Monday, November 21, 2011

My Nephew-in-Law : Chapter 11

CHAPTER 11
(SAMIRA ALMIREZ POV)







"In love ka na saakin eh."




Anak ng tipaklong! Simula nang gumaling si Eli, lagi na niyang line yun. Nakakahiya dahil parang ewan lang din ang reaksyon ko sa tuwing babanat siya ng ganun.




"Sige Sam, kapag inamin mo saakin ngayon yun, kakalimutan kong incest yun! Bwahahaha!"




"Kapalmuks mo din Eli!" Nahihiya ako! Hindi tuloy ako makatingin sakanya ng direcho. Nakasinghot yata ng mabahong medyas ang lalaking 'to eh. "Alam mo feeling ko ikaw ang may gusto na saakin eh."




Tapos tumigil siya sa pang-aasar at pagtawa niya. "Feeling mo lang yun... pero bakit? Ayaw mo ba... kung sakali?"




"Si... sira ulo!!!" Nagwalk-out na lang ako. Lagi na lang akong asar-talo sa kanya. Sino ba naman kasing babae ang hindi mako-conscious kung sasabihan ka ng ganun! And to think na kaming dalawa lang ang nakatira sa iisang bahay!



Nagtago na lang ako sa kusina, kasi parang nagba-blush na ako. Pag nakita nanaman niya ako, katakut-takot nanamang pang-aasar ang gagawin niya.




Maya-maya, narinig kong kumakanta ang mokong habang nakikinig sa iPod niya.


"If i walk, would you run?
If i stop, would you come?
If i say you're the one, would you believe me?"




Tapos parang ewan, bigla siyang tumingin sa direction ko. Nakakaloko na talaga siya!!! "Ganda ng boses ko noh... nakaka-inlove ba?"




"Tssss..." Nag-roll eyes lang ako, pero infairness, maganda nga ang boses niya!!!




Natahimik siya sandali, tapos tinuloy lang din yung kanta niya...




"It's time for us to make a move cause we are asking one another to change
And maybe i'm not ready

But I'll try for your love
I can hide up above
I will try for your love
We've been hiding enough"




Argh!!! Matagal ko nang alam yang kantang yan, kaso ngayon ko lang parang naa-appreciate yung song. Tinuloy niya lang yung pagkanta, tapos minsan nagha-hum lang siya. Hanggang sa mapunta na siya dun sa last part ng song...


"If i walk would you run
If i stop would you come
If i say you're the one would you believe me"



Natahimik lang kami pareho. Sige na!!! Siya na maganda ang boses! Try niyo din pakinggan yung kanta... at ewan ko na lang kung hindi niyo ma-imagine si Eli...



(A/N: Yung kanta pong kinakanta ni Eli ay "TRY" by Asher Book, from the movie "Fame". I recommend you listen to the full song. Pero kung tinatamad naman kayo, panoorin niyo na lang 'tong scene na 'to dun mismo sa movie.)







ͼ(ݓ_ݓ)ͽ






Katatapos lang namin mag-lunch ni Eli, at dahil sa trip niya kanina, na-LSS tuloy ako sa kinakanta niya.




Buti na lang nalipat ang atensyon namin nung may pumasok bigla sa bahay. As usual, sina Waine at Argel na hindi alam ang salitang 'katok-muna-bago-pasok' o 'pasabi-muna-bago-dalaw'.




"Hello mga Idols!!!"




"Hello!!!" Nag-apir kaming tatlo, pero hindi lang sila pinansin ni Eli.




"Nandito na naman kayo?" Teka, linya ko yun ha! Si Eli na ang nagsabi?




"Kayo ha, napapansin kong pareho na kayo ng mga linya ni Sam." Uy!!! Napansin pala ni Waine!




"Oo nga!!! Baka may something na Waine!!! Alam mo na, nung inalagaan ni Sam si idol nung may sakit siya, may nadevelop!"




"Ahahahahahahaha!!!"




"Pumunta lang kayo dito para umepal!" Sinupalpal bigla ni Eli ang pagmumukha nila. Ang sadista talaga nito! Pero okay lang naman sa kanila ang magsakitan eh, wala namang pikunan.




"Bakit nakaka-abala ba kami?"




"Wag niyong sabihing... nagkaka Eli-byuhan na kayo..."




"ULUL!!!"




"LOL!" ANg kulet din ng dalawang 'to! Pero mabuti na rin na nandito sila, para matigil sa pangbu-bwiset 'tong si Eli. Time naman para siya ang mapunta sa hot seat ng kalokohan ng mga kiabigan niya. "Anyway, since nandito tayo, tawagan ko na rin kaya si Byron."




"Wag na!!!" - ٩(××)۶ At talagang sabay-sabay silang nagsabi.




"Kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan eh."




"At tsaka, dumudugo utak ko sa mga sinasabi niya."




"Pfft... gusto niyo turuan ko kayong magsalita nun?"




Syempre alam ko namang hindi sila papayag! Kema-macho at kega-gwapong lalaki tapos maririnig mong magsalita ng ganun diba. Baka isipin pa ng iba na bekimon sila! Ahahahahaha!!!




"OH SIGE!!!" Ha... ano daw? Talaga bang gusto nila?




"O ako muna!!! Magagamit naten 'to against kay Sir Kulot!" Ah kaya pala gusto nilang matuto para sa kalokohan nila laban sa terror nilang adviser! "Ano yung... Hindi ko alam at wala akong pakealam!"




"Hmmm.... Malaysia at Pakistan!"




"Ha?"




"Malaysia at Pakistan! Malay ko, paki ko? Na-gets niyo?" Yun yung naalala kong itinuro din saakin ni Byron ha!




"Ahh..." Parang malaking kalokohan yatang nagtu-tutor ako sa kanila eh. Dapat si Badessang Byron ang nandito! "Ay eto naman! Para sa mga babyloves ko!!! Ano yung... Pwedeng makahingi na kiss?"




"Ano ba yan Argel!!! Ang manyak mo talaga!?




Natawa ako, pero alam ko din yun. "Pwedeng makipag-lapchukan?"




"Ha!!! Lapchukan? Sige Argel, sabihin mo yun sa mga babyloves mo, tignan natin kung makipag-lapchukan talaga sila sayo! Ahahahahahaha!!!"




"Ang sagwa naman Sam! Wala ka na bang ibang term na alam?"




Meron pa akong term na alam!!! "Leptolelang...? Kiss din yun!"




"Ahahahahahaha!!! Ang baho lalo!!!"




"Teka, wala ka bang alam na mas nakakatuwa? Dali ituro mo!" Aba, si Eli mukhang na-excite bigla! May naisip tuloy ako bigla!




"Meron! Tinuro saakin ni Byron 'to... napanood niya daw saisang gag show sa TV... pinoy game, gusto niyong laruin?" Please um-oo kayo!!! Nakakatuwa 'to kapag ginawa nila!




"Sige... ano ba yun?"




"Walang bawian ha!" Tapos tinuro at pinakabisado ko na sa kanila yung song. Game naman masyado yung tatlo! Ahahaha!!! I can't believe it!!!




"Okay game!!! Bato-bato pick muna! Around the house lang!"




Nagtinginan kaming apat, ang matatalo kasi, siya yung magiging taya at kakanta ng tinuro kong Bekimon version ng isang sikat na pinoy game.




Parang wala pa sa kanila ang gustong magpatalo, ayaw magsikanta. "Bato-bato pick!!!"




"ELI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! AHAHAHAHAHAHA!!!" Bato kasi yung kay Eli, at papel naman ang saamin nina Waine at Argel.




"NAKANAMPUCHA NAMAN OH!!! DUGA 'TO!!!"




"Wag kang pikon! Dali! Kanta na! Magtatago na kami!" Oh yes! You heard it right!!! Maglalaro nga kami ng tagu-taguan!




Pinipigil lang namin yung tawa namin eh... lalo na ako!!! Ilang sandali pa, narinig ko nang kumanta ang gwapo kong pamangkin.




"Shogu-shoguan
ning ning galore ang buwan
pag-counting ng krompu
naka-shogu na kayey
Jisa, Krolawa, Shotlo, Kyopat, Jima, Kyonim, Nyotert, Walochi, Syamert, Krompu!
Mga beki, andetrax na si atashi!!!"




Pag-lingon na ni Eli...




"AHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Hindi na kami nakapagtago dahil pinakinggan lang namin siya! Hindi ko akalain ganito siya kadaling utuin! "AHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"




Ang sakit na ng tyan ko! Kanina "TRY" lang ang kinakanta niya, ngayon naman "SHOGU-SHOGUAN!"




"Anak ng!!! Argh!!!"




(≧◡≦)





Heto na yata ang karma ni Eli eh. Napag-tripan na, napakanta ko pa ng Shogu-shouguan. Asar-talo naman ang timang nang atakihin niya sina waine at Argel! Magaling lang sa taekwondo ang tapang na!



"Four knuckle strike! Yahhh!" Feel na feel niyang sinigaw nang sikmuraan niya si Argel.



"Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay~" - (╥﹏╥)  At namilipit ang kawawang Argel.



"Elbow Strike!" At siniko naman niya si Waine.



"Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay~" - (╥﹏╥)  At namilipit din ang kawawang Waine.



"Hoy ang sadista mo na Eli ha!"



Tapos tumingin siya saakin, potek naman nakakatakot siya! "Auntie Sam, gusto mo ng tornado kick? Reverse turning kick kaya? O Spinning side kick na lang! Pili ka!"



"Walang ganyan Eli! Wag mong mong sabihing pumapatol ka sa babae." - (ό_ὸ)



"Pumapatol nga ako." Tapos sandali pa, parang hinahanda na niya yung foot stance niya. Matatadyakan yata ako nito. Dali Sam!!! Isip ka ng self-defense...



"80% lang 'to Sam... makakatulog ka agad!"



"Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"



"Ha?" Napatingin sila Waine at Argel saakin nang mapatumba ko si Eli na namimilipit sa sakit. "Anong nangyari?"



"Arghhhhh... changgala kang babae ka!!!" - ٩(×_×)۶



Guess what... kesa ako ang saktan niya, inunahan ko siya at sinipa ko siya dun sa ano niya. Ni-disable ko lang naman ulit ang reproductive system niya.



"Idol Sam!!! Thank you!" - ͼ(ಥ)ͽ




Niligtas mo kami!!!" -  ͼ(ݓݓ)ͽ



"Amp..." - ͼ(ಠ)ͽ



Nilapitan ko na lang siya, naawa ako eh. "Ikaw naman kase eh... bati na tayo Eli!!! Sige na Eli-byu na ulit."



Natahimik na ang kumag dahil kapag sinubukan niyang saktan ulit kami, hindi ako magdadalawang-isip na basagin siya ulit. "Mangma-manyak ka na lang, mananakit ka pa!"



"Anong sabi mo?"



"Wala!!!" Dapat lang noh! Papalag pa eh. This isn't your day Eli! Ahahahahahahaha!!!




*     *     *



Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan namin, nang biglang may mag-park na sasakyan sa labas ng bahay ni Eli. "Teka sino na naman yun? Pinapunta mo ba talaga si Byron, Sam?"



"Ha? Hindi! Hindi ko siya pinapunta noh!"



Maya-maya, bumukas agad yung gate. Pinapasok ni Rinoa ang isang medyo matandang lalaki na may dala-dalang mga maleta.



"A-beo-ji? (Father?)" Nagulat na sinabi ni Eli dun sa lalaki.



"Tito?" At gulat na gulat din sina Argel at Waine... teka. Tito daw! So ibig bang sabihin, tatay siya ni Eli?



"Eleazer!!!" At niyakap siya nung lalaki. "Anak!!! Jeo-neun dang-sini geuri-woyo! (I miss you!)" Tatay nga niya! Kaso hindi ko maintindihan.




"Yah appa!!! Yeo-giseo mwo-haneun-geoya? (What are you doing here?)"




"Aren't you happy I'm here? I just came back from Korea!"




"Geu-rae-seo? (Yeah, so?)" Sa boses pa lang ni Eli, parang pati yata papa niya, sinusungitan niya.




"Aish!!! Jang-nan-kku-reogi! (You rascal!)" Tapos tinapik niya ang balikat ni Eli. "Don't worry, I won't stay here for too long! I just came back for a business trip in Davao!"




"Jeong-mal? (Really?) Then welcome back appa!!!" Ano kayang usapan yun? Hindi ko maintindihan. Buti pa yung iba jan, may translation.




Tapos napatingin siya kina Argel at Waine. "Boys!!! Hindi niyo ba sasalubungin ang tito niyo?"




Marunong naman pa lang magtagalog! Bakit kailangan pang mag-ala-alien!




"Hello po tito!!! Welcome back!!!" Tapos nag-group hug sila. Na-OP tuloy ako, ako lang hindi nakakakilala sa kanya eh.




Tapos napatingin siya, "Whose girlfriend are you, miss beautiful?" Ay ang bait ng daddy ni Eli! Bakit hindi nagmana ang anak niya sa kanya?




"Mine!!!" Loko-loko talaga 'tong sina Waine at Argel kaya binatukan sila ni Eli.




"Hindi po.. I'm Samira... Almirez...?" Nakakahiya naman kasi. Kapatid ako ng bagong asawa ng ex-wife niya.




Tapos nginitian niya ako. "Ahahaha!!! I know already, I'm just kidding. I'm Eleazer's father, you can also call me your 'Appa'!" Sabay kindat saakin.




"Appa ka jan!" Parang ewan lang yung reaction ni Eli. Bakit ano ba yung appa? Teka... yun yung tawag niya sa papa niya kanina ha. Papa? Tatawagin ko siyang papa?




"Pia told me about you living here with my son. So... how's it with him?"




"Maling sagot mo lang Sam, palalayasin kita."




"As you can see po, ang bait-bait ni Eli."




Tinawanan niya lang kami, ang sarcastic kasi ng pagkakasabi ko. "You're such a nice fine girl. Did I already mention that you're pretty?"




Ahahahahaha!!! MAgakaksundo kami nitong daddy ni Eli! "No tito... sabi mo kanina beautiful... ngayon pretty!"




"Ang korni mo Argel! Isa lang yun!" Nagtawanan kami, sobrang ka-close kasi nila si appa... errr... sabi niya tawagin ko siyang ganun eh.




"Ahem... Appa! Na-reul it-jji marayo! (Don't forget about me!)" Napalingon kami sa isa pang boses na parang kapapasok lang. "Eli oppa! Dang-sini na-bogo sipeo-sseoyo? (Did you miss me?)"




"Sunmi?" Gulat na gulat sila... at lalo ako. Ang gandang babae naman nito, and I bet na Koreana siya sa itsura pa lang niya.




"Jeo dora wa-sseoyo!!! (I'm back!!!)" Lumapit siya saamin, pero niyakap niya nang mahigpit si Eli... wait... eh sino si Sunmi? "Appa's going to Davao, while I'm staying here with you, Eli oppa!" Ang landi ng pagkasabi niya nun.




"Ha... a... ano?" Napatingin saakin si Eli, ano kaya yun!





(⊙.⊙')



End of Chapter 11









1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^