“Oh tapos? Anong nangyare?”
“Ha?” naguguluhang napatingin ako kay Demi na kasalukuyang
titig na titig sakin.
Si Demi ang editor niya sa publication na pinapasukan niya
bilang writer for three years.
Three years ago mula ng makapasok siya sa publication
company na iyon. She started as a technical clerk hanggang sa magkaroon ng
internal hiring sa company nila at naghahanap ng writer sa bagong magazine na
ilalabas nila. At first she hesitated pero dahil sa may gusto siyang patunayan
eh sinubukan niyang mag-apply. Luckily nakapasa naman siya at doon niya nga
nakilala si Demi. She’s too young to be an editor pero sa galing at talentong
taglay nito nobody questions her position. At ito din ang nag-encourage sa
kanya na fulfill her dream to be a writer. Mahirap sa umpisa dahil madaming
naiinggit sa kanya. Binalak na nga niyang magresign pero dahil sa
pangungumbinsi sa kanya ni Demi eh hindi niya itinuloy. Magmula noon ay naging
kaibigan na niya ito.
“Sabi ko anong nangyare after nung practice game ng Riverdale
at Crenshaw Heights”
“Ahh yun ba?” I looked at the dress na nakadisplay sa mall
kung saan naisipan naming maglibot-libot muna. “Wala na”
Marahang hinampas ako ni Demi sa balikat.
“Anong wala na ka dyan? Magkwento ka!” sa totoo lang may
pagkaweird din itong si Demi. Parang hindi mo maarok ang totoong pagkatao.
(naks! Lalim nun ah)
“Ikaw bayolente ka masyado”
“Mabait pa ako sa lagay na ito. Kaya magkwento ka na dyan.
Wag mo akong bitinin”
“Eh kasi naman eh…ayoko ng maalala yun” because those memories
after the practice game was the most happiest yet traumatic experience for her.
“Gaga ka pala eh! Kung ayaw mong maalala eh di sana hindi mo
inumpisahang ikwento sakin…You’re a writer…alam mong di dapat nabibitin ang
readers.” Pangungulit pa nito. “Bibilhin mo ba yang dress na yan?” turo nito sa
hawk kong dress.
“Hindi. Bakit?”
“Hindi naman pala eh. Tara
na..nagugutom na ako. Dun mo nalang sa resto ituloy ang kwento mo” anito at
hinila na ako palabas ng boutique na iyon.
“Lilibre mo ako?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Mukha kang libre! Sige na lilibre kita ituloy mo na iyang
kwento mo. baka sakaling mapagkakitaan pa natin yan.”
“Luka-luka” ganyan kami magturingang dalawa outside the
office.
= = = = =
Sa loob ng resto ay hindi ako tinantanan ng pangungulit ni
Demi para ituloy ang kwento ko sa kanya na nangyari 8 years ago…. Tama..it’s
been 8 years mula ng mangyari ang pangyayaring iyon sa buhay ko… 8 years na ang
nakalipas but it seems like yesterday.
Marami ng nagbago sa paglipas ng mahabang panahon. She
looked at her reflection in the mirror at the side of the restaurant. She’s not
the same old Jiyeon from highschool. What she sees in the mirror is a very
sophisticated woman. Full with confidence and courage. Hindi na siya yung nerd
girl na madalas ibully ng mga kaklase. Hindi na siya yung mahina na hindi man
lang magawang ipagtanggol ang sarili. Hindi na siya yung mahiyain sa harapan ng
lalaking gusto niya…at higit sa lahat…hindi na siya ang batang tatanga-tanga
pagdating sa pag-ibig.
She looked at Demi who was now tapping her fingers on the
table waiting for her to continue with her story. She sighs heavily as she
continues with the story happened 8 years ago…..
Back to where we
left off…
8 years ago…
Ilang weeks nalang graduation na...natapos na
din ang game ng Crenshaw Heights laban sa mahigpit nitong kalaban na
Riverdale.... natalo ang school namin. Aminin ko magaling talaga ang kalaban.
Hindi na ako magtataka kung manalo man sila.
“Jiyeon..aatend ka ba ng senior night?” tanong
sakin ni Queen habang nagliligpit kami ng mga ginamit na materyales ng Arts
Club.
No choice naman kami..kailangan daw kasi na may salihan
kaming club kahit isa nung first year kami..and since hindi naman ako sporty na
tao eh sa Arts Club ako napunta. Mahilig kasi akong magdrawing at magsulat.
“Sus! Asa naman diba? Kelan ba ako pumunta sa
mga ganyan?” oo tama..never pa akong umatend ng kahit anong dance sa
school. Freshmen night man yan,
acquaittance party o kahit JS Prom pa wala akong inatenand. Tapos kung kelan
gagraduate na kami saka ako tatanungin nitong si Queen kung pupunta ako ng
Senior night? Adik lang?
“Aba teh! Gagraduate nalang tayo hindi mo man
lang ba gustong maranasan ang dapat nararanasan ng estudyante na tulad natin?
Last chance na ito oh!!! Last chance mo na..”
Ang senior night kasi ang bale pinaka graduation
ball namin. At ito na ang huling dance sa school na mararanasan ko. Dapat ko
nga bang palampasin nalang ito? Ayoko namang magmukhang kawawa kung aatend ako.
Alam ko naman kasing wala ding magtatangkang isayaw ako.
“saka ang balita ko...parang masquerade ball ang
balak gawin ng student council...it’s your chance bestfriend!!! Akitin mo na si
Rodjun!!!” binato ko tuloy si Queen ng hawak kong cartolina na agad naman
nitong nailagan...sana pala yung white board nalang ang ibinato ko..hehe..kung
pwede lang eh.
“ang ingay mo!!!” sita ko sa kanya “Mamaya may
makarinig pa sayo”
“keber!!!” anito at ipiagpatuloy ang
pagliligpit. “Pero alam mo bestfriend...pumunta ka na tapos magpaganda ka tutal
nakamaskara naman eh”
“anong silbi nang pagpapaganda ko kung
nakamaskara din lang naman ako? Saka di ako maganda” sinimulan kong damputin
yung mga pentel pen at lapis na nakakalat sa sahig. Grabe naman yung mga
gumamit nitong room na ito. Di man lang ba marunong magligpit?
This time si Queen naman ang nagbato sakin ng
cartolina. Dahil di ako nakatingin sa kanya ay tinamaan ako. “Aray naman”
“Ikaw nga Jiyeon Salazar tigil tigilan ako sa
kaartehan mo ah!!! Maganda ka okay? Maganda ka? Ang hindi maniwala panget
sila!” nakakatuwa naman talaga itong bestfriend ko..napakasupportive sakin.
“thank you besftriend!!!” sabi ko at niyakap
siya. “Pero sa tingin mo ba dapat akong pumunta?”
“oo naman...last na ito Jiyeon...akong bahala
sayo..aayusan kita”
“Ganun ba?ahhmmmm...si.....” napatingin siya
sakin “...si Rodjun kaya pupunta?”
“Siguro...lagi namang pumupunta iyon eh.”
Tinitigan ako sa mata ni Queen...yung seryosong tingin.. “Sa dance kailangan
nating masakatuparan ang akitin-si-Rodjun-STRATEGY “
habang hawak ako sa braso. Adik lang si Queen???
Pero infairness gusto ko yung idea niya..hehe..
“Pero paano naman natin gagawin yun? Eh sa
tuwing lalapit si Rodjun sakin nahihiya ako.”
“Eh kaya ka nga magmamasakara diba? Para di alam
ni Rodjun na ikaw yun. Kaya lumapit ka man sa kanya o lumapit man saya sayo eh
walang problema.”
Napaisip ako at sumalampak ng upo sa sahig.
Lotus position.
“sabagay may point ka”
“Kaya nga akong bahala sayo eh. Basta umatend
ka. Ako ang magiging fairy godbestfriend mo sa graduation ball” sabi ni Queen
at nakakalokong ngumiti.
Napangiti nalang din ako. Excited na akong
pumunta.
***
A/N : sensya na ang ikli lang ng update ko..next time nalang ulit :)
wow...after 8years na...hehehehe...kakaloka ka talaga sis...hehehe
ReplyDeleteiba tlaga ang utak mo sis,,,siguro ang ganda na ni Jiyeon..hehehe,,ah alam ko na sis, gamitan mo kaya ng original pic ang mga characters mong babae dito,,,hehehe,,,wla naisip ko lang,, if ok lang naman..hehehe,,,
ReplyDeleteayaw ni Jiyeon eh..hahaha..
Deletemeron akong new story..yung Friends Zone..ayun nilagay ko mga mukha nila..bwahahaha
sis next na,,,excited na ako eh...
Deletemei UD na rin.. nandito ako!!! ang saya nman.. akala ko pa nman kung ano na yung nangyayari,8 yrs after pala un.. hahaha.. ang galing mo talaga ate!.. for sure,mag ala 'ugly duckling turns into a beautiful swan' ang drama nya sa ball.. akitin na yang si rodjun!
ReplyDeleteadik si ate queen! pero ayos lang ako jan! hahaha!!! akitin si rodjun move! hahaha!
ReplyDeletegusto ko subukan yung mga text art na nakuha ko. hihi. at dahil nakakatawa ito:
ReplyDelete╔══╗─╔═════╦══╗
║──║─║──║──║──║
║──║─║──║──║──║
║──╚═╣──║──║──╚═╗
║────║─────║────║
╚════╩═════╩════╝
cant wait for the next UD :))
ReplyDeletecan't wait for the next UD
ReplyDeleteUD -3- pls @_@
ReplyDeleteUpdate...<> pls.
ReplyDelete