Saturday, August 18, 2012

A Fan Girl Story: Chapter 1

CHAPTER ONE:
ANNIKA [P.o.V]


     GRABE!!!!! Kilig kiligan ever ang drama ko ngayon! At alam nyo ba kung bakit??? Dahil nasa mall tour ako ngayon ng idol na idol ko at crush na crush ko . . .  hindi mahal ko na nga yata sya e!!!!!! Tama! Mahal ko na nga si  Nikko Yang!!!! Waaaaahhhhhh!!!! Naka-sumbrero pa sya ngayon! Hay naku!!! I think I'm gonna die!!!!!!! Ang lakas talaga ng dating nya pag naka-sumbrero sya!!!! Mahihimatay na ko!!! Mahihimatay na talaga ako!!!!! Oh My God!!! Kumakanta na sya!!!!! Ang ganda talaga ng boses nya!!!!!

  
♬♬♬ "[Ije dashi one better day, one better day


Balgeun nae iri tto neoreul gidari janhaIje dashi one better day, one better dayNaega isseo neowa hamkke ga. I'm going in.] TRANSLATION: Now again one better day~ one better day~

A bright tomorrow is waiting for youNow again one better day~ one better day~I'm here I will go together with youI'm going in"♬♬♬




     "Nikko Yang!!!! Grabe!!!!! Nikko!!!!! Wooooooooo!!!!! Ang galing mo!!!!! ♬Now again one better day! One better day!♬ Nik-"*ubo dahil nabulunan*

     "Huminahon ka nga! Para ka nang nasisiraan ng ulo dyan!"

     Hay naku naman! Nabulunan pa ko sa pag-siko ng bestfriend kong si Migs. Epal talaga ng taong 'to! Kill Joy! Tama bang sawayin ako sa state of kiligness ko! Palibhasa kasi hindi sya fan ng mga pop music. Pang mga rock music lang sya. Sinama ko lang sya dito kasi wala lang .. Wala ako maisama e. At isa pa sya lang naman ang taong nakakaunawa sa mga bagay na gusto ko. Alam mo na bestfriend.

     "Ano ba Migs! Kill joy mo talaga! Kinikilig pa nga yung tao e! Wag ka ngang umepal please? Kahit ngayon lang?"*isnab sa bestfriend at nag-balibaliwan ulit kay Nikko Yang. Napailing na lang tuloy si Migs.*



♬♬♬♬♬♬♬♬


     Opps! Teka! Bago ako tuluyang mabaliw e mag-papakilala muna ako. Ako nga pala si Annika Trinidad. Twenty Three na ko, at matagal ko nang idol si Nikko Yang. Simula ng mag-debut sya, lahat ng tungkol sa kaniya meron ako, from baby picture nya hanggang sa mga clips ng interviews nya. May records din ako ng mga T.V and Radio guesting nya. Hindi naman ako adik sa kaniya nag-kataon lang talaga ng gusto ko sya kaya para akong stalker nya. Pero promise hindi talaga ako stalker! Idol ko lang talaga sya! Totoo yun. ^^


♬♬♬♬♬♬♬♬♬


   "Umuwi na nga tayo! Ang iingay ng mga tao dito e! Kala mo mga kinakatay na baboy!"

    Ay! Taray? Anong baboy? Baboy ang tingin nya sa mga A+[A Plus]? Naku! Baka pag-narinig sya ng mga yun kukuyugin talaga sya!

    "Kung maka-pagsalita ka! Bunganga mo naman! E mas maingay pa nga yung mga gig na pinupuntahan mo e! Walang ginawa yung mga tao kundi mag-talunan at mag-head bang na parang mga sira ulo!"totoo naman! Talunan sila ng talunan, nag-babanggaan pa tapos mag-sa-sign ng peace sa mga binangga kahit halata namang sinasadya nila. Bakit ko alam? Nakasama na rin kasi ako minsan sa gig. At isa lang masasabi ko. Hindi ko trip! Iba parin talaga si Nikko ko! Hay~

     *Napailing na lang si Migs, he rolled his eyes sabay walk out*

     "Hoy! Migs! San ka pupunta?! Migs!"hay! mainit na ulo ng bestfriend ko. Waaaaa!! Wala akong choice kundi sundan sya! Kahit ayaw ko iwan si Nikko kailangan ko sumunod kay Migs dahil hindi ko alam pauwi e!! T_T 


  ♬♬♬♬♬♬♬♬♬


     Miguel Suarez, Twenty Four year old. Yan ang pangalan ng bestfriend kong si Migs. Ang ganda no? Pangalan ng saint. Pero kabaliktaran naman ang ugali nya. Masyadong mainitin ang ulo at mainipin. Pero kahit na ganun sya very supportive naman syang bestfriend. Ni minsan hindi nya ko iniwanan. Simula ng debut ni Nikko hanggang sa mga times na kailangan naming sumugod at mag-pabasa sa ulan para lang mapanood si Nikko ay kasama ko sya. The best na Bestfriend sya sa lahat! At hinding hindi ko sya ipag-papalit!


♬♬♬♬♬♬♬♬♬


     "Hoy! Migs! Ang bilis mo naman mag-lakad! Natatae ka ba? Hinay hinya lang! Baka lalong malag-lag yan!"ang arte talaga ng bestfriend ko. Gusto nanamang mag-palambing. Asus! Malambing na nga baka kasi hindi nya ko ilibre ng pamasahe mamaya. "Hoy, Migs. Wag ka nang magalit. Sorry na."napatingin sya sakin ng yakapin ko yung braso nya. "Ayee!! Tatawa na yan. Ayee."kiniliti ko sya at ayun! Napangiti ko rin ang bestfriend ko. Ganun lang naman mag-lambing sa kaniya. Kilitiin mo lang sya sa tagiliran. ^^

     Bumuntong hininga si Migs, hindi ko alam kung bakit. Kaya nag-tanong ako. "Nag-aalala lang kasi ako dahil hindi alam ng mga parents mo lahat ng ginagawa mo. Ang alam nila nasa school ka ngayon."


♬♬♬♬♬♬♬♬♬


     Hay~ hindi ko pa nga pala nasabi na isa akong student na pangarap maging Doctor~noon. Pero minsan talaga akala mo yun na yung para sayo kaya lang magigising ka na lang isang araw na hindi naman pala talaga yun ang gusto mo. Actually, Third Year ng Pre-Med nag-stop na ko. Sayang no? Isang taon na lang sana tapos ko na sya, pero wala e. Kung hindi ka na talaga masaya sa isang bagay hindi mo na mapipilit pa. Lahat naman ginawa ko nun. Katakot takot na dasal naman ginagawa ko bago mag-exam pero bagsak parin ako. Matalino naman ako nung elementary, high school. Lagi pa nga ako pasok sa list ng Top Student e. Pero bakit pag-dating sa college lag-pak na ko? Hay~ Ayaw ko na nga isipin pa yun ngayon. Masakit lang sa lalamunan. Baka maiyak pa ko.

     Kaya lang ang kinakatakot ko e baka dumating yung time na malaman ng mga magulang ko lahat ng kasinungalingan ko. Lagot na! May sakit pa naman si Daddy sa puso. Ang hirap ng sitwasyon ko te! Yung mga magulang ko kasi, sila yung tipo ng parents na hindi ganun kalawak ang pag-uunawa sa realidad ng buhay. Ang alam nila graduating na ko next year. Pero ang totoo nga diba? Stop na ko. Araw-araw kunyari pumapasok na lang ako. Ang sama ko ba? Ewan ko ba kung naranasan mo na na hanapin yung sarili mo.

     Minsan kasi dumarating talaga sa buhay ng tao yung kakulangan sa isang bagay. Alam mo yung nag-hahanap ka ng isang bagay na hindi mo naman alam kung ano. Pero alam mong pag-nakita mo yun e mako-kompleto ka. Nasa ganung stage ako ngayon. At para sa mga magulang na hindi ganun ka-open sa realidad, at fixed lang ang utak, mahirap sabihin ang mga ganung bagay.

     Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago ang lahat sa kanila. Pero hanggat kaya ko at wala pa akong napapat
unayan sa landas na pinili ko. Itatago ko muna. Hanggat wala pang ginagawa ang karma para ilaglag ako sa mga magulang ko. Sasamantalahin ko na ang pag-kakataon.


♬♬♬♬♬♬♬♬♬


     "Naka-pag-enroll ka na ba dun sa school na sinasabi mo sakin?"tanong ni Migs. Nasa waiting shed na kami ng Mall of Asia nag-hihintay ng Bus na dadaan ng LRT Leveriza.

     Bumuntong hininga ako. "Hindi pa nga e. Hindi ko pa kasi alam kung pano ko lulusutan yun kanila Daddy at Mommy. Alam mo naman diba? Buti sana kung alam nila na ibang landas na ang tinatahak ko. Okay sana pero kasi lahat tago e. Ultimo pag-labas nga natin na 'to tagong tago diba? Katakot takot na kasinungalingan pa ang sinabi ko. Ewan, hindi ko alam kung paano ko sisimulan lahat."gulong gulo talaga ako. Iniisip ko nga na ituloy na lang yung Pre-Med ko pero naman kasi baka mamaya tinuloy ko nga tapos bumagsak ulit ako. Ayan nanaman!  Inulit ko lang yung mali ko. Ayaw ko na nun, kaya nga ako umalis sa Pre-Med kasi ayaw ko na mag-kamali pa.

     "Hindi mo pa pala naayos mga dapat mong ayusin tapos panay ang sunod mo dyan sa idol mo."oh~oh ayan nanaman sya. Kahit kelan talaga!

     "Grabe ka naman! Si Nikko na nga lang ang kaligayahan ko pipigilan mo pa!"sya na nga lang nag-papaligaya sakin sa tuwing busy bestfriend ko e. Kasi naman graduate na sa Pre-Med si Migs. Gusto din kasi nyang maging Doctoc, talaga namang first love nya ang pag-do-Doctor. Kaya nga happy ako para sa kaniya. Ngayon nag-du-duty na sya sa Makati Medical Center. Galing no?

     "Ano ba kasi talagang gusto mo?"pati tuloy si Migs naguguluhan na sakin.


♬♬♬♬♬♬♬♬♬


     Ano ba talagang gusto ko?

     Gusto kong maging director ng isang Music Video o kaya naman e mga Movies or Drama. Ang mapabilang sa Creative Production. Mag-brainstorming ng mga creative ideas. Ang saya nun diba? Ewan ko lang sa mga taong hindi yun ang hilig. Pero para sakin na ma-imagine ay masaya yun.

     Yun ang balak kong aralin ngayon. Kaso nga lang hindi ko pa alam kung pano ko sisimulan.


♬♬♬♬♬♬♬♬♬


7:30 PM
GREEN HEIGTS
PARANAQUE

     "Kamusta yung school mo? Ano pinag-aralan nyo?"Ayan na! Nag-tanong na si Mommy about sa pinag-aralan namin sa school. Kararating lang namin galing Columns Makati. Sa condo kasi nila ako sinusundo bago kami dumiretso dito sa bahay namin. At pano ako nakarating ng Columns? Nag-commute lang ako kasama si Migs. Bagay na hindi alam ng mga magulang ko. At para nga hindi ako mahalata kailangan kong sumagot na tungkol sa Med.

     "Ayon, inaral namin yung Etimology ng isang bacteria. Ang hirap nga e. Grabe!  Pero keri ko naman!"kailangan kong mag-shift ng mode pag sila na ang kaharap ko. Kailangan kong umarte na para bang nag-aaral pa. Hindi ako pwedeng mag-paka-fan girl sa harapan nila dahil malilintikan ako.

    "May nakita nga pala akong pwede mong gawing clinic malapit lang satin."si Daddy excited! Ang tagal tagal pa ng graduation ko as Doctor e, kung meron man. At isa pa hindi pa nga ako nakaka-kuha ng Licensure Exam e. Excited? Dad, kung alam mo lang. Kung alam nyo lang talaga! Kaya lang ang hirap sabihin e. Hindi rin kasi ganun kadali ang sitwasyon.

     "Daddy, ano ka ba? Ang tagal pa ng graduation ko. Wala pa nga ako lisensya  e."naks! Parang totoong kukuha talaga ako ng lisensya.

     "Mabuti na yung handa."dahilan ni Daddy na sinang-ayunan naman ni Mommy. Hay~




ANNIKA'S ROOM
9:30 PM




♬♬♬ "[Ije dashi one better day, one better day
Balgeun nae iri tto neoreul gidari janhaIje dashi one better day, one better dayNaega isseo neowa hamkke ga. I'm going in.] TRANSLATION: Now again one better day~ one better day~
A bright tomorrow is waiting for youNow again one better day~ one better day~I'm here I will go together with youI'm going in"♬♬♬




     Kunyari tulog na ko, pero ang totoo hinihintay ko lang silang maka-tulog habang nakikinig ng One Better Day ni Nikko sa iPod ko, tapos ia-upload ko na sa FB ko yung mga pictures na nakuha ko kanina sa Mall show ni Nikko pag tulog na sila. Hindi ko kasi pwede ipakita sa kanila na gumagamit ako ng internet tapos puro lang kay Nikko ang makikita nila. Baka kung ano pa masabi nila. At baka ito pa ang dahilan ng pag-kabuko ko. Kaya nga may bukod din na account si Nikko sa FB. Alam mo nama, kahit hindi marunong gumamit ng FB sina Mommy at Daddy baka matyempohan na marunong yung mga kasama nila sa office at mabuko ako. Iba na yung nag-iingat.



11:46 PM
ANNIKA'S ROOM

     Ayan, sure ako tulog na sila. Wala na kasing maingay sa labas. Pwede ko nang i-upload yung mga pictures! Excited na ko! Ang gwapo talaga ni Nikko! Sana lagi na lang syang naka-sumbrero! Gusto ko kasi sya pag-naka-sumbrero. Kaya nga may scraft book ako na puro sya naka-sumbrero. Lakas kasi nang nading nya pag naka-cap sya. Parang mas nakikita ko kung sino sya pag may suot syang sumbrero. Mas nagiging Nikko Yang sya. Nikko Yang na talented, magaling sumayaw, kumanta, mad-pianist. Syang sya talaga pag naka-suot sya ng cap. Pano ko nasabi? Wala lang. Nafe-feel ko lang. Tsaka yun yung nakikita ko e.


AFTRER FIFTEEN MINUTES

     Salamat tapos na rin. Siguradong matutuwa din ang mga A+ nito. Ang linanw ng mga kuha ko. Ayos pala talaga 'tong Canon EOS 60D DSLR ko. Sarap titigan ni Nikko, at pag ginagawa ko yun lalo akong naiin-love sa kaniya. Sana mapanaginipan ko sya mamaya pag-tulog ko.

     Sana~







7 comments:

  1. did you also use the real names or you make it up too?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hnd po .. gawa gawa ko lang po ung mga names ..

      Delete
  2. ang cute! kelan po ang next update?

    ReplyDelete
  3. Nakarelate ako kay Anikka. Doon sa sinasabi niyang kapag hindi ka masaya sa ginagawa mo wala ring mangyayari. Ganon din kasi ako noong previous course ko. Haha. Support ako dito. ^__^

    ReplyDelete
  4. relate ako dun sa nag college lang,umiba na ang ihip ng hangin,bumagsak nah.. haii.. ang cute ng story..

    ReplyDelete
  5. ~angel is luv~

    ang dami pala naka-relate dun sa college part. hehe, pero hindi ako gaya-gaya ha! nakakarelate din ako!

    ReplyDelete
  6. ((Still in highschool pero naiimagine ko na ung college. baka tulad niyi makarelate rin ako. Haha))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^