan lang sila ng tingin ni Dian.


***************

     TAHIMIK lang si Demi habang nag-lalakad sila ni Darryl. Pinanonood lang di Demi ang masayang aura ni Darryl. May gusto itong sabihin pero hindi nito alam kung paano sisimulan.

     "May gusto ka bang sabihin?"tanong ni Darryl nang mapansin nito ay panay tingin ni Demi sa kaniya.

     "Sorry hu?"

     "Sorry? Saan?"

     "Kasi nung araw na tinulungan mo ko naistorbo ko pala yung date nyo sana ng girlfriend mo."sabi ni Demi. Saglit na napaisip si Darryl. Mukhang na-misunderstood ni Demi ang relasyon nila ni Dian. Pero deep inside ay nagustuhan nya ito.

     "Yun ba? Okay lang. Marami pa namang time. Ang mahalaga naisugod kita sa hospital. Wag mo na isipin masyado yun. Kaya ka ba kanina pa tahimik dahil iniisip mo yun?"tumango na lang si Demi pero sa totoo lang ang rason kung bakit sya tahimik kanina pa ay dahil nasasaktan sya. Kaya lang wala syang karapatang mag-complaint. "Darryl naalala mo pa ba yung unang pag-kikita natin?"biglang tanong ni Demi.

     Kumunot naman ang nuo ni Darryl. "Hu?"napaisip sya saglit. "Oo. Diba yun nga yung araw na nadisgrasya ka? May iba pa ba?"sagot nya. Nadismaya naman si Demi.

     "Ah. Oo. Yun nga.""sumangayon na lang sya kahit alam nyang hindi naman iyon ang una nilang pag-kikita. Ilang saglit pa ay huminto na sa pag-lalakad si Demi. "Dito na yung bahay ko. Sige na umuwi ka na. Salamat sa pag-hatid."saad ni Demi.

     "Ökay. Pumasok ka na."ütos ni Darryl.

     "Hindi mauna ka nang umalis. Dito na naman bahay ko eh. Sige na."

     "Sure ka?"paninigurado ni Darryl. Tumango naman si Demi. Kaya umalis na si Darryl. Nang  makalayo na sya ay muling lumakad si Demi. Ang totoo nyan ay malayo pa ang bahay nya. Kaya lang hindi nya na kayang pigilan ang luha nya kaya pinaalis na nya si Darryl. Hindi nya alam kung bakit ganun kabilis nyang minahal si Darryl. Umasa syang may pagasa sa kanilang dalawa. Pero mukhang hindi na mang-yayari pa ang mga pinangarap nya kasama ito.


***************


     MATINDING ilangan sa isa't isa ang naramdaman nila Dian at Darren ng mag-pangabot silang dalawa pauwi.

     "Si Darryl nasaan? Akala ko ba mag-kasabay kayo kanina?"tanong nito.

     "Hu? May inihatid syang kaibigan kaya ako na lang mag-isa umuwi."sagot naman ni Dian.

     Hindi naman makapaniwala si Darren sa sinabi ni Dian. "Anong klase bang lalaki yun?"napailing na lang sya. Tapos ay sinulyapan nya si Dian bago nag-patinuna paakyat ng kwarto nila.

     Makalipas ang ilang minuto saka lang lumabas si Dian ng kwarto nya. Naabutan nyang bukas ang T.V. Ang buong akala nya ay nano-nood pa si Darren yun pala ay nakatulog na ito. Marahan syang lumapit dito para kuhain ang remote at patayin ang T.V. Pero natigilan sya ng mapatingin sya sa mukha nito.

     Ngayon lang kasi nya nakitang ganun ka-peaceful ang mukha ni Darren. Ang tangos tangos pala ng ilong nito. Ang kinis ng mukha. Ni wala man lang pimple marks. Walang blackheads o whiteheads. Ang ganda ng shape ng lips sya at mamula mula pa. Hindi sya nakakasawang panoorin. Hindi na nakatayo si Dian sa kinauupuan nya sa tapat ng mukha ni Darren.

     Para syang na-stroke ng bigla na lang dumilat si Darren. Hindi sya agad nakatayo, naroon lang sya gulat gulat na nakatitig sa mga mata ni Darren. Habang si Darren ay nakatitig din sa kaniya. Halos hindi na makahinga si Dian. Matagal silang nasa ganung posisyon. Nang pumasok si Darryl ay doon lang biglang natauhan si Dian. Napaupo ito sa lapag habang si Darren naman ay agad na bumangon sa pag-kakahiga.

     Taka namang napatingin sa kanila si Darryl. Ang naabutan na lang kasi nitong posisyon ay ang pag-pangon ni Darren. Natumba na si Dian nang makita nya ito. "Dian? Anong ginagawa mo diyan?"kunot nuong tanong ni Darryl. Nag-papalit palit ang tingin nya kay Darren at kay Dian na may pag-dududa.

     "Hu? Ah-hinahanap ko kasi yung remote. Nahulog kasi."dahilan nya si Darren naman ay tahimik lang. Lumapit naman sa kaniya si Darryl.

     "Nahanap mo na?"nang makalapit si Darryl ay saka lang tumayo si Darren para lumipat sa loob. Sinundan lang sya ng tingin ni Dian. Hindi naman maiwasang mag-hinala ni Darryl.


***************

     KATATAPOS lang pumiram ni Chairman Jung ng papeles ng pumasok si Manager Kang. Pag labas ng secretary ay doon lang ito lumapit at nag-bigay galang.

     "Manager Kang. Ano nang balita sa dalawa kong apo?"panga-ngamusta nito kanila Darren at Darryl.

     "Kasalukuyan po silang pinalayas sa apartment nila dahil sa delayed nilang bayad. Nakikitira sila ngayon sa apartment ng isang babaeng nag-nga-ngalang Dian Shi."balita naman ni Manager Kang.

     Tumango tango namang nakangiti ang chairman. "Ganun ba?"saad pa nito.

     "Ät nahanap na rin nila ang pinahahanap nyong tao."dugtong pa nito. Tumango lang si chairman. "Pero may problema."äng nakangiting mukha ni chairman ay unting unting nawala. Wala syang ideya sa kung anong bad news na dala ni manager Kang.


***************

     PALABAS na ng school si Darryl ng salubungin sya ni Demi. "Darryl!"masayang tawag nito na ikinagukat naman ni Darryl.

     "Nagulat naman ako sayo!"wika ni Darryl. Ngumiti lang si Demi tapos ay yumakap ito sa braso nya. "Hindi naman siguro magagalit ang girlfriend mo kung sasamahan mo lang akong mag-launch?"kumindat pa ito sa kaniya bago ito hinatak palayo sa school.

     Kumain sila sa isang Korean Restaurant. Halos malula si Darryl sa dami ng in-order ni Demi. Para sa kanilang dalawa ay sobra sobra na ang pag-kain na yun. "Bakit ang dami mong in-order?"takang tanong ni Darryl.

     "Gusto ko lang kasi mag-thank you sayo."änito.

     "Nakailang thank you ka na ssakin. Hindi mo na naman kailangang gawin 'to."wika ni Darryl sa kaniya.

     "Hay! Kumain ka na lang. Ako naman ang mag-babayad ng lahat."ïnis na sabi ni Demi saka sumubo na ng spicy rice cake.

     "Ökay. Sabi mo eh!"nag-simula na ring kumain si Darryl. Makalipas ang ilang minuto pareho na silang nakakaramdam ng busog pero marami paring pag-kain sa harapan nila. Ilang saglit pa ay pareho na silang sumuko sa pag-kain.

     "Grabe! Busog na busog na ko!"hinihimas himas pa ni Demi ang tiyan nya.

     "Sabi ko naman kasi sayo eh! Pano natin mauubos ngayon nyan? Sayang naman!"halos masuka na rin si darryl sa kabusugan. Biglang may naisip si Darryl. "Pwede ko bang iuwi na lang 'to lahat? Para kay-"natigilan sya sa dapat sana ay sasabihin nya. Dapat ay sasabihin nyang "para kay Dian"pero dahil ayaw ni Darryl na mag-isip ng masama si Demi ay iniba nya na lang. "para kay Darren. Sigurado magugustuhan nya 'to lahat."tumawa pa sya ng pilit.

     "Sige. Ikaw bahala."ngumiti naman si Demi tapos ay tinawag nito ang waiter para ibalot ang mga pag-kain.


***************

     PATAKBONG lumapit si Darryl kay Dian ng makauwi ito ng bahay. Kalalabas lang din ni Darren sa kwarto ng dumating sya. "Dian! Dian! May dala ako sayo!ïnilapag nya sa harapan ni Dian ang mga supot ng pag-kain. "Hoy! Darren! Kumain ka rin dito!"twag ni Darryl sa pinsan nya. Taka namang lumapit si Darren.

     "Äno ba yan?"nang ilabas ni Darryl ang dukkbokki ay hindi maiwasang ma-amazed ni Darren. Paborito nya kasi ito. "Öh! Dukkbukki! San galing yan?!ëxcited itong naupo sa tabi ni Dian at walang pakundangang kinuha ang dukkbokki. Nangi-ngiti namang napatingin si Dian sa kaniya.

     "Hay! Ano ka ba! Dahan dahan naman!"saway ni Darryl. Sinulyapan din ni Dian si Darryl sa kabilang tabi nya. Hindi rin nya mapigilang mapangiti dito.  Hindi nya lubos maisip na may ganun ka-wonderful na mga tao sa mundo. Kahit na minsan ay hindi nya maintindihan si Darren at nagugulat sya sa mga sinasabi ni Darryl. Pero para sa kaniya silang dalawa ang tipo ng taong masarap kasama.

     Maya-maya pa ay sabay sabay na silang kumakain. Masaya silang nag-tatawanan. Nang subuan ni Darryl si Dian ay biglang padabog na inilapag ni Darren ang chopstick nya. Napatingin naman sina Dian at Darryl sa kaniya. Tumayo sya sa kinauupuan nya.

     "Busog na ko."uminom ito ng tubig saka lumakad papuntang kwarto.

     Sinundan lang sya ng tingin nila Darryl at Dian. Napaisip naman si Dian kung bakit bigla na lang umalis si Darren. Alam nya hindi ang pag-kabusog ang dahila kung bakit ito umalis. At kung ano man yun. Yun ang gusto nyang alamin.




...to be continue




2 comments:

  1. ang saklap nman ng lovelife ko rito.. haha.. pero i'll make you fall for me darryl.. maghintay ka lang.. hahaha.. masyadong secreto ang buhay ko,ang drama ko lang.. haha.. ang ganda ate..

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    naks! nakakatuwa naman ang moment nio dito.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^