Sunday, September 9, 2012

A Fan Girl Story: Finale

FINALE
MIGS M[P.O.V]

     HINDI pa talaga nadala 'tong si Annika! Ngayon naman gusto nyang pumunta ng Singapore para ulit sa show ni Nikko. Bakit ba may mga martir na tao sa mundo?!


     "Migs, kung hindi ka lang naman busy nun samahan mo naman ako."


     "Hindi ka pa nadala sa Dubai gusto mo pang mag-Singapore? Bahala ka. Ubusin mo sarili mo. Isang araw magigising ka na lang pudpud ka na. Wala ka nang ibibigay."bahala sya kung na-gets nya yung ibig kong sabihin o hindi.


     "I'm sure naman wala nang babae dun sa Singapore. At kung meron man nakahanda na ko."


     "Busy ako Annika. Nakaya mo nga mag-isa sa Dubai diba? Kaya mo rin yan sa Singapore."hindi sa ayaw ko samahan si Annika. Ayaw ko lang kasi makita nanaman syang umiiyak at nasasaktan matapos nyang mag-effort para lang kay Nikko.


     "Ganun ba? Okay."sabi nya sa malungkot na tono. Ayaw kong mag-padala sa lungkot nya. Kailangan kong umiwas dahil kung hindi ang ending nanaman nito ay ako ang talo.


     "Oo ganun. Sige na. May duty pa ako eh. Kita na lang tayo bukas. Bye."kumaway lang sya sakin na may malungkot na mukha. Mahirap mang iwan sya sa ganung kalagayan pero wala akong magagawa. Ayaw kong mapa-oo nya nanaman ako.



ANNIKA [P.O.V]



     PANO ba yan? Hindi pwede si Migs. in short ako nanaman mag-isa ang ba-byahe papuntang Singapore. At ang paalam ko nanaman sa magulang ko may seminar akong pupuntahan dun. Basta mga ganyang bagay madali lang para sa mga magulang ko. Pero kung iba na walang koneksyon sa pag-do-doktor. Naku! Wag na nating asahan pang papayag sila!


     Anyway~going back. Bahala na nga. Kabisado ko naman ang Singapore eh. Alam ko naman ang pasikot sikot dun. Isa kaya yun sa paborito kong pasyalan kapag gusto kong mag-out of the country. 


     By the way, alam na kaya ni Nikko na pupunta ako sa Singapore? Kasi natanong na ako ng secretary nya at nasabi kong oo. Hindi naman ako nag-e-expect na sasabihin nya kay Nikko, pero sana sabihin nya. Hehe. Oh-speaking!



[tumunog ang cellphone nya. 
tawag galing kay Nikko.]



     "Hello?"sagot ko sa tawag.


     "Annika? Pupunta ka daw sa Singapore?"


     "Oo. May seminar din kasi ako dun. Naisipan ko na ring pumunta sa show mo."dahilan ko lang yun syempre.


     "Galing naman ng timing! Sige! I'll see you there hu!"


     "Okay."


     Tumawag lang sya para dun? Ni hindi man lang nya ako kinamusta after ng Dubai? Ano ba naman yun?! Kainis sya! Bakit ba sya ganun? Bakit ba ang manhid nya? O talagang magaling lang ako mag-tago ng feelings ko sa kaniya? Galing ko ba talagang actress? Nikko Yang! Kung alam mo lang!


     Hirap naman! Tago na nga ang ginagawa ko sa mga parents ko pati ba naman sa nararamdaman ko kay Nikko tago din? Mag-tago na rin kaya ako para wala nang problema. Ewan!



[SINGAPORE]



     NAG-DADASAL ako ngayon na sana walang mang-yaring hindi maganda ngayon. Sana puro positive lang lahat ng mang-yari. And please! Ayaw ko nang umiyak no! Tama na! Nikko! Wag mo na akong paiyakin pa! Please!


     Ready ko na ang sarili ko. Baka naman kasi biglang ayan nanaman eh. Kararating ko lang pero diretso na agad ako ng show ni Nikko. Inihatid ko lang mga gamit ko sa Hotel. Medyo malapitlapit lang din naman sya eh.



[Tawag galing kay Nikko]



     "Hello?"


     "Annika? Nasan ka na? Dito ka na ba sa Singapore?"


     "Yup. Kararating ko lang. On the way na rin ako sa venue ng show mo. Dumaan lang ako sa Hotel para ibaba yung mga gamit ko."


     "Wala ka pang pahinga. Sigurao ka bang okay lang sayo pumunta kahit pagod ka?"


     I appreciate your concern Nikko. Thank You. Pero hindi ko masasabi sa kaniya yan no! "Oo okay lang ako. Kita na lang tayo diyan! Bye!"


     "Okay bye. Text ka kung nan dito ka na."


     "Okay."pansin ko lang nagiging sweet si Nikko sakin. Assuming nanaman ako! Wag ka na umasa! Mga magagandang babae ang trip nya! Eh pero sinabihan nya naman akong maganda diba? So, trip nya rin ako? Hay! Para akong baliw! Humihingi ng opinyon sa sarili ko!



[VENUE OF NIKKO's SHOW]



     Nakarating na rin ako. Ma-text na nga si Nikko.


"Nikko, dito na ko sa entrance ng bar."


     In fairness marami ding manunood hu! At may mga pinoy din! Marami din palang A+ dito sa Singapore? Ang galing naman! Magandang photos ang makukuha ko nito mamaya. Makakuha na nga ngayon.


     "Annika!"tawag sa likuran ko. Pag-lingon ko si Nikko pala. 


     "Nikko!"and guess! Nakasuot nanaman sya ng sumbrero! "Bagay talaga sayo naka-sumbrero."ops! Sorry! Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko na wag sabihin yun. Sobrang namamangha kasi talaga ako pag nakikita ko sya sa ganung ayos.


     "Talaga? Bakit?"gulat nyang tanong. At kailangan kong sagutin yun.


     "Mas mukha kasing nagiging ikaw kapag nakasuot ka nyan."totoo naman. Mas nakikita ko yung totoong Nikko Yang pag naka-sumbrero sya. Yung Nikko Yang na talented.


     "Ganun ba?"nakita ko ngumiti sya. Pero hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng mga ngiting yun. Kung ngiti ba yung kumbinsido sya o ngiti na tinatawanan nya ang sinabi ko. Kung ano man yun bahala sya. Basta sinabi ko kung bakit gusto ko na naka-sumbrero sya. "Tara! Papakilala kita sa mga kaibigan ko sa loob."


     Ayan nanaman yung pakilala at kaibigan na yan! Sigurado ako babae nanaman yan. Ngayon pa lang parang gusto ko na maiyak eh! Kailan ba mauubusan ng kaibigang babae 'tong si Nikko?


     "John! Pat!"narinig ko na tawag nya sa dalawang lalaki na nakatayo sa di kalayuan. Lumapit ang mga ito ng tawagin nya.


     "Pare, ano yun?"sabi ng isang naka-blue na polo shirt at yellow na pang-ilalim na damit.


     "Si Annika nga pala! Kaibigan ko. Kararating lang nyan galing Pilipinas pare!"pag-yayabang sakin ni Nikko. Ang sarap pakinggan ng sanabi nyang yun. Kaibigan? Sana nga.


     Hinahanap ko kung may babae silang kasama pero hanggang sa makapasok na lang kami sa waiting room ay wala akong nakita. Salamat naman no!


     Masaya kaming nag-ku-kwentuhan ng biglang pumasok na ang isang nag-ma-manage kay Nikko. Napatingin sya samin nila John at Pat bago sya nag-salita. "Pwede lumabas muna kayo? Para sa amin lang kasi yung pag-uusapan namin eh."


     Ouch! Nasaktan naman ako dun. Lalo na nang makita ko kung paano nag-tawanan yung ibang staff sa sinabi ng babae. Nilingon ko si Nikko wala man lang syang reaksyon. Masakit talaga yun ah! Para akong biglang naumpog sa pader. Lumabas kami nila John at Pat na parang wala lang kay Nikko. Ni hindi man lang nya kami sinundan para humingi ng pasensya sa ginawa ng manager nya.


     Walang hiya ka Nikko! Nag-effort ako! Tapos ganito nanaman? At mas masahol pa! Hanggang kailan ba ako ganito? Hanggang kailan ba ako mag-papakatanga? Hanggang kailan mo ba ako pahahalagahan? Ako na lang ang laging nag-bibigay sayo! Ako na lang lagi ang nag-papakumbaba. Simple lang naman ang hinihiling kong kapalit eh. Yun yung mabigyan mo rin ako ng importansya. Pero tanga nga talaga yata ako. Martir nga talaga ako. Umasa kasi akong ikaw na eh. Tanga ko!



[START OF THE SHOW]


     Buti na lang nakasama ko sina John at Pat. Kung hindi, mukha na talaga akong ewan.


     Enjoy silang kasama. Sobrang gentleman nilang pareho. They really taking care of me. Dun ko lang naramdaman na may ibang tao palang nag-papahalaga sakin. Dun ko lang naalala kung gaano ako kahalaga kay Migs. Dun ko lang na-realized kung bakit lagi syang nabi-bwisit sa tuwing yayayain ko sya sa mga shows ni Nikko. Dahil sya mismo nakikita nya kung paano ako baliwalain ni Nikko. Parang biglang naging malinaw sa akin ang lahat. Bigla kong naintindihan kung saan ako dapat na lumugar. At hindi yun sa tabi ni Nikko.


     Nagising na ako sa katotohanang wala talaga kaming pag-asa. Ayaw ko na. Tama si Migs. Inubos ko yung sarili ko. Kaya ngayon wala na akong maibigay. Pigang piga na ko. Pagod na pagod na ko. At this point na-realized ko na tama na.


     Para din palang psychopath serial killer ang mag-mahal sa taong hindi ka kayang mahalin no? Kasi hindi mo alam at hindi mo na-re-realized agad na unti unti ka na pala nyang pinapatay. Hanggang sa huli malalaman mo na lang katapusan mo na pala. Tama na nga. Kung ano ano na ang naiisip ko.


     Hindi na ko umiyak. Wala na namang iiiyak eh. Drain na ko eh.


     "Annika, tara. Sa harapan na lang tayo umupo. Crowded masyado eh. Sa lapag na lang tayo umupo. Okay lang sayo?"nagising ang diwa ko nang mag-salita si John.


     "Okay lang."umupo nga kami sa lapag sa harapan. Wala na rin naman kaming mauupuan eh. Start na ng show lumanbas na si Nikko. Wala nang dating sakin kung nakasuot man sya ng sumbrero sa show nya ngayon. I don't care anymore.


     Nang makarating sya sa harapan nakita ko nagulat sya ng makita nya kami ni John na nakaupo sa harapan. Pero dedma na ako. Inirapan ko sya at masaya kaming nag-kwentuhan ni John at Pat. Buti na lang talaga nan dun sila. Bahala na sya sa buhay nya basta ako mag-e-enjoy ako!



[END OF THE SHOW]



     SALAMAT, natapos din ang show. Kaya lang nag-yaya pa sila sa ibang Bar. Yung babaeng manager kanina na nag-sungit samin sya naman ang nag-yaya samin ngayon. Pumayag naman sina John syempre kasama ko sila at sinamahan nila ako all through out the show its time naman na ibalik ko yung kabaitan nila. In short sumama na rin ako kahit na ayaw ko.


     Nasa labasan na kami. Nauna yung ibang staff.


     "Annika, sabay ka na sakin. Kami lang naman ni Reggy at Mica sa kotse eh."yaya ni Nikko sakin. No way! Ayaw ko sumabay sayo! Kung dati I'm dying to say yes. Ngayon hindi na!


     "Hindi, kanila John ako sasabay."mataray kong sagot. Bakit? Sino ba sya?


     "Okay."matipid na sagot ni Nikko. At ang kapal hu! Bigla ba naman tinawag yung mga girls na kausap nya kanina at yun ang niyaya sa sasakyan nila. At umalis sya na hindi man lang lumilingon samin. Wala talaga syang pakialam sa mga tao kahit na may nasasaktan na sya o wala. Bakit sya pa?!



[NEW BAR]



     ILANG minuto lang nakarating na kami sa nilipatang bar. Maganda naman sa lugar. Pero marami ring tao. Bar and Restaurant sya kaya dun na rin kami kumain. Kinuhaan ako ng picture ni John gamit yung DLSR camera nya. At kinuhaan din kaming dalawa ni John ni Pat. Enjoy na sana eh. Okay na sana kaso lumapit nanaman 'tong si Nikko. At kinuha pa ang camera ni John. 


     "Ayos 'tong camera mo ah. Ang ganda."sabi nya. Tapos nag-simula na syang kumuha ng pictures.


     Hindi talaga ako lumilingon sa bawat kuha nya sakin. Ilang beses nya ako kinuhaan pero hindi talaga ako lumilingon. Ayaw ko nga. Wala ako sa mood ngayon kaya tumigil sya.


   Party party na. Makikipagsayaw na lang ako kanila John. Gusto kong makalimot na tungkol kay Nikko.



    Nagulat ako nang makita ko sya na na dun din. Nakikisayaw sya sakin pero tinalikuran ko sya at kay John ako humarap. Sinulyapan ko sya nakita ko dumiretso na lang sya sa mga babae. Wala na akong pakialam kung makipag-landian pa sya sa mga yun! Bahala na sya!




     Maya-maya pa nag-yaya na akong umuwi. Buti na lang pumayag din sina John at Pat. Nag-paalam sila kay Nikko pero ako hindi na. Dumiretso na ako sa labas. Dito ko na lang sila hihintayin. Pero nagulat na lang ako nang makita ko si Nikko na kasabay nila palabas.




     "Annika. Hatid na kita."presenta ni Nikko. As usual. Tumanggi ako.




     "Hindi na. Kasabay ko naman sina John eh."walang gana kong sagot. Hindi ko na sya tingingnan pa.




     "'K."walang gana din nyang sagot. Hindi ko alam kung para saan ang mga ngiting yun ni John ng tingnan nya si Nikko. "Ge, pare. Ingat na lang."yun lang tapos umalis na sya. Ni hindi man lang sya nag-pasalamat sakin o kay John. Antipatiko talaga! Nakita ko natatawa na lang na napailing si John.




     "Bakit?"tanong ko.




     "Wala."natatawa paring sagot ni John.





[AFTER SINGAPORE]





     After Singapore incident hindi na ko nag-pakita pa kay Nikko. Hindi na rin ako naging active sa website at sa A+. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa mga plano ko sa buhay. Sa career na gusto ko. Wala na rin akong balita pa kay Nikko.




     May mga times na nag-te-text sya. Niyayaya nya akong mag-lunch pero hindi ako pumapayag. Dinadahilan ko na lang na busy ako sa pag-do-doctor ko. Hinahanap na rin ako ng mommy nya. Pero hindi ko pa kayang humarap ngayon.




     Gustko ko naman ng time para sa sarili ko. Tama na yung ilang taong ginugul ko para lang sa kaniya. Ni hindi ko na naasikaso yung sarili ko dahil sya lang lagi ang nasa priority ko. Oras naman para sarili ko naman ang bigyan ko ng panahon. Tama na yung minsang nag-pakatanga ako sa kaniya.




     Sa ngayon hindi ko pa sya kayang harapin. Pero pag dumating yung oras na kaya ko na ulit makipag-kita sa kaniya, sisiguraduhin kong ibang Annika na ang makikilala nya.






~the end~


6 comments:

  1. aRAy,, bKit gNuN Ung eNdiNg,, uMaSa p nMan aq kei niKkO,, sNA Pla kei miGs nLng,, ndE aq mKpnwLa endiNg n pLa,,

    MisS auThoR,, cNakTan mu nNmn anG pusO q,, nBsa q ksi uNg itS war,, grBe nLugkot aq kasi nde nGkAtuLuyaN uNg bEt ko pO n gUy,,

    PeO oK LNg,, iLl kiP oN rEadiNg ur stOries p riN,, aNo pO nXt niO ireReLease,,, at uNg s biLLiOn dOLLaR po, haNggNg iLAn chPtrs pO un????

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay pinaalala mu ung the war. uu nga, pansin q din kei author un.

      peo ok lng din saakin. luv q p rin bshin stories nia ehh.....

      Delete
  2. ~angel is luv~

    tama rin naman ang naging desisyon ni annika sa bandang huli. nung mga times kasi na kasama at lagi niya si nikko, ilang beses na rin naman siya nasaktan! lahat talaga ng FAN GIRL, nagsa-suffer sa ganyan.

    pero mas matutuwa pa rin ako kung nagkatuluyan sila. sayang lang..

    congrats po ate for finishing another story!

    ReplyDelete
  3. aww! bakit hindi sila nagkatuluyan~~~ ☀ ☁ ☀ ☁ ☀ ☁ ☀ ☁ ☀ ☁
    na-sad ako huhuhu~~~~ pero like ko pa rin kahit ganito ending~~

    ReplyDelete
  4. ((aww huhu. Hindi sila nagkatuluyan))

    ((broken hearted))

    ReplyDelete
  5. bkt di nagkatuluyan si Nika at Migs?? :'(

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^