Chapter ten:
Ipatapon Si Sadako!
Uhhhhhhhh, ang weird ngayong day
na'to. Mas weird keysa sa kahapon. Habang may nadadaanan ako, agad sila
ngingiti. Ewan ko, anong dahilan. Wala namang nagbago saakin ah! at saka wala
namang tao na ubod ng ganda at gwapo sa likod ko habang naglalakad ako.
As usual, automatically, magbubulungan sila. Ay hindi pala, nagpaparinig pala. Ang weird doon sa
pagbubulungan nila ay ang pinagsasabi nila like
"Sa wakas! mawawala na si
Sadako!"
"Finally! these days will
end." paenglish 'teh? english?
Ewan ko kung bakit ganun ang
palagi nilang sinasabi. Hindi naman kami lilipat sa ibang planeta. Orrrrr....oh
no! baka, may papatay saakin. Haha! imposible! kung may papatay saakin, siya ang
mauunang mamamatay dahil sa heart attack.
Nandito ako ngayon sa classroom,
nagbabasa ng horror book at hinihintay si slave. Hinihintay ko siya hindi dahil
sa gusto ko siyang makita (like ugh! ang payat niya kaya at ang ugh! panget!)
ang dahilan ay pagkapasok niya sa classroom ay agad ko siyang masasakal.
"Ehehehe....hehe....hehehehehehe.....hehehehehehehehhe....."
Habang nagbabasa ako ng libro at ang mga classmates ko ay nagchichismisan
tungkol sa playboy na 'yun at tungkol kay Carl (Magpasalamat siya, naging
instant celebrity siya dahil saakin.) ay nabuksan ang pintuan at nakita ko na
pumasok na si slave.
I closed my book and....
"Slaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaave!"
"S...Shie!"
"Arggggggggggggggggggggggggggggghhhhhhhhhhh!"
"A....a....hi..hindi ako makahinga!"
"How could you?!"
"A...A...A..." Woah, nagiging blue na mukha niya. I
stopped strangling him then he coughed for 1 minute. Malakas ba talaga ako
sumakal o sadyang mahina si slave?
"Oh tapos ka na ba jan sa ginagawa mo?"
"Hey! don't you know that I have sensitive neck?!"
"No, hindi mo saakin sinabi eh."
"Hayyy...makaupo na nga."naglakad nalang siya papunta sa
upuan niya at umupo na then pinatong niya ulo niya sa kamay niya, bumalik na
rin ako sa upuan ko at tiningnan siya.
Halatang hindi siya nakarecover,
namumutla siya at the same time pinapawisan, ang pula ng ilong niya na kulang
nalang na maging clown siya, nanginginig mga kamay niya sa lamig, at ang
expression niya, ang lungkot, oh! at ang itsura niya, gulo ng buhok niya,
mukhang retarded.
"Bakit ka pa pumasok na alam mo naman na hindi ka
nakarecover?"
"I don't want to skip lessons."
"Hayyyy, ano ba ang pag-aaral sau? drugs? dapat binabalanse mo
pag-aaral mo sa...health mo. Halika na nga, magcutting tayo." hinatak
ko siya papunta sa isang place kung saan may fresh wind at medyo mainit...ang
rooftop.
"He..hey! a..ayoko ma...magskip!" I stopped walking and
gave him a death glare. Siyempre, natakot siya kaya sumama nalang siya saakin
papunta sa rooftop.
rooftop...
"Brrrrrrrr! a..akala ko, ma..magiging O..oK ako di..dito pe..pero
pa..parang mas..mas lu..lumala sa..sakit ko!" sabi niya habang
nanginginig. Yakap yakap niya sarili niya habang naginginig, pati legs niya
naginginig.
"Ewan ko, kung tatawa ba ako dahil jan sa panginginig mo o maawa
sa'yo?"
"Bu..bumalik na tayo!"
"Basta! magexercise ka para pawisin ka, para mawala agad sakit
mo!"
"Ehhhh?te..teka...ang...init! *binuksan niya ang jacket niya* ang lamig! *sinarado niya jacket niya* teka, ang init *binuksan niya ang
jacket niya* ang lamig! *sinarado
niya jacket niya*" so on and so
forth. Napafacepalm ako dahil sa ginagawa niya. Binatukan ko nalang siya para
manahimik siya.
"A....aray!"
"Hayy! ang weird mo! umupo ka nalang jan!" umupo siya
agad malapit sa pintuan. Pumunta ako sakanya at umupo sa tabi niya, hindi yung
magkadikit kami, mga ilang inches lang nag nasa pagitan namin.
Tiningnan ko siya, yakap yakap
niya sarili niya at naginginig siya. Grabe, para siyang may malalang sakit,
lagnat lang naman yun eh! sabagay, ang payat payat niya at hindi siya immune
dahil sa kaaaral, hayyy, inabuse na niya talaga ang pag-aaral.
"May lagnat ka ba o may malala kang sakit?"
"La..lagnat! brrr!"
"Tss! eh parang may malala kang sakit eh!"
"Fi..first t..time kong....ma..magkaroon
...ng..ng..la...lagnat."
"Ohhh! mawawala rin 'yan!" at binatukan ko siya sa likod.
"Aray! don't you know that I have sensitive back?!"
"Hindi"
"Hmf!" then we didn't talk with each other. Tinitingnan
lang namin ang mga ulap na gumagalaw dahil sa wind at ang mga ibon na
lumilipad. Suddenly, I feel, parang may nakadikit saakin na nakakanginginig.
"Huh? ba..bakit ako nanginginig?"
"Brrrr....."
"Ahhh!" at tinulak ko siya kaya natumba siya, dahil doon,
agad siya nakabangon.
"Hey! don't you know I have sensitive head?!"
"Well....hindi.."
"Hayyy! ang lamig!" umupo siya ng maayos at niyakap niya
sarili niya, nagsimula na naman siyang manginig. Weird niya eh no?
"Ang weird ngayong araw na'to! kapag may nadadaanan ako, agad sila
ngingiti at magbubulungan, ewan ko nga anong dahilan eh?!"
"At..at automatically na magbubulungan sila!
ay hindi pala, nagpaparinig pala sila! pinaparinig nila, na mawawala na
raw ako, hindi naman ako aalis dito ah! huh?" Tiningnan ko si slave, natulog na pala siya.
Tss! meaning, wala akong kinakausap?!
Habang minamasdan ko ang nasa
itaas ay parang may nakapatong sa braso ko. Tiningnan ko kung ano at nakita
kong si slave ay natutulog sa braso ko. I tried to push him pero nang hinawakan
ko ulo niya...naramadaman kong ang init init niya. I don't know, pero, hinayaan
ko nalang siyang matulog sa braso ko. Naaawa ata ako sakanya.
***
"Aray! ang bigat pala ng ulo niya, punong puno ng knowledge!"
habang naglalakad ako papunta sa classroom ay minamasahe ko ang braso ko na
tinulugan ni slave at.....nilawayan niya..eww! nakakaderder!
As usual, lahat ng mga nadadaanan
ko ay ngingiti at magpaparinig, iba na ipinaparinig nila saakin. Ipinaririnig
nila saakin na ngayon na raw ako mawawala, wow! may death note kayo? tss!
Pumasok na ako sa room at nagulat
ako sa nakita ko.
"Sadako...."
A bunch of students is in our
room....lahat sila, may dala-dalang weaponry (hindi baril ang dala nila, hindi
'to action) at lahat sila nakasuot ng t-shirt with my face on it with banned
sign on it, katulad ng sa mga no smoking sign at nasa baba nito ay may nakasuot
na "Ipatapon Si Sadako!" at lahat sila nakanecklace ng onion.
"Just by looking at us, mukhang alam mo na kung ano ang gagawin
namin diba?"
"Now I know kung bakit lahat ng dinadaanan ko ay agad ngumingiti
at agad nagpaparinig saakin na mawawala na raw ako."
~angel is luv~
ReplyDeletelahat na lang yata sensitive sa kanya. haha, pero kawawa naman, nilalagnat ee..
ang ganda-ganda talaga! enjoy basahin!!..~~ ❥ ✔ ❥ ✔ ❥ ✔ ❥ ✔
DeletekeEp strOng sAdaKo,, kpaG pinAtapoN k nLa, aq nMn ang mgpPtaPon skniLa,, hwEHeHe,,,
ReplyDelete