CHAPTER 28
(SAMIRA ALMIREZ POV)
"Hoy bugal!" Ngayon lang nagsink-in sa utak ko kung gaano kami ka-korni! At kung gaano kapangit ang tawag niya saakin! Ano ba yang salitang yan? Ni wala sa dictionary yun ni badessa eh. Pinilit kong palitan, pero trip na trip na ni Eli yung pagtawag saakin nun! Ang laking timongoloid naman niya kasi! "Bakit ang aga mo ngayon ha?"
"Mag-eenroll na ako for second sem."
"Sinong kasama mo? Si Byron?"
"Hindi nga eh. Nauna na siyang makapag-enroll kahapon. Samahan mo ako?"
Tinitigan niya ako bigla. "Weh, pumaparaan oh! Ipandi-display mo lang ako sa school niyo eh." Tapos nag-feeling gwapo siya... okay so gwapo naman talaga kasi siya!
"Lakas mo Eli! Isa kang malaking junanax sa buhay ko!" Na-bwiset ako! Paano ko siya idi-display eh hindi naman namin pwedeng ipakita na KAMI! "Alis na ako ha."
"Sure! Bye beybe!"
Nilingon ko siya. So wala talaga siyang balak ihatid ako sa school? Kahit itong time lang na 'to! At tsaka may something fishy dahil hindi siya nakapambahay! "Hoy... bakit ka nakabihis?"
"Gusto mong nakahubad ako?" Tapos kunyari tinakpan niya yung katawan niya! Feeling naman ng lalaking ito!!!
"Wag mo nga akong pilosopohin! I mean, may lakad ka rin ba? Bakit naka-ayos ka jan?"
"Ah! Mage-entrance exam din ako ngayon. Hinihintay ko sina Waine at Argel." What? Oo nga pala noh, nakakalahating-taon na kami eh! Malapit na siyang mag-graduate! Malapit na siyang mag-college!
"Saan kayo mage-exam? Saang university niyo balak mag-aral ha?" Hindi niya ako sinagot. "Sige tama yan Eli ha, wag mo akong sagutin."
"Ang dami naman kasing tanong. Kung saan-saan lang!" Sabay kamot sa ulo niya! Pag siya ang makulit okay lang. Kapag siya ang kinukulit, ang pikon! "Lumayas ka na nga kasi at mag-eenroll ka pa diba. Sige ka baka maubusan ka ng subjects."
"SUNGIT MO! Bahala ka nga jan!"
Ayayayay! Isang ordinaryong araw na naman! Kami ng boyfriend kong damulag, as usual nag-aaway na naman! Okay lang, malaki na naman siya! Mas malaki pa nga siya kesa saakin eh. Bahala na siya kung saan siya mag-aaral sa college!
"Wag mong itatanong saakin yung schedule na kukunin ko ha!" Panakot ko at padabog na akong lumabas ng bahay. Hindi naman niya ako pinansin at nandun pa rin siya, nakaupo lang sa sofa!
Ah tama, wala akong makuhang matinong sagot sa kanya ha. Sina Waine at Argel na lang ang tatanungin ko kapag nagkita kami!
.
.
.
"Hello beb... nandito na ako sa Edinham. Text mo saakin yung subjects na kinuha mo ha...okay , bye!" Oo!!! Para mag-classmate pa rin kami! Hindi ko yata makakayang malayo sa bestfriend kong badessa eh. Haha!!!
Naglalakad na ako sa floor namin, pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Hinihintay ko kasi yung text ni Byron.
At dahil alam kong isang malaking kamalian ang hindi tumingin sa dinaraan, may nabunggo tuloy ako. "Ouch!"
"Argh..."
Nagkatinginan kami nung lalaki na nabunggo ko. "Ay sorry!" Clumsy much Samira! Yung lalaking nabunggo ko kasi, parang kagagaling lang ng hospital! Nakabalot ng benda yung kanang kamay, at may mga bandage din yung mukha niya. "Natamaan ko ba mga sugat mo? Sorry! Sorry!"
Nakatitig lang siya saakin. "Okay lang." Tapos nginitian niya ako. Infairness naman sa lalaking ito, kahit may mga galos yung mukha niya, halatang ang cute pa rin niya!
Uwaaah Samira!!! Nagkakasala ka kay Eli!!! Bawal nang ma-gwapuhan sa iba ngayon! "Ah... haha... Sorry ulit ha! Sige." Aalis na sana ako pero...
"Um... pwede bang magtanong?"
"Yeah... bakit?"
"Mag-eenroll ka din ba? Transfer kasi ako... kagagaling ko lang sa admissions office kanina at pinapupunta na nila ako sa encoding area para sa subjects na kukunin ko. Kanina pa ako palakad-lakad pero hindi ko makita yung room eh." Napakalumanay naman niyang magsalita! At ang ganda ng boses! Yay!!!
"Talaga? Tamang-tama papunta din ako dun" Nginitian ko siya. Kaya pala ngayon ko lang siya nakita eh, transfer pala! At dahil nandito siya sa building na 'to, malamang same course kami! "Tara sumunod ka saakin!"
Naks! Panalo ang kabaitan ko oh! Ako na! Ako na Miss Congeniality!
≧^◡^≦
Tamang-tama, medyo konti pa lang yung nag-eenroll ngayon! Walang masyadong tao dito sa computer lab! Haha!!! At kasama ko pa rin si 'kuyang-sugatan', nag-eencode na kami ng subjects.
"Done!" Ayiiiehhh!!! Nakuha ko lahat ng subjects na kailangan ko for this sem! At pagtingin ko naman sa kasama ko. "Okay ka lang?"
"Yeah..." Pero actually hindi! Kasi halatang nahihirapan siyang mag-type.
"Gusto mo ako na lang mag-type?"
"Okay lang ba?"
"Oo naman!" Kasi nga mabait ako! Lumapit ako sa pwesto niya. "Oh, anong subjects ba ang kukunin mo?"
Parang nahiya pa siyang sabihin. "Hindi ko pa din alam eh."
"Teka anong year mo na ba?"
"Freshman pa lang."
"Pareho lang pala tayo eh!" Akala ko naman mas matanda siya saakin... Hehe. "Gusto mo pareho na lang din tayo ng subjects na kukunin for this sem?" Tapos pinakita ko sa kanya yung schedule ko. "Maganda itong line-up ng schedule ko. At tsaka para pareho tayong hindi mahirapan sa pag-encode."
Natawa siya saakin. Seryoso naman ako! "Sige... para may classmate na din akong kakilala ko."
Siguro likas na saakin ang pagiging friendly sa mga lalaki. Obvious naman diba! Si Byron ang bestfriend ko. At yung mga kabarkada lang din ni Eli ang ka-close ko. Madalas kasi sa mga babaeng nakikilala ko, parang naasar sila saakin. Malay ko ba kung bakit!
Parehong-pareho na kami ng schedule at nakatingin lang siya saakin habang tina-type ko yung subjects. "Ano nga palang name mo?" Tinanong ko dahil kailangan yun dito sa form!
"Kian Miranda." Tapos pinakita niya saakin yung lumang university ID niya para sa spelling ng name niya.
Nung tinitigan ko yung picture niya sa ID... "Uwaaahhh!!! Ang gwapo mo dito ha!" Yucky-kaduray ka Sam! Bakit mo naman sinabi yun! "Actually, gwapo ka pa rin naman ngayon, pero ang dami mo lang benda sa katawan." Kaduray much na talaga Sam!!! Bakit mo pa dinagdagan!!!
Tinawanan niya lang ako. Baka iniisip niyang hindi pa ako nakakakita ng gwapo sa tanang buhay ko! "Ikaw, anong name mo?"
"Samira Almirez." Hindi ko na siya tinignan... nahihiya na ako eh!
After naming mag-encode, pinasunod ko na rin siya saakin para pumunta na dun sa cashier! Magbabayad na kami ng tuition fee.
"So Kian, hindi naman sa ang epal ako masyado noh... pero bakit naisipan mong lumipat dito sa Edinham?"
"Ha?" Tapos napatingin siya sa malayo! Aba! Pa-suspense effect! "May hinahanap akong tao eh. Yung nagligtas sa kapatid ko."
"Talaga? Lumipat ka lang dito dahil doon?"
"Malaki ang utang na loob ko sa kanya." Tapos nginitian niya ako. Ke-gwapong nilalang naman nito! Pero hindi na ako nagwo-worry, kasi na-immune na ako sa kagwapuhang taglay ni Eli eh. Immune na ako sa mga ganyang ngiti! Hwahaha!!!
"Eh... ano namang yang mga sugat mo? Saan mo nakuha yan?"
"Ha?" Napayuko naman siya ngayon. Kakaiba na talaga ang pa-suspense effect na habit ng lalaking ito ha! "Umm..."
"Hay naku, wag mo na nga akong pansinin." Halata kasing ayaw niyang pag-usapan namin. "I hope maging magaling ka na next week sa pasukan."
Nginitian niya ulit ako. "Ah... Samira. Pwede bang kunin number mo?"
"Bakit?" Textmate? Naku baka magalit si junanax pag nagkataon!
"Kasi classmate naman kita, diba?" Ay oo nga pala! Ano ba 'tong iniisip ko! Para nga hindi na siya mahirapan sa first day niya in class!
"Haha... okay!" Tapos binigay ko na yung number ko at ni-save na niya yun sa phone niya.
"Che-check ko lang ha." Ni-try niyang tawagan yung number, at syempre nag-ring ang phone ko. "Working! Pa-save na lang. Kian Miranda."
"Oo naman." Napapansin kong pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Eh kasi naman itong Kian na ito, ke-gwapo, nag-ala mummy! Anyway, malamang sa malamang, maraming magkakagusto sa kanya lalo na kapag gumaling na yung mga sugat niya at wala nang nakabalot na benda sa braso niya.
"So Kian, kailangan ko nang umuwi ha." Yung akala kong 30 minutes na enrollment ko ngayong araw, nadagdagan ng isa pang oras dahil kay Kian! Pero nakatulong naman kasi ako eh. "Kita na lang tayo sa pasukan."
"Okay. Ingat ka sa pag-uwi ha."
"Sure! Ikaw din!" At kinawayan ko na siya. "Bye!!!"
"Bye..."
(-^▽^-)
Pag-uwi ko sa bahay, wala pa nga si Eli. Saan kaya siya nag-exam ngayon?
Anyway dahil maaga pa naman tinawagan ko muna si beb. Iniinggit ko siya tungkol sa lalaking nakilala ko kanina.
"Kalurqui kang babaita ka! Meron ka nang Eli-byu, may Wainey dear, at may Papa Arji ka pa, now may junader kekiru kang nakaeye-ball! (Kaloka ka! Merong ka nang Eli, Waine at Argel, ngayon may nakilala ka na namang pang-boyfriend material!)" Nagwawala na siya oh! Ang kulit! "Ang kiyomat mo sa mga otoko bells! (Ang damot mo sa mga lalaki!)"
Ahahaha!!! Hay badessa kung alam mo lang... kay Eli-byu pa lang busog na ako! "Wag ka nang kumokak jan! Classmate natin yun pareho, don't worry!"
"Lapakels! Wish anis na gumorah aketch kaninerz! (Kahit na! Sana pala pumunta ako kanina!)" Ayan kasalanan niya yan, nauna kasi siyang nag-enroll kesa saakin. "But qitrix beb, yang si Kian, keri ba? (Pero ito beb, yan si Kian gwapo ba?)"
"Super keri!!!"
"Gyaaaaaaaahhh!!!" Malamang gumugulong na si Byron sa tuwa! Hindi naman echoz yun, sobrang gwapo talaga ni Kian! "Ang ratings beb?"
"PERFECT 10!" Bongga!!! Pati tuloy ako kinikilig! Hahaha!!! "Oo! Ganun siya ka-gwapo! Ahahahaha! Kakilig!"
"Sinong gwapo?"
Ako - (✖﹏✖)
Nakataas lang yung kilay niya saakin, hindi siya ngumingiti! Ang bilis naman niyang bumalik!
"Ah... beb... ba-bye na ha." Hindi na rin ako nagpaliwanag kay badessa at binabaan ko na siya ng phone. "Eli... hehe."
"Sinong classmate yun? Gwapo? Kakilig?" Ang tigas ng pagkakasabi niya.
Bakit kinakabahan ako sa tingin ni Eli! As if naman nan-lalaki ako diba! Hindi naman!!! "Bakit ang aga mo umuwi? Tapos ka nang mag-exam?"
Hindi man lang natinag yung nakakamatay niyang tingin. "Bakit hindi mo ako sinasagot? Tapos ka nang magpalusot?" Yung expression niya, nakakatakot! Buti sana kung naka-pout eh, ang cute sana! "Sam." Bigla siyang nag-smirk... supah dupah evil smirk!
"Owmygawd Eli! Hindi ako nan-lalaki promise!" Ang lamig ng pawis ko! "May nakilala lang akong lalaki... tapos pareho kami ng schedule... so classmate ko na siya... pero yun lang yun!" Hindi siya sumagot. "Di hamak na mas gwapo ka dun Eli! Ano ka ba!"
Wala pa rin siyang reaction... at nasaktuhan na nag-ring yung cellphone ko. OWEMJINESS!!! Bakit siya tumatawag?
*reject call... looks to my angry boyfriend... smile... cry?*
"Junanax...?" Nagpa-twinkle eyes ako sa kanya. "Hindi ko magagawa yang iniisip mo ha." Why do I sound guilty? Wala naman talaga akong ginagawang masama! Ito naman kasing si Eli, kung makatingin!
*riiiiiinnnnnng... riiiiiiiiiinnnnnnnnnng...*
"Sino ba yan ha?"
Sinilip ko ulit yung phone ko, juskoday!!! Kian? Bakit ba siya tumatawag? "Si Byron... kausapin mo?" Ayaw pa niyang maniwala saakin, kasi naman ang bobo ko magsinungaling. So itataas ko na lang yung level ng pagsisinungaling at sinagot ko yung tawag... "Hello beb... sabi ko ba-bye na diba... beb?"
Nasa kabilang linya si Kian. "Beb? Samira si Kian 'to."
"Hey Beb, kasama ko na si Eli-byu... kausapin mo?"
"Ha?"
"Eli oh, kausapin ka daw ni badessa." Please mahabaging langit! Sana hindi kagatin ni Eli!!!
"Psh..." Tapos hinablot ni Eli yung phone. Pwede na akong mamatay ngayon! Humanda ka na sa pagsisinungaling mo Sam! "Byron... mamaya ka na tumawag ha, bye!" Tapos in-off niya yung phone.
Buti na lang hindi niya kinausap at nakahinga din ako ng malalim!!! "Oh sabi naman sayo si Byron yun." At nakaisip na ako ng paraan para makalimutan niya yung about sa soon to-be-classmate ko.
*inhale... exhale... lakas ng loob...*
"Bakit mah Eli-byu? Nagseselos ka? Uy selos ang mahal ko." Ay jusme!!! Pati ako kinikilabutan sa sinasabi ko. "Don't worry my beybe love, may tatalo ba sa pagiging Idol mo? You're the one and only love of my life!"
"Korni mo buset!" Tapos umalis na siya. Oh diba, kahit nakakadiri yung mga sinabi ko, um-epek pa rin! Nyahaha!!!
"Hoy junanax, saan ka na pupunta?"
"Sa taas! Ginu-goosebumps ako sa'yo!"
"Ano gusto mong dinner." Isa pa yan sa mga kahinaan niya. Pagkain! "Sige na beybe Eli-byu, ano gusto mong kainin mamaya?"
"Nakangpucha! Ang landi mo Sam!" At tumakbo siya papunta sa kwarto niya. "Lakas ng sapak mo ngayon!"
Pareho kasi kaming hindi sanay sa ganito eh. Para kasing nakaka-paralyze kung may isang maglalandi saamin.
"Hehe..." Pero at least nakalusot ako! Yezzzzz!!!
Anyway, bakit nga ba tumatawag si Kian? At sakto pagbukas ko sa bag ko... "Ay kaya naman pala!!! Yung ID niya nasaakin pa!!!"
¯\(╯‿╰)/¯
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21
Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33
Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^