Saturday, August 25, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 1

Chapter 1:
Ang bagong estudyante

"Nandito na si Sadako! tago! tago! tago!"

"Ahhhh!"

"Si Sadako!"

Lahat na ng mga estudyante sa paligid ay nagsitaguan, nagsipasukan sa classroom, yung mga nagpanic talaga ay pumasok sa pinagtatapunan ng basura. Lahat lahat ay gagawin kahit ang pinakadidiring bagay para lang mabuhay, para lang hindi makulam, para hindi masumpa ni SADAKO.

Sadako's POV...

Salamat talaga narrator sa pagemphasize ng aking palayaw.

 As usual, walang katao-tao sa hallway. Siyempre, lahat ng mga estudyante dito ay nagsitaguan eh. Natatakot kasi sila saakin eh. Kasi kamukha ko raw si Sadako at nangkukulam rin daw ako. Hindi naman lahat 'yun totoo eh, except ang maging kaitsura ni Sadako.

Hayyyy....nakalimutan ko ang book report ko kay sir. Pupunta nalang ako sa faculty para masabi sakanya.

faculty...



"Sir, nakalimutan kong madala ang book report koooooo."

"O...o..okkay...okkay...la..lang..yu..yun, h..hehe, 100 ka parin hehehe, please don't curse me!"

"Okkay."

Mayroon ring benefits ang pagiging mukhang sadako ako no!

1. Binibigyan ng perfect grade ng mga teachers kasi natatakot sila na kulamin ko sila. (kaya ako nga top 1 eh!)
2. Natatakot ang mga masasamang-loob saakin. (kaya okay lang saakin na maglakad mag-isa kahit hatinggabi na!)
3. Nakakakuha ng discount sa bibilhin or nagiging libre ang binibili ko. (kaya nga ako ang pinapabibili nina tatay at nanay ng mga bibilhin eh)
4. No need to do your homework or book report. (Haha! parati nalang ako nanonood ng mga horror movies)

See! kaya magmukha rin kayong sadako at tiyak na gaganda ang buhay niyo, pero, kahit may advantages ay meron ring disadvantages ang pagiging mukhang sadako ko. Mas marami kaysa sa advantages. haha!

classroom...

"Alam mo ba, nagkaroon ng typhoid fever si Sarah nang pinag-insulto niya si SADAKO."

"Uwaaaa! I hate her so much!"

"Ssssssshhhhhhh, baka marinig ka ni Sadako at kulamin kanya."

Nagkaroon ng Typhoid Fever si Sarah dahil parati niyang kinakain ay unhealthy foods.  Leche kayo!

bell rings...

"Class, may bago tayong estudyante, pumasok ka na iho."

Lahat ng mga students dito ay nagdasal, may nagdasal na sana gwapo ang new students, yung iba sana daw panget at iba pa! ako? well, wala lang, pake ko sa new student, pare-pareho rin silang matatakot sa akin.

Bahala na sila jan magdasal, basta ako, magsusulat nalang ako ng notes  namin.

"Ehhhhhhhhhhhh!" siyempre, nakakagulat  sila kaya napatingin ako sa harap, eh anong gagawin ko? tatawa? iiyak? no reaction?

"I....i..i.isang nerd!"

"H...hi, a..ako..nga..nga pala si..si.."

"Leche ka! umalis ka na dito, la kang kwenta!"

"Pake namin sa pangalan mo! alis na! alis! nakakadiri mukha mo dito!"

"C..class, class, class, please respect the new student, class."

Nakakaawa namang nerd, hindi pa man siya nakapagpakilala. Eh dito pa siya nabagsak, bakit pa siya nag-enroll dito eh dito naman sa LAST SECTION siya mababagsak, what a school system! Tss! ako nalang magpatahimik sakanila, walang naitutulong ang teacher, ang hina hina niya magsalita.

*breathe deeply*

"BASTA HINDI KAYO TATAHIMIK AT HINDI KAYO MAKIKINIG SA NEW STUDENT AY LAHAT KO KAYO KUKULAMIN! SISIGURADUHIN KONG MASISIRA BUHAY NIYO! MGA LECHE!"

"So what? pake mo? hindi ka naman ang reyna dito at plus kahit ka mangkukulam ay hindi ako matatakot sa iyo kasi kapag kinulam mo ako, ipapademanda kita!" walang hiyang clown na yan! anong tingin niya sa sarili niya? reyna ng classroom na'to?! eh hanggang salita lang siya eh! as if naman mayaman siya!

"Baka nakakalimutan mo ang pwede kong magawa sa iyo Ms. Clown, gusto mo sabihin ko sakanila ang totoo? ha?"

"Sa...sa...sa..sabi..sabihin m..mo..na..na, hi..hindi naman ako na..natatakot!"

"Okay, as you said so, Ms. Social Climber, Ms. mahirap, Ms. nakatira sa kubo na malapit sa school! Ms. peke ang gamit, Ms. Magnanakaw, Ms. Sindikato ang pamilya, Ms..."

"Stop it!!!!! T________T"

"Diba sabi mo sasabihin ko ang totoo kasi hindi ka naman natatakot, oh, bakit ka umiiyak?"

"I..isusumbong kita sa tatay ko! T________T"

At umalis sa classroom si Ms. Clown. Buti nga sakanya!

"O..okkay, u..umupo ka na Mr. Guzman..."

"Sa..saan p..po ako uupo?"

"Kahit saan..."

naglakad na papunta sa may seats ang nerd na lalake, kawawa naman siya. Lahat kasi ng mga bakante nilalagyan ng mga classmates ko ng mga bag nila at iba pa, eh yung isa nga, nilagyan niya ng ipis ang vacant seat eh! siyempre, sinong matinong tao ang uupo doon?

Well, may vacant seat sa may kanan ko. Papaupuin ko ba siya o hindi? Hmm....kung hindi, pwede kong paglagyan ng mga gamit ko, kung Oo, pwedeng siya ang gumawa ng assignments ko! well, dahil, grade hungry ako, ang pipiliin ko ay OO!

"Pe..pwedeng umupo?"

"Pake ko kung uupo ka o hindi!"

"H..hehe..."

"Whatever."

*tingin sa may bintana*

Haiis, bakit pa ako nagaacting cool?! eh hindi naman siya hahanga sa coolness ko eh! katulad ng iba, matatakot siya saakin! che!

"Siya..siyanga pala, tha,,thanks!"

"Thanks sa ano?"

"Linigtas mo kasi ako sa..sa babaeng yun eh!"

"Ahhh, 'kay."

"A..ak..ako nga..nga pala si Allison Guzman."

*sabay abot ng kamay kay Sadako para makipaghandshake*

"A....ahh..."

Heto ako ngayon, tulala na nakikipaghandshake sakanya ng ilang segundo. Ewan ko bakit? ay! alam ko na kung bakit...



Hindi kasi siya natakot eh.
Kapag may makikipagkilala saakin, pagtingin nila sa mukha ko, agid sila hihimatayin sa shock at takot.
Pero siya, parang normal lang, parang normal lang na tao ang pagturing niya saakin, hindi katulad ng iba na parang nakita nila si kamatayan kapag nakita nila ako.
Because of that....parang natuwa ako sakanya.



4 comments:

  1. welcome po to this blog. first story mo noh? i like it!

    ReplyDelete
  2. gustong-gusto ko 2 kasi fave q rin yung kimi ni todoke at wallflower! sunako!

    ReplyDelete
  3. welcome dito sa blog!.. naaalala ko tuloy si sunako!.. like!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^