Thursday, November 3, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 3

CHAPTER 3
(ELEAZER PASCUAL POV)




"Ikaw? Auntie ko?" Patawa ba 'tong babaeng 'to? "Pakelam ko kung asawa na ng kuya mo ang mommy ko!"





"Grabe ka na magsalita ha! Tandaan mo mas matanda pa rin naman ako sa'yo."




"The heck I care! Matanda ka nga, pandak ka naman!" Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng noodles. Pagkasabi ko nun, nanahimik siya. Tama lang noh! Baka sa labas ko siya patulugin eh.





At lalong wala siyang karapatang sumagot dahil una sa lahat, nakikitira siya sa bahay ko. Pangalawa, nakikain pa siya ng noodles ko. At pangatlo, at  pinaka higit sa lahat, sinipa niya ang pagkalalaki ko. Takte, naalala ko sumakit tuloy ulit.





After kong manood ng basketball game sa TV, pumasok na din ako sa kwarto ko. Iniwan ko siya sa living room, bahala na siya sa buhay niya.





*riiiiinnnnngggggg*





Alas-sais na? Umaga na agad! Amp! Nakakatamad pumasok! Pero dahil sa mas nakakatamad ang tumambay dito sa bahay, papasok na lang ako.





Pagdating ko sa school, "Idol!!!" Bumungad agad saakin ng dalawa kong tropa, sina Waine at Argel. "Aga natin ngayon ha."





Naupo lang ako. Sarcastic yung pagkasabi nila na maaga daw ako. Late kaya ako ng 20 minutes. "Si Sir Kulot?" Adviser namin. Actually kulubot dapat nickname ko dun eh, mas kyut lang yung kulot.





"Umalis sandali. Good timing ka Idol, kanina ka pa hinahanap nun eh."





"Idol lagot ka dun..." Ako lagot? Tignan natin!





Then Sir Kulot entered the room. Napatingin siya saakin at sabay sabing, "Mr. Pascual, you're late."





"I know." Nagtitigan kami, pero syempre obvious naman kung sino ang mananalo.





"Alright, continue na tayo sa lesson class." Ahahahahahaha! Tinignan ko sina Waine at Argel nang nagyayabang. Nagtago naman sila sa ilalim ng mga lamesa nila para humagalpak ng tawa.





"Idol ka talaga." Pssss! Ako pa!





Ngayon kung itatanong niyo kung bakit hari-harian ako dito, that's because anak ako ng isa sa may-ari ng school namin. Si papa, half-Korean na nasa Korea lang ngayon, ay isa sa mga co-founder at may biggest share sa South Grisham High School.





Ah! Bukod pa nga pala sa connections ko, I'm a Sahun or a Master! Eighth degree black-belter in Taekwondo. Isang degree na lang, pwede na akong tawaging Grand Master or Sasung. Ang galing ko noh? Ang henyo ko kasi, pogi pa!



And because of that, mas lalong walang pwedeng bumangga saakin.





(¬_¬)






"Uwi na ako mga pre!" Tatlong oras na din kasi ang lumipas nung matapos ang klase namin at tumambay muna kami sa bahay ni Waine.





"Sige Idol! Bukas, sa inyo naman kami tatambay ha!"





"Ha? Wag muna!" May dalawang dahilan ako kung bakit ayaw ko silang papuntahin sa bahay. Una, wala pa silang alam na may kasama na ako sa bahay. Baka mamaya kung ano pa isipin nila. At pangalawa, "Walang pagkain sa ref."





"May bago ba dun? Tamad ka kasing mamili eh. Ang dami mo namang pera, puro noodles lang binibili."





"Lakampake!" Kinutusan ko si Waine. Eh favorite ko noodles eh! Hindi actually, tamad lang talaga ako mamili. "Sige na! Uwi na ako!"





At umuwi na nga ako. Magkapit-bahay lang sina Argel at Waine at ako lang ang nalayo ng bahay. Magsi-six na nang gabi at pagdating ko sa main gate ng village namin, nakita ko si Pangit.





"Oh! Ngayon ka lang umuwi?" May mga hawak siyang plastic bags. Parang nag-grocery yata.





Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuluy-tuloy lang ako sa paglakad. Hindi naman talaga pangit itong babaeng 'to eh. Maganda siya. Ehem... Pero may something kaya  nabubwiset ako pag nakikita ko siya. Ah! Siguro dahil nga sinipa niya ako kahapon sa ano ko.





"Eleazer! Eli na lang tatawag ko sayo ha. Auntie Sam naman ang itawag mo saakin."





"Bakit? Close tayo?" Ewan ko ba sa babaeng 'to. Gustong tawagin ko siyang auntie eh sa ayoko nga!





Pagdating namin sa gate ng bahay ko, "Grabe, heto na naman tayo sa password mo. Nakakakaba pa naman!"





Tinignan ko siya. Ano ba 'to? Taga-bundok? "Watch me." At dahil sa nakakatawa lang na magyabang sa ignoranteng ito, pinakita ko sa kanya ang isa pang kaamaze-amaze na bagay. Tumingala lang ako sa camera at...





"Welcome home, Mr. Eleazer." And the gate automatically opened.





"Thanks, Rinoa." Oo! Rinoa ang ipinangalan ko sa security ko. Crush ko yun sa Final Fantasy eh.





"Wow! Ano yun?" Oh diba, parang tanga lang, naamaze nga siya. "Hindi mo pa naman pinipindot yung password ha! Paano yun bumukas?"





"Ever heard of face-recognition system?" Ay bopols! Hindi nga niya alam kasi biglang kumunot ang noo eh. "Walang ganyan sa inyo? Ay poor. Mahirap. Hampas-lupa!" Basag! Haha! Ang sarap mang-asar.





"Poor nga kami." Tapos nag-pout siya na parang lungkot na lungkot. Nanlulumo pang dumirecho sa bahay.





Medyo na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. But why should I? Pero parang I have this feeling na kailangan kong mag-sorry. Tapos lumingon siya saakin bigla...





"Pwede bang face-recognition na lang din ang gamitin ko?" Kanina lang sad mode siya, ngayon timawa mode ulit. "Ang hirap kabisaduhin nung password niyo eh."





"Ano ka sinuswerte? Asa ka." Tama! Hindi ako magpapaapekto sa babaeng 'to kahit gaano pa siya kaganda o kabait o kainosente... Teka, ano ba 'tong iniisip ko?





Ah basta! Ang isang Eleazer Pascual ay hindi basta-basta naaawa sa kung sinu-sino lang.






٩(××)۶






"Eli, namili ako. Napansin kong wala kasing laman yung ref mo."





"Oh... ano naman?"





"Magluluto ako. Anong gusto mong kainin?"





Ang kulit nito. As if naman gusto kong kainin ang mga lulutuin niya. Baka sumakit pa tiyan ko. Pero para hindi na ako kulitin ng babaeng 'to, sinabi ko sa kanya yung mga pagkaing talagang gusto kong kainin. "Gusto ko ng Samgyeopsal, kimchi at bibimbap." Tinignan ko siya. "Oh hindi mo alam? Pwes, wag mo akong kulitin! Lumayas ka na sa harap ko."





"Ang sungit mo talaga!" Umalis na lang siya at naupo naman ako sa sofa. Binuksan ko yung TV at nanood ng kung anu-ano lang.





Maya-maya, nakaamoy ako ng mabango. Ampupu... yun ba yung niluluto niya? After 1 hour na natatatakam ako sa amoy ng pagkain, tinawag ako ni Sam... Sam yung name niya diba?





"Hmmmm... ang sarap nito! Eli, gusto mo?"





Lumapit ako sa lamesa at nakahanda na yung pasta. Napalunok ako, ang tagal ko din nagtitiis sa instant noodles eh. Pero hindi ko pinahalatang gusto kong kumain. "Yan lang? Wag na!" Please pilitin mo ako. Pilitin mo ako.





"Ayaw mo? Eh di wag! Ikaw din."





Argh! Pero nagugutom na ako. "For the second thought..." Naupo ako sa harap ng lamesa. "Since nakigamit ka ng kitchen ko, sige titikman ko ang niluto mo." Naglagay ako ng pasta sa plato ko at susubo na lang ako, nakatitig pa siya saakin.





"Masarap?"





"Pwede na... wala namang lason 'to diba." Langya! Ang sarap pala magluto ng babaeng 'to! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kumain na ako ng marami.





Kumain na din siya nang nakangiti. "Pwede namang sabihing masarap."





"Wala nang cheese?" Tinanong ko dahil mas masarap 'to kung maraming cheese. Naglabas naman siya ng plato na may grated cheese na. Wow! Ready!





"Favorite mo ang cheese noh? Bukod kasi sa noodles at dalawang bote ng mineral water, puro cheese lang ang nakalagay sa ref mo."





Tumango lang ako sa kanya. Good boy muna ako since pinakain niya ako ng masarap.





After namin kumain, napag-isipan kong sabihin sa kanya ito, "Sam!" Lumingon siya saakin. "You should cook for me from now on. Para naman maging useful ka."





Sinimangutan naman niya ako. At dahil masyado siyang dense, alam kong may binabalak 'to. "Ikaw ipagluluto ko? Hmmmmm... If you say 'Please Auntie Sam' sige papayag ako!"





Tinitigan ko siya, bakit ang feeling niya! "Well, I'm not asking you, I'm ordering you... SAM!" At diniinan ko ang pagkabanggit sa name niya.





"Eh di walang pagkain!" Tinalikuran niya ako at dahil sa asar ko sa tigas ng ulo niya, tinulak ko yung likod niya.





Napaluhod naman siya at parang naiiyak. OA lang ng reaction! "Ouch... Why did you do that!" Parang namimilit siya habang nakaluhod pa rin at nakahawak sa likod niya.





"Weh! Ang OA." Pinalo ko ba siya? Parang... pero hindi naman ganun kalakas para umarte siya ng ganyan.





Hindi ko na sana siya papansinin dahil hindi ako pumapatol sa mga ganyang acting, but I realized that she was serious when I saw a blood stain from her back.





"Ampness! What did I do?" Nagpanic ako at nawala sa isip ko that she's a girl dahil itinaas ko agad yung t-shirt niya para makita kung ano yung dumudugo sa likod niya. May sugat nga siya sa  na nakabalot pa ng benda. Ang it was bleeding, bleeding all because of me.





m(><)m






"I got stabbed five days ago. Kaya nga ako nakikisiksik ngayon dito because of that incident. Buti na lang hindi ganun kalalim... Ouch!" Ikinukwento niya yung mga nangyari sa kanya habang nakaupo siya sa upuan. Nakaupo naman ako sa sahig at ginagamot ang sugat niya.





Wala sa tipo ko ang gawin ito, okay! Potek, guilty lang ako kaya ko siya ginagamot. "Sana sinabi mo na agad." Tapos medyo na-curious ako sa iba pa niyang sugat. "Yan lang ba sugat mo? Baka may iba pang dumudugo dyan."





Ngumiti naman siya, yung nakakabwiset at pang-asar na ngiti. Na feeling niya maganda tignan, hindi naman! "Uy! Na-guilty siya! You care about Auntie Sam na noh?"





Diniinan ko yung pag-apply ng bulak sa sugat niya, at napatili siya. "You know what? Since ginamot ko ang sugat mo, it leaves you no choice but to cook for me. Gets?"





She looked down at me, at nung nagkatitigan kami, I felt guilty again dahil sa ginawa ko. Pambihira! Ano ba 'tong nangyayari saakin! "If you just call me Auntie Sam, eh di kanina pa ako pumayag."





Ah! Okay! Sige pagbibigyan ko na nga 'to para matigil na! "Please... Auntie Sam." I showed her my best sexiest smile, yung ginagamit ko sa mga chicks. Walang nakakatanggi nun eh. Ang gwapo ko nga kasi!





"Awwwww!!! You're so cute!" Kinurot niya ang pisngi ko and I was left dumbfounded! What the heck! "Sige na, ipagluluto na kita."





Tumayo ako at umiwas na lang ng tingin sa kanya. Para kasing umakyat yung dugo sa mukha ko, ewan! Parang ganun! "Simpleton!" Nagulat siya sa sinabi ko, then I walked away. Binatuk-batukan ko ang sarili ko. Nakanampucha Eli! What's your problem! Argh!





 (◐.̃◐)



End of Chapter 3









3 comments:

  1. hahaha

    'Please Auntie Sam..'
    ayyyyiiii may pa-ganun ganun pang nalalaman. ^^,

    ReplyDelete
  2. ayyyyyiiieee ang ganda super nakakaadik sarap ulit ulitin ADIK MUCH ..

    nakakaiyak yung dulo pero ok lang OVER PROTECTIVE masyado si ELI kay AUNTIE sam niya haha:))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^