Friday, September 7, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 9

Chapter nine:
Sadako's Ultimate Haters Club


Haaay, what a morning! Mas naging weird ngayong araw na'to, kasi, habang may nadadaanan ako na mga students ay agad sila saakin titingin from head to toe with disgust written on their face at agad sila magbubulungan. Tss! mga bubuyog.

At saka kapag magbulungan sila, agad mo maririnig. Bulong ba tawag doon ha? mga bobo! I'm in the library ryt now, nagbabasa ng horror para makalimutan ko ang mga bubuyog na iyon. Hindi ko kasama si slave kasi nag-absent siya, nilagnat daw. Kasinungalingan! sabihin niya ay tinatamad lang siyang pumasok, oh wait! nerd pala siya. Ang sabihin niya ay tinatamad siyang pag-utusan! hmf!

Magpasalamat siya nandito sina Chiichii at Andrei, kung hindi. Susugod ako sa bahay ni slave at kakadlakarin ko siya dito.

"Hello Sadako!" napatingin ako sa tumawag saakin, it's Chiichii, kasama niya si Andrei.

"Oh, Chiichii, Andrei!" Sinara ko muna ang libro at kumaway sakanila. Pumunta sila sa malapit na upuan saakin at umupo.

"Anong binabasa mo?"

"Horror."

"Oh! ngayon ko lang 'yan nakita ah! bago 'yan? bago?"

"Ay hindi, hindi tss! kitang kita nga sa cover na bago 'to, tinatanong mo pa!"

"Philosopher mo eh no?"

"Whatever!" at nagsimula na akong magbasa ulit.

"Sadako, Sadako, alam mo ba ang mga kwentong chalkdust tungkol sa iyo?"

"Ahhhh, matagal ko nang alam na pinagkakamalan akong mangkukulam."

"Hmmm, may connection doon."

"So? ano?"

"Sinasabi raw nila na kinulam mo si Carl kasi hindi raw siya pumasok ngayon dahil nagkaroon siya ng Asthma after nang hinawakan mo ang kamay niya."

"Me? kinulam si Carl? Hahahaahahahahaha! sana...sana..."

"Huh? bakit ka tumatawa? anong nakakatawa doon?"

"Pati na rin ikaw naniniwala doon? mukhang nakakalimutan niyo na ang tinuturo saatin sa Science dahil saakin."

"E...eh?"

Sinarado ko ang libro ko at inayos ang pagkakaupo ko at sineryoso ang expression ko.

"Nagkaroon ng Asthma si Carl dahil palagi siyang nagsisigarilyo! hindi niyo ba napapansin kapag nakikita niyo siya? parati siyang nagsisigarilyo duh?!"

"Ay oo nga no! tanga talaga ng mga gumawa sa rumors na 'yun eh no?"

"Hmmmm, maybe! kasi, kung hindi niya iyon ginawa, I wouldn't have this kind of life! thi...this is good!"

"What?! perpekto ba ang buhay na walang mga kaibigan, kinamumuhian ng mga tao at kinatatakutan?"

"Yes! so, mauna na ako sa inyo, babye!" at umalis na ako sa library. Pefect naman ng buhay ko ah! kahit wala akong kaibigan, okay lang! kasi libre lahat ng mga nakukuha ko! isn't that perfect?

Habang may nadadaanan ako na mga students, agad sila magbubulungan tungkol sa pagkulam ko kay Carl. Hayyy! alam nga ng buong school na nagsisigarilyo siya na saakin pa ibablame ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng Asthma. Like, haller! ano pala ang use ng itinuro sa atin sa Science? sabagay, hindi naman sila nakikinig, kasi bising busy sila sa mga FB, Tumblr at Twitter.

As revenge, kapag may naririnig ako na nagbubulungan tungkol saakin, agad ko sila tititigan for 3 seconds. May rumor tungkol saakin na kapag tititigan ko raw ang isang tao for 3 seconds na magkakaroon sila ng lagnat. Ginawa ko 'yun sakanila, para naman sila manahimik at magkaroon ng lagnat bukas...pero joke lang, hindi sila magkakaroon ng lagnat, coincidence lang kung magkaroon sila ng lagnat bukas. pero......sana! bwehehehe! *loud thunder*

Pumasok nalang ako sa classroom at hinintay ang professor. Lahat ng mga malapit saakin, agad lumayo saakin. Naging mas extra careful sila saakin ngayon, di dati, okay lang na malapit saakin, ang importante, hindi ko sila mahawakan.

Well, like the hell I care! pake ko kung lumayo sila saakin, mas maganda pa nga eh! nakakairita kasi ang mga mukha nila at ang baho baho ng kilikili nila kapag itataas nila kamay nila. Eugh!

bell rings...

"G...good mo..morning c..class..."

"..." walang sumagot sakanya, patuloy paring nagchichismisan ang mga studyante tungkol sa crush nila, at tungkol sa g*gong playboy na 'yun! bakit pa siya pinag-uusapan? gwapo lang naman siya eh! yun lang! anong magandang pag-usapan doon?

"C...class, su..surprise quiz ngayon."

"Ehhhhhhhhhhhh?!" I don't care! excempted naman ako ah! There's only one thing to do, give him the stare. Binigyan ko ng death glare ang teacher, siyempre, nanigas siya sa takot.

"E...except si...si..Ms.Su...Suliman."

"Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh?!" lahat sila tumingin saakin, binigyan ko sila ng behlat. Bleeeh! :P that's what you get! karma niyo 'yan! bwahahahaha!

Ngumuso nalang sila at kumuha ng one-half crosswise. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Ang dami daming ulap. Iba-iba ang shape at laki. Tumingin ako sa baba, may nakita ako na mga bata na naghahabulan. Nakakainggit sila. Noong bata ako, nakakulong lang ako sa kwarto kasi palagi akong nagkakasakit. Hindi na ako nakapaglaro ng mga outdoor games. Hayyy!

Kinuha ko nalang ang libro namin sa literature at nagbasa nalang ng libro.

Sa gym...
Narrator's POV...

*pants*

"Asaan na sina Pedro? Hayyy! kakainis sila! iniwan nila akong mag-isa sa classroom! hindi ko pa naman 'to memorize!"  sabi ng lalake habang nakayuko.

Tumayo ulit siya at tumakbo sa paligid sa loob ng gym. Habang hinahanap niya sa pedro ay nakita niyang nakabukas ang locker room ng mga lalake at nakabukas pa ang ilaw. Nagtaka siya kasi kapag hindi ginagamit ang gym, nakaclose ang locker room at hindi nakabukas ang light. Naglakad siya papunta sa locker room at pumasok doon.

Nahanap niya doon ang mga kaibigan niya na may kasamang maraming students (including girls)mula sa iba't ibang year and section. Nabigla siya kasi kung anu-ano ang nasa isipan niya.

"Gu...guys!"

"Good! we need a new member in our club."

"Club?"

"Yes, club." pumunta sakanya ang lalake at tinapik niya siya sa balikat.

"Welcome to Sadako's ultimate haters club. Lahat ng mga miyembro dito ay galit na galit kay Sadako, maybe, kasali ka doon?"

"O..oo! dahil sakanya, nagkaroon ng sakit si itay." at nagsmirk ang lalake.

"Good."

"A..anong ginagawa niyo dito?"

"Nandito kami para magplano kung paano ipatapon si Sadako." Nilock nila pinto at nagsimulang magplano ulit.

Uh-Oh, Anong plano nila?

Sadako's POV...
                                                                                                                                        
Bakit biglang lumamig ang kapaligiran? 




2 comments:

  1. nKkaiNis uNg mGa haTeRs na un,, wLa nMn basEhan pRa sisiHin s sAdaKo.. MGa ePaL LnG tLGa,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^