Chapter 1:
Ang bagong estudyante
"Nandito na si
Sadako! tago! tago! tago!"
"Ahhhh!"
"Si
Sadako!"
Lahat na ng mga estudyante sa paligid ay nagsitaguan,
nagsipasukan sa classroom, yung mga nagpanic talaga ay pumasok sa
pinagtatapunan ng basura. Lahat lahat ay gagawin kahit ang pinakadidiring bagay
para lang mabuhay, para lang hindi makulam, para hindi masumpa ni SADAKO.
Sadako's POV...
Salamat talaga narrator sa pagemphasize ng aking palayaw.
Hayyyy....nakalimutan ko ang book report ko kay sir. Pupunta
nalang ako sa faculty para masabi sakanya.
faculty...
"Sir, nakalimutan kong madala ang book report koooooo."
"O...o..okkay...okkay...la..lang..yu..yun,
h..hehe, 100 ka parin hehehe, please don't curse me!"
"Okkay."
Mayroon ring benefits ang pagiging mukhang sadako ako no!
1. Binibigyan ng perfect grade ng mga teachers kasi
natatakot sila na kulamin ko sila. (kaya ako nga top 1 eh!)
2. Natatakot ang
mga masasamang-loob saakin. (kaya okay lang saakin na maglakad mag-isa
kahit hatinggabi na!)
3. Nakakakuha ng discount sa bibilhin or nagiging libre ang
binibili ko. (kaya nga ako ang pinapabibili nina tatay at nanay ng mga bibilhin
eh)
4. No need to do your homework or book report. (Haha! parati
nalang ako nanonood ng mga horror movies)
See! kaya magmukha rin kayong sadako at tiyak na gaganda ang
buhay niyo, pero, kahit may advantages ay meron ring disadvantages ang pagiging
mukhang sadako ko. Mas marami kaysa sa advantages. haha!
classroom...
"Alam mo ba,
nagkaroon ng typhoid fever si Sarah nang pinag-insulto niya si SADAKO."
"Uwaaaa! I hate
her so much!"
"Ssssssshhhhhhh,
baka marinig ka ni Sadako at kulamin kanya."
Nagkaroon ng Typhoid Fever si Sarah dahil parati niyang
kinakain ay unhealthy foods. Leche kayo!
bell rings...
"Class, may bago
tayong estudyante, pumasok ka na iho."
Lahat ng mga students dito ay nagdasal, may nagdasal na sana
gwapo ang new students, yung iba sana daw panget at iba pa! ako? well, wala
lang, pake ko sa new student, pare-pareho rin silang matatakot sa akin.
Bahala na sila jan magdasal, basta ako, magsusulat nalang
ako ng notes namin.
"Ehhhhhhhhhhhh!"
siyempre, nakakagulat sila kaya napatingin
ako sa harap, eh anong gagawin ko? tatawa? iiyak? no reaction?
"I....i..i.isang nerd!"
"H...hi, a..ako..nga..nga pala si..si.."
"Leche ka! umalis ka na dito, la kang
kwenta!"
"Pake namin sa pangalan mo! alis na! alis!
nakakadiri mukha mo dito!"
"C..class,
class, class, please respect the new student, class."
Nakakaawa namang nerd, hindi pa man siya nakapagpakilala. Eh
dito pa siya nabagsak, bakit pa siya nag-enroll dito eh dito naman sa LAST SECTION siya mababagsak, what a
school system! Tss! ako nalang magpatahimik sakanila, walang naitutulong ang
teacher, ang hina hina niya magsalita.
*breathe deeply*
"BASTA HINDI
KAYO TATAHIMIK AT HINDI KAYO MAKIKINIG SA NEW STUDENT AY LAHAT KO KAYO
KUKULAMIN! SISIGURADUHIN KONG MASISIRA BUHAY NIYO! MGA LECHE!"
"So what? pake
mo? hindi ka naman ang reyna dito at plus kahit ka mangkukulam ay hindi ako
matatakot sa iyo kasi kapag kinulam mo ako, ipapademanda kita!" walang
hiyang clown na yan! anong tingin niya sa sarili niya? reyna ng classroom
na'to?! eh hanggang salita lang siya eh! as if naman mayaman siya!
"Baka
nakakalimutan mo ang pwede kong magawa sa iyo Ms. Clown, gusto mo sabihin ko
sakanila ang totoo? ha?"
"Sa...sa...sa..sabi..sabihin
m..mo..na..na, hi..hindi naman ako na..natatakot!"
"Okay, as you said
so, Ms. Social Climber, Ms. mahirap, Ms. nakatira sa kubo na malapit sa school!
Ms. peke ang gamit, Ms. Magnanakaw, Ms. Sindikato ang pamilya, Ms..."
"Stop it!!!!!
T________T"
"Diba sabi mo
sasabihin ko ang totoo kasi hindi ka naman natatakot, oh, bakit ka
umiiyak?"
"I..isusumbong kita sa tatay ko! T________T"
At umalis sa
classroom si Ms. Clown. Buti nga sakanya!
"O..okkay, u..umupo ka na Mr. Guzman..."
"Sa..saan p..po ako uupo?"
"Kahit
saan..."
naglakad na papunta sa may seats ang nerd na lalake, kawawa
naman siya. Lahat kasi ng mga bakante nilalagyan ng mga classmates ko ng mga
bag nila at iba pa, eh yung isa nga, nilagyan niya ng ipis ang vacant seat eh!
siyempre, sinong matinong tao ang uupo doon?
Well, may vacant seat sa may kanan ko. Papaupuin ko ba siya
o hindi? Hmm....kung hindi, pwede kong paglagyan ng mga gamit ko, kung Oo,
pwedeng siya ang gumawa ng assignments ko! well, dahil, grade hungry ako, ang
pipiliin ko ay OO!
"Pe..pwedeng
umupo?"
"Pake ko kung
uupo ka o hindi!"
"H..hehe..."
"Whatever."
*tingin sa may bintana*
Haiis, bakit pa ako nagaacting cool?! eh hindi naman siya
hahanga sa coolness ko eh! katulad ng iba, matatakot siya saakin! che!
"Siya..siyanga
pala, tha,,thanks!"
"Thanks sa
ano?"
"Linigtas mo
kasi ako sa..sa babaeng yun eh!"
"Ahhh, 'kay."
"A..ak..ako nga..nga pala si Allison
Guzman."
*sabay abot ng kamay kay Sadako para makipaghandshake*
"A....ahh..."
Heto ako ngayon, tulala na nakikipaghandshake sakanya ng
ilang segundo. Ewan ko bakit? ay! alam ko na kung bakit...
Hindi kasi siya natakot eh.
Kapag may makikipagkilala saakin, pagtingin nila sa mukha
ko, agid sila hihimatayin sa shock at takot.
Pero siya, parang normal lang, parang normal lang na tao ang
pagturing niya saakin, hindi katulad ng iba na parang nakita nila si kamatayan
kapag nakita nila ako.
welcome po to this blog. first story mo noh? i like it!
ReplyDeleteYep! first story ko po, hehe! thank you!
Deletegustong-gusto ko 2 kasi fave q rin yung kimi ni todoke at wallflower! sunako!
ReplyDeletewelcome dito sa blog!.. naaalala ko tuloy si sunako!.. like!
ReplyDelete