Tuesday, September 4, 2012

A Fan Girl Story: Chapter 4

CHAPTER FOUR
ANNIKA [P.O.V]


     NARANASAN mo na ba yung pakiramdam na para kang may hinahanap kaya lang hindi mo alam kung ano? Oh~hindi 'to tungkol kay Nikko. Ayaw ko muna sya isipin. Hurt parin ako sa nang-yari hu! Anyway, ayaw ko na balikan yun. Baka maiyak nanaman ako. Actually katatapos ko lang umiyak. Kaya time out muna ako.


     Wala lang, parang nasa phase ako ngayon ng pag-kalito. Hinahanap ko yung sarili ko. Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto ko. Minsan naitanong ko nga e. Lahat ba nang tao kailangang dumaan sa ganitong proseso? Yung self searching? Pero bakit may iba naman dyan successful agad kahit hindi naman sila nag-hihirap. Para kasi sakin mahabang proseso yung self searching kaya lang hindi ko alam kung bakit kailangan pa syang pag-daanan.


     Tsaka bakit napakahirap para sakin na makuha yung bagay na gusto ko? Bakit yung iba hilingin lang nila nasa harapan na nila. May opportunity na agad na lumalapit sa kanila. Bakit sakin wala? Dahil ba hindi naman para sakin yung gusto ko? O kailangan ko lang talaga sya pag-hirapan bago ko sya makuha? Hay! Nakakabaliw!


[tumunog ang phone nya. . tawag mula sa unknown number . .]


     Sino naman kaya 'to? Unknown number. "Hello?"


     "Ännika? Si Nikko 'to! Nakuha ko yung number mo kay mommy."Nikko? Tama ba yung narinig ko? Tinawagan ako ni Nikko! Shet! Kinikilig ako! Bakit? Bakit? Bakittttttttttttt??????


     "Nikko! Napatawag ka?"sabi ko in a cool voice. Pero deep inside kinikilig ako syempre! Grabe naman! Bumawi sya sakin sa pananakit nya hu! Dapat lang!


     "May favor kasi ako. May show kasi ako sa Dubai gusto ko sana i-post sa web na ginawa mo. Ikaw lang kasi nakaka-access dun. Pwede bang mailagay mo dun yung poster and announcement?"syempre naman! Basta ikaw!


     "Ökay sige. Send mo lang sakin yung posters and details."kalma lang baka makahalata syang kinikilig ako.


     "Hingiin ko yung email mo para dun ko i-send."sabi nya. Waaaahhhhh!!! May number na nya ako may email pa! Ako na! Ako na talaga! Promise!



[AFTER FIFTEEN MINUTES]



     DONE posting! Wow! This is his first time na mag-show ibang bansa si Nikko! At sa Dubai pa! Hindi ko 'to palalampasin! Promise! No matter what kailangan kong pumunta! Pupunta talaga ako! I need to be there para pang update na rin sa website! Kailangan ko nang asikasuhin ang visa ko! Matagal pa naman ang process nun! Teka! Two weeks na lang! Aabot pa kaya? LORD sana umabot yung visa ko!





MIGS [P.O.V]

     "Anong ipapaalam mo sa mommy at daddy mo nyan? Annika Dubai na yun! Buti ba sana kung sa Greenhills lang yan pero hindi eh. Out of the country na yan eh!"nasa Coffee Bean Greenbelt kami ng hapong yun. As usual tunkol kay Nikko nanaman ang topic. At gusto nyang pumunta sa show ni Nikko sa Dubai. Ganyan na ba talaga kalala ang pagiging fan nya kay Nikko o mahal nya na talaga si Nikko? Dapat akong matakot kung ganun.


     Ito ang unang beses na nakita kong ganito si Annika. Nasaktan na sya't lahat lahat hindi parin sya nadala. Gusto kong matawa sa sarili ko. Para din ba sakin yung sinasabi ko?


     "Ano ka ba Migs! First time nya mag-show sa ibang bansa! Dapat nan dun ako!"


     "Yan nanaman yung first time mo! Tingnan mo nang-yari sa first time concert nya? Iiyak iyak ka lang."nagulat sya sa sinabi ko. Kahit naman kasi hindi nya sinabi sakin yun alam ko. Halata kasing umiyak sya. Nasaktan ako nun. Hindi ko gustong umiiyak sya. Ni hindi ko nga sya nagawang saktan tapos paiiyakin lang ng sira ulo na yun! Gusto kong pumunta sa stage nu para hamunin si Nikko ng suntukan kung di lang sya sikat at maraming camera eh!


     "Hindi na yun mauulit! Naiyak lang naman ako kasi successful yung mini concert ni Nikko eh! Ikaw naman!"talaga lang hu?



     Hay~bali wala din naman ang pigil ko sa kaniya. Gagawin nya parin naman kahit anong gustuhin nya. Lalo na pag si Nikko ang involved. Bakit ba kasi may isinilang pang Nikko Yang sa mundo?





ANNIKA [P.O.V]

MONDAY, 9:30AM
BACLARAN CHURCH


     LORD, lagi naman po akong nag-dadasal. Hindi ko naman po kayo nakakalimutan lagi. Pero LORD pinag-darasal ko po na sana dumating yung visa ko ng mas maaga. Kasi next week na po yung show ni Nikko sa Dubai. Kung hindi po sya darating this week baka hindi na po ako makapunta pa. LORD, minsan lang naman po mag-karoon ng show si Nikko sa ibang bansa. At syempre gusto nandun ako para suportahan sya. Kaya sana pag-bigyan nyo na po ako. Promise po mas dadalasan ko pa po ang pag-punta ssa simbahan LORD. Salamat po. Amen.


     TAPOS na akong mag-dasal. Sana naman narinig nya. Kailangan ko talagang makuha ng maaga yung visa ko. Balita ko pa naman isang bwan bago lumabas yung visa. Aanhin ko pa yun? Eh next week na yung show ni Nikko. Buti na lang may nag-sabi sakin na kailangan ko puntahan mismo dun sa cargo nila kasi minsan kahit nandun na hindi parin nila nilalabas. Susubukan kong puntahan dun sa friday. Sana nga nandun na.


[tumunog ang phone nya .. tawag galing kay Nikko.]



     Si Nikko? Bakit natawag sya? "Hello Nikko?"


     "Ännika, sasamahan na kita sa Dubai. Tamang tama may Seminar din akong pupuntahan dun. Sabay na tayo."natuwa naman ako sa balita ni Migs. At least kahit pano may kasabay ako!


     "Talaga? Ang galing naman ng timing! Sige! Nag-apply ka na ba ng visa mo?"


     "Ngayon pa lang."


     "Ganun ba? Aabot kaya yan next week?"nag-alala din ako sa visa nya.


     "Sana nga. Kasi next week na rin yung seminar na pupuntahan ko eh."


     "Hayaan mo ipag-dadasal ko din yung visa mo."


     "Ökay. Salamat."


     "Salamat din Migs!"hay! Hulog talaga ng langit si Migs! Salamat may makakasama ako! Hindi ako magiging loner dun. At isa pa hindi ko saulado ang lugar na yun. Baka kung saan saan lang ako mapunta.



AFTER ONE WEEK


     NAKAKALUNGKOT lang isipin dahil hindi na-aprubahan ang visa ni Nikko. Kaya ngayon ako mag-isa ang lilipad papuntang Dubai. Hay~bahala na! Kaya ko 'to! Fighting!


     "Kung may problema tawag ka lang sakin. Sorry hindi na kita masasamahan."sabi ni Migs.


     "Ökay lang. Kaya ko naman. Sige, tinatawag na ang flight number ko. See you in one week."kumaway na ko kay Migs saka lumakad na papasok.


     Nakakakaba dahil first time kong pumunta ng Dubai na mag-isa. Nasaan na kaya si Nikko? Kasama nya kaya yung babaeng nakita ko sa Mini Concert nya? Sana naman hindi na no! Ayaw ko na umiyak.



[Tumunog ang phone ni Annika .. tawag galing kay Nikko.]



     Naku! Si Nikko! Bakit sya natawag? Bigla naman akong kinabahan! "Hello Nikko?"


     "Annika? Sabi nang secretary ko pupunta ka rin daw ng Dubai? Nasan ka na? Nasa eroplano ka na ba? Sana sumabay ka na samin!""close kasi kami ng secretary nya. Sa kaniya ko lang nasabi na pupunta ako. Hindi ko na kailangang sabihin pa kay Nikko. Keber nya naman?


     "Öo. Papunta pa lang ako. Nan dito pa ko sa eroplano."


     "Sana sinabi mo sakin. Eh di sana nakasabay ka na samin."äng sweet naman! Wag ka namang ganyan Nikko Yang. Lalo akong nai-inlove sayo eh.


     "Hindi na. Okay lang naman ako. Nandyan na ba kayo?"


     "Öo. Kararating lang namin. Aabot ka pa kaya? Bukas na yung show."


     "Oo naman. Nineteen hours lang naman ang byahe. 7Pm ngayon ang dating ko dyan mga 2 ng hapon."


     "Ganun ba? Text ka kung nan dito ka na. Sunduin kita sa airport."


     Shetlungs! Kinikilig naman ako! Bakit ka ganyan Nikko? Nakaka-matay yung sweetness mo! "NakU! Hindi na! Nakakahiya naman!"syempre kelangang mag-pakipot muna. Baka mamaya sabihin nya wala akong hiya eh. Maganda yung ikaw ang pinipilit.


     "Hindi. Basta mag-text ka bukas. Pag nalaman ni mommy na pupunta ka dito ipapasundo ka rin nya sakin."


    Si mommy talaga. Pareho sila ng anak nyang sweet. Kapal ko, naki-mommy na rin? "Ïkaw ang bahala."kunyari pa ko pero gustong gusto ko naman!


     "Ökay. I'll see you tomorrow."


     "Ökay."busy line na sunod kong narinig. Ano ba yan, para akong sira dito. Nakangiti kahit wala namang nakaka-ngiti. Nakakahiya na sa kantabi kong arabo. Baka isipin pa nya baliw ako. Eh ano gagawin ko hindi mapigilan ng mga labi kong ngumiti?


     Excited na ko para bukas . . . . . . .


5 comments:

  1. ~angel is luv~

    akala ko wala pa update dito. buti na lang meron na ulit! guys, comment pa tayo para mabilis ang ud ni ate!

    ReplyDelete
  2. Like this.

    ┈┈┈┈┈┈▕▔╲
    ┈┈┈┈┈┈┈▏▕
    ┈┈┈┈┈┈┈▏▕▂▂▂
    ▂▂▂▂▂▂╱┈▕▂▂▂▏
    ▉▉▉▉▉┈┈┈▕▂▂▂▏
    ▉▉▉▉▉┈┈┈▕▂▂▂▏
    ▔▔▔▔▔▔╲▂▕▂▂▂I

    ReplyDelete
  3. aNg CutE ni aNniKa,, nAgpAPapiLit pa kuNwAri eh,, hWAHa,, prO tMa diN yaN,, pakiPoT tLgA daPat anG mgA gUrLs kUnG miNsan,, minSan LnG,, hAha,,,

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaaaaaaaaaah! ang cute po!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^