Monday, March 12, 2012

My Nephew-in-Law : Chapter 45.2

CHAPTER 45.2
(SAMIRA ALMIREZ POV)



“Sam…?” Napalingon ako sa boses ni Kian. “Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?”



Alas-onse na kami natapos at dahil kaninang umaga pa kami nagta-trabaho, bagsak na ang lahat kaya lahat sila, nagpahinga na agad.



“Hindi pa ako makatulog eh.” Pagod ako, sobra! Pero dala na rin ng problema kaya hindi ako madalaw ng antok. “Bakit ikaw?”



Naupo sa tabi ko si Kian at pareho kaming nakatingin lang sa malayo. “Hindi rin ako makatulog eh. Iniisip ko yung kapatid ko, nandun kasi siya nakikituloy ngayon sa kapit-bahay namin.”



“Bakit kasi hindi mo siya sinama?”



“Makulit yun!” Nakwento na saakin noon ni Kian na silang dalawa na lang ng kapatid niya ang natitirang magkaramay. Two years ago lang daw nung iniwan na sila ng mama nila dahil sa sakit na cancer.



Yung papa naman nila, matagal na ring namatay. Kaya nga malapit ako kay Kian, kasi pareho kami ng sitwasyon. Ulila na sa mga magulang at tanging kapatid na lang ang natitirang kamag-anak sa mundo.



“Alam mo kanina pa kita napapansin.”



“Bakit kasi maganda ako?”



“Ang lakas mo Sam!”



“Joke lang.” Pinapapatawa ko lang sarili ko. “Anong napapansin mo?”



“Na parang malungkot ka. May problema ba?”



“Wala.”



“Kapag hindi mo sinabi yan ngayon, bibigat lang lalo yang pakiramdam mo.”



“Hindi mo kasi maiintindihan Kian.”



“Tagalugin mo para maintindihan ko.” Magagawa ko bang hindi mapalapit sa lalaking ito eh lakas ng sayad niya! Kahit problemado ako, nagagawa pa rin niyang mag-joke para lang mapatawa ako. “Kidding aside, ano nga? Sige na! Sabihan mo na ako ng problema.”



“Kian… may… may ipagtatapat ako sayo.”



“Ha? Ano? Na mahal mo ako?”



“Sira!!!” Binatukan ko na lang siya. “Inuunahan mo naman ako eh!!!”



“Mahal mo nga ako???”



“Oo!!!” Napatitig siya saakin bigla. “…but as a friend.”



“Friend? Friend lang?”



Tumango ako. “Pero hindi pa yun ang ipagtatapat ko sayo.” Huminga muna ako ng malalim. Gusto ko nang sabihin kay Kian na boyfriend ko si Eli. Alam ko namang maiintindihan niya.



At tsaka at least kapag nalaman na niya, mas mapapanatag yung loob ko at syempre pa si Eli. “May… may…”



“Bakit friend lang Sam?”



“Ha?” Hindi ko naman matuloy yung sasabihin ko!



“Sabi mo wala ka namang boyfriend diba? May iba ka bang gusto? Bakit friend lang?” Nagtataka ako sa tanong ni Kian.



Eh kasi magkaibigan lang naman talaga kami, DIBA? Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba… na parang ito na nga yun… ito nga yung hinala ni Byron at lalong lalo na ni Eli.



“Hindi ko alam kung kelan Samira… but ever since that day you helped me, and the following days na palagi kitang nakakasama, everything just changed…” OWEMJI! This is not what I think it is!!! Sabihin niyo nga, hindi ito yun. “I’ am happy when you’re happy. And whenever you’re sad, I also feel the same…”



Tapos hinawakan niya yung kamay ko. “Sam… I…”



“I already have a boyfriend, Kian!!!” I just found the courage to stand up so he could let go of my hand, at para pigilan siya kung ano man yung sasabihin niya. “I’m in love with someone else…”



Nagulat naman siya sa sinabi ko. Nagtataka na ayaw maniwala.



“You said wala kang boyfriend!”



“I lied.”



“Sino?”



“I can’t tell you.”



“BUT I LIKE YOU!”



“I’m sorry.” Yun na lang ang nasabi ko sa biglaang confession ni Kian. And he just said it… he likes me daw. “I’m really sorry.”



“Kaya ka ba malungkot? Dahil sa kanya?”



“Yes.”



“Kilala ko ba.”



I didn’t answer.



“Si Eli ba?”



Now that made me nervous. So he knew all along?



“Nephew-in-law mo siya. Auntie ka niya. You know that’s unethical.”



“Hindi kami magkadugo!”



“Pero bakit siya?”



“KASI SIYA ANG MINAHAL KO!!!” Nagkataasan na kami ng boses. Hahawakan pa sana ni Kian ang kamay ko pero umiwas ulit ako. “I’m sorry Kian. I’m glad you like me but… we’re just friends.”



Tinalikuran ko na siya dahil hindi ko na carry ang mga pangyayari.



So all along, may reason nga kung bakit nagseselos si Eli sa kanya.



Pero bakit ba ang slow ko!



Sana maaga pa nalaman ko na ganun na pala ang nararamdaman niya saakin para nakaiwas na ako kay Kian at para mapigilan niya yung feelings niya for me.



Hindi ko alam!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!!!



Basta ang gusto ko lang ngayon, makausap ko si Eli.




(◡  ◡) 




Pagkalayo ko kay Kian, I tried calling Eli’s number para lumabas siya sa kwarto nila. Nakailang ring na pero hindi niya sinasagot… then I felt or heard something.



Parang naririnig ko somewhere yung ringtone ng cellphone ni Eli kaso mahina lang. Hinanap ko kung saan yun nanggagaling so patuloy lang ako sa pagtawag until dalhin ako nung tunog na naririnig ko sa may malapit sa pool.



Nasa lamesa yung jacket ni Eli at nakalagay sa bulsa nun ang cellphone niya. “Bakit ‘to nandito?”



Pero hindi pa yun natatapos dun, I heard a splash from the pool. Naririnig ko yung boses ni Lira at may kinakausap siya at kabiruan.



Nagtago ako dun sa may poste at pagsilip ko, si Eli ang nakita ko. Nagna-night swimming sila ni Lira.



I can’t imagine that I’m still living at this exact moment nang makita si Eli na kasama si Lira. Ganitong oras na, magkasama sila! Nagtatawanan! Naghaharutan! And they’re acting as if there are dating! As if girlfriend ni Eli si Lira, and boyfriend ni Lira si Eli!



And everything just crushed down inside me when I saw them kissing. Gusto kong sumugod pero napako yung paa ko sa kinatatayuan ko.



The pain is just so unbearable that no words came out from me except from the tears rolling down my cheeks.



But in an instant may biglang humila saakin… kaya napasigaw ako ng konti. I doubt naman na narinig nila Eli at Lira ang boses ko.



“Ki… Kian? What are you doing here?” He’s staring at my crying face.



“Do you still love him after that?” Ibig bang sabihin, nakita rin ni Kian yung mga nakita ko tungkol kina Eli.



“Bitawan mo ako. I’m going to sleep.” But instead of letting me be alone with myself, Kian pulled me and pressed me against the wall. “Ano bang ginagawa mo!!!” Umiiyak pa rin ako and gusto ko nang umalis dahil hindi ko mapigilan ang mga mata ko.



“I’m asking you if still love him! Nambababae siya, he doesn’t even care kung masaktan niya feelings mo.”



“I don’t care! Just leave me alone.” Sinubukan ko siya itulak pero mas inilapit pa niya ang katawan niya saakin. “Kian… please… ang sama-sama na ng pakiramdam ko! Wag mo nang dagdagan!”



“Let me rephrase what I said just while ago. I don’t like you Sam… I love you.”



Iniwas ko ang tingin sa kanya lalo pa dahil ang lapit na ng mukha niya saakin. Then he tried to kiss but avoided it.



“I don’t want this Kian…”



Lalo akong kinabahan dahil hinawakan na niya ang mukha ko at itinuloy ang paghalik saakin. I protested pero nagdampi na ang mga labi namin. Mas naiyak ako ngayon na parang sasabog na ang puso ko.



“I love you, Sam.”



“I don’t feel the same…”



“I don’t care.” Once again, he leaned down his head to kiss me so I just closed my eyes.



Pero may pamilyar na amoy akong naamoy.



May kamay na tumakip sa bibig ko.



Kamay na pumigil sa pangalawang halik ni Kian.



At pagmulat ko sa mga mata ko, hinila na lang ako agad ni Eli papalapit sa kanya.



“WALANG HIYA!!!” Saka niya tinulak si Kian at sinuntok ito sa mukha.



“Eli?” Paanong napunta agad dito si Eli eh magkasama sila kanina ni Lira?



“OMG! What’s happening!!!” Sigaw ni Lira na nakatuwalya pa.



“Sabi ko na nga ba!!!” At sinuntok muli ni Eli si Kian. “Anong karapatan mong halikan si Sam!!!”



“Wala kang pakelam dahil mahal ko siya!!!”



Gumanti na ng suntok si Kian at tinamaan niya si Eli. Pero yun ay dahil hindi ito inilagan ni Eli. “Ganun ha!!!” Lalo silang hindi nagpaawat ngayon.



“Tama na, please!!!”



Sa ingay namin ni Lira sa pagpipigil kina Eli at Kian, nagising namin yung iba at agad silang lumabas para awatin yung dalawa.



“HALA!!! Ano bang nangyayari!!! Tama na yan!!!”



Nakahiga na sa lupa si Kian habang sinusuntok pa rin siya ni Eli kaya nagtulong na yung iba para pigilan si Eli.



“Ano lumaban ka!!! Mahal mo siya? Ni hindi mo nga ako kayang patumbahin!!!”



“At deserving ka para sa kanya?! Ikaw na pamangkin niya?! Ikaw na nakikipaghalikan sa iba?!”



“OO AKO!!! DAHIL AKO PA RIN ANG BOYFRIEND NIYA!!!” Naisigaw ni Eli yun sa harap ng lahat at nagulat ang mga kaklase ko at iba naming kasamahan.



“Boyfriend?”



“Mag-on sila?”



Hindi ko na rin naman na napakingan yung ibang bulungan, tanong, pagtataka at gulat nung iba dahil agad akong hinila ni Eli papunta sa kwarto.



Inayos niya ang mga gamit niya at binitbit ito. Sunod na pumasok siya sa kwarto ng mga girls at kinuha yung bag ko. Bitbit niya yung dalawang bag namin habang hawak pa rin niya ako sa braso at papunta na kami dun sa gate.



“Uy Eli!!! Uuwi na ba kayo agad? Hatinggabi na!!!” Hinawi lang ni Eli si Byron dahil desidido na nga siyang umuwi na kami.



Tinignan ko na lang sila dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Masyadong mabilis at magulo ang mga pangyayari.



Hindi rin naman kami nahirapan na makasakay ng bus pauwi. Naging mabilis pa ang byahe dahil walang traffic.



Nagtuluy-tuloy ang mabilis na andar ng bus, magkatabi kami sa upuan, pero ramdam ko yung tension sa pagitan na naming dalawa. Hindi niya ako iniimik, ni hindi rin ako tinitignan.




╯﹏╰



Alas-kwatro na kami nakauwi sa bahay. Pero hanggang sa pagdating namin dito, kinakaladkad pa rin ako ng mahigpit na hawak saakin ni Eli.



Pagpasok namin sa loob ng bahay, itinapon niya lang ang mga bag namin sa may gilid at nakatayo lang ako sa isang tabi… “Eli…”



“WHY ARE YOU DOING THIS TO ME!!!!!!” Ang malakas niyang sigaw na nakabasag sa katahimikan. Kanina pa siya nagtitimpi at ngayon nailabas na niya yung galit.



“Eh bakit ikaw!?!” Pero tulad niya, kanina pa din ako nagtitimpi! “I saw you kissing Lira on the pool!”



“Nakita mo ba lahat ng nangyari ha?!?”



“I was there!!!”



“WALA KA DOON DAHIL SUMAMA KA KAY KIAN AT PUMAYAG KANG HALIKAN KA NIYA!!!”



Both of us are angry. Jealous. And maybe in pain.



“THEN I GUESS WE'RE EVEN!!!” I bravely shouted back.



Hindi ko alam kung bakit yun ang isinagot ko sa kanya, but I realize that I just did a very wrong move.



Parang mas ginalit ko siya ngayon. Lumapit siya saakin at nanliit ako kaya pinilit kong umiwas. Pero humawak siya sa braso ko, hinila niya ako at ibinagsak ako sa sofa. “ANO BA!!! BITIWAN MO AKO!!!”



Hindi ako makatayo dahil iniharang niya ang katawan niya. Nasa ibabaw ko siya kaya tinutulak ko siya pero hindi ko magawa.



“BAKIT MO GINAGAWA SAAKIN ‘TO!!!” Nakakabinge na ang lakas ng boses niya! Nakakatakot pa dahil sinuntok niya ng malakas yung sandalan ng upuan. “BAKIT SAM!!! BAKIT!!!”



Nang itaas niya ulit ang kamay niya, naramdaman kong ako na ang tatamaan nun kaya napapikit na lang ako.



Sasaktan ako ni Eli…



Kasi sobrang galit na siya ngayon eh…



Hinintay ko yung malakas na paghampas ng kamay niya sa mukha ko habang nakapikit ako…



Pero…



May kung anong tumulo sa mga pisngi ko.



Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at…



Kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Eli.



“Bakit mo ako paulit-ulit na sinasaktan? Hindi mo ba ako mahal?” Humihikbi siya at ipinatong niya ang mukha niya sa gilid ng ulo ko. “Hindi ko siya hinalikan Sam. Kung pinanood mo, sana nakita mo lahat! Pero bakit sumama ka kay Kian? Bakit pumayag ka na halikan ka niya? Bakit hindi mo siya pinigilan? BAKIT MO AKO SINASAKTAN!!!”



Yung galit sa boses niya kanina, tuluyang nawala.



At hindi ako makapaniwala dahil for the first time, si Eleazer Pacual, ang sikat na Idol ng lahat, umiiyak ngayon sa harap ko. “Eli…”



Balak ko na sana siyang yakapin pero agad siyang tumayo at pinunasan ang mga mata niya. Tinalikuran niya ako at dumirecho siya paakyat sa taas.



Hindi ko gustong masaktan si Eli. At ngayon alam kong hindi niya rin gustong saktan ako. Hindi ko rin matanggap kung bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat.



Nagmadali akong tumayo bago pa man tuluyang makaalis si Eli. At sa pagtakbo ko, isa lang ang gusto kong gawin. Ang yakapin siya sa likod at sabihing…



“I’m sorry Eli!” Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “You’re right, I was too naïve about Kian. Pero alam na niya Eli. Alam niyang hindi ko siya kayang mahalin dahil sinabi kong ikaw lang. Ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba.”



Hinawakan niya ang kamay ko at pilit niya itong inaalis para bitawan ko siya. “I didn’t mean to hurt you this much, I’ m so sorry…” At hindi ako bibitaw. “I love you, Eli!!! I love you… I love you…” At paulit-ulit ko yung sinabi sa kanya hanggang sa mawalan siya ng lakas na pilitin akong bitiwan siya.



“I love you… I love you… I love you… I love you… I love you…” I was chanting over and over and over and over again just to calm his tensed body.



And we stayed on that position for a long time. “I love you… I love you…” Hindi ko na alam kung gaano yun katagal, at kung ilang beses ko yun pinaulit-ulit na sabihin na parang nauubusan na ako ng boses.



And when he finally felt my sincerity, he turned around to look at me, he cupped my face and said, “I love you too. I love only you.” Pareho na lang kaming napaiyak as we hugged each other again.



I will never want this to happen again. Ayokong magselos ako at magselos din siya. Dahil iisa lang naman ang nararamdaman namin eh. Si Eli lang ang mahal ko, at alam kong ako lang din ang mahal niya.



And now we both realize na kailangan na talaga naming ipaalam sa lahat ang tungkol saamin para maiwasan ang ganitong pangyayari. Mas magiging matapang na ako ngayon, ihahanda ko na ang sarili ko para ipaalam sa lahat na kami ni Eli.



At wala nang makakapigil this time. We won’t let anyone to stop us now.



(◡_◡) 

End of Chapter 45

12 comments:

  1. this chapter is the most vehement of all the chapter.
    i really felt the great emotion!
    and because of that, i really do imagine the scenes! especially when Eli is crying and when Sam hugged him at his back..

    good thing at naayos rin nila..
    isa na lang ang misyon nila.
    at yun ay ang ipaalam sa lahat ang tunay na relationship nila..

    I'm really satisfied yet ambivulent! XD
    tnx Ate Aegyo!!

    ~xAnDer~ dó.òb

    ReplyDelete
  2. sis kilig na kilig ako sa chap 43...hihimatayin ako sa kilig..hahahah

    ReplyDelete
  3. HuHuhu..i love this.. nakakaiyak..na touch ako..huhuhu.. salamat dahil na ayos na nila ang mess..may mga epal pa kasi..ehehe..Ang ganda ng chapter na ito!! idol talaga kita miss. Aegyo! 1st tym kung lumuha ako habang nagbabasa dito sa intertan.

    ~hehe..

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!
    bsang-basa ang panyo ko kakaiyak!
    sobrang touch at kilig ako di2!!!!

    naawa din aq kay kian na prang kinkilig peo kay ELI p din aq!!!!!

    naiyak tlga aq nung umiyak n si eli!!!!!!!!!! ate!!!!!!!!!!!!! nxt n agad!!!!!!!

    ang gnda-gnda n tlga ng mga chpters!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. sobrang feel na feel ko to, parang tanga lang ako umiiyak mag-isa... aegyo, huhuhuhu.. they really love each other. stay strong sam and eli ganyan talaga sa isang relasyon may down moment din pero ang importante dapat mas mangibabaw ang love.. huhuhu, malungkot pero super kilig, sobrang feel ko ang emotion.. sobra!!! huhuhuhu

    ReplyDelete
  6. naawa ako kay kian kasi feeling ko mahal niya talaga si sam! saakin ka na lang kaya para hindi ka mahurt! kasi hindi ka pwede kay sam, hindi kami papayag!

    but then, ito ang real comment ko for this chapter, sobrang naiyak ako! tagos sa puso!
    ewan pero ang dami ko nang naitulong luha para sa story na ito, pero iba yung iyak ko dito dahil umiyak din si eli! kakaiba pa naman kapag ang guy na ang umiiyak!

    iba talaga ang magic ng story mo sis!

    ReplyDelete
  7. inulit ko ulit basahin.. sobrang touching kasi.. sobrang galing mo aegyo, sobra!!!!! can't wait sa next chapter.. sana pag-usapan nila ang tunay na nagyari, kasi hindi maganda na forgive and forget ang drama dahil lagi lang silang magdududa sa isa't they must find time to talk to each other what really happen, eli should explain bakit ang flirty nya, si sam naman kelangan nyang sabihin na hindi sya nakikipaghalikan kay kian, si kian lang ang nagpumilit na halikan sya and wala syang nagawa dahil ang lakas ni kian.. aegyo, they should talk don't leave it hanging, trust and love must always be together right??!!

    ReplyDelete
  8. “Let me rephrase what I said just while ago. I don’t like you Sam… I love you.” ---- alm mu kian, kung mas maaga k lng dumting, ppyag p sna aq pra sainyo ni sam dhil ang sweet mu e! kxo ang kontrabida mu n tlaga! kya tigilan mu c sam! aq n lng! wag n u epal! kei?


    "At hindi ako makapaniwala dahil for the first time, si Eleazer Pacual, ang sikat na Idol ng lahat, umiiyak ngayon sa harap ko." ---- nde rin aq mkpniwla s luhang tumulo ult s mga mta q! nakktouch n nkakaklig!!!!!!


    tas ung i love you n ppliit yung font, d best!!!!!!!!!!!!!!

    wla na! i can't decide n tlga kun ano fvorite chptr q dhil lhat nmn ng pinpbsa mu saaming upd8 ay malulupet!!!!!!!

    ReplyDelete
  9. Umiyak ako ng umiyak. Nanlalamig ako kasi feel na feel ko si Sam. SHOCKS!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^