Monday, September 3, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 8 (Part 2)

Chapter eight (part 2)
HellOoo Halloween!


Nagstart na ang Halloween Festival. Lahat ng mga naririnig ko ay mga sigaw ng mga duwag kong schoolmates. Tss! ang duduwag nila, ang cheap cheap ng mga multo at aswang na nanakot sakanila, hinamatay na! Oo, may hinimatay. May heart disease kasi siya eh, at saka ang bilis niyang matakot. Ang nangyare sa nanakot....disqualified na classroom nila.

Tinry kong pumunta sa horror room ng mga ibang room. Ang cheap! hindi ako natakot. Sila ang natakot. Siyempre, anak kaya ni Sadako 'tong kaharap nila. In your face! hahahaha!


Para mas exciting, kada may nangugulat saakin at ako naman ay hindi natakot ay, nagboboo ako doon! Boo! boo! boo! pampababaw ng self-esteem ng classroom.



"WAH!"

"Boo! hindi nakakatakot! boo! boo! boo! losers! boo!" sabay loser sign ko sa multo. Ang reaction naman niya ay malungkot, nalungkot siya. Mwahaahaha! that's it. Be lonelier! lonelier! lonelier!

Ahahaahahahahha! *loud thunder*

Umalis na ako sa room, ang boring. Walang nakakatakot. Pupunta naman ako sa room namin. Baka doon, matakot na ako.

Section F...

Kada may bumubulaga saakin, agad siya tatakbo para sa buhay niya. So, lakad lang ako ng lakad. Mas boring pa ito kaysa sa ibang room. Oh, hindi pala boring kundi, pinakaboriiiiiiiing! boooooooooooooo!

Nasa corner na ako ng room, may nakatayo doon na lalake, Alam ko na ang trick na mga ganyan! boo! 60's!

"Tss! ang boring dito!"

"Aaaanooooooo????"

"Huh? Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!" Napatalon ako sa gulat dahil ang lapit lapit ni slave saakin. Eugh! para siyang nagdrugs! the eyebugs, the dry face, the pale complexion, the thin body at plus ang effect ng fake blood sa mukha at damit niya, para siyang nagdrugs na zombie.

"Natakot ka no?" sabay ngiti niya saakin. Weeeeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiirdddddddddddd! Nakyukyutan ako sakanya kahit mukha siyang Drug pusher! Shie! what's happening to you?! kelangan mo ng doctor! O___o

"Oo! kasi 'yang...'yang.." sabay tingin ko sakanya from head to toe. "Ugh!"

"Hehehehe.....lahat ng mga visitor na napupunta saakin, agad sila napapasigaw kapag nakikita nila pagmumukha ko."

"Kasi mukha kang zombie na nagdudrugs." at nagpout siya. Uwaaaaaaaaaa! nakyukyutan ako!!

"Wag ka nga jan magpout! hindi ka cute!"

"O..o s..si..sige."

"Ayan ka na naman! pautal utal ka! hindi kita tuloy maitindihan!"

"Ga..ganyan ta..talaga a..ako m..mag..sa..l..lita!"

"We need to fix it." lumapit ako sakanya at pinisil mga pisngi niya.

"Ho..hoy! a...anong gi..ginagawa mo?!" at tinulak niya ako ng mahina kaya napaatras ako. Magpasalamat ka, tinutulungan kang hindi maging Mr. utal-utal! Hinimas-himas pa niya pisngi niya. Para siyang.....para siyang..............................bakla.

"Wag mo nga pisilin pisngi ko, kasi gahfksghfksahfahk ako."

"A..ano?"

"Basta!" weeeeeeiiird....

=___=

Umalis nalang ako sa room at pumunta sa library at nagbasa ng horror book. Now, this is not boring!

***

Section A...
Playboy's POV...

"Boo!" tinakot ni Carl ang studyante pero hindi natakot ang student, wala siyang kareareaction.

"Haaaaay, alis na nga tayo dito, wala namang nakakatakot dito eh!"

"Oo nga, doon nalang tayo sa Section F. Balita ko may tao doong mukhang zombie talaga."

"As in? let's go!" at umalis na ang dalawang magkaibigan.

Sinarado ni Eclaire ang pintuan ng classroom at umupo nalang siya sa table's teacher. Tiningnan ko si Carl kung gusto niyag umupo sa tabi ko, uupo nalang siya sa tabi ko.

"Haaaay! kainis! walang natatakot sa atin! wala na tayong pag-asang manalo sa Halloween Festival! Urgh! t*ng*nang principal na'yan. Nagheld pa siya ng Halloween Festival na walang kakwenta kwenta!" at sinipa niya ang upuan na malapit sakanya.

Tss! siyempre, sinong hindi matatakot sa section namin na walang kaeffort-effort sa props at effects? Well, as you can see, dito sa section namin ang mga sipsip na mga tamad, matatalinong mayayaman, at mayayamang katulad ko.

Dahil ang dami-daming tamad dito, hindi sila pumasok ngayon at kahapon. Pumunta nalang sila sa mga beach at mall.

Isa ako sa mga tamad dito. Ayoko pumasok pero pinilit ako ng matandang hukluban na 'yun! Ang ginawa ko lang dito ay umupo at tingnan ang mga mukha ng mga schoolmates ko na nabobored, dahil doon, nabored rin ako.

Ang present ngayon ay si Carl, pinilit rin siyang pumasok at pinilit rin siyang magpanggap bilang multo, at present rin dito si Eclaire, ang pres. ng classroom, Nagpanggap siyang bilang white lady pero walang natakot sakanya.

"Kasi ang pangit ng paraan mo kong paano tumakot ng tao. 'Yang "boo" na 'yan, tsk, tsk, tsk, ginagamit 'yan kung paano magpababa ng self-esteem ng tao."

"Tumahimik ka nga jan! dapat hindi ako pumasok! dapat nagcutting nalang ako! ang boring! nakakapagod!"

"Kasalanan niyong lahat dahil mga tamad kayo."

"Look who's talking!?"

"Hey!" sabay suntok ni Eclaire sa table.

"Ano bang nasa Section F na 'yan at ang daming sumisigaw....."

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"Like that." sabay turo ko sa labas ng bintana.

"Ahhhhh, pumasok kaya ako doon kanina! swear pare! natakot ako sa sinasabi nilang zombie!" sabay yakap ni Carl sa sarili niya may tremble temble effect.

"Para kang bakla!"

"Basta! mababakla ka doon pare!"

"Ano palang itsura ng zombie?"

"Basta Eclaire, hindi ko kayang iexplain! para siyang...para siyang.....zombie na payat na payat dahil sa drugs."

"Ano? zombie na ngdudrugs?"

"Hindi siya nagdudrugs! mukha siyang nagdudrugs!"

"Haaaay, dapat na hindi tayo matalo ng Section F, it's a disgrace in our section."

"Eh anong gagawin natin?"

"There's only one way." at nagtinginan ang dalawa. Mukhang naiitindihan nila ang isa't isa. Tinawag ni Eclaire ang mga bodyguards niya, si Carl naman ay kumuha ng baseball bat. I have a bad feeling about this. Agad nakarating ang mga bodyguards ni Eclaire na may dala dalang baseball bat. Tumayo na si Eclaire at tiningnan niya ako.

"Ayaw mo?"

"Sasama ako pero wala akong gagawin doon, gusto ko lang manood."

"Okay." at sabay-sabay kaming umalis sa room.

Section F
Narrator's POV...

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" agad tumakbo paalis sa room ang dalawang babae. Ngumiti si Allison dahil nararamdaman niya na mananalo ang section nila sa Halloween Festival.

"Magkakaroon ka pala ng kwenta Nerdo!" sabay tapik ng bago niyang kaibigan na si Andrei sa balikat niya. Nginitan nalang siya ni Allison.

"Sa wakas! we can prove to the school na hindi tayo loser, bobo at tamad." sabay pat ni Chiichii sa ulo ni Allison.

"Yeah."

"No, you'll not." napatingin sila kay Eclaire na may dala-dalang baseball bat at paint sa likod naman niya ay sina Ethan at Carl at ang mga bodyguards. Napagulp nalang si Chiichii dahil masama ang kutob niya kay Eclaire.

"Ho..hoy! anong gagawin niyo?!"

"This!" at sinira ni Eclaire ang plywood ng room nila.

"Hey!" at nakisira narin ang mga bodyguards ni Eclaire at si Carl  sa mga ginawa ng section nila para sa festival, Ethan is just leaning on the wall watching the room being destroyed.

Pinipigilan nina Chiichii at Andrei ang mga bodyguards pero tinutulak sila. Inagaw ni Chiichii ang bat kay Eclaire at tinapon palabas sa window at sinabunutan niya si Eclaire. Sinubukang pigilan ni Allison si Carl pero tinutulak lang siya. Don't call him gay, sadyang hindi siya marunong makipagsuntukan.

Nang mainis talaga si Carl kay Allison dahil epal siya ay kinwelyuhan niya si Allison at aakmang susuntukin niya siya pero may humawak sa kamay niya.

"Get your hands of my slave! you freaking jerk!" at binitawan ni Sadako ang pagkakakwelyo ni Carl kay Allison at pumagitna siya kina Allison at Carl.

"Umalis kayo...."

"Gusto mo nang...."

"UMALIS KAYO!" natakot si Eclaire sa pagsigaw ni Sadako,agad siyang umalis sa room kasama ang guards pati na rin si Carl. Nang paalis na si Ethan sa room ay tiningnan niya si Sadako.

"Oh anong tinitigin-tingin mo jan? alis!" at umalis na si Ethan.

"They will be cursed!"

"Pero hindi ka naman....."

"Aish! nakakasira ka ng scene!"

"E...eh?"

"At saka, ang bakla mo! kalaki-laki mong tao, hindi ka marunong makipagsuntukan! oh wait, ang payat mo pala! dapat kumain ka everyday! para namang may laman ka at may laman ang suntok mo! leche!" at nagstomp si Sadako.

Ngumiti si Allison at bigla nalang niyang niyakap si Sadako na siyang ikinagulat ng lahat pati na rin si Sadako.

"Thank you." biglang namula si Sadako at pumiglas siya sa yakap ni Allison.

"You....you...you'll be cursed!"

"Hindi ka naman..."

"Basta! urgh! just.....tulungan niyo na lang akong linisin 'tong room na 'to."  at nagsimula silang linisin ang room.

***

Sadako's POV...

"And the winner for the horror festival is.......................................................III-Year F!" at nagsipalakpakan ang mga students. Pumunta sa stage ang buong section F except me (baka hindi na pumalakpak ang mga students dahil saakin) at kinuha ang award.

"Zombie! zombie! zombie!" napatawa ako tuloy. Naging sikat kasi si Allison dahil sa pagpanggap niyang bilang zombie.

Siyempre, magpasalamat sila saakin. Kung hindi sa pagmumukha kong 'to *ehem* *ehem* ay hindi kami mananalo.  Well, nagparticipate kasi ako eh, nakakaawa naman sina Chiichii, Andrei at Allison.

Good news! naging kaclose ko sina Chiichii at Andrei! They like the same things I like! Yipee! we're gonna be friends! oh yeah!

This Halloween is my best day ever kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan, nanalo ang team namin at......ugh! hindi 'yun kasali no!



2 comments:

  1. ~angel is luv~

    natatawa ako sa batuhan ng linya dito. zombie na payat dahil nakadrugs! LOL

    ReplyDelete
  2. █▀█ █▀█ █▀ █▄▀
    █▀▄ █▄█ █▄ █▀▄

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^