EPILOGUE
(SAMIRA ALMIREZ POV)
After the incident, wala daw akong malay for almost two weeks. 50-50 daw ang naging condition ko dahil sa pagkaubos ng dugo ko pero nakaligtas naman ako.
Dahil sa inabot ng ilang linggo ang pagpapagaling ko, hindi na ako naka-attend ng graduation ng South Grisham. Hindi ko tuloy sila nakita nung kunin na nila yung diploma nila.
“Sam, sigurado ka bang kaya mo na?” Tanong saakin ni kuya Rico. Siya kasi ang nagda-drive ngayon ng sasakyan. I just got out from the hospital.
“Yeah. Kaya ko na ‘to.”
Kasama namin sina Waine at Argel. Kinuwento nila saamin kung paano kami nailigtas noon sa mga kamay ni Cyler. Nung nakipag-agawan daw ng baril si Kian, saktong dumating na yung mga pulis kasama si Kyle.
Wala nang nagawa si Cyler nun kundi sumuko dahil na din sa pakiusap ng kapatid niya. Sa ngayon, nasa kulungan na siya at matindi ang kasong kaharap niya. Si Kyle naman, nasa pangangalaga ng DSWD.
“Nandito na tayo.”
Nakatingin ako sa labas ngayon. Napakalawak nung lugar. Bumaba na ako sa sasakyan at nagprisintang naman sina Waine at Argel na samahan ako.
“Kayo nang bahala sa kanya. Dito na lang ako magbabantay sa sasakyan.”
Tumingin naman ako kina Waine. “Tara na. Hinihintay na ako ni Eli.”
Nginitian lang nila ako at sabay na kaming naglakad.
Ilang sandali pa, nakita ko na si Eli.
Nandun siya, naghihintay sa may gitna.
*sniff… sniff*
Hindi ako iiyak. Hindi…
“Narito na tayo Sam.”
Tahimik lang akong nakayuko. Nakatitig sa kung saan nakapwesto ngayon si Eli.
Eleazer Pascual
February 03, 1993 – April 06, 2012
He was a man who stood strong in protecting his loved one.
He gave his all and now he is gone, but never forgotten.
We will always love you.
Napatakip ako ng bibig ko habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko. I have cried enough. Natutuyo na ang mga mata ko. “Mas maganda pa yung ginawa niyang epitaph para kay Rinoa noon noh?” Idinaan ko na lang sa biro.
Inakbayan naman ako nina Waine at Argel. “Ang duga nga ni Idol. Dapat ako ang aalis eh, inunahan pa niya ako.”
“Dapat binugbog niyo siya. Diba yun ang usapan niyo? Walang iwanan.”
And we tried to laugh… pero ang plastic lang pakinggan.
“Tulad mo Sam, ikaw lang ang hinahanap niya hanggang sa huling hininga niya.” Argel whispered.
I just smiled. And a few moments later, iniwanan na nila akong mag-isa.
I sat down beside him. Tapos hinawakan ko yung carvings dun sa tombstone.
“Hindi man lang kita nakita ulit, ang duga mo!” I was even one week late nung ibinurol siya. “Kaya ba hindi mo ako pinatawid dun sa panaginip ko hah? Kasi ikaw ang balak mang-iwan…”
Kahit masikip sa dibdib, pinilit kong wag tumulo ang mga luha ko.
“Paano naman ako Eli? Ano namang gagawin ko ngayong wala ka na? Hindi ka man lang nagpaalam… hindi mo man lang ako hinintay magising.”
Pero kahit anong pagpipigil ko, kusang tumulo ang mga luha ko.
“Bakit ka namatay? Bakit mo rin ako iniwan…Eli?”
Gusto ko siya ulit yakapin.
Gusto ko siyang makita.
Gusto kong sabihing mahal na mahal ko siya.
At…
“Hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala ka.”
* * *
Ilang minuto lang din umalis na kami dun sa sementeryo.
Pupunta na kami sa Sierra Grisham Village, pabalik sa bahay ni Eli.
Pagdating namin dun, sinalubong na ako agad nina Sheena at Raffy.
“Sam… condolence.”
Halata sa boses nila ang awa saakin. Tinanguan ko na lang sila at pinilit kong ngumiti.
Pagpasok ko sa loob, nakita ko na rin si Sunmi kasama ang papa nila ni Eli. Bumalik sila papunta dito after knowing the bad news about his death.
“Unnie…” Namumugto ang mga mata ni Sunmi. Niyakap lang niya ako ng mahigpit and I heard her sniff.
“I’m sorry…” Waine was also behind Sunmi’s back. Kino-comfort niya ang girlfriend niya. Napaka-sweet na boyfriend.
“No. I’m sorry.” Everyone present in this house share the same feeling. Naglalamay pa rin ang lahat sa pagkawala ng isang mahalagang tao sa buhay namin.
“Samira…” Lumapit naman saakin si Appa. Ang daddy ni Eli.
We just comforted each other. “I knew my son was in loved with you the first time I saw the both of you together.” Napa-smile ako sa sinabi niya. “And I know that wherever he is right now, he’ll be watching over you.”
“He’ll be watching over us, appa.”
“Umm, appa, I think we should tell her na rin.”
“Tell me what?”
“There’s this box we found at Eli’s room. And we believe that belongs to you.”
“Nandun yun sa kwarto, nakapatong lang sa kama niya, unnie.”
=====
I went upstairs alone. Pumasok ako sa kwarto ni Eli and closed the door.
Tinitigan ko lang ang buong kwarto niya. As usual sa maarteng si Eli, ayos na ayos ang mga gamit niya.
Then napatingin ako sa box na nandun nga sa kama. I went close to it at naupo ako sa malambot na kama niya.
Kinuha ko na yung blue box at binuksan ko yun.
Napa-smile na lang ako sa mga nakita ko.
There was an envelop full of pictures of me while I was asleep. “Kelan niya kinuha ‘to?” Binilang ko yun, 36 lahat. Ang dami! Lahat puro mukha ko habang natutulog! Naka-focus pa! (A/N: See CH.10)
Napansin kong may nakasulat pala dun sa envelop.
“Si Sam habang natutulog matapos niya akong bantayan nung nagkasakit ako. Tulo-laway noh. XD”
Sira-ulong lalaki! Hindi naman ako tulo-laway! Natawa tuloy ako!
Then may another envelop akong nakita. Kelan pa nagtabi ng ganitong stationary si Eli? Napailing na lang ako.
Pagbukas ko may nakasulat dun, “A Secret Letter” by Eleazer Pascual.
Nung binasa ko, it was actually a poem… written for me?
“Sa umaga, ikaw agad ang hanap ko, dahil ikaw ang taga-handa ng breakfast ko.
Mahirap mang aminin pero yun ang totoo, Na Auntie nga kita, at nephew-in-law mo lang ako.
Sorry kung hanggang dito lang ang maibibigay ko, Na hanggang dito lang ang relasyon nating dalawa.
At siguro nga hindi mo na rin dapat ito mabasa, Dahil alam kong pwede lang kitang masaktan.
Sam, hindi kita kayang pasayahin. Lalong hindi ko kayang mahulog sa'yo.
Gusto kita, yun ay sobrang imposible! At wala na akong pwedeng ibigay pa sa kwentong ito.”
So ang ibig bang sabihin nun, matagal nang inaasahan ni Eli na walang magandang ending ang kwento namin? “Loko ka talaga Eli!!! Bakit ba ang adik mo! Pati ganito ginagawa mo…” Pero nagkamali naman siya with one thing, minahal naman niya ako.
Napabuntong-hininga na lang ako and I kept on looking inside. Maraming abubot, hindi ko akalaing pinagtatago pala ni Eli yung maraming bagay na may kinalaman saamin. Mula sa mga resibo, balat ng candy at kung anu-ano pa!
Saka ako nakakita ng USB. Matagal akong nakatitig doon bago ko naisipan na alamin na rin kung anong laman nun. I opened his computer at nakakatawa lang dahil yung wallpaper ng desktop niya ay picture naming dalawa. “Kaya pala ayaw niyang ipagamit itong computer niya.”
Isinaksak ko na yung USB at tanging laman lang nun ay mga recorded videos. Mapanood nga.
“Hay nakakainis talaga!!! Alam mo yun Rinoa, hindi na tuloy yung date namin!!!” Uwaaahhh!!! Napapanood ko ngayon si Eli na nandun nakatayo sa may gate at kausap si Rinoa. It was a recorded video nung 03-14-2012 around 7 AM. Nung Valentines Day! “Bwiset kasing Kian yun eh. Ayaw maniwala ni Sam na may gusto sa kanya yung mokong na yun! Hindi pa ba siya naniniwala sa instinct ng isang Idol? Aish!!!” Tapos napakamot na lang siya sa ulo niya at sinipa yung gate.
“Pffft…” Nakakatuwa namang panoorin si Eli.
“Sayang tuloy yung surprise ko sa kanya para mamayang gabi! Sayang talaga Rinoa!” Surprise? “Sasabihin ko na sana na I just got accepted dun sa Edinham! Na pag-college ko, sa same university na kami papasok!”
“What…?” Hinalungkat ko yung box at nandun nga yung enrollment papers niya for Edinham! I felt something pricked my heart. So balak pala ni Eli na pumasok rin sa Edinham just for the chance to spend more time with me.
Nagsisimula na namang tumulo ang luha ko.
Wala na lang ‘tong katapusan!
Wala na lang ‘tong katapusan!
“Bahala talaga siya! Hindi ko na ipapaalam sa kanya na doon ako mag-aaral. Bahala siyang mag-isip kung saan ako magka-college! Hindi ko sasabihin until pasukan! Diba noh, Rinoa? Dapat tinuturuan ng leksyon ang babaeng yun eh.” Don’t worry Eli… I learned my lesson just now.
End of the video.
Pinanood ko pa yung iba. Nakakatuwa lang na ni-compile pala ni Eli ang lahat ng videos na magkasama kami. I was crying while watching those videos na nagpapakita nung mga times na masaya, malakas at buhay na buhay pa si Eli.
Pinanood ko pa yung iba. Nakakatuwa lang na ni-compile pala ni Eli ang lahat ng videos na magkasama kami. I was crying while watching those videos na nagpapakita nung mga times na masaya, malakas at buhay na buhay pa si Eli.
There was even a video nung sumasayaw siya ng Super Bass dance craze ni Vice Ganda. Biruin mo yun! Pero meron din yung kumakanta siya. Yung kantang TRY at STATUE. Those three songs!
When I finally reached the last video, it was dated 12-22-2011 around 11 PM. This happened last year, nung napurnadang confession sana namin kina Kuya at mommy niya tungkol sa secret relationship namin.
But what was this video all about?
“Yow Sammy… if you’re watching this. Make sure na wala ako sa paligid ha!” Lumingon-lingon pa daw ako sa likod ko. “Ano? Nasigurado mo na bang wala ako?”
“Wala ka na nga dito Eli. Wala ka na sa tabi ko...” Grabe ang mood swing ko ngayong araw! Iiyak, ngingiti. Malulungkot, tatawa.
“Good! Kung sa bagay, alam ko naman na susundin mo ang sinabi ko eh. Na panonoorin mo itong video kapag either nasa labas ako o nakatambay ako kina Waine o Argel. Kasi kung panonoorin mo ‘to habang kasama mo pa ako, mabibigwasan lang kita.”
“Ahaha… timongoloid na ‘to!” Napailing ako sa sinabi niya.
“Anyway, kaya mo ‘to pinapanood ngayon dahil malamang ay suot mo na itong singsing.” Singsing? Anong singsing? “Masaya talaga ako dahil fiancée na kita.”
“Fiancée?”
I paused the video.
Rewind.
And watched it again.
Rewind.
And watched it again.
“Masaya talaga ako dahil fiancée na kita.”
The word fiancée echoed inside my head. At that point ibinuhos ko na lahat ng laman nung box. I searched for that ring he’s referring.
And there I found a small heart-shaped red velvet box.
Hindi na naman ako makahinga.
I opened it at bumungad na saakin yung diamond ring.
And there I found a small heart-shaped red velvet box.
Hindi na naman ako makahinga.
I opened it at bumungad na saakin yung diamond ring.
“Well, alam ko naman na nung nag-propose ako sayo, I gave you no choice but to say yes. Dapat lang noh, ako pa ba tatanggihan mo?”
Napatakip ako ng bibig at hindi ko na napigilan na humagulgol. Gaano pa ba kasakit? Gaano pa ba kasakit itong mararamdaman ko? “Eli...!!!”
He was about to propose to me!
I was about to become his fiancée...
He was about to propose to me!
I was about to become his fiancée...
“Alam kong biglaan. Ginulat kita na kaga-graduate ko pa lang ng highschool, inaangkin na kita agad. Ahaha! Pero kasi, alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama eh. Kaya nga ayokong na maging nephew-in-law mo lang. Kahit maging boyfriend ayoko na! Ang epal kasi nung iba. Gusto ko kasi, engaged na tayo para malaman ng lahat na para saakin ka lang, at ako naman para sayo lang.” He smiled and winked. “Pakershet, this is so gay! Amp! Kaya nga dapat wala talaga ako habang pinapanood mo ‘to.”
Puno na ang mga mata ko ng luha kaya tuluy-tuloy na lang ang pag-agos nito. Napaka-sakit dahil bakit hindi pa pinayagan na maging kami hanggang sa huli?
“But don’t worry Bugal. I won’t give you any reason para pagsisihan mo yung pagsagot mo ng YES nung proposal ko. Kasi nga heto lang yan, W-V-5-S-3-A-O-7-I-7-3. Na ikaw lang ang mahal ko.”
The video stopped there.
And my world also stopped spinning at that moment.
And my world also stopped spinning at that moment.
Nakakabingi yung paligid dahil ang naririnig ko lang, yung boses ko habang walang tigil na umiiyak. At yung malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang sakit.
Isinuot ko na yung singsing sa ring finger ko and it was a perfect fit. “Yes Eli… my answer will always be YES.”
=====
Lumipat na ako sa ibang apartment ngayon. Secure naman yung place so there's nothing to worry about. Bukod doon, nasasandalan ko naman yung mga kaibigan ko eh.
A few days later, I’m still in loved with Eli.
Forever na akong in loved sa kanya, hindi na ako makakamove-on doon.
We’re engaged at hinihintay ko na lang yung kasal namin.
Kung kelan yun, I’m willing to wait until we meet again.
“Nandito na po kami!”
“Pasok kayo!”
“Hi Tita Pia.”
“Hello! Ang gagwapong mga bata talaga nito!”
Sama-sama naming dinalaw sina Ate Pia. Kasama ko sina Waine at Argel, si Byron, at sina Sunmi, Sheena and Raffy.
Nanganak na kasi siya. Nung namatay si Eli, everyone was also worried for her dahil kabuwanan niya na yun eh. Fortunately, naging maayos naman ang lahat.
Sa livingroom.
“Kelan nga ba ang alis mo Waine papuntang States?”
“Next week na po.”
Agad namang lumabas yung mga girls mula dun sa kwarto ng baby. “Here’s the baby!!!”
Tapos pinagkaguluhan na naming lahat yung baby ni Ate Pia. Lahat kami, excited!
“Wow! Nakuha niya yung ilong ni Kuya Rico!”
“Ahahaha! Talaga?”
“Oo. Tapos yung labi ni Ate Pia.”
“Syempre naman!”
“Wiiiiiiihhh!!! May dimples din siya!”
“Eh yung mata kanino nakuha?”
“Singkit eh.”
“Nagmana siguro kay Eli.” Napatingin silang lahat saakin. “Oh bakit? Singkit naman si Eli diba. Parang ganyan.” Then I smiled. Oo, nagagawa ko na ring ngumiti.
Kahit hindi na ako makakamove-on sa pagmamahal ko kay Eli, I still have to move-on with my life. Alam ko naman na hindi gugustuhin ni Eli na masira ang buhay ko.
“Ang gwapong bata ng baby niyo Tita Pia. Panigurado lalaking katulad ‘to ni Idol! Habulin ng mga babae.”
“Pero wag lang sana siyang magmana sa kasungitan ni Idol.” Tapos nagtawanan lang kami.
Isa-isa nang pinagpasahan yung bata. Lahat excited na mabuhat ang baby nila Kuya Rico.
When it was my turn to finally carry the child, “Kaya mo na ba? Yung sugat mo sa likod.”
“Kaya ko na Kuya. Dali excited na akong buhatin siya.”
There was an undescribable feeling of happiness when I held the child in my arms. “He’s a boy. Diba sabi niyo noon kapag lalaki, isusunod niyo sa pangalan ni Eli?”
“We want you to name him Sam.”
I’ll be the happiest. “Kung ganun…” I looked at the baby. Nakakatuwang titigan ang maliit at cute niyang mukha. “Eleazer… Eleazer din ang pangalan niya.”
They agreed.
And they all smiled at me.
They agreed.
And they all smiled at me.
This is what life is all about.
“Eleazer, ako ang auntie mo.”
Not all the time you get a perfect happy ending.
“I’ll be a better auntie to you. ” Saka ako napatingin sa suot kong singsing. “At hindi lang ako ang magbabantay sayo kundi pati si Kuya Eli mo dun sa heaven.”
And in every ending, there’s always a new beginning.
Our story ends here.
While this is the beginning of something new.
Everyone,
meet Eleazer Almirez.
My new nephew-in-law.
~The End~
.
.
.
.
.
.
.
?
You MUST read this
|
|
V
Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21
Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27
Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33
Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
Chapter 40 | Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45.1
Chapter 45.2 | Chapter 46 | Chapter 47 | Chapter 48 | Chapter 49 | Chapter 50
EPILOGUE | EPILOGUE 2 | Secret Letter by Eli | Samira's Dream | Sunmi's Past
Planning a Confession | Identity Crisis | Babyloves? | Four Nights of... Love?
ate grbe ang luha q!!!!!!!!!!! bakit! bkit?????? uwaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!
ReplyDeletende q maexplan ang skit nung nmatay c eli!!!!!
tapos biglng ganunnnnnn!!!!!!!!!!!! prang nmatayan din aq ng mhal s buhay! uwaaaaaaahhh!!!!
peo bgo aq ngcommnt, binasa q muna ung SCH9!!!! kkgulat nmn tlga!!!!! ate, kulng n lng atakihin aq s puso s mga gingwa mo!!!! nde dpat aq mag-internt ngaun kxo e2 n nkita q!!!!
doble commnt q 4 diz dhil dlwa ung upd8 mo.
peo ang commnt q tlga s sad ending, nkkayiyak tlga! hmp!!!! naubos q n halos ung tissue nmin s bhay!
ate Aegyo naman ehh !!! binaha na ko ng luha dito sa room ko !!! bakit sya namatay !! ansaket !!! nun ehhh.. waaahh Eli wag kang mag alala susunud daw si samira hahaha.... sa heaven nalang kayo magpapakasal...
ReplyDeleteparang susundan to no Eleazer Almirez ahhh ... hehe
gotta read Special Chapter 9 !!
naiiyak ako at the same time nakakatouch!
ReplyDeletepero gabundok na ang tissue na nagamit ko nung nalaman ni sam na magpopropose pala sana si eli! oh my!!! pero ang favorite part ko is yung sinabi ni sam na engaged sila at naghihintay na lang sa kasal! hindi na tumigil ang luha ko simula pa lang dun sa nakita ni sam yung tombstone sa libingan ni eli! T_______T
aegyo naman!!!! sobrang iyak namin dito.. ayaw ko ng ending na to!!! huhuhuhu... speechless...
ReplyDeletenawala ang sadness momentum ko dahil sa signal na nawawala na lang bigla ayan tuloy ang mahabang emote lo ewn ko kung na-post.. tsk tsk.. babasahin ko ulit to!
ReplyDeletegrabe iyak ko dito tipong hirap tanggapin na mgging sad ending pla kahihitnatnan ng lahat.. hayss. super relate! walang magagawa kundi ibaon nlng sa limot ang lahat kahit sobrang sakit..
ReplyDeletedi ako nakatulog kagabi kakaiyak! paggising ko kanina umaga tulala lang ako.. walang ganang kumain kahit pa ilang beses na kong tinatawag ng mama ko.. aegyo naman!! bakit kasi may sad ending option? huhuhuhu
ReplyDeletekahit ako hindi ko alam kung bakit may nasulat akong sad ending. kasi gustung-gusto ko lang yung concept na naisip ko sa epilogue na 'to eh. pasensya naman! XD XD XD
Deleteat saka gusto ko lang talaga mag-try ng sad ending. para maiba naman.
pero hayaan mo kapag na-post ko na yung version 2, pasasayahin kita! ^___^
waaaaaaaaahhh! bkit ngppaiyak k ng gan2?????
ReplyDeletekggling p lng nmin s byahe nag check aq agd ng blog at e2 n nbsa q! huhhuuuuhhhhuuuu!!!
bkit nmtay c eli?????? ang skit-skit tlga!!!!!!!!!!!!
prng nmtayan din aq ng boyfrend dhil s gnwa mu miz aegyo!!!!!!!!
while i'm reading this epilogue naramdaman ku na lan pumatak ang luha ku ... sabayan pa ng pakikinig ku ng sad song sa radio ... bakit eli iniwan mu si sam ...!!ayan tuloy super sad nia ... huhu ma-mimiss rin kita papa eli ... huhu
ReplyDeletegaling ni author ... :)))
GRABEH NAMAN,,,GRABE!!!!!huhuhuhu,,,sad sad sad....nakakaiyak!!! bakit ka nangiwan eli...bakit??
ReplyDeleteATE NAMAN I! BAKIT MO PINATAY SI ELI!?! HUHUHUHUHU. grabee NARARAMDAMAN KO TALAGA YUNG SAKIT ! TSK TSK. pag mag kasakit ako sa puso ikaw talaga sisisihin ko! HUHUHUHUHU> Eliiiiiiiii BUMALIK KA PLEASE ! HUHUHUHU
ReplyDeleteI still feel the pain, kahit pa-ulit ulit kong basahin nakakaiyak pa din eh!! This felt so real.. you're a very good writer aegyo ^^ ayan na-appreciate ko na, nakaka-move on na kasi ako :D dinaig ko pa si sam magluksa! Paano ba naman, kung ako kay sam nag-suicide na ko, hahahha.. ang tapang nya at ang daya ni eli. mas mahirap ang maiwan kaysa ang mang-iwan.. hay aegyo.. matatapos na ang kinabaliwan kong my nephew in law, :( anyway, I'm waiting for the happy ending, though wala naman talaga end ang buhay unless mamatay ka which is hindi pa pwedeng mangyari kay sam and eli ^^ cheers to eli and sam, sunmi and waine, argel and raffy, byron and sheena and syempre kay kian. anu na nangyari sa kanya? I'll missed you all and forever na ang story na to sa heart ko ^^ thank you sa magaling na writer - aegyodaydreamer. :)
ReplyDeleteNgayon lng ako mag co-comment ng mahaba dito sa PF. Hindi ko lng talaga mapigilan na hindi mailabas ang nararamdaman ko sa story na 'to lalong lalo na sa epilogue. Sobrang sakit sa pakiramdam na malamang patay na si Eli. Ang tagal-tagal kong sinubaybayan ang kwentong ito and masakit isipin na mawawala lng bigla si Eli dahil lng sa walang kwentang si Cyler! Sobrang naaawa ako kay Sam kasi parang nararamdaman ko din kung anong nararamdaman niya. Di ko napigilan ung luha ko nung nabasa ko ung epilogue. Feel ko nga, parang namatayan din ako ng boyfriend. Ang sakit talaga ng update na 'to. Hindi pa din ako maka get over hanggang ngayon. Shocks Eli! Kung nasaan ka man ngayon, sana nman hindi mo iniwan si Sam ng ganun-ganun na lng! Madaya ka! Pati kaming mga readers iniwan mo rin!
ReplyDeletePero i'm looking forward sa version 2 ng epilogue. Malakas ang paniniwala ko na hindi lng dito magtatapos ang lahat. Alam kong babalik si Eli! Sana bumalik siya! Hindi ko kaya na hindi na ulit sila magkakasama ni Sam! Tirahin mo na ang version 2 ng epilogue Aegyo para matigil na ang lungkot ko! Pleaseeeeee.....
I love you so much Eli! Kung saan ka man dinala ng author, alam kong babalikan mo rin si Samira!
ima-marathon ko 'to kapag natapos na. Hindi ko 'to kayang palampasin!
huhuhuhuhuhu!!!! Eli!!!!!!!!!!!!!!!!
GOSh ate aegyo !! di ko ineexpect na mapapaiyak mo ako ng ganito !!!!
ReplyDeletethe best tong story na to !!! super ...
i wont forget this story ...
this story makes me, happy, super kilig, super tawa sa kulitan .. at most of all this makes me cry as in CRY ng CRY (T.T) ..
thanks for this story ate aegyo :)
Bakiiiiiit???! Todo iyak ako nito sa bahay. Pinagtawanan pa ako. The best to! :'D ganda super! Wooh. KInilig ako kala ko tapos na. :) thanks sa story ate aegyo <3
ReplyDelete