Monday, November 28, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 15

CHAPTER 15
(ELEAZER PASCUAL POV)





Anak ng! Iniiwasan ba ako ng babaeng yun! Nagkasigawan lang kami nung Sunday, hindi na nagpakita saakin! Ilang araw na ba siyang nago-overnight kina Byron?




"FOUR DAYS!!!"




"Letchugas na yan... OO FOUR DAYS! Sabi ni Sunmi, tuwing umaga lang daw siya umuuwi. Tapos aalis na agad at doon na mago-overnight kina Byron."




"Naku iba na yan idol! Hindi naman ganun si Sam kahit inaaway mo siya noon eh. Tampo talaga sayo yun!"




"Tsk! Oh ano ka ngayon idol! Nami-miss mo noh! Kami nga nami-miss namin siya, ikaw pa kaya!"




"Wag na nga kayong umepal! The hell I care! Magsama sila ng bakla niyang kaibigan!" Mabuti nga yun noh! Umalis na lang siya sa bahay kung mag-iinarte siya!



"Ikaw din... tandaan mo two weeks lang si Sunmi dito sa Pinas... after nun, kayo na lang ulit ni Sam. Pero kung hanggang ngayon hindi pa rin kayo bati, eh di ikaw na lang mag-isa."




"Aww syet!!! Namimiss ko tuloy yung mga luto ni Sam!"




Napatingin ako sa kanila... oo na! Hinahanap -hanap ko siya! Yung luto niyang masasarap! "Ang korni naman kasi! Parang yun lang magtatampo na!"




"Babae si Sam! Syempre naman magdadamdam yun kung palagi mong sinusungitan tapos ngayon sinisisi mo pa!"




Tapos sabay-sabay kaming nag-sigh. Hindi naman ako ganito noon, bakit sobrang apektado ako ngayon!




"Oh... so anong gagawin ko?" -  ( ๏̯͡๏ )




Tapos tumingin sila saakin. Lintek na mga pagmumukha nila yan! Parang nang-aasar pa.




"Yown oh! Umamin din talaga!" - 〷◠‿◠〷




"Sabi na hindi mo matitiis eh!" - 乂⍲‿⍲乂




"Gusto niyong ma-sopla? Ano ba!!!" - >:=◑




"Ganito Idol... kapag mamayang gabi hindi pa rin siya nagpakita..."




Para din akong tangang nakinig sa kanila... pero sa tingin ko naman maganda ang idea nila eh. HWAHAHA!!! Humanda ka saakin Sam! Ako ginaganito mo ha!




Wala pang babae ang gumanito saakin, ikaw pa lang! Magbabayad ka!





٩(•̮̮̃-̃)۶






Okay hindi talaga siya umuwi! Okay lang, makakabawi naman ako sa kanya! Humanda siya.




"Why are you so worried about her?"




Naglalaro kami ng ps3... at binubuhos ko yung inis ko kay Sam dun sa nilalaro namin. "Ha?"




"Si Sam... si Auntie Sam... why are you so worried about her?"




"Me? Worried? HELL NO!"




"You don't seem like you're telling the truth oppa."




"Psssh! Don't mind me Sunmi! Hindi ka pa nasanay!"




"Nasanay ako sa'yo! Kaya nga ngayon naninibago ako! Kahit na ngayon na lang tayo ulit nagkasama, kilalang-kilala na kita since the day you became my step-brother."




"Oh alam mo na pala eh, bakit ka pa nagtatanong?"




"Because you won't tell me the truth." Tapos nag-pout siya, and she stopped playing.




Napatigil din ako sa paglalaro ko, kaya natahimik kami bigla.




"Oppa... is there any chance... that you like her?"




"What?"




"Si Sam... do you like her?" She looked straight into my eyes... paano ko ba sasabihin 'to? Ewan!!!




"You want to know the truth?"




"That's what I'm asking for, kanina pa!"




"Alright! But this thing... is just between you and me... actually..."




And I told her what she wanted to know. And we both swear na saaming dalawa lang talaga yun!




"Ow..." Napatingin sa malayo si Sunmi. Then she sighed again. "I see..."




(ύ_ὺ)




(SAMIRA ALMIREZ POV)





*hikab*






"Sige Badessa. Uwi na ulit ako. Mayang gabi na ulit ha!" At nagba-bye na ako sa kanya. Every morning ng mga 8:30, umuuwi na ako sa bahay ni Eli dahil alam kong wala na siya sa bahay ng ganung oras dahil sa pasok niya. Tapos magpapalit ako ng damit, at magi-impake ulit ng pantulog ko.




Pagdating ko sa harap ng mansion ni Eli... "Good morning."




"Good morning Rinoa!" Then I entered the home password. Kabisado ko na siya! Ahahaha!!! Ilang buwan na din kasi ako dito!




"Welcome back."




Ngumiti lang ako sa security camera. Si Rinoa lang talaga ang nag-iisang mabait sa bahay na ito. Anyway, heto na naman tayo... sasalubungin na naman ako ng nakakabanas na pagmumukha at ugali ni Sunmi! "Hay naku po..." Bulong ko.




Pagbukas ko sa pintuan, hindi ko akalaing bubungad saakin si Eli na nakapamewang pa.




"WELCOME BACK AUNTIE SAM!" Ang sarcastic ng boses niya! TEKA! Bakit siya nandito? Diba dapat nasa school na siya!




"E... Eli? Hin... hindi ka pumasok?" Nauutal ako. Ang tagal din naming hindi nagkita eh. I mean, ang tagala kong hindi nagpakita sa kanya.




"Tinatamad ako... bakit?"




"Wa... wala naman... um... good morning..." Tapos umiwas na ako at umakyat agad sa second floor.




Syetttt!!! Sinusundan niya lang ako. Ano ba 'to! Nasaan na ba si Sunmi at nang madistract ako! Kung kelan naman kailangan ko ang kaepalan niya, saka siya wala!




"So... what's up?" Ang seryoso ng mukha niya, ang seryoso pa ng boses niya... at sumunod siya hanggang dito sa kwarto ko!




"What's up?... err... maliligo na ako at maaga pa ang pasok ko!"




"Tapos ano? Hindi ka ulit uuwi? Overnight na naman?"




"Hm... oo? May... may project kaming tinatapos ni Byron eh."




"Ah... ganun?" Tapos nagmake-face siya at naupo sa kama ko. Nakatingin lang siya saakin.




"Hindi ka pa ba aalis?"




"Bakit ako aalis... bahay ko naman 'to. At kwarto ko din 'to!"




*inhale... exhale...*




Easy lang Sam! Wag iinit ang ulo mo! "Fine! Sige maliligo lang ako ha!" Kinuha ko yung damit na susuotin ko, at nafi-feel ko na sinusundan ako ng mga mata niya in every move that I make. Naligo ako agad... at sinadya kong tagalan sa loob ng banyo... siguro naman aalis na siya!




Dahan-dahan akong nagbihis, dahan-dahang nag-blower ng buhok, dahan-dahang nag-ayos ng mukha... saka dahan-dahang din akong lumabas ng banyo.




PERO NANDITO PA RIN SIYA!!! ANO BANG PROBLEMA NIYA!!! - ಥ_ಥ




"Aalis ka na?"




"Yeah..." Tapos nag-impake ako ulit ng damit ko sa bag. Yung susuotin kong pantulog mamayang gabi sa bahay ni Byron.




"Alam ba ni Tito Rico na nakikitulog ka kina Byron?" Why all of a sudden tinanong niya yun!




"Ha?" Actually hindi! Hindi ko pinaalam kay kuya! "Bakit?"




"Kapag nalaman kaya niyang almost one week ka nang hindi dito natutulog sa bahay ko, pagagalitan ka niya?"




"Um... alam niya na noh!" Errr... kinakabahan ako ha.




"Alam niya? Then let's check." Tapos kinuha niya yung cellphone niya at ni-dial ang number ni kuya Rico! Syetttt!!!




"No!" Napatakbo ako papunta sa kanya para hablutin yung cellphone niya kaso tumayo siya agad at itinaas ang kamay niya. Pinipilit kong abutin yun at naglulundag na ako, kaso bakit naman ang tangkad ng mokong na 'to!




"What are you doing! Akala ko ba alam na niya!" Parang matrix lang kung umiwas ha!




"Don't you call him!" Inaabot ko pa rin, at tumakbo siya palabas ng kwarto kaya hinabol ko naman siya! "ELEAZER!!!!!!!!!!!!!!!"




Napunta na kami sa living room, at nagpapatintero kami sa sofa niya! Tinatawanan niya lang ako, yung pang-asar at ni-loudspeaker pa niya yung phone para lang iparinig saakin na nagri-ring na. "Hello..."




"Hello Tito Rico!" Oh no!!! Mag-isip ka Sam! Ipapahamak ka ng kumag na Eli na yan! Baka hindi ka pa padalhan ng kuya mo ng allowance niyan eh!




"Eli? Napatawag ka! Diba dapat nasa school ka ngayon?"




"Hindi po ako pumasok. Medyo masama pakiramdam ko kanina, pero okay na ako ngayon. But I just want you to know something about Auntie Sam."




"Si Sam? Oh ano yun?"




Dahil off-guard si Eli, tinalunan ko siya at natumba kami pareho sa sahig. "Ouch!!!" Nabagok kasi siya! Ahahaha!!!




Naagaw ko sa kanya yung phone at wala na akong pakelam kahit na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin kami sa sahig. "Hello kuya... this is me, Sam! We're okay... uh... oo naman! Ahahahahaha!!!"




Tapos hinablot niya ulit yung phone! Papalag pa sana ako kaso nagawan niya nang paraan na hawakan niya pareho ang kamay ko at nang hindi na ako makatayo. Parang siyang nakayakap saakin, and I can feel all his weight on me. "Hello Tito Rico!"




"Ano bang nangyayari sa inyo jan at parang nagkakagulo yata?"




"Wala naman po! Nangangamusta lang!"




"Eli subukan mong magsalita, malalagot ka saakin!" Tapos nandila lang siya! Potek! Hilain ko dila mo eh!




"She's taking good care of me naman! Actually ipagluluto pa nga niya ako ng masarap na dinner mamaya eh... yun lang po... okay! Tatawag na lang ako kung may bago na!"




"Sige... bye Eli! Bye Sam!"




"Magba-bye ka!" Panakot saakin ni Eli.




"Bye kuya~!"




And click! Binaba na ni Kuya Rico yung phone! Ano bang gustong palabasin nito ni Eli? At ang awkward moment pa jan, nakahiga pa rin kami pareho, at hindi niya pa rin ako pinapakawalan. "Narinig mo sinabi ko Sam? Kapag mamaya hindi ka umuwi dito at hindi mo ako pinag-luto, tatawag ako ulit kay Tito Rico!!!"




I looked at him... and suddenly... hindi ko napigilan ang sarili ko...






*sob...sob*






"Why are you always so mean to me?" And my tears started to fall kaya napapikit ako... and I can picture Eli's reaction. Nagulat siya... first time ko kasing umiyak sa harap niya.




"Sam?"





^(◐◐)^

End of Chapter 15




>>>CHAPTER 16 HERE





1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^