CHAPTER 5
(SAMIRA ALMIREZ POV)
After kong magluto, tinawag ko na sina Eli at ang mga kaibigan niya para kumain. Nang maupo kami sa harap ng lamesa...
"Wow! Ano yan?"
"Mukhang masarap! Ang bango pa!"
Syempre natuwa naman ako. "Sweet and spicy crab."
Paki-google na lang kasi hindi ko pa nga ini-explain kung ano yung niluto ko, kumain na agad silang tatlo. Sa totoo lang, nakakatuwa naman silang tignan. Sarap na sarap silang kumain.
"Auntie Sam, tubig nga!"
"Ha? Hindi pa nga ako kumakain eh." Pero sige, dahil tinawag niya akong Auntie Sam, ikukuha ko sila ng tubig.
Paglagay ko nang pitchel ng tubig sa harapan nila. "Nasaan ang mga baso? Ano 'to kakamayin namin ang pag-inom?" Aba't! Siya na nga pinagluto eh. "Sa susunod kasi kumpletuhin mo kapag nag-aayos ka ng mesa."
Hindi na sana ako papayag, kaso sumagot naman 'tong mga kaibigan niya. "Sige na po... please, mabubulunan na kami."
"Please... Ate Sam." Ang wawagas ng mga ngiti nila. Pasalamat sila mga cute sila! So kahit medyo labag sa loob ko, kinuhaan ko na lang sila ng baso.
Pagdating ko sa lamesa, kumain na din ako agad. Nagpaka-busy na ako, baka mamaya kung ano pang iutos nila saakin.
Habang kumakain, tinitignan ko lang silang tatlo. Nagtatawanan sila habang kumakain. Nao-OP nga ako eh, sobrang close kasi nila. Pero grabe, ang gagwapo nila. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako napalibutan ng mga ganitong kaga-gwapong lalaki. Kaso ginagawa nila akong utusan.
"Oh, dahil ako ang nagluto, kayo na magligpit nitong kinainan at maghugas ng plato ha." Natigil sila bigla sa pagtawa. Seryoso ako. Sakto din, tapos na kaming kumain.
Nagtinginan yung tatlo na parang may binabalak. Maya-maya, hinawakan ni Waine ang left hand ko. Tapos si Argel naman, hinawakan ang right hand ko. Ano 'to inlove na ba sila saakin? Hindi pwede!
Saka tumayo si Eli at inilapit ang mukha niya saakin. What's the meaning of this, hina-harass nila ako ng mga kagwapuhan nila. "Auntie Sam, ang sarap mo talagang magluto." Sinabi niya nang sobrang sweet at ang lamig pa ng boses niya.
"Oo nga... pwede bang gawin ka na lang din naming Auntie?"
"Oo nga, Auntie Sam."
Napapikit ako. Ang sarap ng feeling na nire-respeto nila ako nang ganito. Auntie Sam daw... "Oh... oh sige..."
Then I felt na parang wala nang tao sa paligid ko. Wala nang nakahawak sa kamay ko, at parang narinig ko silang nag-alisan sa lamesa. "Hoy!"
"Oh, si Auntie Sam na ang magliligpit at maghuhugas niyan! Tara PS3 tayo!"
"Sige Idol tara!
"Thanks Auntie Sam!"
"Mga adik na 'to!" Naisahan ako dun ha! Pati ba naman sa mga kaibigan nitong pamangkin ko, magiging katulong ako? Grrrrrrrr!
Natapos na ako sa pagiging dishwasher, kaya pumunta na ako sa living room para maki-join sa kanila. Busy sila sa paglalaro, kaya naupo ako sa isang upuan.
"Sam, gusto mong maglaro?" In-offer nung Argel. Wait... Sam? Nasaan na napunta yung Auntie kanina? Crap naman! Magkaibigan nga sila ni Eli.
"Oo nga Sam. Maganda 'to tsaka masayang laruin!" Isa pa 'to. Sam na lang din ang tawag saakin.
"Wag na! Makasira pa ng gamit yan!" Bwiset na Eli 'to! Buti na lang mababait ang mga kaibigan niya.
"Oo nga... baka nga makasira pa ako. O baka sirain ko talaga yan." Tapos nagtinginan kami ng masama ni Eli. Syempre joke ko lang yun! Wala akong pambayad kapag sinira ko yung PS3 niya. "Itong si Eli, hindi ko alam kung singkit lang o talagang ganyan lang kasama ang tingin."
Nagtawanan sina Argel at Waine sa sinabi ko. Kaya natawa din ako. Si Eli lang halatang hindi masaya. Naku, baka mamaya parusahan niya ako nito kaya maka-change topic na nga lang. "Pwedeng nood na lang tayo ng movie? Para naman ma-enjoy ko kayong kasama."
"Movie? Pwede... tara nood tayo." Ihhhh! Pumayag siya for the first time sa sinabi ko!
Katabi ko si Eli sa sofa, tapos nakaupo si Waine sa sahig, at nasa kabilang upuan naman si Argel. Manonood kami ng Paranormal Activity at ang hindi nila alam na napanood ko na yun nang maraming beses. Ahahaha! Siguro may balak silang takutin ako, tignan natin.
Tahimik lang kami nung una, tapos maya-maya parang nararamdaman kong lumapit si Waine. Tinanong ko kung okay lang siya. "Natatakot ka Waine?"
"Ako! Haha!" Ang tigas ng pagka-haha niya. "Hindi noh!" Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy kami sa panonood. Then napunta na kami dun sa part nang may mga nahuhulog nang pots sa kitchen.
Lumipat na bigla ng upuan si Argel. Doon na siya tumabi kay Eli kaya tatlo na kami sa sofa. "Umusog ka naman ng konti Idol."
"Ano ba Argel! Ang sikip na!"
"Natatakot ka Argel?" Parang ang sarap lang mang-asar kasi ang cute nila kaya tinanong ko yun.
"Ha? Hindi noh! Hindi ko lang makita doon sa pwesto ko."
Natatawa na talaga ako eh, pinipigilan ko lang. Halata naman kasing naduduwag na sina Waine at Argel, nagmamatapang pa. Tapos tinignan ko yung reaction ni Eli, parang wala lang sa kanya. Ah siya, talagang matapang.
Nakalagpas kalahati na kami ng movie at nagsisimula na talaga yung magandang part. Yung talagang nakakatakot. Yung non-stop na yung paranormal events. Sobrang nakakagulat nga eh. Pero mas nagulat kami nang may biglang sumigaw, "Ahhhhhhhhhhhhhh!!!"
Paglingon namin, si Eli napatakip na ng bibig niya. "Ahhh?" Parang namulasiya. "Hindi kayo nagulat?"
"Nagulat kami sayo. Natatakot ka, Eli?"
"Hindi noh! Ginugulat ko nga kayo eh. Psssshhh!" Ginugulat pala ha. Bakit pinagpapawisan siya kasama ng mga kaibigan niya? Ahahahaha!
Ang yayabang ng tatlong 'to, horror movie lang pala ang katapat. Ayaw pang magsi-aminan. Hindi naman kabawasan sa kagwapuhan nila yun.
Nang matapos namin yung movie, parang tulala pa rin yung tatlo. Nakaisip tuloy ako ng plano para makaganti sa pang-aalila nila saakin kanina. Umalis ako kunyari at nagpunta sa kitchen. Tapos sumimple ako dun sa switch, at pinatayan ko sila ng ilaw.
"Wohhhh?" - <(⊙.☉)>
"Yung ilaw!!!" - (>‘o’)>
"Ahhhhh!!!" - <('o'<)
Ahahahahahahahaha! Mga hinayupak yan! Ang duduwag! Itinaas ko ang level ng pananakot ko. Kumuha ako ng hindi babasagin na cup tapos binato ko sa kanila. Lalo silang nagulat at nagwala.
"Hoy! Sam! Nakanampucha ka! Tumigil ka na dyan!" Ay nalaman niyang pinagti-tripan ko sila?
"Ahahahahahahahahahahahahahaha!" - (╥‿╥) Binuksan ko na yung ilaw at nilapitan ko na sila. Pinagpapawisan silang tatlo. "Joke lang, peace tayo!"
Akala ko maaasar sila eh, buti na lang hindi pikon sina Waine at Argel. "Grabe ka Sam, Idol ka na din! Hindi ka ba natakot?"
"Hindi..." Ang totoo, natakot ako nung una ko siyang pinanood. Pero sabi ko nga, ilang beses ko na yung inulit kaya na-immune na ako sa palabas na yun. Hindi ko na lang sasabihin sa kanila para isipin nilang matapang ako.
"Idol!!!" tapos nag-bow sila saakin, pwera lang si Eli.
"Umuwi na nga kayo, madilim na!" Ang KJ talaga nito. Palibhasa na-duwag din eh.
Anyway, umuwi na nga yung dalawa. Pero may pahabol sila na babalik sila ulit. Makikipag-bonding daw sila saakin. Kinilig naman ako. "Sige ingat kayo pauwi! Ingat sa paranormal activities!" Inasar ko muna yung dalawa bago sila tuluyang umalis.
"Tingin mo naman nakaisa ka na dun?"
"Oo..." Tapos tinignan ko yung bad trip niyang mukha, maasar nga ulit. "Ay pikon si Eli?"
"Pikon?" Naupo siya sa upuan. "Sinasabi mo yan kasi hindi ka pa talaga nakakaranas ng totoong paranormal activity."
Ang seryoso ng mukha niya. Parang kinabahan tuloy ako. "Peace na nga tayo, Eli. Ito naman, masyadong sensitive."
"Hindi ka dapat nagbibiro ng ganun." Tapos tinitigan niya ako. "Hindi mo kasi alam, na may nangyayari ding ganun dito sa bahay ko."
"Se... seryoso ka?" Oo na, duwag din talaga ako. Lalo na kung totoo.
"Ilang years na akong mag-isa dito, at madalas na may ganung pagpaparamdam sa bahay ko. Ewan ko kung bakit natigil ngayon pero sooner or later, baka magparamdam ulit sila."
"Weh!!! Hindi nga!!!" Lumapit ako sa kanya. Potek naman! Hindi magandang biro yan! "Haunted ba 'tong bahay mo?"
"Tingin mo para saan yung mga camera na nasa bawat sulok ng bahay ko?" Nakakatakot yung tingin niya. "Para kapag may nangyaring masama saakin dahil sa mga kababalaghan, may ebidensyang pinatay nga ako ng mga multo."
"Eli!!!!!" Napahawak na ako sa braso niya. "Nakakatakot na promise! Ayoko na!"
"Naalala mo yung tatlong kwarto dun sa taas? Yung isa saakin, yung isa sa'yo, at yung isa sa harap ng kwarto mo?"
"Ba...kit?"
"Bakit hindi ko binubuksan yun?" Ayoko nang malaman! Please tama na!!! "Sabi kasi nung nagbenta nitong bahay saamin, kapag pinasok mo daw yung kwartong yun, lagi mo nang mapapanaginipan yung babaeng nagpakamatay sa lugar na yun."
"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!" Nagtakip na ako ng tenga. "Ayoko na Eli! Ayokong maniwala sa'yo!"
"Ayaw mo? Tara, dadalhin kita doon." Binuhat niya ako papuntang second floor at nagpupumiglas ako. Syempre malakas siya at wala akong laban, anong gagawin ko?
"Ayoko sabi Eli!!! Please!!! Sorry na! Ipagdadasal ko bahay mo! Ipagdadasal pa kita!!!"
Kaso hindi niya ako binaba at palapit na kami dun sa kwartong sinasabi niya. Ipapasok niya ako dun? Ikukulong niya ako? Magpaparamdam yung multo? Mamamatay ako!!!
"Eli ayoko na!!!" Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Para hindi niya ako maibaba. "Bahala ka isasama kita!!!"
"Bitawan mo nga ako! Pumasok ka dun sa kwarto!"
"Hindi! Bitawan mo muna ako!" Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya, "Isasama talaga kita!" Naiiyak na ako sa takot.
Napatigil naman siya. "Psh." Sobrang magkalapit ang mga mukha namin nung nagtinginan kami. "Joke lang."
"Ha?"
Tapos nag-smirk siya saakin, pero mahigpit parin ang hawak ko sa kanya. "Walang multo, okay! Bumitaw ka na nga."
At binitawan ko na siya. Saka niya ako tinawanan. "Sinong duwag ngayon?" Bumaba na siya ulit papuntang living room at sumigaw pa. "Quits na tayo! Magluto ka na ng dinner!"
"Weh... joke lang talaga yun? Promise, walang multo?"
"Wala nga! Duwag!"
I sighed and blushed. Naisahan nanaman ako ng kumag na Eli na yun! Nakakahiya! Nakakaasar! Grrrrrrrrr...
Pero parang nakakakilig. Ewan! Basta!

(ὸ.ό)

(≧◡≦)

(≧ω≦)

v(T.')v
End of Chapter 5
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21
Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33
Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?

ayyyiii natakot daw.. kinilig naman pala. :D
ReplyDeleteHAHA! Tawa ako ng tawa habang binabasa ko 'to eh. xD
ReplyDelete